Sunteți pe pagina 1din 70

A Day with You (Dear Highschool book 2)

Written by: MaevelAnne/Anjanette Bernales All rights reserved 2012 Copyright MaevelAnne

No part of this story can be reproduced or can be distributed without further no tice or consent straight from the author. AVOID PLAGIARISM! PLAGIARISM IS PUNISHABLE BY LAW!

Typographies, wrong grammar and wrong spelling is not yet fixed by the author so please bear with it.

Chapter I Muli kong binalikan ang lugar kung saan kami unang nagkita. Kung saan ko nakila la si Natalia. Sa school namin noong 4th year highschool pa lamang kami. Masakit pa ri n para sa akin ang pagkawala nya kahit 5 taon na ang nakakaraan. Niloko kami ni tadhana. Pinagsinungalingan. Trinaydor. Sinaktan. Kung naitama lang sana nya ang mga pagkakamali nya noon kay Natalia . Kung naipakita lang sana nya na tunay ang pagmamahal nya at hindi pagpapanggap lang Ma aring buhay pa hanggang ngayon si Natalia . Maaring kasama ko pa sya ngayon. Sa pagpasok ko sa eskwelahang iyon, umagos ang mga alaala na para bang ilog. Ma y masasaya, may malungkot, may nakakatawa at may nakakainis. Ang walang hanggang paghahabol nya kay Natalia..at ang walang humpay na pagtataray nito sa kanya. Na pakasayang alaala na ang sarap balik-balikan. Pero... Natalia!!! Kakaunti na lang at maabot na nya ito. Kaunti na lang at masasagip na nya ang buhay nito. Kaunti na lang, mabubuhay pa sana si Natalia. Pero... Hindi sya pinagbigyan ni tadhana. Hindi sya nabigyan ng pagkakataong makasamang muli ang babaeng una nyang minahal.

Ang kauna-unahang nagpatibok ng puso nya

Ang babaing ngayon ay wala na

Pinagsisishan nya ang hindi sinasadyang pananakit nya dito dahil na rin sa selo s. Sa maling pagpapakita nya ng pagmamahal dito. Kung mabibigyan lamang sya ng isa pan g pagkakataon upang maipakita dito kung gaano nya ito kamahal Muli nyang pinasok ang kanilang classroom. At muli nyang naalala ang isa sa mga nagawa nya noon Dear classmate, i-aanounce ko lang na ako at si Natalia ay official ng mag-on..k aya sa mga gusto pang mabuhay dyan ng matagal,lumayo-layo kayo sa Natalia ko... Mapait syang napangiti. Sayang... Sayang ang pagmamahalan nila... Sayang dahil sa bandang huli lamang nalaman ni Natalia ang buong katotohanan. WAG NYO SYANG HAHAWAKAN! Sariwa pa rin sa mga braso nya ng malagutan ng hininga si Natalia. Ang malamig na nitong katawan.Ang mga huling kataga nito. K-Kristoff... Wag ka ng magsalita pa, Natalia. Dadalhin na kita ngayon sa ospital! H-Hindi na kailangan pa..." paos na sabi nito. "P-Pagod...na...ako... Natalia! Wag ka ngang magsalita ng ganyan!" nanginginig ang boses nya. H-Halika, ihahatid na kita sa may ospital na malapit dito. Ipapagamot na kita huh? Sinabi iyon ni Kristoff na may ngiti sa labi habang umiiyak. Maging ang mga tao sa aming paligid ay nagsisimula ng pumalibot, at nanunuod sa amin na tila ba isa ka ming produkto

ng ng ng ng na

teleserye. Mayroong ilang umiiyak, may ibang nahahabag. Naririnig ko na rin a mga ingay sirena ng ambulansya. Ang pagkakagulo ng ilang mga tao at medical staff. Akma dadalhin nila si Natalia ngunit nagpapigil ito. Mapait itong napangiti kay Kristoff. S-Sayang...mukhang....hindi...talaga...tayo...ang...nababagay...sa...isa't isa.... Wag ka ng magsalita--Alam ko ang lahat..." putol nito sa sasabihin nya. Alam ko na ang lahat simula pa

lang... Na inosente ka... Na mabait kang tao Na ang tanging gusto mo lang ay mapa sya ako... Siguro naiinis lang talaga ako sa guts mo noon. T-thank you for loving me that m uch... Thank you... For everything, Kris--Pinigilan nya ang sarili sa pagluha. Wala rin namang mangyayari kung iiyak sya. Patay na si Natalia. At hindi na magbabago ang katotohanang iyon. Isang tapik sa balik at ang gumising sa pananariwa nya sa nakaraan. Nilingon nya ang nilalang na iyon. Ikaw si Kristoff Morales hindi ba? Napakunot noo ako nang makilala sya nito. Ako nga. Sino ka? Ngumiti ang binata sa kanya. Napakarefreshing ng itsura nito. Napakabait. Akala mo kung sinong anghel de la guardia. Ako si Kamatayan... Lalo syang napakunot-noo sa sinabi nito. Pinagtitripan mo ba ako pre? Ngumiting muli ang naturang binata sa kanya.

Mukha ba akong nagbibiro? Napatingin sya sa dulo ng magkabilang pasilyo. Sa pagkakaalam nya, sya lang ang may permiso para pumasok sa eskwelahan nila. Outsider ka ano? Ayaw mong maniwala? Gusto mong ipakita ko sa'yo ang karat ko? Mula sa kung saan ay bigla na lamang itong may hawak na karat na gaya ng laggin g hawak ni kamatayan. Wag mo nga akong pinagloloko! Wala akong panahon sa'yo! Kung wala akong panahon,ako mayroon. Aba't talaga namang--Bibigyan kita ng isang pagkakataon upang humiling na maibalik ang isang bagay o tao na pinaka-importante sa'yo... Lalong lumalim ang gitla sa noo ni Kristoff. My telepathic power ba ito dahil n abasa nito ang nasa isip nya? Baliw siguro ito na nag-gate crush sa school nila. Pero paano nya maipapaliwanag ang karat sa kanang kamay nito? Niloloko lang siguro sya ng panin gin. Kanina pa siguro nito hawak iyon. Sasakyan ko nga ang trip ng lokong 'to Ano may gusto ka bang hilingin? sa isip nya.

tanong muli nito.

Oo meron nga...Gusto kong ibalik mo sa akin ang namayapang si Natalia Perez Natalia Perez? ulit nito.

Natalia

Hindi ba at si kamatayan ka? Dapat alam mo kung sino sya. Kilala ko sya. Nasa listahan ko nga sya ng mga sinundo noong nakaraang limang ta on. Klinaro ko lang ang pangalang binaggit mo. Siya ba talaga ang gusto mong ibalik? Oo... Gusto kong muling makasama si Natalia. Pwes, pagbibigyan ko ang hiling mo pero may kondisyon. Ano iyon?" pagtataka nya. Talagang sira nna ang ulo ng taong ito. Masasaktan ko 'to mamaya. Pagkatapos ng 24 oras, kailangan mo na syang ibalik sa akin. At kapag lumagpas k a sa itinakda kong oras, may kapalit iyong malaking kabayaran--Oo, sige na! Basta maibigay mo na sya sa akin! Pumapayag ka ba sa kondisyon ito? Kung iyan ang gusto mo...sige. Sulitin mo ang bawat segundong makakasama mo ang taong pinakamamahal mo. Wag mong sayangin ang pangalawang pagkakataong ito... At sa isang kisap-mata , bigla na lamang nawala ang binata sa harap nya. Inilib ot nya ang paningin sa apat na sulok ng kwartong iyon pero wala doon ang binata. Ngunit, sa pagbaling nya sa isang bahagi ng pasilyo ng palapag na iyon, isang pamilyar na bultong nakayuk o ang nakita nya. Hindi sya makapaniwala sa nakikita nya! Ang buhok nito, tangkad, ang colleg e uniform

nila, parehong-pareho ng kay...Natalia. Nang mag-angat ito ng tingin ay parang n ahulog sa kanya ang isang hindi maipaliwanag na nostalgia. H-hindi...hindi maaari ito... Dahan-dahan syang lumapit sa bultong iyon. Nang mahawakan nya ang magkabilang pisngi nito at maramdaman ang init noon ay bigla na lamang tumulo ang mga luha sa mata nya. "Natalia...Ikaw nga! Natalia..." Bigla nyang niyakap ang kaharap. Mainit ang katawan nito na tila ba buhay ito. Hindi sya nag-iilusyon! Buhay si Natalia! Masaya akong muli kang makita,Natalia! Bigla syang itinulak ng dalaga. S-sino ka? Kilala ba kita, mister?

Chapter II H-indi mo ako nakikilala? gulat na tanong ni Kristoff.

Umiling lang sa kanya ang dalaga. Mababakas sa mukha nito na nagsasabi ito ng t otoo. Gusto nyang manlumo sa narinig mula dito. Nasa malalim syang pag-iisip ng bigla na lamang tumunog ang cell phone nya. Sa ganitong sitwasyon pa talaga may nagtext! Sino kaya ito? Hi Kristoff! 8z me! Kamatayan. My nklmutan pla aq sbhen sau bout sa condixon nte n. Mawa2la ang lhat ng alaala ni Natalia oras na mbuhay xa ul8. Nsa sau na ang lhat ng pasya kung ipa2ala2 mo sa knya ang masklap na nkraan o pa2litan ng mas mga2ndang alala ? Ur choice! ~Love, Kamatayan. Hindi na nya alam kung paniniwalaan ba nya ang taong ito na nagsasabing sya daw ay si kamatayan. Paano nito nakuha ang numero nya? At paano ito nakakapagtext?! Pero p aano nya maipapaliwanag na nasa harapan na nya si Natalia? Buhay at humihinga? Muli na na mang tumunog ang cell phone nya. Tandaan mo, 24 oras lang ang ibinigay kong palugit at muli syang mawawala sa'yo ng panghabang-buhay kaya sulitin mo ang bawat segundong natitira sa'yo. Ops! 10 min utos na ang nakakalipas kung iniisip mo pa rin na hanggang nagyon ay kalokohan ito, pwes, wa g ka ng magsayang pa ng oras dahil hindi ito panaginip! Muli syang napatingin sa nakatayong si Natalia matapos basahin ang mensaheng iy on. Kung totoo nga ang mga pinagsasabi ng esper na 'to na nakakabasa ng utak, kailan gan na nyang kumilos! Muli nyang nalala ang isa sa mga nasa mesahe ni kamatayan kuno.

Nsa sau na ang lhat ng pasya kung ipa2ala2 mo s knya ang masklap na nkraan o pa2litan ng mas mga2ndang alala? Paano nya gagawin iyon? Saan sya magsisimula? Paano nya maipapaliwanag kay Nata lia ang lahat kung mayroon lamang syang 24 oras para makasama ulit ito? Sa limitadon g oras na iyon, paano nya maikikwento ang lahat-lahat? Handa ba syang ipaalala muli dito a ng pagkamatay nito? Maniniwala ba ito na muli syang binuhay ni kmatayan? Kahit nga sya ay hindi naniniwala sa kalokohang iyon! 10 minuto na ang nawala sa kanya. 1,430 min utes na lang ang mayroon sya. Ano ba ang nangyayari dito?! Ahm ano..mister? tanong ni Natalia. ako? Kilala ba kita? Anong ginagawa natin dito? Kilala mo ba

Ito na yata ang pinaka-mahirap na tanong sa lahat. Kung sino ba sya kay Natalia . Anong sasabihin nya? Na sya ang dati nyang kasintahan? Na sya ang may dahilan kung bak it sya namatay? Na marami itong pinagdaanang paghihirap ng dahil sa kanya noong nabubuh ay pa ito? A-Ako si Kristoff...at mag....magkasintahan tayo... panimula nya. Nandito tayo ngayon kasi binibisita natin ang mga lugar kung saan maaari mong maibalik ang mg a nawawalang alaala sa'yo, n-nakalimutan mo na ba? Tinitigan lang sya ng dalaga. Walang mababakas na ekspresyon dito. Para lang it ong isang mannequin sa isang botique shop na nagkataong nagsasalita at humihinga. Totoo ba ang sinasabi mo? Sandali syang hindi makasagot. Bigla syang napatingin sa may wall clock sa may pasilyo. Tila ba iyon nanadya. Slow motion ang paggalaw ng kanang kamay nito. Ti la ba

ipinapakita sa kanya ng orasan na nauubos na ang oras nya. Na para bang ipinamum ukha nito na mayroon lamang syang 24 oras para makasama si Natalia. Ah O-Oo sagot na lamang nya saka muling niyakap ang dalaga.

Hindi na matigil ang pagtulo ng luha sa mata nya. Ngayon pa lang unti-unting pumapasok sa utak nya na totoo ang sinabi sa kanya ng lalaking iyon. Na totoong bubuhayin nito si Natalia sa loob lamang ng isang buong araw. Ayaw nyang muling mawala sa kanya si Natalia. Handa syang magpanggap at bigyan ito ng panibagong alala wag lang bigya ng muli ng pasakit ang pinakamamahal. Samantala, sa bahay ni Kamatayan... Sigurado ka ba sa ginagawa mong ito, Jude? (nickname ni kamatayan). Bakit hindi mo ipinaliwanag sa kanya ang buong laman ng pakikipagsundo nya sa'yo? Hindi ka ba n andaraya? Alam mo, Gabriel (ang anghel de la guardia), hindi nya ako pinakinggan kaya hind i iyon matatawag na pandaraya. Pero ang sirkumstansya ng ginawa nya ngayon lang, naipaliwanag mo ba? Hindi nya maaring--Nakalimutan mo bang may bad side din ako, Gabriel? Hayaan mo sya sa gusto nyang gawin kasi desisyon nya yan eh! Wala tayong magagawa kung iyan ang gusto nyang g awin. Pero--Bakit ka ba andito huh? Wala ka yata ngayon sa langit? ani nito habang naglalaro sa kanyang brand new cell phone. Ayos talaga ang mga gadgets ng mga taga-lupa!

Nandito ako kasi sabi ng nakakataas ay bantayan daw kita. Baka may gawin kang masama sa taong buhay pa. Wag kang mag-alala, Gabriel. Sabihin mo dyan sa boss mo na okay lang ako dito. N a wag nya akong masyadong iniisip dahil mamomoblema lang sya lalo. Napakibit-balikat na lamang ang anghel de la guardia saka muling pinanuod ang dalawang biktima ng laro ng kaibigang si Jude. Maging maayos sana ang lahat... sa isip nito. *** Kung totoo ang mga sinasabi mo, sino ako? tanong ni Natalia sa kanya.

Naghahanap pa sya ng sasabihin sa dalaga. Ano ba ang sasabihin nya? Saan sya magsisimula? Pero maya-maya lang ay nakahanap na rin sya ng sasabihin. Ikaw si Natalia. Alam mo ba na ito ang eskwelahan nating noong mga higschool pa lamang tayo? Magkasama rin tayo sa iisang college school pero magkaiba ang kurso ng kinuha natin. Isa kang education student at ako naman ay sa business management. Nagmamahalan ba tayo noon? Sandali syang natigilan at muling pumasok sa gunita nya ang alaala ng mamatay s a braso nya si Natalia. Marahas nyang iniling ang kanyang ulo upang kalimutan ang mga na ngyari. Buhay ito ngayon! Isa lamang iyong masamang panaginip. Mapait syang ngumiti dito . Naiaisp nyang magsabi ng kasinungalinagn dito.

Oo...Mahal na mahal natin ang isa't-isa kahit ngayon na nawala na ang memorya mo . Mahal na mahal pa rin kita, Natalia. Pinamulahan ng pisngi ang dalaga sa pagtatapat nito. K-Kung ganoon nga...bakit nawala ang mga alaala ko? Bakit wala akong maaalala ni isa man lang sa mga sinabi mo? Hindi na naman sya makasagot sa tanong nito. Paano nya maipapaliwanag dito ang lahat ng hindi ito mabibigla. Doon, muli na namang tumunog ang kanyang telepono. Hindi ka sana nagkamali sa desisyong pinili mo, Kristoff... Dahil dahil may amnesia ka ngayon. At sabi ng doktor, malapit ka na daw gumaling. panibago na namang kasinungalingan. Amnesia? pag-uulit nito. D-Dahil sa aksidente Aksidente?! gulat na sabi ni Natalia. A-Anong aksidete iyon? P-Pero, paano ako nagkaroon ng amnesia?

M-Mahabang kwento sabi na lamang nya. Halika, ililibot kita sa buong eskwelahan at ikikwento ko sa yo ang mga nakalimutan mo Si Kamatayan. Ang nawawalang memorya. Ang muling nabuhay na si Natalia. Ang kasunduan. Ang 24 oras. Ang kasinungalingan. Saan hahantong ang sugal ng buhay n ya ngayon?

Chapter III Masaya akong muling makita si Natalia. Naglalakad, tumatawa, buhay na buhay. Pero... Ano itong nararamdaman kong bigat sa puso ko? Na para bang may mali. Na para ba ng hindi si Natalia ang kaharap nya ngayon. Sino ang taong ito? Hindi ngumingiti ng ganoon sa kanya si Natalia noon. Bibihira lang. Halos mabibilang nga lang iyon sa mga dali ri ng isa nyang kamay. May nagawa ba syang mali para maging ganito ang kilos nito? Hindi kaya ma li ang ginawa nyang desisyon na baguhin ang nakaraan nito? Na pinunan nya ng kasinungal ingan ang mga dapat sana'y masakit nitong alaala? Ang masayang ngiti sa labi nito tuwing m apapabaling ito sa kanya. Ang magandang trato nito sa kanya. Ang mga ikinikilos nito. Maling -mali ang lahat! Muli nyang alaala ang bilin ni kamatayan sa kanya. Hindi ka sana nagkamali sa desisyong ginawa mo, Kristoff Muli syang napatingin sa kasintahan...sa dating kaintahan. Ito ang matagal na nyang pinapangarap na maging trato sa kanya ni Natalia. Ang pagiging sweet nito, ang pagtingin nito sa kanya na tila ba punong-puno iyon ng pagmamahal. Matagal na nyang inaasam ang mga bagay na ito. Ito ang pinapangarap nyang Natali a pero kahit anong pilit nyang pagsasaya, hindi iyon pumapasok sa kaibuturan ng puso nya. Kas inungalingan ang Natalia na kaharap nya. Kasinungalingan lamang ang lahat! Matapos nilang malibot ang buong eskwelahang iyon ay hindi na nya namalayan ang takbo ng oras. Dalawang oras na ang nawawala sa kanya. 22 oras na lang at matata pos na ang kalokahan na ito.

Ano bang ginagawa mo dyan, Kristoff? Halika na! Dalhin mo pa ako sa mga lugar na maaring magpabalik ng alaala ko. Nagulat sya sa inakto nito. Ang ngiting iyon...ang ngiting iyon kaparehong-kapareho iyon sa mga ngiting ibini gay sa kanya ni Natalia noong kaarawan nya limang taon na ang nakakaraan. H-Hindi... Hindi? ulit nito saka lumapit sa kanya. Hinawakan sya nito sa braso. ka ba? malumanay nitong tanong. May problema ani ng nakangiting si Natalia.

Masuyo nitong hinawakan ang magkabilang pisngi nya. Naramdaman nya ang init ng palad nito. Ang pag-aalala sa mata nito ay totoong-totoo. Totoo ang nasa harapan nya. Hindi guni-guni lang. H-hindi ikaw si Natalia...Hindi ikaw sya... Mababakas ang pagkalito sa mukha nito. A-Ano bang sinasabi mo? Hindi kita mainitindihan... Inalis nya ang mga kamay nito sa mukha nya. Nagsisismula na syang makaramdam ng takot. Takot na mawala ng tuluyan sa alaala nya kung sino ba talaga si Natalia. Niloloko na sya ng mga pantasya nya. Hindi na ito ang riyalidad. Kailanagan na anyang sabihin di to ang buong katotohanan.

Makinig ka, Natalia. Hindi totoong naaksidente ka. Hindi totoong nasagasaan ka n g sasakyan at naiwala ang memorya mo. Hindi totoo ang mga pinagsasabi ko sa'yo. Is a lang iyong malaking kasinungalingan! Gawa-gawa ko lang ang lahat ng iyon! ani nya. Nagsimulang muling mahulog ang mga luha sa mata nya ng muling maalala kung paan o nawala sa kanya si Natalia. Ang totoo ay namatay ka. Sa mga kamay ko ay namatay ka, Natalia. Nang dahil sa a kin at sa mga walang kwentang makasariling hiling ko ay namatay ka. Nang dahil sa ak in sa mismong kamay na ito, dito ka namatay! 5 taon ka ng patay, Natalia! Kaya ka ngay on nabuhay dahil hiniling ko kay kamatayan na muli ka nyang ibalik sa akin! Na muli nyang i balik ang babaeng pinakamamahal ko. Natalia, hindi ikaw ito. Hindi ikaw ang taong ito!Kina mumuhian mo ako. Galit ka sa akin. Ni hindi mo nga ako gustong makita! Pero nagbago ang l ahat. Sa huli ko lang nalaman ang lahat ng tunay mong nararamdaman sa akin. Mahal na mahal kit a, Natalia kaya gumawa ako ng maling alaala para lang hindi ka masaktan Patawarin mo ko Gulong-gulo ang ekspresyon ng dalaga. Napaluhod sya sa harap nito habang hawak ang mga kamay nito. Ngayon, ramdam na nya ang sirkumstansya ng ginawa nya. I'm sorry, Natalia...I'm sorry... Nanatili pa ring tahimik ang dalaga. Hindi nito alam ang gagawin sa sitwasyong ito. Panandalian itong nag-isip. At ng makakuha ng sagot, iniangat nya ang mukha ng n akaluhod na binata. Hindi ko alam ang mga pinagsasabi mo, Kristoff...Pero, ang mag sinabi mo ngayon lang ay hindi ko matandaan. Ang tanging naaalala ko lang ay ng mabangga ako ng isang pulang kotse tulad ng una mong kwento. Hindi kaya nanaginip ka lang? Hindi ako patay. Nakita mo at nandito

ako ngayon sa harapan mo. At hindi totoong may kamatayan. Napagod ka na siguro s a pamamasyal natin. Sorry kong naging makasarili ako... Pero Natalia... Totoo ang mga--Hindi kaya ikaw ang nakakalimot at hindi ako, Kristoff? Hindi sya makapaniwala sa naging sagot nito. Sino itong taong kaharap nya?! Dahan-dahan syang tumayo. At doon nya naisipang gamitin ang telepono para tawag an ang lalaking nagngangalang kamatayan pero hindi makontak ang numero nito. Muli n ya itong inulit ngunit ganoon pa rin ang resulta. Sa ika-anim nyang subok ay doon lamang nito iyon sinagot. Hi! Si Jude ito! Problema mo, Kristoff? masiglang bungad nito sa kanya.

Anong ibig sabihin nito?! Ipaliwanag mo sa akin! Paliwanag? Hindi ba iyan ang gusto mo? Iyan ang matagal mo ng pinapangarap hindi ba? Ikaw ang gumawa nyan kaya ikaw ang--Ano ang nangyari sa dating, Natalia? Nasaan sya?! Ibalik mo sya! Hindi ba at iyo n ang nasa kasunduan?! "Nilabag mo ang batas ng kalikasan, buhay at kamatayan. Kaya iyan ang naging ka palit sa ginawa mong pagbabago ng nakaraan sa kasalukuyan. Pero hindi ba at sinabi mo na nasa akin ang desisyon kung papalitan ko ng magand a ang mga masasakit nyang alaala?!

Nakakalimutan mo yata kung sino ang ginawan mo ng kasunduan,Kristoff, Si kamatayan ako. Natural lang ng magsinungaling ako dahil masama ako. Sige na, iba ba ko na ito at may ka-textmate pa ako! Bye! Sulitin mo ang oras na natitira sa'yo... Nang ibaba nito ang telepono nito ay muli nitong tinawagan ang lalaking iyon pe ro busy na ang linya nito. Ano na ang gagawin nya ngayon? Kristoff? Sino ang tinawagan mo? Ang bumuhay sa'yo, si kamatayan Nagulat sya nang matawa ito sa sinabi nya. Ano ba yan. Para ka namang bata. At ano naman ang sinabi nya sa'yo? Hindi ganito si Natalia. Hindi ito ang Natalia na nakasama nya noon! Hindi ito! Bigla nyang hinawakan ang braso nito at hinila ito palabas a eskwelahang iyon. Teka, masyado yatang mahigpit ang pagkakahawak mo, Kristoff. Saan ba tayo pupunta? Babalik tayo sa nakaraan... Huh?

Chapter IV Muli ko syang dinala sa lugar kung saan nagwakas ang lahat Kung saan natapos ang

istorya ng aming pagmamahalan. Sa lugar kung saan namatay si Natalia. Nakaparami ng tao sa lugar na iyon dahil na rin sa weekend. Parang nakakita ng multo ang dalawang gua rd na nakakakilala sa kanilang dalawa ng makita si Natalia. H-Hindi totoo ito... ani ng isang guwardiya. Hindi na namin sya pinansin kahit na gusto syang kausapin ni Natalia. Mahigpit ko pa ring hawak ang braso nya na sa tingin nya anumang oras mula ngayon ay magkakapas a na sa sobrang higpit ng hawak ko. Wala na akong pakialam kung may nabubunggo man kamin g mga tao. Basta nagpatuloy ako sa paglalakad. Nag-abang kami sa may elevator para bum aba pero ang tagal kumilos noon kaya nagpasya akong gamitin na lamang ang escalator. Hindi ko na inantay pa ang kusang pag-angat nito. Hinakbang ko na ang paa ko para mas mabilis kong m aakyat ang susunod na palapag. At hanggang sa marating na namin ang pinakatuktok ng establi syimentong iyon. Ang lugar kung saan nahulog si Natalia. Maayos na ang lugar na iyon na para bang ang bilis lumipas ng limang taon sa mg a ito. Pwes sa para sa kanya, ngayon pa lang nagsisimula ang tunay na paghihirap nya sa nakalipas na limang taon. Marahas ko syang itinulak sa lugar saan sya nalaglag. Nasa mukha ni to na nasaktan sya pero hindi na nya iyon piangtuunan pa ng pansin. Nang dahil sa ginawa nyang iyon ay nakaagaw sila ng atensyon ng ibang taong naroon. Dyan! Dyan ka namatay, Natalia! Alalahanin mo ang mga nangyari sa'yo limang taon na ang nakakalipas! Matapos makaraos sa sakit na nararmdaman ay naroon naman ang pagtataka sa maamo nitong mukha.

Ano bang pinagsasbi mo, Kristoff? Magsasalita na sana sya ng mula sa gilid ng mata nya ay nakita nya ang isang pa milyar na bulto. N-Natalia? John... may agam-agam sa tinig ng bagong dating.

aniya nya sabay hila dito upang iharap sa dalaga.

Ito! Naaalala mo ba sya?! Isa sya sa mga nakakita ng pagkamatay mo, Natalia! Sab ihin mo sa kanya! Sabihin mo sa kanya na hindi ako nagbibiro na namatay sya dito! Ngumiti lang sa kanya ang binata saka may ibinulong. Sa tingin mo ba ay magpapatalo ako ng ganoon na lamang kadali huh, Kristoff? Sin abi ko na sa'yo na hindi ako ganoon kadaling talunin... At, sa isang kisap-mata ay biglang nagbago ang itsura nito o sadyang niloloko l amang sya ng paningin ng makita nya ito kanina. J-Jude? Ako nga... may nakakalokong ngiti sa labi nito.

Bago pa sya makakuha ng salitang sasabihin ay nilapitan nito ay nananatili pa r ing nagtataka na si Natalia. Inakbayan ito na tila ba matagal na silang magkaibigan. Hindi totoo ang mga sinasabi nya, Miss. Oo at magkakilala kami pero hindi tayo. Nagha-hallucinate lang yata ang boyfriend mo kaya sya nagkakaganyan.

Napatingin ito sa suot-suot na Bvlgari watch. Iba talaga ang kamatayan ito. Nak iki-uso sa gamit ng mga tao. 20 oras na lang, Kristoff at matatapos na panaginip mo... Nagulat sya maging si Natalia at ang ilang naroon sa biglang pagkawala ng prens ya nito sa kanilang mga harapan. May kaibigan ka palang mahikero, Kristoff hindi mo nasabi sa akin... ani ni Natal ia na para bang lumalabas dito na ordinaryo lang ang mga nangyayari. Tila ba hinag-hina na napasandal sy sa mataas na railing na naroon. Pero sa gin awa nyang iyon, pagkahawak na pagkahawak nya sa bakal na harang na iyon ay may isang eksen ang namutawi sa isipan nya. Kristoff! Natalia!!! Kulang na lamang ay sundan nya ito pababa maabot lamang ang kamay nito pero wal a pa ring nangyari. Tuloy-tuloy ang pagbulusok nito pababa. At doon, mula sa may i taas ay kitang-kita nya ang mabilis na pag-agos palabas ng dugo nito mula sa katawan ni Natalia. NATALIA!!! Bigla syang napalayo sa lugar na iyon sa nakita. Ano ng nangyari ngayon-ngayon lang?! Pinapaalala ba ng nakaraan ang pagiging walang silbi nya?! Ang kapabayaan nya ng hayaang mamatay si Natalia?! Nagulat na lamang sya ng hawakan sya ng babae sa kanyang br aso. ani ng dalaga habang pilit nitong inaabot ang kamay nito.

Wag! Wag kang tatalon! may panic at matinding takot sa tinig nito saka bumuhos an g luhang kanina pa yata nito pinipigilan. "Natatandaan ko na ng lahat...Ang lahatlahat ng mga nangyari, Kristoff..." Nasa mukha nya nag pag-asa. Sa wakas! Nakakaalala na si Natalia! Talaga? paniniguro nya.

Oo...Kristoff. Naalala ko na na tumalon ka sa lugar na ito. At naging sanhi ng pagkamatay mo... Hindi sya makapaniwala sa mga narinig mula dito. Mahigpit syang niyakap ng dala ga na tila ba takot na takot ito na baka nga tumalon sya mula sa lugar na iyon pababa gaya na rin ng mga nasabi nito. Ano na ang nangyayari?! Panaginip lang ba lahat ng ito?! Pwes, kung ganoon na nga, pakigising na sya! Dahil hindi na nya alam ang katotohanan sa hindi. At nagsisismula na syang masiraan ng ulo sa mga nangyayari! Samanatala sa kabilang mundo... Ano na naman ang ginawa mo, Jude?! salubong na sermon ng matalik na kaibigan na s i Gabriel. Bakit nagkakaganoon si Kristoff? Ano ba talaga ang dahilan mo at binuhay mo ang taong namatay na? Hindi ba at pagkain mo sila? Bakit mo pinakawalan ang isang pu ting anghel?! Hindi sya pinansin ng kaharap at nagpatuloy sa paglalaro ng Nintendo Wii nito n a binili daw nito sa internet. Pero ang ngiti sa labi nito ay kaduda-duda na. Kung ipagpapatuloy mo ito, mangengealam na ang nasa taas at ang mga anghel para ibalik sa katinuan ang pag-iisip ni Kristoff. Nasa usupan na hindi maaring galaw in ni kamatayan ang taong hindi pa kumpirmadong---

Hayaan mo na lang muna ako sa mga ginagawa ko, Gab. Hindi mo ba nakikitang nag-i enjoy ang kaibigan mo? Dapat nga at maging masaya ka pa dahil ngayon lamang ako muling nabuhayan ng ganito. At lahat ng ito ay pasalamat sa isang piping hiling ng mort al. Pero, Jude... Nagsisimula ng mawalan ng balanse ang buhay ng dalawa. Ano ba tala gang gusto mo? Ano ang gusto mong patunayan sa kanya? Muli itong ngumiti saka sumagot. Makikita mo rin sa bandang huli aking kaibigan. Makikita mo rin na papabor sa ak in ang larong ito... makahulugang sabi nito saka tumawa sa isang nakakakilabot na pa raan. *** Nagsisimula ng bumilis ang takbo ng oras para kay Kristoff. At nagsisimula ng l umabas ang katotohanang muli na naman syang pinaglaruan ng tadhan gamit ang yumaong si Natalia. Ano bang pinagsasabi mo, Natalia? Hindi ako ang namatay to mo? Ulit-ulitin ko sa'yo ang mga nangyari?! Ulitin ko ang ng pinipilit kalimutan?! Hanggang kailan mo ba ako sasaktan?! Hanggang ga ko?! Nagkakamali ka ng iniiisip kung ganoon. Dahil limang taon magmula ng mawala ka! K-Kristoff ,ano bang pinagsasabi--Makinig ka sa lahat ng sasabihin ko. Hindi ikaw ang Natalia na nakilala ko noon. Kung ano mang nangyayari sa'yo ngayon ay malamang resulta ng pagbabago ko sa nakaraan mo at ang paglabag ko sa batas ng kamatayan gaya na rin ng sinabi ng bumuhay sa'yo. Kinamu muhian mo ako Natalia! Inakala mo noon na binili kita sa halagang 10 milyon para lang maku ha ka. Inakala mo na isa akong napakawalang-kwentang tao, mayabang, mapagmalaki. Kaya ka tumakb o sa kundi ikaw! Ano bang gus nakaraan na matagal ko sa maubos na ang hinin na akong walang-buhay

akin papalayo noon. At doon mo naman nakilala si John. At hindi ko alam kung nah ulog nga ang loob mo sa taong iyon pero iisa lang ang alam ko sa kanya. Na isa sayang importa nteng tao sa'yo... Namatay ka, Natalia ng dahil na rin sa maling-akala. Na pareho tayong binilog ni la Marie at John. Alam mo ba kung gaaano kasakit para sa akin iyon? Na hanggang nga yon daladala ko pa rin ang bigat ng responsibilidad ng nangyari sa'yo! Tapos ngayon bina baligtad mo ang mga nangyari?! Kung ano man ang ipinasok sa utak mo ni Jude ay hindi ko rin alam . Pero...hindi ikaw ito, Natalia. Kahit limang taon na nag nakakalipas, sariwa pa rin sa utak k o ang mga nangyari. Natalia, bumalik ka na sa dati! Bumalik ka na sa Nataliang minahal ko noon... Tinitingnan lang sila ng mga taong naroon. Iniiisip siguro nila na nasa isang s hooting sila ng pelikula. May ibang naiyak, may iba namang na-kornihan sa mga nakita pero hin di na nya ininda iyon. Sa hindi malamang dahilan ay bumibilis ang takbo ng oras. Dinadaya na sya ni kamatayan. Anim na oras na ang nawawala sa kanya. Muli nyang naalala ang isa sa mga binitawang salita ni Jude sa kanya bago ito mawala sa harapan nilang lahat. Hindi mo mapipigilan ang itinadhana ni kamatayan, Kristoff. Pinagbigyan kita per o ito pa ang makukuha ko mula sa'yo? Anong klase ka? Sige, ibalik mo ang nakaraan sa k anya para muli ka nyang kamuhian at muling maulit ang nakaraan. Pero sa huli, mamamatay pa rin si Natalia. At maibabalik din sya sa kaharian ko. Kaya sa huli, ikaw pa rin ang tal o... Hindi mo ako magpapatalo, Jude. Hindi ako magpapatalo sa'yo! sa isip ng binata. Nakita nya ang biglang pagbagsak ni Natalia habang hawak-hwak nito ang sariling ulo. N-Natalia? Agad nyang nilapitan ang dalaga para tulungan itong tumayo pero nagpaawat ito.

Wag...Wag mo kong hawakan... Natalia... Sumasakit ang ulo ko...Litong-lito na ako... Wag mong pwersahina ang--Ahhh!!! Hindi na nya alam ang gagawin nya. Nagsisismula ng maghisterical ang dalaga. Muntikan na nitong iuntog ang sarili sa naroong pader pero mabuti na lang at nap agilan nya. Ano bang nangyayari sa'yo ? H-Hindi ko rin alam... At bago pa sya makapagtanong pa ay bigla na lamang itong nawalan ng malay. Natalia.... Natalia.... tanong nya.

Chapter V Malamig na ang katawan ng dalaga at may nakapa syang tila isang malapot na liki do sa ulo nito. At doon nga nagkatotoo ang sinasabi ni Jude na uulit ang nakaraan. Hindi...hindi...Natalia! Gumising ka, Natalia! Natalia! nito pero walang nangyari. Sir, ano pong nangyayari dito? niyugyog nya ang katawan

tanong ng isang rumispondeng guard at laking-gulat

nito ng makitang duguan ang kasama nya. Agad itong tumawag sa mga nakakataas upang humingi ng ambulasya at pinalayo ang mga nagsisismula ng magkagulong tao. Natalia! Gumising ka, Natalia! sigaw nya. Ano ba?! Gumising ka na! Natalia!

Hindi nya alam kung paano patitigilin ang pag-agos ng dugo sa ulo nito. Sinubuk an na nya iyong takpan pero wala pa ring nangyari. Hanggang sa bigla na lamang lumitaw muli si Jude sa harapan. Tapos na ang 24 oras na ibinigay ko sa'yo, Kristoff. Sayang nga lang at hindi mo sinulit ang natitirang oras mo Pero imposible ang sinasabi mo! 6 na oras pa lang ang--Biglang itinaas ng lalaki ang relos na suot-suot nito. Sino ba ang nagsabing orasan ng mga mortal ang susundin nating oras? Wala naman hindi ba? Mandaraya ka! Ibalik mo si Natalia!

Isang hiling lang ang ibingay ko sa'yo kaya hindi ko na maaring tuparin ang gust o mo. Hindi tototo ito... Totoo ang lahat ng ito... Nasa sa'yo ang katotohanan... Ang mali sa tama... Ang paniginip sa realidad... Ang buhay at kamatayan Nasa sa'yo ang lahat ng sagot sa tanong mo... Anong ibig mong sabihin?! Hindi na nito nasagot ang tanong nya dahil bigla na lamang itong nawala.Tila it o kabute na lulubog-lilitaw sa hinidi mo inaasahang lugar. Natalia! *** May nagbago na po ba sa kalagayan nya? Napalingon ang matanda sa bagong dating at mapait itong napangiti. Wala pa ring pagbabago sa kalagayan nya... taong nasa hospital bed. ani nito saka hinawakan ang kamay ng

Mahigpit ba iyong hinawakan na tila ba kapag ginawa nya iyon ay bigla na lamang itong gagalaw at magigising. Inilagay ng bagong dating ang isang kamay sa balikat ng m atanda upang payapain ang loob nito. Wag ho kayong mag-alala... Magigising din po si Kristoff. Malakas sya. Alam kong matatakasan nya ang sakit na ito...

Muling ngumiti ang matanda sa kanya. Maraming salamat, Natalia... Mula sa kinatatayuan ay pinagmasdan nya ang nakahigang binata na hanggang ngayo n ay nanatili pa ring walang malay kahit limang taon na ang nakakalipas matapos ang a ksidenteng kinasangkutan nilang lahat. Maraming tubo ang nakadikit dito at kung anu-anong m akina na ang nasa paligid nito mapanatili lang itong buhay. Kristoff is a already brain dead mula ng madiagnose silang dalawa sa parehong ospital. Inakala nitong patay na sya ng mahul og sya sa pinakatuktok na palapag ng mall na iyon kaya nag-set ang utak nito sa paralyze m ode dahil na rin sa shock. Sariwang-sariwa pa sa isipan nya ang nangyari noong araw na iyon *** 5 YEARS AGO... NATALIA!!! Matapos makita ang dahan-dahang pagtanggal ng turnilyo ng railing na iyon, agad nyang tinakbo ang dalaga. Gulat at takot ang mababakas sa mukha nito ng makita sya. Pero mas nagulat ito sa biglang pagbigay ng kinasasandalan. Akma kong aabutin ang kamay nya. At inilahad din nito ang sariling palad. Pero huli na...

Gahibla na lang ang pagitan at maabot na nya ang kamay nito. Pero... Hanggang sa tuluyan na itong bumagsak sa pinakababang floor na iyon ng mall. Panadilan lang ang pagka-gitla nya, agad din syang bumaba upang malapitan ang duguang si Natalia. Nang marating na nya ang kinalalagyan dalaga ay agad nyang nilapitan ito. N-Natalia... unti-unti ng nababasag ang tinig nya at ang luha ay nagsisimula na r ing umagos mula sa mata nya. Dinala nya sa kanyang braso si Natalia. Mahigpit itong niyakap habang umiiyak. K-Kristoff... Wag ka ng magsalita pa, Natalia. Dadalhin na kita ngayon sa ospital! H-Hindi na kailangan pa..." paos na sabi nito. "P-Pagod...na...ako... Natalia! Wag ka ngang magsalita ng ganyan!" nanginginig ang boses nya. H-Halika, ihahatid na kita sa may ospital na malapit dito. Ipapagamot na kita huh? Sinabi iyon ni Kristoff na may ngiti sa labi habang umiiyak. Maging ang mga tao sa aming paligid ay nagsisimula ng pumalibot, at nanunuod sa amin na tila ba isa ka ming produkto ng teleserye. Mayroong ilang umiiyak, may ibang nahahabag. Naririnig ko na rin a ng mga ingay ng sirena ng ambulansya. Ang pagkakagulo ng ilang mga tao at medical staff. Akma ng dadalhin na nila si Natalia ngunit nagpapigil ito. Mapait itong napangiti kay Kristoff. S-Sayang...mukhang....hindi...talaga...tayo...ang...nababagay...sa...isa't isa....

Wag ka ng magsalita--Alam ko ang lahat..." putol nito sa sasabihin nya. Alam ko na ang lahat simula pa

lang... Na inosente ka... Na mabait kang tao Na ang tanging gusto mo lang ay mapa sya ako... Siguro naiinis lang talaga ako sa guts mo noon. T-thank you for loving me that m uch... Thank you... For everything, Kris--At doon tuluyang bumagsak ang katawan ng dalaga. Lalong bumilis ag tulo ng luha nya. Mahigpit nyang niyakap ang wala ng malay na katawan ni Natalia... Ahh!!! Binalak kuhain ng mga MEDIC na naroon ang bangkay ni Natalia ngunit hindi nya i yon ibinigay. WAG NYO SYANG HAHAWAKAN! *** Matapos ng insidenteng iyon ay dinala agad sya ng Medical team sa pinakamalapit na ospital. Mariing nagdadasal si Kristoff sa may labas ng operating room para sa k anyang kaligtasan. Ilang oras din ang tinagal nya sa loob ng operating room kaya ng pag labas ng doktor ay ganoon na lamang ang tuwang naramdamn ni Kristoff. Ano pong lagay nya doktor? Maayos na po ba si Natalia? ang tinig nito. punong-puno ng pag-asa

Sandaling pananahimik ang ibinigay ng doktor sa kanya sabay tanggal ng suot nit ong mask at gwantes bago ito tuluyang sumagot.

I'm sorry to inform you that the patient did not survive the operation. We try o ur best to save her. But... sabay mabigat itong napabuntong-hininga. Hindi makapaniwala si Kristoff sa mga nadinig. Marahan nitong napailing, hindi naniniwala sa mga pinagsasabi ng doktor na ito. H-Hindi totoo yan... Alam kong buhay pa si Natalia. Nasaan sya? Nasa loob di ba? Kakausapin ko sya. Wag mo nga akong pinagtitripan! Alam ko... Ramdam ko na buhay pa si Natalia... akma itong papasok sa loob ng operating room ng pigilan sya ng kanyang ama. Kristoff tama na yan... Wala na si Natalia... Tanggapin mo na lang anak... naiiya k na sabi ng kanyang ama. Mababasa sa tinig nito ang pagkahabag para sa nag-iisang an ak. Bitawan mo ako papa... basag ang tonong sabi nya. Pupuntahan ko si Natalia. Kakausapin ko sya. Alam kong pinagloloko lang ako ng sira-ulong doktor na ito! B uhay pa si Natalia, papa Tinatawag nya nga ako eh... Nang hindi magpaawat ang binata ay walang ibang nagawa ang kanyang ama kundi an g sampalin sya upang magising sya. Nababaliw ka na! Bakit ba hindi mo matanggap na patay na si--Hindi pa patay si Natalia! Hindi pa sya patay! malakas at histerical na sigaw ng binata. "Ano bang ponagsasabi nyo papa?!" dagdag pa nito saka dumerecho sa opera ting room. Hinarang sya ng mga doktor at pinigilan ng ilang nurses na gumamot sa dalaga. Nagpatawag na rin ng mga guwardiya ang ibang doktor para pigilan sya sa pagwawal a nya. Natalia!!! sigaw nito habang inilalayo sya ng mga taong iyon sa kwarto kung nasaa n ang pinakamamahal.

1 oras matapos noon... Anong ginagawa mo dito? Kristoff, anak--Wag mo kong matawag-tawag sa pangalang yan! Makinig ka muna--No! Hindi kita papakinggan, papa! Inilayo mo sa akin si Natalia! Para rin naman sa'yo ang ginawa ko dahil nasisiraan ka na! Nasisiraan?! Ako pa ngayon ang nasisiraan ng bait dito? sarkastiko nyang sabi. Bakit papa? Sagutin mo nga ako? Matatawag ka bang nasisiraan ng ulo kapag nagmama hal ka? Hindi nakasagot sa tanong na iyon ang matanda. Sya nga mismo hindi nya alam ang pagmamahal magmula ng mamatay ang ina ni Kristoff. Ano ang maisasagot nya dito? Pero, kapag nakikita nya ang anak sa ganitong kalagayan, nagdudulot ito sa kanya ng ka kaibang sakit sa kaibuturan ng kanyang puso. Hinihiling nya na sana sya na lang ang namatay im bes na si Natalia para kahit papaano ay nagampanan nya ang pagiging ama dito. Matapos nang pagwawala nito sa harap ng operating room ay ikinuha nya ito ng sariling kwarto upang magamot ang mga natamo rin nitong sugat sa kamao at maging sa bubog na nakuha ni to sa mall kung saan nalaglag si Natalia. Bakit hindi ka makasagot papa?! Dahil tama ako hindi ba? wika ni Kristoff. Tanang buhay ko ay wala ni isang babae na nagpasaya sa akin maliban kay Natalia tapos n gayon bilang sarili kong ama ilalayo mo sa akin ang kaligayahang iyon?! Si Natalia lang ang n agbigay sa malamig na salubong nya sa ama.

akin ng tunay na kahulugan ng kaligayahan. Sya lang ang kauna-unahang babaeng mi nahal ko ng lubusan na hanggang sa pagiging masama ay ginawa ko na mapansin nya lang. Na handa akong maging masama sa paningin ng lahat mapakita ko lang kung gaano ko sya kama hal. Na tinaggap ko ang lahat ng mga maling paratang nya sa akin kasi nga mahal ko sya. Tapos ngayon sasabihin mo na nababaliw na ako? Pero wala na si--Wag mo sabihin sa akin yan! Dahil hindi ko matatanggap ang rason na iyan! ani nya

saka ibinaling ang paningin sa labas ng bintana. Alam ko sa sarili ko na balang-a raw ay gigisng din si Natalia sa isang napakahabang-masamang bangungot na ito. Alam ko naman sa sarili ko na hindi na sya mabubuhay pa ng maramdaman ko sa mga bisig ko ang mala mig na nyang katawan. Alam ko ang lahat ng iyon. Alam ko... Pero bakit ganyan kayo? Ni hindi nyo man lang ako pinagbigyan managinip na buhay si Natalia na natutulog lang sya. Na m amaya lang ay magigising din sya...Bakit? at doon na bumuhos ang luha nya. Handa akong gawin ang lahat para kay Natalia. Handa kong ibuwis ang sarili kong buhay, maibalik lang sya. Handa akong masiraan ng bait, wag lang sya mawala sa i sip ko. Na wag lang papasok sa utak ko na namatay si Natalia at kahit kailan ay hindi ko na sya makita pa! Anak.... Lumabas ka na! Ilang oras ding nanahimik ang kwartong kinalalagyan ni Kristoff. Samatala, sa m ay operating room naman kung nasaan si Natalia, unti-unting nagkakaroon ng developm ent sa kalagayan nito. Na muling nagkalinya ang aparatong iyon.

It's a amiracle! ani ng doktor. Agad itong lumabas ng kwarto at balak tunguhin ang naturang silid ng binata nan g mapuna ang pagkakagulo ng mga nurses at ilang doktor sa kwarto nito. Give me 50 volts! sigaw ng isang doktor.

A-Anong nangyayari dito? tanong nya sa ama ni Kristoff. H-Hindi ko rin alam. Nagulat na lamang ako ng hindi na magisng si Kristoff. na sagot ng matanda habang hindi maawat ang luha sa kanyang mata. Anong kalokohan ito?! tanong nya sa doktor na tumitingin sa binata. paos

He set himself into dream estate... What do you mean?! Kusang napunta sa comatose stage ang pasyente.We don't know the reason but I thi nk it's due to mental shock WHAT?!

Chapter VI Kailan ka ba gigisng, Kristoff huh? naluluhang sabi ni Natalia sabay napahaplos s a buhok nito. Limang taon ka na dyan, hindi ka ba napapagod? Alam mo ba na hinihint ay ko ang pagbabalik mo? Nasaan ka ba? Maganda ba ang mga napapanaginipan mo? Alam nyang useless ang ginagawa nyang pakikipag-usap nya dito dahil hindi rin n aman sya maririnig ng binata. Pero sabi ng doktor ay makakabuti din daw iyon para sa lagay ng pasyente. Ayaw mo na ba akong makita Kristoff huh? Ayaw mo na ba talagang magising? Ito na ang huling araw na makakasama pa nila si Kristoff dahil bukas ay ipapata nggal na ng ama nito ang mga tubo na sya na lang bumubuhay dito kahit labag sa kalooban n ito. G-Gumising ka na huh? unti-unti ng nababsag ang tinig nya. Buhay ako, Kristoff kaya dapat ikaw din... Kaya gumising ka na bago ka pa nila tuluyang ilayo sa ami n ng papa mo... *** Sa kawalan... Jude! Magpakita ka Jude! Ibalik mo s akin si Natalia! Puro puti lang ang makikita sa paligid at tanging dugong umaagos kay Natalia la ng ang makikitaan ng ibang kulay. Dinaya sya ni kamatayan. Ang 24 oras na palugit nito ay hindi nito tinupad. Jude!!!

Kristoff...

isang bulong mula sa kung saan.

Limang taon ka na dyan, hindi ka ba napapagod? Alam mo ba na hinihintay ko ang pagbabalik mo? Nasaan ka ba? Maganda ba ang mga napapanaginipan mo? Natalia? tanong nya sa sarili. Saan nanggagaling ang boses na iyon? Napatingin say sa direksyon ng babaeng duguan pero hindi ito ng bumulong sa kan ya. Ayaw mo na ba akong makita Kristoff huh? Ayaw mo na ba talagang magising? Natalia? tawag nya. G-Gumising ka na huh? Nandito ako, Natalia! sigaw nya. Natalia! Ikaw ba yan, Natalia?!

Tatakbo san sya sa nakitang liwanag ng bigla na lamang dumilim ang buong paligi d na kanina lang ay puti. Hindi ka maaaring umalis, Kristoff... Jude? lingon nya sa pinanggalingan ng boses na iyon.

Dito ka lang hanggang sa maubos ang 24 oras na palugit ni Natalia... Anong ibig sabihin nito, Jude?! tanong nya. Anong palugit ang pinagsasabi mo?!

Napakibit-balikat lang ito sa kanya saka ininom ang tsaa nito. Sagutin mo ko! Ano ang ginagawa ko dito?! Mahinahon nitong inilapag sa naroong lamesa ang forcester teacup nito saka sya hinarap.

Wag mo akong sinisigawan ng ganyan baka hindi mo ko kilala? At isa pa, ikaw ang bumisita sa akin dito hindi ba? Limang taon na ang nakakalipas? Ano bang pinagsasabi mo?! Ipaliwanag mo nga sa akin ang mga nangyayari! And don' t you dare use your riddles in me 'cause I'm sick of it! Natawa lang ito sa kanya saka may inabot na isang kapirasong lumang papel sa ka nya. Kontrata mo sa akin ng magdesisyon kang iwan ang mundo ng mortal... Tinitigan nya lang ang papel na iyon na wala namang nakalagay ni isang letra. Ano bang kaloko--Hindi makikita ng mata mo ang laman nyan dahil sa ayaw mo pa ring maniwala na buhay si Natalia. Sa loob ng limang taon na kasama kita dito patuloy kang nanani ginip ng mga magagandang bagay at inilalagay ang sarili mo sa pinaka-safe na lugar wag lang m aalala ang pagkamatay ng nobya mong si Natalia. paliwanag nito. Nakalimutan mo na ba? Nang hi lingin mo sa akin sa matulog na lang habang-buhay wag lang mawala sa alala mo si Natali a? Ikaw na mismo ang nagdesisyong takbuhan ang problema mo kahit hindi mo pa nakikita ang m ga sumunod na nangyari... Anong--Nang magdesisyong kang isara ang isip mo sa realidad at matulog na lang habangbuhay, hindi mo man lang nalaman na muling nabuhay si Natalia nang mga araw na n agwala ka sa harap ng operating room sa ospital na pinagdalhan mo sa kanya. B-Buhay si N-Natalia... hindi makapaniwalang sabi nya.

Oo. Nilabanan nya kasi kamatayan para sa'yo. Para maitama nya ang mga pagkakamal i nya sa'yo. Para mabayaran nya ang mga pagkaka-utang nya at lahat-lahat ng pagkuk ulang nya sa'yo. At alam mo rin ba? Na walang ibang hiniling si Natalia kundi bumalik lang sa lupa? Binigyan ko sya ng dalawang hiling dahil sa iniyakan nya ko! Hay! Ewan ko ba! Ma hina puso ko sa magaganda! pagbibiro pa nito saka nagpatuloy. Bumalik si Natalia para sa'yo... Pero ano ang maaabutan nya? Ang comatose na si Kristoff? Na hanggang ngayon, makina na la ng ang bumubuhay sa kanya. At ito pa ang good news, bukas tatanggalin na nila ang mga m akinang iyon sa'yo at tuluyan ng mawawala ang existance mo sa lupa. Ang galing ano? H-Hindi totoo ang mga pinagsasabi mo... Sinungaling ka... Nananginip lang--Oo nga at nanaginip ka lang kanina ko pa sinabi sa'yo hindi ba? Pero hindi ngayo n... ani nito sabay itinuro ang isang hourglass na nasa sulok. Nakikita mo yun? Iyon ang ikalawang hiling sa akin ni Natalia... Ang makasama ka nya sa loob ng 24 oras... A day with you kapalit buhay nya... Tumingin sa direksyong tinuro nito. Nakita nya doon ang dahan-dahang paghulog n g mga buhangin. Muli nyang ibinalik ang tingin kay Jude. Pero... Hindi ba at ako ang humiling sa'yo noon?! Imposible ang sinasabi mo! Umiling lang ito. Walang imposible kay kamatayan, Kristoff. Ang oras na nawala sa sa'yo, ang... tumingin ito sa kanyang relo. Ang 8 oras na iyon na nawala sa'yo ay oras ng buhay ni Natalia... Anong---

Sinabihan na kita hindi ba? Na wag mong sasayangin ang bawat minutong ibinigay k o sa'yo? Pero anong ginawa mo? Binalikan mo lang ang nakaraan... Ipinakita mo lang ulit kay Natalia ang nakaraang ayaw na nyang balikan. Ang naging kasunduan natin nang ara w na iyon ay araw ng kasunduan namin ni Natalia. Hindi si Natalia ang nabuhay...kundi ikaw ... Ikaw ang binuhay ko at hindi ang babaeng mahal mo... Litong-lito sya sa mga pinagsasabi nito.Wala syang naiinitindihan sa painagsasa bi nito! Nakakalito ang mga pinagsasabi nito. Anong sya ang binuhay?! Paano iyon?! Kung t otoo nga iyon, paanong naging ganoon ang reaksyon ni Natalia?! Na para bang wala itong al am sa mga nangyayari?! Walang kataka-taka sa mga nangyayari ngayon, Kristoff. Ikaw lang nag nagsasara s a isip mo na isipin ang totoo sa hindi... Noong una mo syang nayakap, hindi ka lan g ba nagtaka kung paanong naging mainit ang katawan nya? Na para bang buhay na buhay sya? Hin di ka ba nagtaka? Ni hindi mo lang ba napuna? Ang lungkot sa mga mata nya nang makita ka nya?" ani nito. "Nagpapanggap lang sya na walang alam noong una pa lang dahil hindi nya gu stong ibalik sa'yo ang nakaraan dahil baka maulit ang nangyari sa'yo na baka muli ka namang mal agay sa comatose stage. Pero sa bandang huli, ikaw lang din ang gumawa noon. Sinubukan k a naming pigilan pero walang nangyari... Hindi ako naniniwala sa'yo! Alam ko naman iyon. Una mo pa lang akong nakita iyon na ang ipinakita mo. Nang dalhin mo si Natalia kung saan sya nahulog noon, doon naputol ang kontrata at si mula din noon ay inilagay mo ang sarili mo sa mundo ng panaginip. si Jude. Sa ginagawa mong pagt akas, sinasaktan mo lang ang mga taong nagmamahal sa'yo...

Hindi pa rin sya makapaniwala sa mga pinagsasabi nitong si Jude. Muli nyang tin ingnan ang higateng hourglass na iyon. Kakaiba ang pagbagsak ng buhangin mula dito, nap akabilis! Na para bang kapag kumurap sya, mawawala na ang mga itim na buhangin doon. Anong ibig sabihin ng mabilis na pagbagsak ng buhangin dyan? turo nya sa bagay na iyon. At kung totoo nga ang sinabi mo, bakit nandito pa rin ako? Hindi ba at may natitira pa kaming 16 na oras para magkasama?! Una, may diperensya ang orasan na yan. Sinabi ko na rin iyan kay Natalia na baka hindi ka nya makasama sa mismong loob ng 24 oras dahil nga sa problema sa relo pero na gmatigas sya. Gusto ka talaga nyang makita sa huling pagkakataon. Parehas talaga kayo kay a nga bagay kayo. Parehas matigas ang ulo at hindi marunong sumunod sa instruction. Pangalaw a, ikaw na mismo ang nagbalik sa sarili mo dito kaya wala ka ng matatakasan pa. Binigyan na kita ng pagkakaton, kayo, pero sinayang nyo lang ang pagod ko. Aba at nagpapatong-patong na ang kasalanan ko sa taas ng dahil sa kunsumisyon ko sa inyo huh?! Kung ganoon, mabilis na mauubos ang oras ni Natalia?! Exactly... At mabilis mong makukuha ang buhay nya?! Ganoon na nga. Ayoko ko mang kumain ng magandang nilalang pero wala akong magagawa... nakakaloko ang ngiti sa labi nito sabay tawa. Gusto mo ba syang makita ? At matapos ng tanong na iyon ay may bigla na lamang itong inilabas na isang son y flatscreen tv sa harapan nya. Kabibili ko lang kaya ingatan mo ah?

Sa pagbukas ng aparatong iyon ay at ang natutulog nyang katawan. Tama nga abit na tubo ang katawan nya. At nahahabag sya g luha ang mga mata nito habang nakamasid sa

bigla na lamang lumitaw ang itsura ni Natalia ang mga sinabi ni Jude sa kanya. Puno ng nakak sa nakikitang itsura ni Natalia. Punong-puno n kanya.

Kailangan nyang makagawa ng paraan para matulungan ito at ma-ialis ito sa sumpa o kontrata o kung ano pa man ni Jude. Tiningnan nya ang hourgalss at nag-isip kung paano iyon matitigil sa pagbagsak ng mga buhangin. At isa lang ang naiisip nya. Ang haranga n ang gitang parte nito. Hinanap nya si Jude. Nakita nya itong naglalaro ng PSP nito sa isang tabi. Pagkatapos ay naghanap sya ng maaring ipangharang doon at hindi naman sya nabig o dahil may nakita syang isang malapad na metal doon na hindi nya alam kung para s aan. Tahimik nyang nilapitang ang hour glass para hindi sya mapuna ng binatang kamatayan. Samantala, si Jude naman ay masuri lang nakikiramdam na may ngiti sa labi nito na nakaktakot. Sige lang Ituloy mo ang binabalak mo, Kristoff... sa isip nito.

Nang tuluyan na syang makalapit doon ay walang pakundangan nyang isinaksak ang metal sa gitna sa pag-aakalang mapapahinto noon ang oras ni Natalia. Pero, mukha ng hindi iyon ang nangyari. Hahahahahahahahaha! Napalingon sya kay Jude nang marinig ang pagtawa nito. Anong tinatawa mo? ni Natalia para--tanong nya. Wala ka ng magagawa pa! Napahinto ko na ang oras

At sa tingin mo ba ganoon lamang kadali iyon? Nagulat si Kristoff ng maglabas ng itim na aura si Jude. Ang buong katawan nito ay puno ng itim na apoy. Tapos na ang kontrata! Sa wakas! Tapos na ang aking paghihintay! Sa ikalawang pagkakaton, pinatay mo si Natalia, Kristoff... ani nito saka muling tumawa. Hindi...hindi! Ano ang ginawa nya?

Chapter VII Natalia?! Anong nangyari sa'yo hija?! panic na sigaw ni Mr. Morales.

Hawak ng dalaga ang dibdib nito at kakatuwa ang paghinga nito. Tila ba ito kina kapusan ng hangin sa dibdib at tila hinang-hina. Nagulat pa ang matanda nang bigla na la ng itong bumaksak sa may sahig at nanatili itong nakahawak sa may dibdib. Nurse! Nurse! Mabuti na lamang at may malapit na nurse sa kwarto nila at agad tinulugan ang d alaga. Agad nilagyan ng swero ang dalaga matapos itong mailagay sa strecher. Litong-lit o ang matanda sa mga nangyayari. Una ang nakaratay nyang anak sa loob ng 5 taon at ngayon nama n ay ang dating nobya nito ay nasa bingit ng kapahamakan?! Ano na ba ang nangyayari sa ka nila?! Matagal ng namatay ang mga magulang ni Natalia, mga 2 taon na rin siguro ang lum ipas ng madawit sa isang car accident ang mga magulang nito at dead on arrival ang nagin g resulta. Sunod-sunod ang naging trahedya sa buhay nito. Una ang pagkawala ni Kristoff at sumunod naman ay ang mga magulang nito. Hindi nya alam kung saan kinukuha ng dalaga ang lakas nito dahil sa loob ng mga panahong iyon ay nananatili itong nakangiti sa harapan nila . Nakalaya na rin ang mga taong sangkot sa muntikan nitong pagkahamak. Sina John Alvez at Marie Suarez. Ang dalawang ito ay nagbagong-buhay na at ngayon ay umaag apay sa dalaga. Kinupkop na nya ito matapos ang burol ng mga magulang nito dahil nag-iis a na lang ito at sya na rin ang nagpa-aral dito. Masaya syang makasama ang dating kasintahan n g anak dahil minsan nakikita nya ang ugali ng anak dito. Nang maipasok na ito sa E.R ay ganoo n na lamang ang pagdadasal nya na sana walang mangyaring masama sa dalga. Kristoff, anak, gumising ka na...Hindi ko na alam ang gagawin ko... sa isip nya.

*** Napakamalas nyo nga naman ano? Una, hindi kayo pinagbigyan ni tadhana na magkatuluyan tapos hanggang ngayon hindi pa rin pwede? Ano ba naman yan! At sa d alawang pagkakataon na iyon, ikaw pa rin ang may kasalanan... Ibang-iba ang tao/nilalang ang kaharap nya ngayon. Hindi ito si Jude na nakilal a nya. Nakatakot ang mga tingin nito, ang aura, ang pananalita, ang lahat! Muli nyang n ilingon ang pag-agos ng dating itim ngayon ay pula ng buhangin sa itim na sahig. Ano ba ang nagawa nya?! Ano ba ang gulong ipinasok nya?! Sinubukan nyang puluti n ang mga buhanging iyon at ibalik sa nabasag na hourglass pero walang nangyari. A ng buhangin ay naging tubig na hindi na mahawakan. Kaya pala kataka-takang nakita nya ang me tal na bagay na iyon dahil naisip na pala nito ang mga susunod nyang gagawin. At plinanong la hat ito ni Jude! Napakawalang-hiya mo! Bakit mo ba ginagawa sa akin ito?! Kay Natalia?! Sa amin?! Bakit?! Natawa ng ubod ng lakas at sa eksaheradong paraan si Jude sa itinanong ng binat a sa kanya. Sabi ko sa'yo na ako si kamatayan hindi ba? Natural ang trabaho ko ay kumuha ng buhay ng patay... At maging ng mga buhay... Kaya hindi ka na dapat pang magulat, Kristoff. At alam mo ba na ikaw ang pinaka-nakakatuwang costumer ko sa lahat? Kayo ni Natalia . At nagenjoy ako sa pakikipaglaro sa inyo. Kaya bibigyan kita muli ng isang hiling... Hindi na ako magpapaloko sa'yo! Aw...Wag ka namang ganyan...Pinapasakit mo ang puso ko... ani nito saka napahawak

sa may dibdib. Maganda ito! At pangako hindi na kita lolokohin o dadayain pa. Mad ali lang

naman ang mechanics nito. Alam mo ba ang pelikulang SAW? Napanuod ko kanina at n atuwa ako kaya ganoon din ang lalaruin natin! excited nitong sabi. Bibigyan kita ng isan g hiling na pumili sa inyong dalawa ni Natalia kung sino sa inyo ang bubuhayin ko. Kung pipi liin mo si Natalia, nakakatiyak akong mas gugustuhin pa nyang mamatay na lang kaysa makita kang nakalibing sa lupa. Alam mo ba kung gaano sya naghirap sa panahong nagpapakasara p kang matulog sa kama mo? Ilang beses na rin syang nagbalak magpakamatay kakasisi sa s arili nya nang dahil sa nanagyari sa'yo. Kung wala sina John, Marie at ang Daddy mo, malam ang na nasa langit na sya ngayon. At kung pinili mo naman ang sarili mo, kakayanin ba ng konsensya mo? Sa ilang ta on na magkasama tayo, Kristoff natutunan ko ng basahin ang mga kilos at galaw mo. A t natitiyak kong hindi mo kakayaning mabuhay ng wala sa'yo si Natalia. Ang isang taong psses sive na gaya mo ang nagsimula ng lahat ng ito. Kung naipakita mo lang ng maayos sa babaeng ma hal mo ang nararamdaman mo para sa kanya, malamang na nagsasama kayo ng maganda ngayon at malamang na mayroon na kayong pamilya. It was all your fault and still your faul t so you choose...be alive with guilt and sorrow? Or let her lived then be killed later o n? Sa nanlalaki nyang mata ay tila ba hinihigop ng nilalang na ito ang lahat ng la kas sa katawan nya. Hindi nya alam ang mga bagay na ito! Nasaan ba sya?! Ang alam lang nya ay ang huli nyang alaala ay ng binabasa nya ang diary ng dalaga at ngayon nasa loob na sya ng impyerno at kaharap si kamatayan at sinasabing sya ang puno't-dulo ng lahat?! Nagulat ka ba sa mga narinig mo huh?! Nakakagulat nga naman talagang malamang ng dahil sa'yo nagkagulo ang lahat. Alam mo ba na nasa libro ni tadhana na ang magk atuluyan ay si John at Natalia? Pero anong ginawa mo? Nanghimasok ka nagpumilit sa gusto mo. Na pakaselfish mong tao kahit si Natalia alam iyan pero hindi ka pa rin nagpapigil. Gin awa mo pa rin ang mga bagay na gusto mo at hindi pinakinggan ang sinasabi ng iba...

Pinigilan mong mahulog si Natalia kay John at ipinagsiksikan mo pa rin ang saril i mo sa una. Kung hindi mo ginawa iyon, masaya sana ngayon ang dalawa. Hindi sana nga yon naghihirap ng ganito si Natalia na dahil sa'yo. Tingnan mo! At panoorin kung paa no mo papatayin ang babaeng pinakamamahal mo! Panoorin mong mabuti! Nang dahil sa'yo k aya sya nagkakaganyan! Mamamatay sya ulit ng dahil sa yo! Tila pa nauupos na kandilang nilapitan nya ang flat screen tv na iyon at pinanu od ang nangyayari sa lupa. Naroon ang papa nya at si Natalia na nasa loob ng emergency room. N-Natalia... unti-unting nababsag ang tinig nito sa nakikita. *** Doc, hindi po talaga matigil ang internal bleeding ng pasyente. Sinubukan po nam ing hanapin ang sugat pero wala po kaming matagpuan na kahit ano maging galos. Mukha ng hindi rin po ito galing sa isang karamdaman. Ano na po ang gagawin natin? Marami ng bulak ang naubos nila.Gumamit na rin sila ng mga tela mahinto lang an g pagagos ng dugo nito pero walang nangyayari. Hindi mahinto ang pagdudugo nito. Halo s lahat ng magagaling na doktor sa ospital na iyon ay naroon na para tumulong pero walang n angyari. Punong-puno na sila ng dugo. Ang buong kwarto ay tila ba isa sa mga kwarto ng mg a horror film na puro dugo. Bakit hindi nyo ulit i-check? tanong ni Dr.Cruz

Nakailang ulit na sila ng tingin, maging ako ay walang makitang butas. Hindi kay a bagong uri ito ng sakit? ani ng isa pang doktor.

Pero ano na ang gagawin natin ngayon? Kung hindi ito maagapan, mauubusan ng dugo ang pasyente at maari nya itong ikamatay. Bumabagal na ang tibok ng puso nya, un stable na rin ang mga vitals nya! Walang magagawa ang pagpapanic mo, Dr.Cruz. Kung wala na talagang paraan, it's s ad but....ganoon talaga. Mortal lang tayo, mga doktor, may kakayahan tayong bumuhay at pumatay ng mga pasyente... Pero, hindi tayo diyos para gumawa ng himala. Mabigat na napabuntong-hininga ang mabait na doktor at napatingin na lang sa la bas ng pinto. At pinatay na nila ang pulang ilaw ng kwartong iyon. Samantala, pumunta n aman si Mr.Morales sa kwarto ng anak na si Kristoff. Mahigpit nitong hinawakan ang nakas wero nitong kamay at dinala iyon sa kanyang pisngi. Anak, gumising ka na... pakiusap nya. Nanganganib ang babaeng gustong-gusto mo. Hindi mo ba sya tutungan? Gumising ka na anak. Nagsisimula na kaming mawalan na ng pagasa. Kahit hindi na lang para sa akin...kahit para kay Natalia na lang *** Ano na ang desisyon mo ngayon, Kristoff? Dahan-dahan nyang inalis ng paningin sa tv na iyon saka hinarap si Jude. Hindi lang pala si Natalia ang naghihirap, maging ang papa nya. At sya ang dahilan ng lahat ng i yon. Wala na ba akong ibang pagpipilian? Marahan namang umiling si Jude bilang sagot. Huminga ng malalim ang binata. Nagpalipas ng ilang sanadali saka muling hinarap ang naghihitay na si kamatayan. Mangangako ka bang aalgaaan mo sila kahit wala na ako?

Kung iyan ang gusto mo, sige... Hindi mo sila sasaktan o idadamay man lang sa mga kalokohan mo? Nagtaas ng kanang kamay si Jude sa kanya. Promise. I ll try to become a very goog devil Tinapunan nya ito ng nagdududang tingin. Ano na ang desisyon mo? Ikaw o si Natalia? Muling huminga ng malalim si Kristoff saka tinitigan sa mata si Jude. *** Biglang nagbago ang tunog nag aparato na nagpagulat sa kanya. Tinitigan nya ang aparatong iyon at naroon ang muling pagtaas-baba ng mga linya. Tinitigan nya ang nakahigang pasyente at ganoon na lamang ang tuwa nya nang igalaw nito ang ilang daliri seny ales na nagsisimula na itong magkamalay. My...god... Nagsisimula ng bumuhos ang mga luha sa mata nya. Isa na namang himala ang nangy ari. Isa itong panaginip na tila ba napaka-imposible. S-Salamat...at buhay ka...

Chapter VIII Naparami ng nangyari sa buhay ko sa nakalipas na 5 taon mula ng mangyari ang insidenteng iyon. Maraming nawala, maraming nasira pero nanatili akong matatag. Matapos kong makalabas sa ospital na iyon ay ang agad namang sumalubong sa akin ay ang n ahihimbing na si Kristoff. Ano po ang nangyari sa kanya? May sakit po ba sya? Bakit sya nandito? a pobreng matanda na nasa tabi ng higaan ng kanyang anak. tanong ko s

Hindi sya sinagot ng matanda sa halip ay tahimik lang itong lumabas ng kwarto h abang pilit na itinatago angn luha sa mga mata. Kataka-taka ang ikinilos na iyon ng am a ni Kristoff kaya hindi ko mapigilang makaramdam ng kakaibang kaba sa puso ko ng matitigan ko ng malapitan ang lalaking nakaratay sa naroong kama. Inakala ko noong mga panahon n a iyon na may sakit lang ito o di kaya nadawit na naman sa isa sa mga riot sa kanilang esk welahan kaya inalis ko rin ang masamang bagay na pumasok sa isip ko. Naisip ko na baka masyad o lang nagaalaa ang papa nito kaya ganoon ang ekspresyon nito. Marahan akong naupo malapit sa tabi nito at pinagmasaadan ang gwapong binata. Noong una, hindi nya napansin ang magaganda ng paguugali nito, maging ang lihim nyang pagmamahal para dito. Galit at sama nag loob ang unang nangibabaw sa kanya ng mga panahong iyon at gulong-gulo ang isip nya sa mga nang yayari. Napakapayapa ng itsura nito hindi tulad kapag nagku-krus ang landas nila. Para bang ano mang oras ay sisiklab ang isang digmaan sa pagitan nilang dalawa. Noong una pa m an nya lang ito nakita, aminin man nya o hindi ay nagkaroon din sya ng atraksyon dito. Sino ba naman ang hindi? Isa ito sa pinakahinahangaan ng mga kababaihan sa kanilang eskwelahan, ma yaman at anak pa ng may-ari ng paaralan nila. Napakaswerte nga naman ng babaeng iibigin n ito.

At sya nga ang maswerteng babae na iyon na sya naman nyang hindi inaasahan. Paa no ba naman kasi, mahirap lang sya at napakalayo nya sa mga babaeng nagpupumilit mapad ikit dito ano nga ba naman ang laban nya? Oo at maganda sya pero malayo pa rin sya sa esta do ng mga babaeng magustuhan nito kaya nang pormal itong manligaw sa kanya ay inakala nya na pinagpupustahan lang sya ng mga kaibigan nito o di kaya ay pinagtitripan lang sy a ng binata. Pero nagkamali sya ng hinala dahil kabaliktaran ang mga nangyayri. Seryoso ito s a panliligaw at makikita iyon sa ikinikilos ng binata. Dumating pa nga ang puntong iniwan nito a ng mga barkadang nagmamaliit sa kanya para lamang sa kanya. Pinoprotektahan sya nito sa lahat ng oras. Kaya nga wala ni isa man sa kanilang eskwelahan ang naglalakas-loob na ban ggain man lang sya o di kaya hindi sya mapakitaan ng maganda. Sa una lang iyon naging maga nda pero katagalan ay nainis na rin sya dahil wala na syang mga kaibigan at pakiramdam ny a ay masyadong aloof ang mga tao sa kanya. Pero may isang babae na naglakas-loob na lapitan sya at iyon nga si Marie. Sa t agal-tagal nya itong nakasama ay ramdam nyang may gusto rin ito kay Kristoff. Kaya nga kahi t gusto na nya itong sagutin ay hindi nya magawa dahil ayaw nyang mawala sa kanya ang nag-i isang kaibigan. At dahil sa hindi nga pasyensyoso si Kristoff ay minasama nito ang nag ing aksyon nya at inisip pa nito na baka may iba na syang nagugustuhan. Naiintindihan naman nya kung bakit ito nagkakaganoon. Nakakapagod nga namang maghintay sa isang sagot na hindi mo pa si gurado kung may makukuha ka ngang magandang resulta o wala. Pero hindi katagalan ay nag simula ng gumawa ng aksyon si Marie para sirain ang binata sa kanya. At dahil nga sa malak i ang tiwala nya dito ay hindi nya ito pinagdudahan. At doon na nga nagsimulang magkaroon ng lamat ang relasyon nila ni Kristoff. An g dating paghanga nya dito ay napalitan ng galit at inis at nadagdagan pa iyon ng malaman nito ang tungkol sa 10 milyong pagbili nito sa kanya na hindi naman nya nasigurado ku ng iyon nga ang ipinunta nito sa kanila dahil agad syang tumakbo papalabas. At doon nga nya nakilala si

John. Marami na nga talaga ang nangyari at ang huli ay a ngpinakamasama sa lahat at inakala nya na magiging huli na. Pero sadya yatang hindi sila nababagay sa isa't -isa na ng sa hindi sinasadyang pagkakataon ay narinig nya ang naging pag-uusap ng isang doktor at a ng ama ni Kristoff. Hanggang kailan nyo po ba itatago ito sa babaeng pasyente? Hindi ba at may karap atan din syang malaman kung ano ang tunay na nangyari sa anak ninyo? Napatingin lang sa labas ng bintana ang matanda habang napakapamulsa. Kalagayan ni Kristoff? Bakit? Ano ba ang nangyari sa dito? sa isip nya.

Mas mabuti ng hindi malaman ni Natalia ang nangyari sa anak ko. Dahil alam ko na sisisihin nya lang ang sarili sa nangyari sa anak ko... mahinahaon nitong sabi.

Pero hindi kaya mas lumala lamang ang sitwasyon kung sa iba pa nyang malaman na na-comatose ang anak ninyo, Mr. Morales? Hindi na iyon sinagot pa ng matanda at nanatili na lmang na nakatingin sa labas ng bintana ng opisina ng doktor. Totoo ba ang narinig nya? Na-coma si Kristoff? Pero...Bakit?! Muling binalikan ng dalaga ang kwarto ng nakaratay na binata. Hindi nya mapaniw alaan ang lahat! Imposible! Ano ba ang nangyari dito habang inooperahan sya? Hello, Ms. Natalia! Napalingon sya sa pinaggalingan ng boses na iyon. Sino ka? At bakit mo ako kilala?! Nurse!

Teka, teka! Relax! Ako si kamatayan...Jude at your service... Huh?! gulat na sabi na lamang ng dalaga.

Ngumiti lang ng ubod ng tamis ang nakaputing binata. Kamatayan daw. Eh bakit pu ti? Hindi ba dapat itim? Isa siguro ito sa mga doktor na walang magawa. O di kaya ba liw na nakatakas. Gusto ko bang malaman ang mga nangyari habang wala ka? Hindi pa sya makahanap ng isasagot nang may ibigay ito sa kanyang isang bilog n a kristal. Tinitigan nya lang ang bagay na iyon at nagulat sya ng bigla na lamang iyong umilaw at may ipinakitang mga pigura ng mga tao. Ang pinapanuod nya ngayon ay ang mga nang yari sa binata at ang pag-aakala nitong namatay na nga sya. Hindi sya makapaniwala sa mg a nasaksihan. Muli nyang tiningnan ang estrangherong nasa hrapan nya. T-Totoo ba ito? Mukha bang hindi, Ms. Natalia? Bakit mo ako kilala? Dahil lagi kang nakikita sa panaginip ni Kristoff... Ano bang--Sa kalagayan nya ngayon ay tinatalaga na syang patay ng langit alam mo ba iyon? At kaya ako narito ay para tuluyan na syang sunduin dahil iyon ang trabaho ko... Pe ro... Naghintay sya sa susunod na sasabihin ng lalaking ito.

Pero ano? Muli itong ngumiti sa kanya. Maari ko syang ibalik sa mundong ito kung papayag ka sa kundisyon ko.... Anong kundisyon? Ibabalik ko sya sa'yo kapag natapos na ang panaginip nya na tatagal sa loob ng l imang taon. At sa muling paggising nya makalipas ang limang taon na iyon ay bibigyan k ita ng dalawang kahilingan. Bahala ka kung ano ang gusto mo. Kung gusto mo ba syang buh ayin o hindi na... may laman ang huling sinabi nito na halatang sinadya. At ano naman ang kapalit nito? Natuwa ito sa tanong nya. Matalino ka para sa isang mortal. may paghangang sabi nito. Simple lang naman. At iyon ay ang buhay mo. Isang araw na makakasama mo si Kristoff kapalit ng buhay m o. At kailangan sa loob ng limang taon ay mapanatili mong buhay ang katawang lupa ni K ristoff para masakatuparan ang dalawang hiling na ibibigay ko sa'yo. Kalokohan man pero tinaggap nya ang alok na iyon ni kamatayan.Wala na syang pakialam kung ano man ang mangyari sa kanya pagkatapos basta ang mahalaga ay mak ita nya ulit si Kristoff sa una at huling pagkakataon. May isa pang sirkumstansyang ibin gay sa kanya si kamatayan na hindi nya maaring ibalik dito ang nakaraan dahil baka muli itong bu malik sa mundo ng panaginip. Kailangan nyang magpanggap na wala syang alam sa oras na mak aharap na nya ito.

At sa loob nga ng limang taon na iyon ay gumawa sya ng paraan wag lang mawala s a katawan ng binata ang mga naglalakihang aparato na iyon mabuhay lamang ito. Mahi rap para sa kanya maging sa ama nito na makita ang binata sa ganoong sitwasyon. Maraming bes es na rin silang muntikang sumuko dahil sa sunod-sunod na dagok sa kanilang mga buhay pero hindi pa rin sila nawawalan ng pag-asa na balang-araw magigising din ang binata... *** Ano bang ginawa mo, Jude?! galit na salubong ni Gabriel.

O, kaibigan nandyan ka na pala. bati nya dito. Halika at samahan mo ako sa aking kasiyahan! Kanina pa kita hinihintay. Ipaliwanag mo nga sa akin ang mga ginawa mo sa dalawanag iyon! Anong ipapaliwanag ko? Sumunod lang ako sa kontrata. May masama ba doon? Hindi ba at sinabi kong hindi mo maaring galawin ang katawan ni Kristoff? Sya ang pumili noon sa sarili nya. At sinunod ko lang ang gusto nya na buhayin s i Natalia kapalit nya... Nasaan na ang kaluluwa nya? Hindi ko alam sabi ni Jude sabay pina-ikot ang mata pataas..

Hindi ako makapaniwalang nagawa mo ito, Jude! Bakit ka ba nagagalit? Naninigaw ka pa! sabi nya sabay napakamot sa tainga nya.

Sisigawan kita hangga t gusto ko dahil mali ang ginawa mo, Jude! Ano na lang ang sasabihin mo sa nakakataas sa ginawa mong to huh?! Anong idadahilan mo?! Ako na ang bahala dun kaya wag mo na yung problemahin pa!

Anong wag ng problemahin?! Malaking problema ang dinala mo sa langit Jude! Nang sabihin kong malaki, MALAKI talaga! sermon pa nito. Ano ng gagawin mo ngayon huh? Paano mo aayusin to?! Ngumiti si Jude sa kaibigan. Nasa sa'yo na ang pagpapasya kung ano ang gusto mong gawin... nito. Anong ibig mong sabihn? takang tanong ni Gabriel. makahulugang sabi

Napakibit-balikat lang ito saka nagbigay ng mahulugang ngiti sa kasama.

Chapter IX Nanaginip sya. Nasa loob daw sya ng isang mabulaklak na lugar. Napakaganda ng l ugar na iyon. Sa may kalayuan ay may makikita kang munting lawa na may isang puting u sa na umiinom mula doon. Punong -puno ng mga magagandang bagay ang lugar na iyon. At s a may di rin kalayuan ay isang bulto ang nakita nya tila ba pamilyar s kanya. Sa pagharap ng bultong iyon ay bigla na lamang syang napasinghap at agad tumulo ang luha sa mata nya. K-Kristoff? Glad to see you again Natalia... A-Anong--Bumalik ka na sa lupa. Hindi ka nababagay sa lugar na ito... Ano bang pinagsasabi mo? Nagbalak syang lapitan ito pero pakiramdam nya ay kay layo na nito. Wag mo na akong lapitan, Natalia. Hindi mo rin naman ako maabot. Pero, Kristoff... At matapos niyon ay unti-unting naglalaho ang katawan ni Kristoff sa mismong ha rap nya. Sinubukan nya itong habulin pero huli na. Napaluhod sya sa naroong damuhan at patuloy na lumuha. Ngunit isang bulong ang nagpapigil ng luhang iyon. I love you, Natalia... ***

Dahan-dahan nyang iminulat ang kanya mga mata at ang unang sumalubong sa kanya ay ang nakakasilaw na liwanag ng ilaw ng kwartong iyon. I can't believe na natakasan mo ang kamatayan sa ikalawang pagkakataon, Ms. Nata lia. A-Ano ang nangyari? tanong nya sa doktor na nasa harapan nya.

Hindi rin namin alam but you almost lost all of your bloods but again by the pow er of miracle, you are alive! ani ni Dr.Suarez. Pinag-isipan nya ang mga nangyari. At nagulat sya sa naisip nyang konklusyon. Hindi kaya...Si Kristoff ay... And without any notice ay napatuptop na lang sya sa sariling bibig at bumuhos a ng mga nagraragasang luha. He's unfair! Always so unfair! Bakit nya ginawa ulit sa kanya ito?! Napakadaya mo, Kristoff mahinang bulong ny sa sarili.

Hindi ko matanggap na ako ang pinili ni Kristoff. Napakadaya nya talaga! Lagi s yang ganyan! Ni hindi man lang nya naiisip ang mga taong nagmamahal sa kanya! Napakas elfish nya! Wala syang inisip kundi sarili nya lang at kung ano ang magpapaligaya sa kanya! Narito pa rin sya sa may ospital at kasulukuyang nagpapaggaling. Muli nyang naa lala ang ikinuwento ng ama ni Kristoff ng mga araw na nasa loob din sya ng emergency room ... ***

Anak, gumising ka na... Nasa kapahamakan ang babaeng gustong-gusto mo .Hindi mo ba sya tutungan? Gumising ka na anak... Nagsisimula na kaming mawalan na ng pagasa Kahit hindi na lang para sa akin...kahit para kay Natalia na lang Nagulat ang matanda ng mag-angat ito ng isang daliri, at ng isa pa. Biglang nap atayo sa kanyang kinauupuan ang matanda ng magdilat ito ng mata. My...god... Dahang-dahang ibinuka ng binata ang bibig nito para magsalita pero walang lumab as na kahit ano doon. W-Wag mo munang pilitin ang sarili mo, Kristoff... P-Papa... Kristoff anak--Si...si...Natalia... Nasa E.R sya ngayon at nagpapagaling. Tiyak na matutuwa iyon kapag--I...Iligtas...mo...si...Natalia... Sandaling natigilan ang matanda ng marinig iyon mula sa anak. Ano ang ibig sabi hin nito? At bago pa sya maka-isip ng sagot ay ito na mismo ang nagbigay nito sa kan ya. Papa... S-Sorry... P-Pero...mas...gugustuhin kong...si Natalia ang...maligtas.... Mapait pa itong napangiti sa kanya kahit hirap. Sorry...mas mahal...ko...sya...kaysa...sa'yo...

Sorry if I'm so selfish... Muling tumulo ang luha ni Mr.Morales at maya-maya pa nga ay marahas niya iyong pinahid at matapang na hinarap ang anak. I-Iyan ba talaga ang gusto mong mangyari? garagal nitong sabi.

Marahang tumango ang binata saka muling ngumiti. S-Sige... Kung iyan ang pasya mo... Wala na akong ibang magagwa. A-After all, sa pat na rin sa akin ang limang taon na nakasama kita anak At matapos nga noon ay pinutol ni Mr.Morales ang tubong nagbibigay-buhay sa ana k. Masakit man para sa kanya na patayin ang sariling anak ay wala syang ibang magag awa kundi sundin ang una at huling kahilingan na hiningi nito sa kanya. At isa pa, hindi n ya mahindian ang masayang ngiti nito. Iyon ang kauna-unahang ngiting ibinigay sa kanya ng ana k. Ang huling kita nya dito ay noong bata pa ito at buo pa ang pamilya nila. Noong mga panahon g buhay pa ang mama nito. Sa nakakabinging tunog ng aparatong iyon na gumawa ng derechong guhit, alam nya ng wala na ang anak. Pero, namatay ito ng masaya at inisip pa rin ang babaeng pinak amamahal. Kahit kailan talaga ay napakakitid ng utak nito. Hindi man lang nito naisip na h indi magiging maligaya si Natalia sa pinili nyang daan. Siguro nga at may alam din ito kahit p apaano at iyon ang hindi nya alam. Pero... At sa mismong pag-alis ni Natalia sa kapahamakan ay doon naman lumisan ang lala king nagpatibok ng puso nito. Minsan gusto nyang maawa para sa dalawa lalo na kay Nat alia na sa loob ng limang taon ay walang pagod na naghintay sa paggising ni Kristoff. Minsa n, napasaklap talaga ng kapalaran. Kung sino pa ang tunay na nagmamahalan ay sya pa ng hindi

nagkakatuluyan. At kung sino naman ang gusto ng maghiwalay ay ito pang patuloy n a nagsasama. Ang masaklap na katotohanan nga naman ng buhay. Kung sa susunod nilan g buhay, hiling nya para sa dalawa ay ang magkasama ng panghabang-buhay. Nang walang inii ndang problema at lungkot na mula sa nakaraan. *** Matapos maalala ang ikinuwentong iyon ng ama ni Kristoff ay muli na naman syang umiyak. Pero ngayon, ipinapangako na nya sa kanyang sarili na ito na ang huling luha na papatak sa kanya. Muli syang napatingin sa bughaw na langit. Nakakinis ang liwanag noon! Na para bang natutuwa pa ito sa nangyari sa buhay nya. Ang una nilang pagkikita. Ang umusbong na damdamin. Ang alitan. Ang asaran. Ang galit. Ang selos. Ang hinanakit. Ang pagiging mapanghusga. Ang kawalan ng tiwala . At ang kamatayan... Lahat ng ito, lahat ng mga elementong ito at napasa kanila. At sa harap mismo n g bughaw na langit na ito, isinusumpa nya na hindi nya mararamdaman ang ganito sa ibang lalaki kay Kristoff lang at wala ng iba.

Chapter X Narito ka na naman sa puntod nya, Natalia... Napalingon sya sa matanda. Kayo po pala Tito Raul... Tumabi sa kanya ang matanda at sabay nilang tingnan ang labi ng taong pinakamah alaga sa kanila. Kristoff morales June 13, 1985 - June 10, 2011 May you rest in peace. It's been a year, Natalia...And you re not that young anymore.Why not look for oth er guys--Masaya na po ako sa sitwasyon ko ngayon, tito... At nagpapasalamat po ako sa iny o ng malaki dahil kung hindi sa dahil inyo hindi ko mararating ang lugar kung nasaan ako ngayon. Pero hija, hindi ba at mas magiging stable ang buhay mo kung may makakasama kang lalaking magpapaligaya sa'yo? Mapait na napangiti sa sarili si Natalia. Tito, alam nyo naman kung gaano kaseloso ang anak ninyo, mamaya kapag makita nya mula sa taas na may iba akong lalaking kasama baka bigla na lamang iyon bumangon sa puntod na ito at manghamon ng away. pagbibiro pa nya.

Binigyan ng nakikisimpatyang tingin ng matanda si Natalia. Alam nyang hindi pa rin ito nakakalimot sa anak nya at maging sa pinagsamahan ng mga ito. Tama ka nga... sang-ayon na lang nya saka muling tumahimik.

Matapos pa ng ilang sandali ay nagpasya ang matanda na bigyan ng sarili nitong oras ang dalaga para makapagmuni-muni. Dahan-dahan nyang inilapag ang dala nyang bulaklak para sa yumaong binata at ta imtim na dagdasal. Ngayon lang kita nakitang nagkaganyan ah! Anong nakain mo? Bigla syang napadilat ng marinig ang boses na iyon. Nakiramdam muna sya kung gu niguni lamang iyon pero hindi. Pakiramdam nya ay hindi sya nag-iisa sa lugar na iy on. Ano, hindi mo ba ako lilingunin? Sa hudyat na iyon ay dahan-dahan nyang nilingon ang pinaggalingan ng boses na i yon. At ganoon na lamang ang gulat nya ng mapagsino ito. K-Kristoff... Ngumiti ito ng ubod ng tamis sa kanya sabay sumaludo in very carefree way. Just like before. I-Ikaw nga ba iyan? Why not see it for yourself? ani nito saka inilahad ang mga braso sa kanya.

Dahan-dahan syang lumapit sa direksyon nito at hindi sya makapaniwala sa nakiki ta nya. Ang mukha nito, ang suot nitong tuxedo, ang lahat-lahat ay para bang totoo. Kung nanaginip sya, wag na sana syang magising sa magandang panaginip na ito. Nang tuluyan na nyang mayakap ang binata ay hindi pa rin sya makapaniwala na nasa harapan nya ito ngayon. Ano...Paanong Pinakawalan na ako ni Jude with the help of St.Gabriel. Hindi ko alam kung ano a ng mga nanagyari matapos kong basagin ang hourglass ng buhay mo. Basta nang magisin g ako ay buhay na muli ako... Pero hindi ko naiintindihan... Hindi na importante ang mga detalye, Natalia. Ang mahalaga ay narito na ulit ako ... P-pero...Sino ang nasa puntod na ito?! Gawa-gawa lang namin iyan para tuluyan na kayong magsama sa lupa ng panghabangbuhay Nagulat ang dalaga ng bigla na lamang lumitaw sa harapan nya ang dalawang lalak i. Ang isa ay si Jude at ang isa ay hindi pamilyar sa kanya. Its been a while, Ms.Natalia... Anong ginagawa nyo dito? gulat nyang tanong. Invited kami eh! sagot ng isa. Gabriel, ma'am...

Invited saan? T-Teka hindi ko talaga kayo maintin---

Biglang naputol ang sasabihin nya ng bigla na lamang lumuhod sa harapan nya ang binata at may inilabas na maliit na kahita at nang buksan nya iyon ay napanganga sya. Ms.Natalia Perez, will you marry me? Hiyawan ang dalawang lalaki na naroon. Nang-aasar, nanunukso. At sya naman ay h indi makahanap ng sasabihin dahil hindi pa rin sya makapaniwala na buhay ito. Baka naman balak mong sumagot kasi mali-late na tayo sa kasal... H-huh?! Anong kasal?! Nasa simbahan na ang lahat, bride na lang ang hinihintay... ani ni Kristoff.

T-Teka nga! Ipaliwanag mo nga muna sa akin ang mga nangyayari! Nagtaas at nagwagayway pa ng kamay si Jude. Ako! Ako! Ako na ang magpapaliwanag! Tinapunan ng masamang tingin ni Natalia si Jude at sinenyasan itong magsalita. Dahil nakapabuti at gwapo kong nilalang, nagpasya akong wag ng kainin ang kalulu wa ni Kristoff at sa halip ihabilin sya kay Gabriel para muling magreincarnate sa m as madaling panahon kaya sya nandito ngayon. At ipinawalang-bisa ko ang lahat ng kontrata ny o sa akin ngayon at five years ago kaya buhay syang muli. At kung may mga tanong ka pa pak ibilisan mo na at mahuhuli na tayo sa kasal. Abay pa naman kami... Litong-lito pa rin ang dalaga kahit na naipaliwanag na sa kanya ang mga nangyar i. Napatikhim ang kaharap nya at muli syang napaharap dito.

Ano ba? Nakakapagod lumuhod dito ah! Bilis na mo at nangangawit na ako... Aba! At ikaw pa ang nagrereklamao?! Kadiri ka sa sementeryo ka pa nagpropose ng kasal sa akin! bulyan ni Natalia. At anong ibig sabihin nito? Na matagal ka ng buh ay at ako na lang ang hindi nakakaalam?! Importante pa ba ang lugar? Ayaw mo ba noon? Unique? sagot ni Kristoff sa una nitong tanong. At oo, ikaw na nga lang ang hindi pa nakakaalam dahil gusto kitang isorpresa. At dapat tayong magpasalamat sa dalawang ito dahil binigyan nila tayo ng bagong pagkakataon para magkasama. Napatingin sya sa dalawa na sinuklian naman nila ng ngiti. Uulitin ko Ms. Natalia Perez, will you marry me? Pinamulahan sya ng mukha. O-Oo... Napangiti ang binata saka isinuot sa kanya ang diamond ring na iyon. All this time, I waited for this moment to come that you and I will be united as one, Natalia. Afterall those problems we faced, I know that God never close oppurtuni ty for us to be together again Napaluha sya sa sinabing iyon ni Kristoff... Alam mo ba Kristoff na mahal kita? Oo naman. At nakita ko na ang lahat ng mga ginawa mo para patunayan iyon. And I' m one of a hell lucky guy for having you...

Niyakap nila ang isa't-isa na may mga ngiti sa labi. Sa wakas.... Sa wakas.... Napagbigyan na rin sila ni tadhana na magkasama... Tara na! apura ni Jude. Mahuhuli na tayo sa simbahan! Excited na ako! First time kong naging abay ang mga costumers ko! Pwede ba, Jude? Ganoon talaga! si Gabriel. Parang ikaw ang ikakasal ah!

sagot nito. Kunyari ka pa! Eh kanina ka pa nga di mapakali eh!

Natatawa nilang pinapanuod ang dalawang anghel nila. Laking pasalamat nila sa d alawa dahil kung hindi dahil sa kanila, wala sana sila ngayon sa kinatatayuan nila. I want to spend every day of my life with you, Natalia Me too, Kristoff Me too ani niya sa katabi.

Epilogue Kasal? May kasal ngayon? takang tanong nya sa sarili sabay napasilip sa loob ng simbahan. Napakaganda ng buong paligid. Nababalutan ng puting rosas ang aisle hanggang sa may altar. Sa may malapit sa altar, nakita nya ang isang lalaki na inaayos ang suot nitong tie at katabi nito ang dalawang pang lalaki. Ang nag-aayos ng tie yata ang groom at ang mga da lawang katabi nito ay ang bestmen nito. Binalak na nyang umalis sa lugar na iyon. Nang bigla syang mapako sa kinatatayu an nya nang makita ang paparating na bridal car. Nariyan na ang bride sa isip nya. ani ng isang babae sa kanya.

O, ano pang ginagawa mo dyan? Huh? Ano po yun? tanong nya.

Pumasok ka na sa loob! Magsisimula na ang seremonyas ng kasal. May upuan pa sa ikatlong hilera ng upuan sa harap doon ka na lang maupo! Nalilito sya sa pinagsasabi nito. Hindi kaya inakala ng wedding coordinator na ito na isa rin sya sa mga bisita? T-Teka lang po, h-hindi po ako bisita--Ay ikaw ba yung isa sa mga abay na na-late? putol nito sa sasabihin nya. Pasensya na. Sige, pumila ka na doon kasama ng mga lalaking yun dahil nariyan na ang bride! tur o nito sa mga lalaki sa gilid.

Wala na syang ibang nagawa pa nang ipagtulakan sya nito sa mga nakapilang lalak i doon. Paano ba sya napasok dito? Ni hindi nya nga ang mga ikakasal eh! At maya-m aya pa nga ay tumunog na ang piano at nagsimula ng magkantahan ang miyembro ng choir. Nagsi simula na ang kasal. Nauna ng naglakad ang flower girl, sinundan ng ring berrer, bible berrer, at sy empre ng mga abay sa kasal, sunod ang mga kamag-anak at kaibigan ng groom at bride. A las t na pumasok at naglakad sa aisle ang bride at sa kanang nito ay mukhang ang tatay nito. Nasa gilid sya malapit sa altar at hindi nya mapigilang mapahanga sa ganda ng bride. Napakagand a nito sa suot nitong puting gown at napapasunod talaga ng tingin ang mga bisita sa paglalakad nito hila-hila ang napakahabang train ng gown nito. Medyo malapit-lapit sya sa may lugar ng kung nasaan ang groom at kitang-kita ny a ang excitement at saya sa mukha nito. Bagay silang dalawa. Magandang bride at gwapon g groom. Kahit na saling-pusa lang sya dito, hindi nya mapigilang makaramdam ng kaba at s aya. Kaba dahil baka malaman nilang hindi naman talaga sya isa sa mga abay ng mga ito at s aya para sa dalawang ikakasal. Lumipas pa nga ang ilang sandali at nagsimula na ang pagpapalitan ng vow ng gro om at bride. At hanggang sa dumating na sila sa puntong lagi nating nakikita sa mga pe likula. Ang pagtatanong ng pari sa dalawang ipagbubuklod ng simabahan. Ikaw, Kristoff Morales, tinatanggap mo ba si Natalia Perez bilang iyong kabiyak sa hirap at ginahawa, hanggang sa inyong pagtanda at maging hanggang kamatayan? Opo, father masayang sagot nito sabay napalingon sa kanyang bride at muling napangiti dito at sinuklian naman iyon ng bride.

Tila sya pinako sa kanyang kinauupuan ng marinig ang pangalan ng mga ikakasal. Paulitulit itong tumatakbo sa utak nya. Kristoff Morales at Natalia Perez Kristoff Morales at Natalia Perez Natalia Perez Natalia Si Natalia ang may ari ng diary na napulot nya noong 11 years old pa lang sya! Itigil ang kasal! biglang sigaw nya.

Nagpatingin ang lahat ng tao sa loob ng simabahan sa direksyon nya. Nagtataka s a sinabi nya. Maging ang mga ikakasal ay napatingin sa direksyon nya, maging ang dalawang best men ng groom. At ang isa sa mga ito, ang naka-itim, ay napangiti sa kanya. Ang lalak ing iyon na may kakaibang ngiti sa labi ay titig na titig sa mukha nya. Bakit? Kilala ba sya nito? Sino sya? Bakit ganoon na lang ito makatingin at mak angiti sa kanya? Dahil ba iyon sa pagsigaw nya? Jude, kilala mo ba sya? narinig nyang lalaking tanong ng katabi nito.

Hindi ito sumagot sa halip muli lang itong ngumiti sa kanya. Bakit?! tanong nya sa sarili.

Bakit ka tumututol sa kasalang ito, hijo? tanong ng pari sa kanya na nagpaalis ng tingin nya sa lalaking tinawag na Jude at muling ibinalik ang tingin sa may altar; kani la Natalia at Kristoff. Bakit? Bakit nga ba? Bakit nga ba nya isinigaw iyon? D-Dahil Dahil? Dahil hindi sya makahanap ng sasabihin.

ulit ng pari.

Hindi pa din sya makahanap ng sasabihin. Ano ba sasabihin nya? Nag-angat sya ng tingin at napatingin sya sa bride. Agad syang pinamulahan ng mukha nang makitang nakati ngin na pala ito sa kanya. Natalia D-Dahil bulong nay sa sarili. M-Mahal ko si Natalia! Sa wakas nahanap na rin kita sa wakas! namumula nyang sabi na ikinagulat ng lahat.

Agad nagbulungan ang mga tao sa loob ng simabahan. Nakita nyang napaangat ng ki lay sa kanya si Kristoff at lalo namang napalapad ang ngiti ni Jude sa kanya. Sino ba ang mga taong ito?! Ano ba ang nagawa nya?! -END OF BOOK II-