Sunteți pe pagina 1din 14

FILIPINO VI

Magandang Umaga!!!

Tuklasin
Sa ating mga pahayag o pagsasabi ng ating nadarama o naiisip, may mga ginagamit tayong kataga na nagbibigay ng ibat ibang kahulugan sa ating mga pahayag.

Ang mga katagang ito ay tinatawag na ingklitik. Kapag nag-iisa, walang kahulugan ang mga ingklitik. Nagkakaroon lamang ito ng kahulugan kapag ginamit sa pangungusap. Ang mga ito ay nagbibigay ng ibat ibang pakahulugan sa pangungusap.

Aalis pala siya. Aalis na siya. Aalis ba siya? Aalis na nga siya. Aalis yata siya. Aalis kasi siya. Aalis sana siya.
Anu-ano ang mga kahulugang ibinigay ng mga ingklitik sa mga pangungusap?

Tandaan
Ang mga ingklitik ay maikling kataga na walang kahulugan sa kanilang sarili subalit nakapagpapabago ng kahulugan ng pangungusap. Halimbawa ng mga ingklitik ay ba, nga,

yata, pala, daw/raw, kaya, kasi, man, muna, lang, pa, na, at iba pa.

Gawin:
A. Ibigay ang angkop na ingklitik na bubuo sa bawat pangungusap. Gawin ito sa hiwalay na sagutang papel.

ba 1. Ikaw ___________ ang dumating? 2. Umalis na ________ muna siya at may gagawin pa ako. 3. Darating __________ mamaya ang bisita. na 4. Nagmamadali siya __________ nalimutan niyang kasi kumain. ba 5. Dumating naman __________siya? 6. Umalis __________ siya dahil naiinip sa paghihintay yata sa iyo. muna sila bago umalis. 7. Kumain __________ 8. Naglalaba __________ siya hanggang ngayon. pa din ___ 9. Hindi ka ___________ muna tumawag bago pumarito. 10.Pupunta ___________ raw siya ngayon. na_

B. Pahabain ang bawat pangungusap sa pamamagitan ng ingklitik. Gawin ito sa kuwaderno. 1. Dumating ang tatay? 2. Nasa pulong ang mga tao. 3. Kumain ang mga bisita. 4. Narito ang ate mo. 5. Masaya si Linda. 6. Umaawit kami. 7. Nag-aaral ang bata. 8. Sasama ka? 9. Bumili siya ng sapatos 10. Hindi siya nagpaalam.

Paunlarin:

A. Sabihin ang kahulugan na ipinahahayag ng bawat ingklitik sa pangungusap. 1. Hindi man lamang siya tumawag para magpaalam. 2. Umalis na kaya siya? 3. Babalik daw naman siya. 4. Bumalik sana siya agad. 5. Hinihintay mo pala siya.

B. Magbigay ng mga pahayag na ginagamit ang sumusunod na mga ingklitik. Sundan ang halimbawa.

1. kasi Nahuli ako kasi trapik. 2. pala 3. nga 4. sana 5. muna 6. naman 7. lang 8. tuloy 9. pa 10. raw

C. Lagyan ng wastong ingklitik ang patlang upang mabuo ang talata. Isulat ang sagot sa sagutang papel.

Tiyaga ang daan sa tagumpay upang makamit (1)__________ ang hinahangad ng bawat isa sa atin. May kasabihang daig (2) __________ ng taong matiyaga ang isang taong marunong lalo (3) __________ at tamad ito. Kung Magkakasama naman ang dunong at tiyaga Ano (4)_________ pa kaya ang magiging suliranin upang hindi magtagumpay ang isang tao? Mayroon pa (5) _________?

D. Buuin ang tula. Ilagay ang wastong ingklitik sa nawawala sa bawat saknong ng tula. Isulat ang sagot sa hiwalay na sagutang papel.

1. Sa isang punungkahoy, di-maayo sa sapa May isang munting ibong dumapo sa sanga; na Galing sa paglalakbay at tila pagod ________ Kaya nagduyat nagpahinga _________. muna 2. Nagkataon namang ________ may daraang batang Maghahatid ng baon sa amang magsasaka; Takot datapwat sa paglakad na nag-iisa pa Kaya nasabing batay may tirador ________.

3. Bata palibhasay sa itaas ang tingin Namamahingang iboy nakita mandin; Kinuha ang tirador sinipat ng tingin na At patatamaan ________ ibong nahihimbing.

namang langgam na di-nalalayo; 4. Mayroon _________ muna Nagmamasid _________ sa batang nakatayo; Nang mapagtanto nitong pakay ay di-mabuti Batay nilapitan at kinagat ng matindi.
5. Sa masidhing sakit batay napasigaw Sa pagkakabigla iboy napabalikwas; nang At lumipad _________ palayo, paitaas Sa tirador ng bata siya;y nakaiwas.

E. Basahin ang talata. Itala ang mga ingklitik na ginamit sa kuwaderno. Gamitin ang mga ito sa pangungusap.

Ang paghahalaman ay isang magandang libangan sapagkat bukod sa nakaaaliw na ay mapagkakakitaan pa. Ang tanging puhunan lamang dito ay sipag at tiyaga. Maiiwasan pa ang pagsama sa maling mga barkada. Sa halip, kikita pa kasi maipagbibili ang mga bunga at bulaklak ng mga itinanim na halaman.

Salamat po!!!

S-ar putea să vă placă și