Sunteți pe pagina 1din 3

Ang Republika ng Romano

Ang Republikang Romano ay ang kapanahunan ng Sinaunang kabihasnang romano na may Republikang uri ng pamahalaan. Nagsimula ang republika pagkatapos ibagsak ang Monarkiyang Romano noong 509 BC. Tumagal ito nang 450 taon bago humina, dahil sa digmaang sibil, at naging imperyo. Sa unang dalawang siglo nito, ang Republika ay lumaki mula sa Gitnang Italya hanggang sa buong Mediterraneong mundo. Sa sumunod na siglo, ang Roma ay naging matatag sa Hilagang Aprika, Iberian Peninsula, Gresya, ang kasalukuyang Timog France at ang mga rehiyon sa silanganan. Dahil dito unti-unting naging imperyalistiko ang republika.

Mga nilalaman

1 Kasaysayan 2 Mga sanggunian

Kasaysayan
Natamo ng mga Romano ang kasanayan sa pamamahala sa ilalim ng mga Etruscan. Ang Rome ay nagsimula bilang isang siyudad-estado na pinamumunuan ng isang hari. Noong 509 B.C.E, inalis sa pwesto ng mga Romano si Tarquinius Superbus,ang hari ng Etruscan, at nagtatag sila ng isang Republika, ang pamahalaan. Naghalal sila ng dalawang konsul na puno ng hukbo upang magsilbi bilang punong mahistrado sa loob ng isang taon, ang bawat isa ay nagsilbing tagasubaybay ng bawat isa. Sa mga panahon ng kagipitan, ang senado na binubuo ng mga patrician na nanunungkulan habang buhay, ay patuloy na humahawak ng iba't-ibang pwesto. Sila'y nagpatibay ng mga batas at Humirang ng mga kandidato para sa mga katungkulan. Ang kapangyarihan sa pagpapataw ng buwis, ang deklarasyon ng patakarang panlabas at iba pang pakikipag-ugnayan ay kasama rito. Sa kabilang panig, ang Asemblea na binubuo ng lahat ng mamamayan ay may maliliit lamang na kapangyarihan. Bagamat sila'y nakaboto, ang bilang ng kanilang boto ay hindi gaanong pinahahalagahan kaysa sa mga patrician. Sa paglipas ng panahon maraming tanggapan ang nalikha. Gayunman, ang mga plebeian ay Hindi parin gaanong nakalalahok sa pamumuhay pulitikal at sosyal sa Rome. Sila'y humihingi ng mga pagbabago. Noong 500 B.C.E. ang mga plebeian ay umalis sa syudad at nagtungo sa Mons Sacer at sila'y tumatangging bumalik hanggat hindi ibinibigay ang kanilang mga kahilingan. Ang mga patrician, sa wakas, ay sumuko at kanilang pinahintulutan ang mga plebeian na maghalal ng dalawang tribune.

Ayon sa alamat, ang Roma ay itinatag noong 753 BC ni Romulus at Remus, na pinalaki ng babaeng-lobo. Ang Sinaunang Roma ay isang sinaunang kabihasnan sa Europa na umiral sa Italyanong Peninsula. Ang maliit na agrikultural na lungsod ay lumaki at naging isa sa mga pinakamalawak na imperyo ng sinaunang panahon sa Dagat Mediteraneo. Sa mga siglo ng pag-iral, ang Romanong kabihasnan ay naging kaharian, isang oligarkiyang republika at naging malakas na imperyo. Nang daan-daang taon kinontrol ng mga Romano ang kabuuan ng kanlurang Europa, pati na rin ang buong kasakupang pumapalibot sa Dagat Mediteraneo at bahagi ng kasakupang pumapalibot sa Dagat na Itim. Bumagsak ang Kanlurang Imperyo Romano noong 476 AD sa mga barbaro habang ang Silangang Imperyo Romano ay tumagal hanggang 1453 AD bago bumagsak ang kabisera nito sa mga Turkong Ottoman.

Kasaysayan
Ayon sa alamat, ang lungsod ng Roma ay itinatag ng dalawang kambal na sila Romulus at Remus. ipinatapon ang magkambal noong sila ay mga sanggol pa at iniwan malapit sa Ilog ng Tiber. Inalagaan sila ng mga lobo pero noong lumaki na sila, natagpuan sila ng isang pastol at inalagaan din sila ng pastol. Itinatag nila ang bayan ng Roma pero nag-away sila kung sino ang mamumuno dito pero sabi ng mga ilang historyan, ang pangalan lang ng lungsod ang pinagawayan nila. Nanalo si Romulus at namatay naman si Remus at ipinangalan kay Romulus ang bayan ng Roma. Naging kaharian ang Roma, pero ang huling hari ng Roma, si Tarquin na Nakapagmamalaki, ay pinabagsak. Itinatag ang Republika ng Roma noong 509 BC at namuno ang mga senador pero namuno si Julius Caesar sa lahat at sinakop niya ang karamihan ng Gitnang Europa. Pinatay siya noong 44 BC ng ilang mga senador at pagkayari may tatlong taong namuno na sila Lepidus, Octavius at si Mark Anthony pero nag-away silang lahat para sa pamumuno ng Roma. Tinalo ni Octavius sila Lepidus at tinalo rin niya sila Mark Anthony at si Cleopatra sa Digmaan sa Actium noong 31 BC at kinuha niya ang panglang Augustus Caesar at siya ang naging unang Emperador ng Imperyo ng Roma. Hinati ni Emperador Diocletian ang Imperyo ng Roma noong 293 AD dahil masyado itong malaki at malawak. Hinati niya ito sa dalawang imperyo - ang Silangang Imperyo Romano at ang Kanlurang Imperyo Romano. Si Emperador Constantine ang namuno sa Silangang Imperyo Romano.

Sinakop ng mga Vandal ang Kanlurang Imperyo Romano noong 476 AD pero ang Silangang Imperyo Romano o ang Imperyong Bizantino na ay natira pero sinakop din ito ng mga Turkong Ottoman sa pamumuno ni Mehmed II noong 1453 AD.

Mga mamamayan
May apat na uri ng mga mamamayan sa Sinaunang Roma. Kabilang sa mga sinaunang Romano ang mga patrisyano, mga plebyano, mga taong pinalaya, at mga alipin.[1] Ang mga patrisyano ang aristokrasya ng Sinaunang Roma, na umaangkin sa lahat ng mga pribilehiyo at mga kapangyarihang panglipunan. Sumunod sa kanila ang mga plebyano, na ipinanganak bilang malalayang mga mamamayan ngunit may iilang mga kapangyarihan. Kasunod nito ang mga pinalayang tao, o dating mga alipin na may bahagyang kalayaan kaysa mga plebyano. Nasa pinakailalim ng antas ang mga alipin, na may iilang uri ng anumang mga karapatan.[1]

Ang Imperyong Romano noong panahon ni Trajanus

Kultura
Ang buhay sa Sinaunang Roma ay umiikot sa lungsod ng Roma, na nasa pitong burol. Maraming mga gusali at monumento na makikita dito tulad ng Coleseom, Forum of Trajan at ang Pantheon. Marami ding mga inuming fountain na may tubig galing sa mga aquadukto; mayroon ding mga teatro, gymnasio, paliguan at mga silid-aklatan na may mga tindahan at mga kanal.

Boundaries: North-Po River, East-Adriatic Sea, West- Corsia & Sardinia, South-Mediterranean Sea...

Mountain Range-Alps 5 Rivers around Rome Arno, Po, Liri, Volturna, Tiber

S-ar putea să vă placă și