Sunteți pe pagina 1din 2

Karamihan sa mga Pilipino ay may mga pananaw, na hindi na sila natutuwang maging Pinoy kung ang paguusapan ay tungkol

sa kahirapan ng bansa, korupsiyon ng mga namumuno sa bansa o mga bagay na nakakahiyang nangyayari sa bansa. Sa isang bahagi wala naman kasing Pinoy na matutuwa pang maging Pilipino lalo na kung ang isang Pilipino ay naka sadlak sa kahirapan at dumadanas ng gutom. Mahirap isiping kung pano maipagmamalaki ng isang individual na maging Pinoy kung buong buhay naman nya ay kahirapan ang naging karanasan nya at naging hamon ng buhay, ang kahirapan na naging sanhi upang sila ay hindi maka-pag aral, makakain ng wasto at makapamuhay ng maayos habang tuloy naman ang media sa pagsisiwalat ng katiwalian at pagnanakaw ng mga namumuno sa ating bansa. Sa ganitong usapin pa lamang ay maliwanag pa sa sikat ng araw, sino ang hindi mangangarap na mangibang bansa, tulad ng karamihan na nag nanais makarating ng America, Japan, Saudi at iba pang bansa kung ang bawat hirap nila sa bansang ito ay may kapalit ng magandang buhay at kinabukasan. Sa ganitong usapin at sa ganitong sitwasyon, NAKAKAIYAK minsan isipin, pano nga po ba natin maipagmamalaki ang salitang PINOY AKO, PINOY TAYO. Minsan ang salitang ito ay madaling sabihin, madaling maunawaan lalo na kung gagamitin sa isang sikat na palabas sa TV at sa isang sikat na kanta, subalit datapwat kung ito ay mapaguusapan sa mga panahong balitang balita ang nakawan ng mga namumuno, balitang balita ang kaguluhan na sanhi din daw ng mga namumunong nasasangkot sa mga anumalya ng corruption, maging madali pa kaya sa isang Pinoy awitin ng masaya ang kantang PINOY AKO, PINOY TAYO. Maaring ang ilan ay nagsasabing, ipinagmamalaki kong maging pinoy kahit akoy isang dukha, maralita, mahirap o isang hampas lupa. Na sa kabila ng mga kahirapang ito, ang aking katapatan sa watawat ng bansang Pilipinas kaylan may hindi magmamaliw. Kaylan man ay hindi ko ikakahiya ang pagiging Pilipino kahit pa na ang ilan o karamihan sa ating mga namumuno ay may mga katiwaliang ginagawa, hindi ako mahihiya maging Pilipino para sa mga kabataang Pilipino, at para sa mga nananatiling Pilipino at para sa ating bansang Pilipinas. Mas iisipin ko na ang mga namumuno ang syang dapat mahiya at hindi ang bawat Pilipino. Hindi ko inaayunan na unawain ang anumang pagkukulang at mga maling ginagawa ng ating pamahalaan at mga nanunungkulan. Subalit hindi rin tama na sa kabila ng kamaliang ito ay solusyonan ito ng isa pang pagkakamali, na sa pagkakamali at pagkululang na ito ay maging sanhi upang ang bawat indibiduwal ay hindi gumanap sa kanyang sariling tungkulin upang maging mabuting mamayan at mabuting Pilipino. Masakit mang isipin at marinig ang mga katiwaliang ito, marami pa din naman ibang bahagi ng ating lipunan tulad ng mga simbahan, paaralan at mamamayan (guro,madre,pare at magulang) ang maaring gumabay sa bawat Pilipino at kabataang Pilipino upang maunawaan ng TAMA ang salitang TUWID NA DAAN. Nagtataka ako kung bakit minsan ay naiisip ng isang Pilipino na kaya ang ilan sa atin ay nag iibang bansa ay dahil mas gusto nila ang lahi ng ibang bansa, dahil mas gusto nila manirahan sa ibang bansa at dahil sa gusto na nilang maging Kano kaysa maging Pilipino. Minsan nga marami sa atin ang nagsasabing Bakit ka nag sasalita ng English, hindi mo ba ipinagmamalaking maging Pilipino, ganun din minsan halimbawa sa mga patimpalak tulad ng Ms. Universe at Ms. World, ang ating mga kadidata ay sumasagot sa wikang banyaga, na para bang hindi nila ipinagmamalaki ang sariling wika at ang pagiging Pilipino. Para sa pansariling pananaw, ang paghahanap buhay sa ibang bansa maging ang pagnanasang tumira ditto ay hindi naman ibig sabihin ay hindi na natin ipinagmamalaking Pilipino tayo. Karamihan

nga sa kanila ay dapat ipagmalaki natin, sapagkat sila ay nagtitiis maghanap buhay sa ibang bansa upang tulungan ang kanilang mga sariling pamilya, at bukod pa dun ay nakakatulong din sila sa ating bansa sa dahilang sila ay nakakapag uwi hindi lang ng dolyar sa ating bansa kung hindi pati na din ng karangalan. Sa paggamit ng salitang banyaga tulad ng English, Japanese, Chinese at iba pa ay hindi nangangahulugan na hindi nanatin ipinagmamalaki ang sariling wika, bagkus dapat nating ipagmalaki na ang mga Pilipino ay may angking talino upang tayo ay magkapagsalita at makasulat ng ibang lengwahe o wika. Hindi ako sumasang ayon sa lahat ng pananaw ng kanong si James Fallow, bagamat masakit talagang marinig minsan ang katotohan sa mga sinabi nya. Damaged Culture naniniwala akong hindi lang ang Pilipinas ang may mga suliranin sa uri ng pamahalaan, sa mga namumuno at sa uri ng pamumuhay ng Pilipino. Nais ko lamang sabihin na maging ang sariling bansa ni James Fallow at ito ay ang Amerika ay marami din naman sa kanilang mga kano ang walang hanap buhay, maraming mga Pilipino ang nagsasabing proud silang maging Pilipino, dahil sa ating Kultura na hinubog tayong magkaroon ng mabuting paguugali, paggalang at pagmamahal sa kapwa tao. Sana naisip din ni James Fallow, kung gaano karaming kano ang nag mamaltrato ng ibang lahi kabilang na dito ang lahing Pilipino. Hindi ko sinasabing perpekto ang ugaling Pilipino, may mga pagkakamali at kapintasan din naman ang paguugali ng ibang Pilipino sa atin. Subalit ang kahirapan at mga pagkakamaling ito ay hindi na ngangahulugan na wasak o sira na ang ating kultura ang kulturang Pinoy. Maaring ang ilang Pinoy ay nawala na ang tinatawag nating Nationalism o pagmamahal a t pagmamalaki sa sariling bansa, hindi yun linggid sa kaalaman nating lahat, bakit, marami din naming kano ang nag nanais tumira sa Pilipinas at maging Pilipino. Hindi nawawala ang nationalism nang dahil sa damaged culture na sinasabi ni Fallow, dahil kung ang kahirapan ang sanhi ng pagkakaroon ng kabawasan sa pagmamahal at pagmamalaki sa sariling kultura at bansa, baka wala nang natirang Pinoy dahil halos lahat naman kaming mga Pilipino ay mahirap pero mayaman sa Pag-asa, Pangarap at Tiwala sa sarilli. Marahil ang iba ay nangarap at ang iba ay naghangad mamuhay sa ibang bansa, pero para sa akin hindi ito sanhi ng pagkawasak o pagkawala ng kultura at pagmamahal sa bansa. Kahit saan tayo tumira, lagi nating dala-dala ang pagiging Pilipino, habang ang dugong dumadaloy sayo ay dugong Pilipino, naniniwala akong hindi mawawala ang pagmamahal mo sa sarili mong bansa, para yang anak at magulang, pagkasama-sama man ng anak o magulang, anak at magulang mo parin yan, na iyong tatakbuhan at yayakapin sa mga panahon kailangan nyo ang isat isa.

S-ar putea să vă placă și