Sunteți pe pagina 1din 2

Ibat ibang uri ng Pagpapahayag ng Emosyon

Ang paghahayag ay sumasaklaw sa pagpapahayag ng sariling damdamin, pagkilala at pagunawa sa


damdamin ng iba, at paghikayat sa iba na ipahayag ang kanilang damdamin.
1. Pagpapahayag ng paghanga/pagpuri likas sa mga Pilipino ang pagiging palahanga. Paghanga sa
kalikasan, sa tao, sa mga bagay-bagay. Malimit sabihin ang :Ang ganda-ganda naman, wow ang
galling naman.
-Hal.
Gumagamit ng ibat ibang kaaantasan ng pang uri :
3 uri ng kaantasan ng Pang uri.
Lantay- ito ang payak na anyo
Pahambing- ito ang kaantasang naghahambing, kung magkatulad o magkaiba.
a. Paghahambing na magkatulad- ito ang may katangiang magkatulad, gumagamit ng mga
salitang, sing, magsing, kasing, magkasing
b. Paghahambing na di magkatulad- ito naman ang may katangian na hindi magkatulad.
Gumagamit ng mga salitang; lalo, higit, kaysa, di gaano, di tulad ng, ni tulad, di gaya ng, ni gaya
at iba pang katulad nito.
Pasukdol- ito ang kaantasang ginagamitan ng paghahambing sa isang tao, bagay pook o
pangyayari sa dalawa o higit pa. gumagamit ng panlaping napaka, pinaka, at kaan.

2. Pagpapahayag sa pagkatuwa at pagkalungkot- ito ang pagpapahayag ng imosyong nararamdaman.
- Pagpapahaya ng pagkatuwa-
a. Natutuwa talaga ako sayo.
b. Ikinatutuwa ko
- Pagpapahayag ng pagkalungkot
a. Ikinalulungkot
b. Sumama ang loob

3. Pagpapahayag ng gusto/ nais- ito ang ginagamit sa lipunang demokratiko, ang pagpapahayag ng
saloobin, mungkahi o hinihiling. Malaki ang nagagawa ng midya ang sa ganitong pagpapahayag.
4. Pagpapahayag ng kawalan ng kasiyahan/interes-
5. Pagpapahayag sa intension o layunin
6. Pagpapahayag sa Proposisyon sa Pagtatalo-
- Ang pakikipagtalo o argument ay isang impormal na pagpapalitan ng katwiran. Hindi tiyak ang
saklaw ng paksang pinagtatalunan.
- Ngunit sa isang banda ang pagtatalo o debate ay isang maayas at organisadong pakikipagtalo.





Mga Paraan ng Pagpapahayag ng Emosyon o Damdamin
1. Ang paggamit ng padamdam na pangungusap na may natatanging gamit.
Sa pagsulat ng ganitong uri ng pangungusap, ginagamit ang bantas na
pandamdam (!) bilang hudyat ng matinding damdamin. Narito ang mga
halimbawa:
Paghanga: Wow! Naks, ha! Ang galing!
Pagkagulat: Ay! Ngiii! Naku!
Takot: Inay! Naku po! Ayyy!
Tuwa: Yahooo! Yehey! Yipeee!
Pag-asa: Harinawa! Sana nga! Magkakatoto sana!
Inis/Galit: Buwisit! Kakainis! Ano ba!
Maaaring samahan ang mga ito ng parirala o sugnay na tumitiyak sa
emosyong nadarama. Gaya nito:
Paghanga: Wow, ang ganda ng Panagbenga!
2. Ang paggamit ng mga pangungusap na tiyakang nagpapadama ng
damdamin at/o saloobin ng nagsasalita. Gayunman, mahuhulaang hindi
masayadong matindi ang damdaming inihahayag sa ganitong paraan.
Karaniwang ginagamitan ng tuldok ang mga pahayag, bagamat maaari rin
namang gamitan ng padamdam upang makapaghudyat ng matinding
damdamin.
Mga Halimbawa:
Pag-ayaw: Pasensiya na, pero ayokong makaisali sa gawaing masama.
Kasiyahan: Natutuwa ako at nakinig ka rin sa aking mga payo.
Pagtataka: Bakit natalo ni Omar si Leroy gayong hamak na mas malaki ito
sa kanya?
Pagkainis: Nakakainis talaga ang mabaho at magulong lugar.3. Ang paggamit ng mga pangungusap
na nagpapahayag ng gusto at ayaw
sa paraang nagpapahiwatig o hindi inihahayag ang damdamin o gustong
mangyari.
Mga Halimbawa:
Pahayag Ipinahihiwatig na kahulugan
Parang kaunti na lang ang katulad mo Ang bait mo talaga.
Mas maganda siguro kung di ka na Manahimik ka.
magsalita.

S-ar putea să vă placă și