Sunteți pe pagina 1din 1

Ama Kong Mahal

Hindi ko man po masabi sa salita,


Mensahe mula sa puso gagawing tula,
Dadaanin na lamang sa tugma,
Ang pangungulila sa Ama kong dakila.
Malayo man ako sa inyong piling,
Sa Makapangyarihan Diyos aking hinihiling,
Laging sinasambit sa bawat panalangin,
Patuloy Niya kayong pagpalain, buhay ay pahabain.
Sinikap ninyong ibigay sa amin ang masaganang buhay,
Kapalit nito'y ang ating pagkakawalay
Habang buhay ko kayong pasasalamatan,
Dahil lumaki akong mayroong kasapatan.
Kaya ngayon nama'y aking ibinabalik,
Sa mga linyang ito ibinubuhos ang aking pananabik,
Di ko man kayo mayakap, hatid nito ay ang aking pag-ibig,
Ipinagmamalaki kita, aking Ama, sana'y inyong batid.

S-ar putea să vă placă și