Sunteți pe pagina 1din 2

Young People Home Bible Fellowship 1st Half of 2015

Naging abala ang Young


People ng Good Shepherd
Baptist Independent Church
dahil sa ilang mga Home Bible
Fellowship na idinaos upang
patibayin ang mga kabataang
Kristiyano at humayo upang
hanapin ang mga pinili ng Diyos. Sinimulan namin ang
taon sa tahanan nina Aya at
Dayna Meca Mendoza na
ang tema ay Unhindered.
Sinundan ito ng He Is In
Control sa Sta. Rita Ilaya.
Na riyan din ang aming
Preparing For The Best sa
San Antonio Tramo sa pamilya ng Isla.
Nakibahagi rin ang Young People sa pagtulong sa unang
anibersaryo ng Lydians at joint fellowship namin sa kanila noong
Mothers Day. Nakisaya rin kami sa kaarawan ni baby Caren na
anak nina Bro. Renar at Sis Rica. At hindi rin mawawala ang mga
tracts distribution sa ilang lugar na malapit sa aming iglesia. Muli
aming pong dinudulog na diligin natin ng panalangin ang gawain
ng mga Young People ng Good Shepherd Baptist Independent
Church ng San Pascual.

Good Shepherd Baptist Independent


Church

1st Half of 2015

The Newsletter of Good Shepherd Baptist Independent Church


San Pascual Batangas

Volume 2, Issue 1

Church Address: Reaville Subd., Ayala Ave. Brgy.


Poblacion,
San Pascual Batangas Philippines 4204

Pstr. Joberth B. Hernandez


Church Pastor
Mobile No. 09194573634

Church Programs
Sunday
Sunday School: 9:30 AM--11:00 AM
Worship Service: 11:00 AM12NN
Young People Fellowship: 1:30 PM-3:00 PM
Lydians/ Mothers fellowship 2:00 PM-3:00 PM
Gospel Hour 3:15 PM-5:00 PM
Wednesday
Prayer Meeting: 6:30 PM-8:00 PM
Police and Jail Outreach
PNP Bible Study - every Saturday morning at PNP
Station San Pascual Municipal
Satellite Prayer Meeting
Sta. Rita Ilaya Faltado residence 6:00 PM

Ye have not chosen me, but I have chosen you, and ordained you, that ye should go and
bring forth fruit, and that your fruit should remain: that whatsoever ye shall ask of the father in my name, he may give it you.
John 15:16
Mga Nilalaman:
17 th Mission Anniversary 1
and Church Organization
Justin Peters Seminar

Lydians Fellowship 1st Year


Anniversary

9th Teachers Seminar and


Workshop

YP Love Sunday at SPNHIS

Campus Ministries
San Pascual National High School Grade 9
University of Batangas Bible Study every Friday
5:00PM 6:00 PM at the Main Library

Nagkaroon ng pagtitipon ang mga kabataan ng ilang GSBIC YP Nakiisa sa Youth Alive
iglesia na tinawag na Youth Alive. Ginanap ito noong ika-23 ng Abril taong 2015 sa Peniel Christian Baptist
Church. Itoy isang pagkakataon upang magkakilakilala ang mga kabataan sa pamamagitan ng palaro, special
number at sa salita ng Diyos. Dahil sa Youth Alive nagkaroon ng bonding ang matatagal na magkakaibigan at
nakakilala ng mga bagong kaibigan mula sa ibang iglesia. Sa buong maghapon na iyo hindi kinaligtaan ang pagaaral ng Sailta ng Diyos. Ginamit ng Panginoon sina Ptr. Larry Lumanglas, Ptr. Daryl Magsumbol at Ptr. Tan
sa pagtalakay ng halaga ng pagiging kabataan, pagtayo sa pagsubok, at tamang paggamit ng gadgets para sa
kapurihan ng Diyos. Pinagpala ang bawat isa sa Youth Alive at aming inaasahan pa ang mga ganitong programa na magpapatibay sa aming mga kabataan.
Ang Chosen ay lathalain ng Good Shepherd Baptist Independent Church sa San Pascual, Batangas. Lumalabas ito dalawang
beses sa isang taon. Naisin ng Chosen na maghatid ng mga bagong balita at kaganapan para sa ikakabatid ng mga kapatiran sa
loob at sa labas ng iglesia at upang marubdob na ipangalangin ang katagumpayan ng mga gawain ng iglesia. Ang lathalain ito ay
walang bayad para sa mga mais makahingi ng sipi.

GSBIC YP 1st Half of 8


2015 Update/ YouthAlive
"Service to Christ is a wonderful
opportunity that all who are a
part of the household of God are
privileged to have. Only as we
seek to live holy lives will our
service have any bearing on the
health of the church or on our
lost world."
-- John F. MacArthur Jr
Be careful for nothing; but in
every thing by prayer and supplication with thanksgiving let your
requests be made known unto
God.
And the peace of God, which
passeth all understanding, shall
keep your hearts and minds
through Christ Jesus.
Philippians 4:6-7

17th Mission Anniversary


And Church Organization
Ang pangyayaring matagal nang dinudulog
palagi ng bawat kapatiran ay tinugon na ng Diyos.
Noong Marso 8, 2015 naganap ang ika-labing pitong
anibersaryo ng Good Shepherd Baptist Mission na
ngayoy Good Shepherd Baptist Independent Church
bilang katuparan ng mga dalangin natin sa Panginoon. Ito ay isang mapagpala at matagumpay na
araw sa bawat isa lalong pinatingkad ng mensahe ng
aming tagapagsalita na si Ptr. Errole Enverga. Isa
malaking katuwaan na aming nakasama ang mga
bisita tulad ng piling kapulisan ng San Pascual
PNP, PTA officer ng San Pascual National High
School at mga magaaral nito. Naroon din ang mga
kaibigan at kapatiran na taga Villagem, Reaville
Subdivision, ilang miyembro ng Faithway Baptist
Church at
mga student assistant ng
University
of Batangas.
Lalong umapaw kagalakan ng bawat isa ng
ordinahan na ang iglesang ito. Ito ay pinangunahan
ni Ptr. Ceasar Hernandez. At pagkatapos niyon ay
nagsilagda ang mga kapatiran ng iglesiang ito sa
church covenant kasama ang mga ilang witness sa pagtatalaga ng iglesia ng San Pascual.
Muli, mula sa aming puso maraming salamat sa nanalangin para araw na iyon.

Page 2

Page 7

Justin Peters Seminar

9th Annual Teachers Seminar and Worshop

Sariwa pa sa kanyang pagiging speaker kay John MacArthur na


conference na Strange Fire , ay dumalaw si Justin Peters para
magseminar sa Pilipinas. Pinamagatang Clouds Without Water layunin nito ang
ipakita ang maling katuruan ng prosperity gospel
(ebanghelyo ng kasaganaan) at ang Word of
Faith Movement na laganap sa buong mundo.
Unang binisita ni Justin ay ang aming iglesiya noong enero 27,
2015. Dinaluhan ito ng ilang pastor, manggagawa at miyembro na
nais matuto tungkol sa maling aral ito. Kasama ni Justin Peters si
Ptr. Michael Miller at ang kanyang anak na si Jacob. May ilang bahagi ito na natapos sa pagsagot sa ilang
katanngan. Itoy isang oportunidad na minsan lang mangyari. Kami po ay nananalangin na ang bawat itinuro sa aming ay magamit namin sa pagtatanggol ng aming pananampalataya. Samahan ninyo rin kami
sa panalangin para makapagimbita pa kami ng mga speakers na tulad ni Justin Peters para sa ikalalago ng
iglesia at sa kapurihan ng Diyos.

Noong April 3, 2015 nagkaroon ng ika anim na taunang seminar at workshop na ginanap sa
Good Shepherd Baptist Church Batangas City na dinaluhan ng maraming kapatiran na Sunday school teachers, parents at leaders galing sa
ibat-ibang iglesia at paaralan. Ang tema ay May
You Find Us Faithful. Dinaluhan ito ng ilang
young people ng aming iglesia sa San Pascual
upang matuto ng bagong pamamamaraan ng
pagtuturo na pratikal at biblikal. Ang mga naging tagapagsalita sa mga parallel sessionsay sina
Bro. Noel Balayo, Sis. Rodelyn Balayo, Sis. Ivy
Corazon Panelo, Bro. Joseph Panelo, Bro. Angel Francisco, Bro. Jeffrey Rieta at Bro. Mario
Marasigan. Hinding-hindi mawawala ang hamon ng Salita ng Diyos na ibinahagi ni Ptr. Caesar
Hernandez noong umaga at si Ptr. Eloi Comia ng God Is Able Baptist Church sa hapon bilang mga general session. (Shierry Pestano)

Lydians Fellowship 1st Anniversary

Isang mahalagang okasyon ang naganap sa GSBIC noong Marso


22, 2015 dahil ito ay ang unang taong anibersaryo ng Lydians
Fellowship na may temang Unity (Psalms 133:1). Sa pangunguna ni Sis. Vangie Hernandez ay sinimulan ang programa ng
opening prayer ni Sis.
Rica Hernandez. Dinaluhan ito ng ilang
mga kababaihan mula
sa Peniel Christian
Baptist Chrch, Faithway Baptist Church
at Bible Fellowship
Baptist Mission.
Lalo namnag sumigla
ang lahat nang magpalaro sina Sis. Rica at Sis. Lorie Macuha na
nagbigay ng ngiti sa bawat isa. Nagkaroon din ng tanging bilang
ang Lydians mula sa GSBIC na may pamagat na Pagdating ng
Panahon. Sinundan ito ng reflection ni Sis. Lorie at ang pinakamahalagang bahagi ay ang isang inspirational talk ni Sis. Elvie Lumanglas mula sa Peniel Christian Baptist Church. At bilang pagtatapos samasamang umawit ng Bastat Tayoy Sama-Sama at Closing Prayer ni Sis. Malyn Axalan. (Mary Ann Rosales)

Love Sunday Fellowship sa San Pascual National High School


Ang taunang Love Sunday Fellowship ng Good
Shepherd Baptist Independent Church ay naging
matagumpay ngayong taon ito hindi lamang sa joint
fellowship ito ng mga Young People mula sa karatig
iglesia dito sa San Pascual kundi kasama sa pagdiriwang ang mga magaaral ng San Pascual National
High School. At dahil marami ang dumalo minarapat
na ganapin ito sa SPNHS Stage ng nasabing paaralan.
May awitan at palaro upang patingkarin ang pagtitipon. Nagkaroon din ng Question and Answer para
masagot ang ilang mga katanungan ng mga kabataang dumalo tungkol sa paksa na Pag-Ibig
Nagalay ng tanging bilang sina Sis. Sarah at Sis Chariz gayundin ang ilang piling kabataan mula
sa inibitahan naming iglesia ang Faithway Baptist Church. At pinakahuli sa programa ang
pakikinig ng Salita ng Diyos mula sa inanyayahan naming tagapagsalita na si Ptr. Neri. Tunay
ngang nakakabless ang araw na iyon dahil sa Salita ng Diyos at sa sama-samang fellowship ng
mga kabataan. (Chariz Hernandez)

S-ar putea să vă placă și