Sunteți pe pagina 1din 2

Marami na tayong pambabatikos na narinig at nabasa .

Pambabatikos na may
kanya-kanyang estilo ng pagpahayag.Mga pahayag ukol sa mga isyung patuloy na
gumigimbal sa isip ng mangilangngilang Pilipinong may pakialam at kaalaman sa
kasalukuyang pinagdaraanan ng bansa.
Pork Barrel Scam, ito lang naman ang isa sa pinakamalaking isyu na kinaharap at
patuloy na kinakaharap ng bansa.Marami ang nainis,nagalit at namuhi ngunit
walang ibang magawa kundi ang magpigil ng mga nagpupuyos na
damdamin.Ngunit sa kabila ng ilang pananahimik,may mga taong tuluyang ibinuka
ang kanilang mga bibig,iminulat ang mga mata at tuluyang ipinahayag ang mga
katotohanang nakaselyo sa kanilang mga isipan.Katotohanang ilan lamang ang
nakakaalam.
Ang mga matatapang na posts ni Joselito D. De Los Reyes tulad ng Dear Kim,32%
at Dear Janet na mabilis kumalat sa social midya ay tunay na kahanga-hanga hindi
lamang sa angkin nitong katapangan ngunit sa kakaiba nitong paraan.Ang kanyang
mga saloobin na mistulang kumakatawan na rin sa bawat saloobin ng mga Pilipino
ay pawang nararapat lamang na makarating sa mga taong tinitukoy nito.
Magsimula tayo sa Dear Kim, ito ay malinaw na handog para sa ating Commissioner
of Bureau of Internal Revenue, Kim Henares.Kung ating hihimayin,ito lamang ay
tunay na nagpapahayag ng maling paggasta ng kaban ng bayan.Ang sinumang
makakabasa nito ay talagang tatango at tatawa na rin ng kaunti dahil sa paraan
nitong komikal.Ayon nga kay Joselito Okey lang ako sa dagdag na buwis.Kahit
sukatin mo pa ang balahibo ko sa ilong at kilekile, at buwisan ito depende sa
haba,amoy at pagkakakulot,okey na okey lang sa akin. Ang pahayag na ito ay may
halong biro ngunit makikita mo rin ang kaakibat nitong punto.Sino nga naman ang
magpupumiglas na dagdagan ng buwis kung mapupunta naman ito sa dapat nitong
kalagyan.Hindi pa kami kinukuhaan ng buwis sapagkat kami ay pawang mga
estudyante lamang,wala pang trabaho kaya malamang wala ring kita.Ngunit sa
katotohanang kahit ito pa lamang ang aming katatayuan sa lipunan, ang
pagkadismaya ng bawat natin mamayanan ay siya na rin naming
pagkadismaya.Ang bawat kanilang hinaing ay siya na rin naming hinaing. Wala
naman talagang aalma kung walang anomalya.

Kaso hindi niyo ito dun ginagamit.Ang perang ineskoba sa akin,ang buwis demit ay
mapupunta sa NGO.Lugi.Lalo na kung sa mga congressman at senador na
dayukdok.Walang mali.Tama lang ang kanyang pahayag dahil ito ang tunay na
nangyayari.Akma sa mga balitang lumalabas sa telebisyon at umeere sa mga
istasyon.
Ansama sa loob. Sino nga naman ang hindi sasamaan ng loob kung ang pondong
para sa bayan mo ay napunta sa bulsa ng mga pulitiko o mga taong kapit tuko sa
gobyerno na walang habas gumasta ng pera ng iba.Hindi lang naman pera ang

pinag-uusapan dito dahil kakabit na rin nito ang takbo ng buhay ng bawat
Pilipino.Ilang milyong Pilipino ang naghihirap dahil sa kakulangan ng mga nakaupo.
Dumako na tayo sa 32%.Ang totoo wala talaga kaming alam kung ilang porsyento
nga ba talaga ang para sa buwis .Basta ang alam namin awtomatiko na itong
ibinabawas ng gobyerno.Kaya salamat na rin kay Joselito.Kilatisin natin ang 32% na
buwis.Ilan ba ang guro,doctor,negosyante at iba pang propesyunal sa bansa?
Madami.Kaya ang punto malaki ang pondo.Malaki ang 32% kayat malaking tulong
ito para sa bawat pamilyang Pilipino.
Hayup ka.Iyan ang isa sa mga salitang ibinato ni Joselito kay Pork Barrel Scam
Queen Janet Napoles.Kung ibabatay natin ito sa pamantayang moral ,mali.Mali kung
titingnan.Ito ang kahinaan ng pahayag na ito.Ang bulgar na paggamit ng mga
salita.Ilan pa sa mga ito ay ang :
Biruin mo, si Mar,yung asawa ni Korina,ganun-ganun na lang magpamigay ng
limang milyong bogus na NGO, e hindi naman niya pera yun,samantalang ang mga
titser ng bayan mo tirik ang mata sa gutom,samantalang ang mga taga-PAGASAng
sisispat sa bagyo bulag.Ang sundalo mo walang baril ,walang bala ni walang
medyas.Mukha tuloy timawang
Well at least,may patutunguhang mabuti kung matatauhan kayo,pusang gala,kung
matatauhan kayo ng amo mong tsikboy na walang syota. May pagkapersonal ang
mga salitang ito na masasabi nating ika nga below the belt.Ang pagkawalang
syota na tuwirang pumapatungkol kay P-Noy ay medyo sabihin na nating malayolayo sa kalagayan ng Pilipinas.

S-ar putea să vă placă și