Documente Academic
Documente Profesional
Documente Cultură
MGA PALIWANAG
1
154
kidlat ay nagpapaliwanag sa madilim na langit;5 ang ulap ay
makapal6 at ang hangin ay maalinsangan.7 Tila nalimot ni pilosopong si
Tasyo ang bungo ng kaniyang minamahal: Nakangiti nang tinatanaw
ang madilim na ulap.8
Sa malapit sa simbahan9 ay nakatagpo niya ang isang taong
nakasaketang alpaka (German jacket), na may dalang mahigit sa isang
arobang kandila at isang tungkod na may borlas, na palatandaan ng
kapangyarihan.10
“Tila masaya kayo?” ang tanong nito sa wikang Tagalog.
155
“Tunay nga po, Ginoong Kapitan; masaya ako pagkat mayroon
akong isang pag-asang darating.”
“Ha! At aling pag-asa iyan?”
“Ang unos!”11
“Ang unos? Ibig ba ninyong maligo?” tanong na pabiro ng
kapitan, at pinagmasdan ang dukhang kasuotan ng matanda .12
“Maligo… kung sabagay, hindi masama ang maligo lalo na at
makakasalubong ka ng dumi!” ang sagot ni Tasyo na pabiro din, at na
parang nakahihigit sa pangungutya, at tiningnan ang mukha ng kausap,
13
subalit higit pang mabuti kaysa doon ang hinihintay ko.” 14
“Kung gayon ano?”
“Ilang kidlat na maaring makamatay ng mga tao at
makasunog ng mga bahay!” ang sagot na walang halong
pagbibiro ng pilosopo.15
“Ninanais ba ninyo na magkaroon ng delubyo!” 16
156
“Iyon ang nararapat sa ating lahat, pati na sa inyo at sa akin!17
Kayo, Ginoong Kapitan, ay may dalang isang arobang kandila na galing
sa tindahan ng Insik; may mga sampung taon ko nang iminumungkahi
sa bawat nagiging kapitan na bumili ng panghuli ng kidlat, (lightning
rod) at pinagtawanan ako ng lahat, at ang binibili ay mga bomba at
kuwitis at bumabayad ng tagapagtugtog ng kampana. Hindi lamang
iyon, kayo na mismo, kinabukasan pagkatapos ng aking mungkahi na
bumili ng panghuli ng kidlat ay nagpagawa sa panday na Insik ng isang
kampanang patungkol kay Sta. Barbara,18 gayong natuklasan na nang
agham na labis na delikado ang tumugtog ng kampana kapag
umuunos.19 At sabihin nga ninyo sa akin kung bakit nang taong
17
Mula sa pananaw ni Pilosopo Tasyo ay nararapat ang isang delubyong
panlipunan. Parang si Pilosopo Tasyo ay nagsusulsol ng pag-aaring
dapat/justification ng isang delubyong panlipunan . Pero talagang ang
gusto ni Pilosopo Tasyo ay tamaan ng kidlat ng paglilinis ng bayan ang
mga tiwaling pinuno ng pamahalaan, na katulad ng nasa kaniyang
harapan.
18
Sta Barbara- Story says that Barbara was a beautiful girl who dwelt in the
city of Nicomedia in Asia Minor. Dioscurus, her cruel pagan father, had her shut
in a tower in order to preserve her from suitors. She nevertheless secretly
converted to Christianity. Her father commanded that she be built a bath-house,
so that she would not have to use the public baths. The design for the bath-
house originally had two windows, but Barbara had a third installed to
commemorate the Trinity. Her father, seeing this change, discovered that she
was a Christian. He had her taken to a Roman imperial magistrate during a
persecution of Christians, who ordered her to be beheaded, and directed that
her father carry out the sentence himself. He did so, but was struck dead by
lightning in divine retribution. Her association with lightning caused her to be
invoked against lightning and fire; by association, she also became the patron of
artillery and mining. Her feast was formerly celebrated on December 4; in the
1969 reform of the Roman Catholic liturgy it was downgraded to a purely local
celebration, and her name was dropped from the litany of saints. She was
formerly one of the Fourteen Holy Helpers. She is depicted in art as standing by
a tower with three windows, carrying a palm branch and a chalice; sometimes
cannons are depicted by her side. Because of her identification with lightning
and cannonry, in Santería she is identified with the god Shango, god of
lightning and war.
In the Spanish language, the word "santabarbara" means the magazine
of a ship or fortress. It was customary to have the statue of Saint Barbara at the
magazine to protect the ship or fortress from suddenly exploding. She is the
namesake of the city of Santa Barbara, California, located north of Los Angeles.
The Order of Saint Barbara is a military honor society of the US for both the US
Army and the US Marine Corps field artillery.
Batis: www.wikipedia.org
19
Sa bahaging ito ay ipinapaliwanag ni Rizal sa pamamagitan ni Pilosopo
Tasyo ang kahalagahan ng siyensiya bilang kapalit ng paniniwala sa
kababalaghan na ikinakalat noon ng mga alagad ng kolonyal na simbahan.
157
1870, ay tumama ang isang kidlat sa Binan20 at ang tinamaan pa
naman ay ang kampanaryo at sumira sa orasan at sa isang simbahan?
Ano ang nagawa ng kampana ni Sta. Barbara?” 21
Nang mga sandaling yaon ay gumuhit ang isang kidlat.
“Jesus, Maria y Jose! Sta. Barbara Bendita!” bulong ng kapitan
na namutla at nag-antanda.
Si Tasyo ay humalakhak. “Nararapat nga sa inyo ang pangalan
ng inyong patron!”22 ang sabi sa wikang Kastila, samantalang
tumatalikod ang kausap ay nagtungo sa simbahan.
Ang mga sakristan ay naglalagay ng isang tumulo na
napapaligiran ng malalaking kandilang na nakatirik sa kahoy, iyon ay
dalawang malalaking lamesa na nagkakapatong at natatakpan ng
canvass na itim na may guhit na puti; 23 sa ilang lugar ay may mga
nakapintang bungo. “Iyan kayang lamesang iyan ay para sa mga
kaluluwa o sa mga kandila?”24 ang tanong sa mga sakristan na
naroroon. Dahilan sa bigla niyang nakita sa mga sakristang iyon ang
dalawang batang lalaki na ang isa ay may higit-kumulang sa sampung
taon, at ang isa ay pito, ay kaniyang nilapitan ang dalawa at hindi na
hinintay ang kasagutan ng iba pang mga sakristan.25
“Sasabay ba kayo sa akin?” tanong niya sa mga bata,
“ipinaghanda kayo ng masarap na hapunan ng inyong ina.”
20
1870 - Sa nasabing taon, si Rizal ay nasa bayan ng Biñan bilang mag-
aaral sa paaralan ni Justiniano Aquino Cruz. Maaring ang nasabing
kaganapan ay kaniyang naging karanasan. Maaring malayo ang simbahan
sa bahay na kaniyang tinitirahan, subalit ang lakas ng kulog ay narinig niya
at katulad ng mga hindi kakaibang malalakas na kulog na ating naririnig sa
panahon ng ating mga kabataan ay hindi maalis sa ating ala-ala.
21
Pagpapakita ni Pilosopo Tasyo ng kaniyang pangungutya sa mga milagro
at ang pananalig niya sa agham. Baliw ba o pilosopo ang matandang Tasyo?
22
Ang Kapitan ng bayan ay nanalig sa patron na si Sta. Barbara at ang
patuyang sinabi ni Pilosopo Tasyo ay “karapat-dapat sa inyo ang pangalan
ng inyong patron” – dahil lalaki ang kapitan hindi siya matatawag na
Barbara kundi ang karapat-dapat ay BARBARO, na nangangahulugang
taong kaaway ng sibilisasyon”
23
Ang tumulo ay matandang salitang Tagalog na nangangahulugan na
tumbá. Pinagpapatongpatong na mga mesa o balangkas ng mga kahoy,
tinatakpan ng̃ damit na maitím at doon guinágawâ ang mg̃a seremonya ukol
sa mga patay - Paliwanag ni Pascual Poblete
24
Isang mapang-asar na pagtatanong ni Pilosopo Tasyo
Malaman na ang lamesa ay inihahanda ng mga sakristan para pagtirikan ng
mga kandilang nakaukol sa mga kaluluwa. Sa paretorikang pagtatanong na
iyon ni Pilosopo Tasyo ay kaniyang nais na ipakita na ang lamesa ay para
lamang sa kandila at hindi para sa kaluluwa ng mga taong namayapa.
25
Sa kabanatang ito ay ipinakita ni Rizal ang magkapatid na Basilio at
Crispin.
158
“Ayaw po kaming paalisin ng sakristan mayor hanggang matapos
na makatugtog para sa alas-otso!” tugon ng pinakamalaki. “Hininintay
kong ibigay ang aking sahod upang ibigay ko sa aming ina.”
“Ah, at saan kayo paparoon ngayon?”
“Sa kampanaryo po upang tumugtog patungkol sa mga kaluluwa.”
“Paparoon kayo sa kampanaryo? Mag-ingat kayo! Huwag kayong
lalapit sa mga kampana samantalang dumaraan ang unos.”26
Pagkatapos ay iniwan ng matanda ang simbahan, matapos
sundan ng tinging may pagka-awa ang dalawang batang umaakyat sa
hagdanan upang magpunta sa koro. Kinusot ni Tasyo ang kanyang
mga mata, tiningnang muli ang langit at bumulong: “Daramdamin ko
ngayon kung kikidlat.”27
At yuko ang ulong nag-isip, na tinungo ang labasan ng bayan.
“Daan muna kayo!” narinig niya sa wikang Kastila nang isang
boses na galing sa isang bintana.
Itinaas ng pilosopo ang ulo at nakita ang isang lalaki na may
tatlumpu o tatlumpu’t limang taong gulang, na siya ay nginingitian.
“Ano ba ang binabasa ninyo?” tanong ni Tasyo na itinuro ang
aklat na hawak ng lalaki.
“Isang aklat na napapanahon: Las penas que sufren las
benditas animas del Purgatorio!” ang sagot na nakangiti ng isa.
“Naku!, Naku! Naku!” bulalas ng matanda sa iba’t ibang tunog
ng boses, samantalang pumapasok sa bahay, “dapat sanang naging
matalino ang kumatha.”28
Sa pag-akyat niya sa hagdanan ay malugod siyang sinalubong
ng may-ari ng bahay at ng asawa nito. Ang pangalan ng lalaki ay Filipo
26
Ipinakikita ni Rizal dito ang magkaibang pagtrato sa mga bata – ang mga
tauhan ng kolonyal na simbahan ay handang ipasanganib ang buhay ng
mga bata, samantalang ang mayroong malayang kaisipan ay nagnanais na
alisin ang mga bata mula sa mapanganib na kalagayan.
27
Nakahandang ipagparaya ni Pilosopo Tasyo ang kaniyang pangarap para
sa kaligtasan ng magkapatid. Ipaghambing ito mga susunod na kabanata na
magpapakita ng mangyayari kay Crispin sa kamay ni Padre Salvi at ng
sakristan.
SA BAHAGING ITO AY MAGKAKAROON NG ISANG PAG-UUSAP SINA
PILOSOPO TASYO AT DON FILIPO UKOL SA KAISIPAN NG MGA
DOGMA (ARAL) NG SIMBAHAN. MAPAPANSIN NA ANG PAG-UUSAP AY
ANYO NG TALAKAYAN NG MGA MASON. ANG BAHAGING ITO PAG-
UUSAP AY SINADYANG INALIS SA EXPURGATED EDITION NG NOLI NA
GINAGAMIT SA PAARALAN.
28
Pinagtatawanan ni Pilosopo Tasyo ang kumatha ng aklat na ang pamagat
ay Mga Hirap Na Tinitiis ng mga Banal na Kaluluwa sa Purgatoryo -
pamagat pa lang ay kontradiksiyon na. Dalawang bagay na hindi maaring
magkasama sa iisang pagkakataon dahilan sa kung tunay na banal ang
kaluluwa bakit nagtitiis ng hirap sa purgatoryo? Ito ang dahilan kaya hindi
mapigilan ni Pilosopo Tasyo ang matawa sa pamagat ng aklat na binabasa
ni Don Filipo.
159
Lino at ang babae ay si Teodora Viña. Si Ginoong Filipo ay tinyente
mayor29 at nangunguna sa isang pangkatin ng mga liberal, kung
maaaring tawagin siyang gayon, at kung mangyayari na magkaroon ng
mga partido pulitikal sa mga bayan-bayan ng Pilipinas.
“Nakita ba ninyo sa simenteryo ang anak ng nasirang Don Rafael,
na kararating pa lamang galing sa Europa?”
“Opo, nakita ko nang bumababa sa sasakyan.”
“Ang usapan ay pumaroon sa libingan at hanap ang libingan ng
kanyang ama… Marahil ay nakakakilabot ang natamong dagok sa
kalooban.”
Kinibit ng pilosopo ang kanyang balikat.30
“Wala bang anuman sa inyo ang kasawiang iyan?” ang tanong ng
babae.
“Alam na ninyong ako ay isa sa anim na nakipaglibing; 31 ako ang
humarap sa Kapitan Heneral nang aking makita, na ang lahat dito, pati
ang mga maykapangyarihan, ay hindi umiimik sa harap nang gayong
kalapastanganan,32 gayong kailanman ay inugali ko ang purihin ang
taong mabuti samantalang buhay at hindi kung patay na.”33
“Gayon pala, e!”
“Subalit hindi po ako sang-ayon ng minamanang paghahari.
Dahil sa mga patak ng dugong-Insik na ibinigay sa akin ng aking ina, ay
may kaunting pagka-Insik din ako sa opinyon; iginagalang ko ang ama,
dahil sa anak, at hindi ang anak nang dahil sa ama. Tanggapin ng bawat
29
Tinyente mayor – pumapangalawa sa kapitan ng bayan (na nakasalubong
ni Matandang Tasyo sa simbahan) – sa ating panahon ay vice mayor.
Pansinin ang ibinigay ni Rizal na pangalan sa tauhang ito Filipo Lino – na
halos katunog ng salitang Filipino. Isang marangal na pangalan ang
ibinigay niya sa isa sa mga mahalagang tauhan ng Noli me Tangere.
30
Ang pagkikibit balikat ay isang aktwasyon na nagpapakita na hindi niya
dinaramdam o ikinasasama ng loob ang pagwawalang halaga sa kaniyang
naririnig.
31
Ano pa ang hihilingin sa matandang pagmamalasakit. Nakipaglibing na
siya kay Don Rafael at nagawa na niya ang pinakamataas na
pagmamalasakit sa namatay pamamagitan ng pagharap niya sa
inbestigasyon ng Tinyente Guevarra. Malalaman dito na sa kabila ng
kabutihang loob ni Don Rafael ay anim lamang ang nakipaglibing dahil sa
natatakot ang mga taga San Diego – Ang mga nakipaglibing ay sina: Kapitan
Tiyago, Pilosopo Tasyo, Guro ng San Diego, Don Filipo, Tinyente Guevarra,
at ang alila ng pamilyang Ibarra.
32
Isang pagbatikos ni Rizal sa ating kaugalian na purihin ang isang tao kapag
ito ay namatay na.
160
isa ang gantimpala o kaparusahang ukol sa kanyang ginawa, ngunit
hindi dahil sa ginawa ng iba.”34
“Nagpamisa ba kayo para sa inyong nasirang asawa, gaya ng payo
ko sa inyo kahapon?” ang tanong ng babae na binago ang tungo ng
usapan.
“Hindi!” ang sagot na nakangiti ng matanda.
“Sayang!” ang bulalas ng babae na taglay ang
malinis na sama ng loob, “sinasabing hanggang bukas ng
alas diyes ay malayang naglilibot ang mga kaluluwang
nag-aantay ng abuloy ng mga buhay; umano ay ang isang
misa sa mga araw na ito ay katumbas ng lima sa mga ibang araw ng
taon, o anim, gaya ng sabi ng kura kaninang umaga.35
“Pero… Doray!” pigil ni Ginoong Filipo, “alam mo nang si Don
Atanasio ay hindi naniniwalang may purgatoryo.”36
“Hindi ako naniniwala na may purgatoryo?” ang tutol ng
matanda na napatindig sa kinauupan. “Nalalaman ko pa ang ilang
bagay ng kanyang kasaysayan!”37
“Ang kasaysayan ng purgatoryo?” bulalas na puno ng paghanga
ng mag-asawa. “Isalaysay nga ninyo sa amin!”38
34
161
“Hindi ninyo alam, samantalang kayo ay nagpapamisa at
nagsasalita ng mga paghihirap ng kaluluwa sa purgatoryo!39 Dahil
umuulan na at parang magtatagal ay samantalahin natin mag-usap
upang di tayo mainip,” ang sagot ni Tasyo na nag-isip sandali.
Itinupi ni Ginoong Filipo ang aklat na nasa kamay,40 at si Doray
ay umupo sa kanyang tabi at handang huwag paniwalaan ang
anumang sasabihin ni Tandang Tasyo.41 Ito ay nagsimula sa ganito:
“Matagal nang panahon, bago pa man nagkatawang-tao ang
ating Panginoong Jesucristo ay mayroon nang purgatoryo,42 at nasa
gitna ng kalupaan alinsunod sa sabi ni Padre Astete, o kaya ay nasa
kalapit ng Cluny alinsunod sa monghe na tinukoy ni Padre
Girard.43 Kung saan naroon, ay walang malaking kabuluhan. Ngayon:
162
sino ang natutupok sa mga apoy na iyon na nag-aalab na sapul nang
panimula ng mundo? Ang kanyang napakatagal nang pag-iral ay
pinatutunayan ng pilosopiyang Kristiyano na nagsasabing walang
nilalang na bagong bagay ang Diyos matapos na makapagpahinga.
“Mangyayaring iyo ay umiiral nang in potentia (bilang maaaring
mangyari), nguni’t hindi in actu (talagang umiiral na nga)!” ang sabat ng
tinyente-mayor.
“Ipalagay nating ganoon nga! Gayunman ang isasagot ko sa inyo
na nakilala na siya ng ilan in actu. Isa sa mga nakakilala ay si
Zarathustra o Soroastro na sumulat ng bahagi ng Avesta at nagtayo ng
isang relihiyon, na may ilang pagkakatulad sa ating pananampalataya;
at si Zarathustra,44 ayon sa mga marurunong ay nabuhay nang higit sa
walong daang taon nauna kay Jesucristo. Higit ang sabi ko, sapagkat
matapos masiyasat ni Caffarel ang mga patunay ni Plato45 at Xanto ng
Lidia Plinio,46 Hermipos at Eudoxio,47 ay nag-akalang una si Soroastro
nang dalawang libo at limandaang taon kaysa kapanahunan nating mga
Kristiyano. Ngunit maging gayon o hindi man, ang totoo ay nabanggit ni
Zarathustra ang isang katulad ng purgatoryo at nagturo ng paraan
upang ito ay maligtasan. Natutubos ng mga buhay ang kaluluwa ng
mga patay na may kasalanan sa pagdarasal ng ilang bahagi ng Avesta,
paggawa ng mabuti, datapwat kailangan na ang magdarasal ay isang
kamag-anak na direkta hanggang sa ikaapat na salin. 48 Ang panahong
takda sa bagay na ito ay minsan sa isang taon at tumatagal nang limang
araw. Sa paglipas ng mga panahon ay naging matibay na ang pananalig
sa aral na iyon sa mga taong-bayan, ay nakita ng mga pari ng
Zoroasterianismo na iyon ay pagkakakitaan nang malaki at kinalakal
ang mga iyon ang “mga madidilim na bilangguang pinaghaharian ng mga
pagsisisi,”49 gaya ng sabi ni Zarathustra. Pinalakad nga nila na sa
saan naroon ang purgatoryo. Teka, nasaan nga kaya ang purgatoryo?
44
Ang kahulugan ng pangalang pangalang Zarahustra ay ang lalong
magalíng sa mga anak ng mga tao.—Si Zarahustra ay pantás na pilosopo na
bumago ng relihiyon ng Persia —P. H. Poblete.
45
Patriyarka ng Constantinople
48
Nais na ipapuna ni Rizal sa pamamagitan ni Pilosopo Tasyo na ang
Purgatoryo ay maaring kinopya lamang ng simbahan sa paniniwalang
Zoroaterianismo.
49
Ipinakita ni Rizal na ang kinabagsakan ng mga mapagsamantalang
kaparian ng Zoroasterianismo ay siya ring balon ng kamalian na
kinahulugan ng mga kaparian ng kolonyal na simbahan.
163
halagang isang derem, isang salaping ang sabi ay napakaunti ang
halaga, ay mangyayaring mabawasan ng isang taón ang pagdurusa ng
isang kaluluwa; ngunit dahilan sa ang relihiyong ay naniniwala na may
kasalanang ang katimbang ay mula sa 300 hanggang 1,000 taong
paghihirap, gaya sa halimbawa ng pagsisinungaling, pagdaraya, ang
hindi pagtupad sa isang pangako, atbp., ay lumalabas na nakapag-iipon
sa kanilang supot ng mga milyon na derem ang mga mandarayang
paring iyon.50 Dito ninyo makikita ang isang bagay na katulad ng ating
purgatoryo, kahit tunay na taglay ang pagkakaibang dapat maisip sa
pagkakaiba ng pananampalataya.”
Isang kidlat na sinundan ng isang napakalakas na kulog ang
nakapagpatayo kay Doray, na nagsabing sabay sa pag-aantanda:
“Jesus, Maria y Jose! Iiwan ko muna kayo; magsusunog ako ng
palaspas na bininditahan at magtitirik ako ng kandilang perdon.51
Nagsimula ang pagbagsak ng isang malakas na ulan. Ang
pilosopong si Tasyo ay nagpatuloy, samantalang minamasdan ang babae
na lumalayo. “Ngayong wala siya ay mapag-uusapan natin ang bagay na
ito nang higit na malalim. Si Doray, kahit may kaunting
pagkamapamahiin, ay isang mabuting Katolika, at ayokong pawiin ang
pananalig ng puso: ang isang malinis at payak na pananampalataya ay
naiiba sa panatisismo, tulad ng pagkaiba ng apoy sa usok, gaya ng
tugtugan sa ingay: mga bagay na pinagkakamalan na magkapareho ng
mga tuliro at bingi.52
Sa ganang atin ay masasabing ang pagkakalagay ng purgatoryo ay
mabuti, banal at nararapat; nakapagpapatuloy ng pagkakaisa ng mga
yumao na at ng mga buhay, at pumipilit upang mamuhay nang lalong
mabuti. Ang masamang bunga nito ay ang pagmamalabis na ginagawa
nang dahil sa kanya.53 Subalit tingnan natin kung bakit natungo sa
50
Si Rizal ay humahampas sa kalabaw at ang nalalatayan naman ay ang
kabayo – direktang binabanggit ni Rizal ang mga mapagsamantalang
kaparian ng Zoroasterismo, ngunit ipinasasalamin naman ang pagiging
katulad nila sa mga alagad ng kolonyal na simbahan.
51
Makahulugan ang ginawang pagtayo at balak na gawin ni Doray –
magsusunog ng palaspas dahilan sa paniniwala na iyon makapag-aalis ng
kidlat; at magsisindi ng kandilang perdon – ito ay isang kandilang
binasbasan at pinaniniwalaan makakalinis ng kasalanan. Iniisip ni Doray
na nakagawa siya ng kasalanan dahilan sa pakikinig kay Pilosopo Tasyo.
Ikaw magsisindi ka na ba ng kandilang perdon dahilan sa pagbabasa mo
nito.
52
Sa pamamagitan ni Pilosopo Tasyo ay ipinakikita na hindi nais ni Rizal na
sirain ang malinis at tapat na pananalig – maari kaya itong pasaring ni
Rizal sa ating simbahan upang alisin ang mga dogma na walang Biblikal na
basehan at minana o kinopya lamang sa mga matandang relihiyon na
minsang umusbong sa mga baybayin ng Dagat Mediterranean. Makikita na
si Rizal ay tila hindi lamang repormista ng lipunan, at maituring pa na isang
repormista ng simbahan.
53
Ang pangangailangan ng tao sa relihiyon ay hindi masama, sapagkat ang
164
Katolisismo ang bagay na ito na wala sa Bibliya, maging sa mga Santong
Ebanghelyo. Kahit si Moises, ni si Jesucristo ay hindi man lamang ito
nabanggit,54 at ang tanging salaysay na tinukoy tungkol sa mga Makabeo
ay hindi sapat, bukod sa ating aklat na ito ay pinagpasiyahang hindi
dapat paniwalaan sa concilio sa Laodicea, at nitong huli na lamang
tinanggap ng Santa Iglesia Catolica.55 Ang relihiyong pagano ay wala
ring bagay na kahawig man lamang nito. Ang sinulat ni Virgilio, na
laging natutukoy, na Aliae panduntur inanes,56 na nagbigay-daan
upang si San Gregorio Magno ay magsalita tung kol sa mga lunod na
kaluluwa, at pinalaki pang lalo ni Dante sa kanyang Divina
Commedia, ay hindi mangyayaring siyang pinagbuhatan ng paniwalang
ito. Ni ang mga Braman, ni ang mga Budhista, ni ang mga Ehipsiyo na
nagbigay sa Gresya at Roma ng kanilang Caronte at Averno,57 ay wala
ring kahawig ng bagay na ito. Hindi ko na tutukuyin ang mga relihiyon
ng mga bayang nasa hilaga ng Europa: ang mga relihiyong ito dahilan
sa pananampalataya ng mga mandirigma, mga makata at mga
mangangaso, at hindi ng mga pilosopo,58 kahit na taglay pa hanggang
ngayon ang kanilang mga paniwala at mga paraan sa pagsamba na
ginagamit na ng mga Kristiyano,59 ay hindi nadala ng kanyang mga
kampon sa panloloob sa Roma ni sa pagluklok sa Capitolio: sa dahilang
siya ay relihiyong maulap ay napapawi sa araw ng katanghalian.60
56
Nakabitin ang iba sa papawirin
57
Sa mitolohiyang Griyego si Caronte ay isang mamamangkang naghahatid
ng kaluluwa at ang Averno naman ay impyerno.
58
Ang mga matandang relihiyon ng Hilagang Europa ay hindi ganap na
nagkaroon ng malaking inpluwensiya sa ebolusyon ng mga aral ng kolonyal
na simbahan, dahilan sa pagiging payak ng mga aral nito.
59
Subalit marami rin silang nai-ambag sa paniniwala ng simbahan –
halimbawa ay ang Santa Claus.
60
Ang isang maulap/malabong relihiyon ay napapawi sa liwanag ng
katanghalian. Pansinin ang krus at ang mga dahon ng laurel at usbong ng
suha sa pagsusuri ng pabalat ng nobela.
165
Ang mga Kristiyano ng mga unang siglo ay hindi naniniwala sa
purgatoryo; sila ay namatay na taglay ang masayang pag-asa na
madaling makakaharap ang Diyos. Ang mga unang Ama ng Iglesia na
parang nakabanggit sa bagay na ito ay sina San Clemente ng Alejandria,
Origenes at San Ireneo, na marahil ay dala ng paraan sa pananamba ng
mga nananalig kay Zarathustra na nang mga kapanahunang yaon ay
malusog pa at malaganap na malaganap sa buong Kasilanganan,
dahilan sa madalas tayong nakababasa ng mga sumbat sa pagiging
maka-silanganin ni Origenes.61 Pinatutunayan ni San Ireneo ang
pagkakaroon ng purgatoryo dahil sa pangyayaring si Jesucristo ay
lumagi “ng tatlong araw sa kailaliman ng lupa,” tatlong araw sa
purgatoryo, at hininuha sa bagay na ito na ang bawa’t kaluluwa ay
dapat mamalagi doon hanggang sa pagkabuhay na muli ng katawan,
kahit na tila ang Hodie mecum eris in Paradiso (ngayon ay sasama ka sa
akin sa Paraiso) ay laban sa kanya. Si San Agustin ay nagsalita rin
tungkol sa purgatoryo, ngunit kahit hindi pinatutunayang mayroon nga
ay hindi naman niya inaakalang hindi magkakaroon, at inaakala niyang
mangyayaring ipagpatuloy sa kabilang buhay ang
kaparusahang tinamo sa buhay na ito, dahil sa ating mga
kasalanan.”
“Putris na San Agustin,” ang bulalas ni Don Filipo,
“hindi pa nasiyahan sa hirap na ating tinitiis sa kasalukuyan at ibig
na ibig pa ang ituloy hanggang sa kabilang buhay!”62
61
Sa malalim na pagsusuri ni Rizal sa kasaysayan dahilan sa nagawa niyang
maipaliwanag na ang pagpasok ng aral ukol sa purgatoryo dahilan sa mga
sinaunang Ama ng Simbahan na nainpluwensiya ng popular na aral ng
Zoroaterianismo na noon ay malaganap sa kanilang kapanahunan at lugar
na kinaroroonan. Ito ang trahedya ng simbahan sa kaniyang kasaysayan –
pinayagan nito na makapasok ang elementong paganismo. Kaya ang puna
ng mananalaysay na si Will Durant – Isinapagano ng simbahan ang
Kristiyanismo.
62
Pansinin sana ang sinabi ni Don Filipo - “Putris na San Agustin, hindi pa
nasiyahan sa hirap na ating tinitiis sa kasalukuyan at ibig na ibig pa ang
ituloy hanggang sa kabilang buhay” o sa textong Espanyol ay “¡Diantre con
S. Agustín! - exclamó D.Filipo- ¡no estaba satisfecho con lo que aquí
sufrimos y quería la continuación!”
Mapansin sana ang salitang “Putris” at ang sa orihinal na textong
Espanyol na “Diantre con San Agustin “ /The Devil with Saint Augustine sa
salin ni Derbyshire /Ang diablo ay kasama si San Agusin). Ginamit sa salin
ni Patricio Mariano ay ang salitang “putris” na nagkakaiba ang kahulugan
depende sa tindi ng galit ng nagsasalita – sa kalabisan ng galit ang
kahulugan nito ay “demonyo,” “diyablo,” at nagagamit din sa hindi
matinding galit o pagkainis lamang at ang kahulugan ay “nasira,” “sayang,”
“nawala.” Ngunit sa orihinal na textong Espanyol ay ang ginamit ni Rizal ang
salitang diantre. Ang salitang diantre ay nanatili pa sa wikang Filipino na
diaske.
Bakit kaya ito ang ginamit ni Rizal sa pananalita ni Don Filipo na labis na
napaka-opensiba sa Ama/Doctor ng simbahan? Isang bagay ang maaring
makagpapaliwanag nito: Pansinin sana ang isang bahagi ng pangungusap ni
Don Filipo “Putris (kasama ng dimonyo si) na San Agustin hindi pa
166
“Gayon ang kalagayan ng mga bagay-bagay; ang ilan ay naniwala
at ang ilan ay hindi. Kahit na tinanggap ni San Gregorio sa kanyang de
quibusdam levibus culpis esse ante judicium purgatorius ignis credendus
est, ay hindi nagkaroon ng huling kapasyahan tungkol sa bagay na ito
hanggang sa taong 1439, o kaya makaraan muna ang walong daang
taon, na ipinahayag sa concilio sa Florence na nararapat magkaroon ng
isang apoy na panlinis sa kaluluwa ng mga namatay sa pag-ibig sa
Diyos, nguni’t hindi pa nakasasapat sa kahatulan ng langit.63 Sa kahuli-
hulihan, ang Concilio Tridentino, nang kapanahunan ni Pio IV, noong
1563, sa ika XXV pagpupulong, ay nagtakda ng kapasyahan tungkol sa
purgatoryo, na nagsimula sa: cum catholica ecclesia, spiritu sancto
edocta (kinakatigan ng Espiritu Santo ang Iglesia Katolika), atbp., sa
dakong nagsasabing ang abuloy ng mga buhay, ang mga pagdarasal,
mga paglilimos at iba pang mabubuting gawa ay siyang mga paraang
lalong mabisa sa pagliligtas ng mga kaluluwa, kahit na inilagay na lalo
sa lahat ang misa. Gayunman, ay hindi ito pinaniniwalaan ng mga
Protestante, at gayon din ang mga paring Griyego sapagka’t wala isa
mang patunay ng Bibliya,64 at sinasabi nilang ang taning ng kabutihan
at kasamaan ay natatapos sa kamatayan, at ang ibig sabihin ng
Quodeumque ligaberis in terra (kahi’t gaano ang pagkakatali sa lupa) ay
hindi usque ad purgatorium atbp: subalit maitututol dito na sa dahilang
ang purgatoryo ay nasa sa lupa ay naloloob sa kapangyarihan ni San
Pedro.
Nguni’t hindi tayo magkakatapos kung sasabihin kong lahat dito
ang mga naipahayag na tungkol sa bagay na ito. Isang araw na ibig
ninyong ito ay pagtalunan natin ay pumaroon kayo sa aking bahay at
doon ay magbukas tayo ng mga aklat at saka tayo magtalong tahimik at
167
malaya.65 Aalis na ako: hindi ko maisip kung bakit sa gabing ang
kahabagan ng mga Kristiyano ay pinahihintulutan ang pagnanakaw -
binabayaan naman ninyong mga makapangyarihan 66 – at
ipinangangamba ko ang aking mga aklat. Kung nanakawin lamang sana
sa akin upang basahin ay akin nang pababayaan, subalit batid kong ang
marami ay may hangad na sunugin upang magawan ako ng isang
kabutihan, at ang kabutihang ito, na bagay sa ugali ng Haring Omar, ay
nakatatakot.67 Ang ilan ay nag-aakalang dahil sa mga aklat na ito ay
wala na akong kapatawaran…”
168
“Hindi ko po alam Ginang, kung ano ang gagawin sa akin ng
Diyos!” ang tugong nag-iisip ni matandang Tasyo. “Kapag ako ay
naghihingalo na ay haharap akong walang panganib sa Kanya; gawin
Niya sa akin ang nais niya.68 Subalit mayroon akong isang naiisip…”
“At ano ang naiisip ninyong iyan?”
“Kung ang mga tanging makaliligtas ay ang mga Katoliko, at sa
mga tinuran ay ang lima lamang sa bawa’t isang daan, gaya ng sabi ng
maraming kura, at ang mga Katoliko ay ikalabindalawang bahagi lamang
ng mga tao sa lupa, kung paniniwalaan natin ang mga tala; ang
mangyayari ay matapos na magtamong kaparusahan ang milyon-
milyong katao sa loob ng di-mabilang na mga daan-daang taong
nakaraan bago pumanaog sa lupa ang Mananakop, bago mamatay nang
dahil sa atin ang isang anak ng Diyos, ay ngayon lamang makaliligtas
ang lima sa bawa’t isang libo at dalawang daan? Oh, hinding-hindi
nga! 69 Ibig ko pa ang manalig at masabing kagaya ni Job na:
Magbabangis ka ba sa isang dahong lumilipad at uusigin mo ang isang
tuyong pinagapasan? Hindi, ang gayong kalaking kasawian ay hindi
mangyayari, ang paniniwala sa gayon ay isang panunungayaw, hinding-
hindi!”
“Ano ang magagawa? Ang Kapangyarihan, ang Kalinisan ng
Diyos…”
68
Sa bahaging ito ay makikita ang paninindigan ni Pilosopo Tasyo na
hindi niya babawiin hanggang kamatayan ang kaniyang paniniwalang
kritikal sa aral ng simbahan. Dito ay ipinapakita ni Rizal na ang
kamatayan ay hindi maaring magpabago ng paniniwala ng isang taong
nagtataglay ng mga malayang kaisipan. Ang katunayan nga nito ay
mayroong isang artikulo si Rizal ukol sa kamatayan ng isang matalino at
mahusay na manggagamot/doctor na namatay na hindi binabawi ang
kaniyang kritisismo laban sa kolonyal na simbahan sa kabila ng pagnanais
ng kaniyang kaibigan na ibalik siya sa paniniwalang Katoliko. Nagtapos ang
akda ni Rizal sa isang nakakatawang tagpo – kung saan ang kaibigan ng
namatay na manggagamot ay umuwing lulugo-lugo.
Basahin ang artikulo ni Rizal na Malayang Palaisip sa
www.reocities.com/cavitesu/bioriz.htm
69
Tinutulan ni Tasyo ang aral ng simbahan na Extra Ecclesiam Nulla
Salus (Sa Labas ng Simbahan ay Walang Kaligtasan). Ang maaring maging
paliwanag kung bakit isinulat ito ni Rizal at winika ni Tasyo: Una ay hindi
niya pinaniniwalaan ang aral na ito dahilan si Rizal sa takbo ng kaniyang
mga sinulat ay higit na Deistiko na naniniwala ang kaalamang pangrelihiyon
ay katutubo sa bawat tao at matatamo sa pamamagitan ng paghahanap ng
katwiran, umiiwas na mapaanib sa, at hindi pinaniniwalaan ang partikular
na aral ng grupo ng relihiyon; at ikalawa ay ang kaniyang pagnanais na
ipakita na ang Extra Ecclesiam Nulla Salus ay hindi reyalistiko sa harap ng
katotohanan na mayroong napakaraming iba’t ibang mga paniniwalang
pangrelihiyon sa daigdig. Maaring layunin ni Rizal sa pagbanggit ng
kaisipan na ito sa pamamagitan ni Pilosopo Tasyo ay ang kaniyang
pagnanais na sirain ang monopolyo ng simbahang Katoliko sa mercado ng
konsensiya sa Pilipinas.
169
“Oh! Ngunit makikita na ang darating na Kapangyarihan at
Kalinisan ng Diyos bago mangyari ang paglalang!” ang sagot na
tumitindig at nangingilabot ng matanda. “Ang paglalang, ang tao ay
isang bagay na maaaring sumipot o hindi man at hindi kailangan, at
hindi na sana dapat na siya ay nilalang ng Diyos na iyon upang sa
pagpapaligaya sa isa ay kailanganin ang papaghirapin ang mga daan-
daan sa isang kasawiang walang katapusan, at ang lahat ng ito ay dahil
lamang sa mga kasalanang minana o nagawa sa isang saglit.70 Hindi!
Kung ito ay totoo ay sakalin na ninyo ang anak ninyong iyan na
natutulog; kung ang paniwalang iyan ay hindi isang pamumusong sa
Diyos na dapat maging pedestal ng kabutihan, ang Molok71 ng mga
70
Ang Pelagianismo ay paniniwala na ang malayang pagpapasiya ng bawat
tao ang pinakamahalagang elemento sa perpeksiyon ng sangkatauhan, sa
ganito ay lumiliit ang pangangailangan para sa tinatawag na biyaya at
kaligtasan. Ang aral na ito ay binalangkas ni Pelagius, isang tao na
kinikilala sa kaniyang kaalaman at mataas na karakter na moral.
Tinanggihan ni Pelagius ang eksistensiya ng original sin, hindi
kailangan ang pagbibinyag ng mga sanggol (dahilan sa wala pa naman itong
mga kasalanan). Ang katiwaliang moral ng tao ay hindi minamana mula sa
kapanganakan, kundi bunga ng masasamang halimbawa na nakikita nila sa
lipunan. Para kay Pelagius, ang tao ay maaring mabuhay ng matuwid at sa
ganito ay maaring matamo ang kalangitan, dahil sa ang tunay biyaya ng
Diyos sa tao ay ang pagkakaroon nila malayang kapasiyahan, katwiran, at
konsensiya, kasama na din dito ang panlabas na biyaya tulad ng Batas ni
Moises at ang pagtuturo at halimbawa ni Jesucristo na sekondarya lamang.
Para kay Pelagius, ang pananampalataya at dogma ay hindi mahalagang
bagay dahilan sa ang tunay na esensiya ng relihiyon ay ang aksiyong moral.
Ang paniniwala ni Pelagius ukol sa perpeksiyon ng moralidad ay hinango sa
paniniwala ng mga pilosopong Stoico. Muli si San Agustin ay naging
instrumento ng simbahan sa pagsugpo ng Pelagianismo. Ito ay higit na
magpapatunay na ang sinabi ni Don Filipo na putris si San Agustin ay isang
hanay ng pananalitang punong-puno ng katuturan at hindi isang
karaniwang bulalas lamang.
71
Para kay Tasyo, kung inilalaan lamang ng Diyos sa kaparusahan ang
sangkatauhan ay higit Siyang malupit kung ihahambing sa kakila-kilabot
na diyos ng Phoenicia na si Moloch, na ang pagsamba sa ay kinapapalooban
ng pagsasakripisyo ng buhay sa pamamagitan ng pagsunog sa apoy o
pagpuputol-putol ng katawan ng biktimang isinasakripisyo.
Moloch, in the Old Testament, deity at one period associated with Baal,
probably as a sun god, but differing from him in being almost entirely
malevolent. The worship of Moloch embraced human sacrifice, ordeals by
fire, and self-mutilation. The Hebrew form of the word is invariably
Molech, meaning “king” or “counselor.” The first recorded instance of a
worshiper of Yahweh who “burned his son as an offering” (that is, to
Moloch) is that of Ahaz (see 2 Kings 16:3). The same story is told of
Manasseh, eponymous ancestor of one of the 12 tribes of ancient Israel
(see 2 Kings 21:6). The practice is also alluded to in the books of
Jeremiah, Ezekiel, and Leviticus. The ritual of Moloch worship was
probably borrowed by Judah from one of the surrounding nations; it was
practiced by the Moabites (see 2 Kings 3:27) and Ammonites.
170
Phoenician, kung gayon, na kinakailangang handugan ng mga taong pi
napatay at dugong walang-sala, at sa kaniyang tiyan ay sinusunog ang
mga batang inaagaw sa kandungan ng kanilang mga ina, ang mabangis
at kakila-kilabot na Diyos na iyan kung itutulad sa Kanya (sa ating
Diyos) ay makakatulad lamang ng isang mahinang binibini, isang
kaibigan, ang ina ng Sangkatauhan!” At puno ng pangingilabot na
iniwan ng baliw o ng pilosopo ang bahay, at nagtatakbo sa mga
lansangan sa kahit na nalalambungan ng dilim at umuulan.
Isang nakasisilaw na kidlat, na may nakagugulat na kulog, na
nagkalat sa himpapawid ng mapanirang apoy, ay tumanglaw sa matanda
na sumisigaw, na nakataas sa langit ang mga kamay: “Tumututol ka,
batid kong hindi ka malupit, batid kong wala akong ibang dapat itawag
sa iyo kundi Ang Mabait.”72
Ang mga kidlat ay nagsunud-sunod, ang bagyo ay lalong
lumalakas…73
171