Sunteți pe pagina 1din 4

Ama lang ang persona ng Diyos ayon sa John 17:3?

Sa Iglesia ni Cristo o INC, naniniwala silang Ama lang ang nag-iisang persona ng Diyos. Hindi nila kinikilala bilang ikalawa at ikatlong persona ng Diyos si Kristo at ang Espiritu Santo, samakatuwid, hindi sila Diyos na kapantay ng Ama (hindi rin nila ginagamit ang salitang Persona, wala iyon sa bokabularyo ng kanilang paniniwala). John 17:3 ang kanilang batayan: Ito ang buhay na walang hanggan: ang makilala ka nila, ang iisa at tunay na Diyos, at ang makilala si Jesu-Cristo na iyong isinugo. Dahil iisa lang ang Ama at iisa lang ang Diyos na tunay, ibig sabihin Ama lang ang Diyos! Hindi sinabi diyan na ikaw Ama at Ako at ang Espirtu Santo ang iisa at tunay na Diyos!, ganun ang pagdadahilan ng INC ayon sa John 17:3.

Iisa at tunay na Diyos


Ngunit pansining mabuti ang talata. Ang sinabi ni Kristo, ang makilala ka nila [Ama], ang iisa at tunay na Diyos Hindi niya sinabing nag-iisa ka lang Ama, ang tunay na Diyos, na siyang gustong palabasin ng INC. Ano ang ibig sabihin nito? Sa sinabi ni Kristo na ang makilala ka nila [Ama], ang iisa at tunay na Diyos, ang mga salitang IISA at TUNAY ay tumutukoy sa Diyos, hindi sa Ama. Ibig sabihin, ipinakikilala lamang ni Kristo ang persona ng Ama bilang Diyos na IISA at TUNAY. Wala siyang sinabi o hindi niya ibig sabihin na ang persona lang ng Ama ang nag-iisa sa pagiging tunay na Diyos. Ang IISA at TUNAY sa John 17:3 ay mga deskripsyon kung ano ang Diyos. Sa paniniwalang Trinitarian, ang Ama ang iisa at tunay na Diyos, si Kristo ang iisa at tunay na Diyos, at ang Espiritu Santo ang iisa at tunay na Diyos. Ang Diyos ay IISA at TUNAY na kung ano ang tatlong Persona na ito.

Past, Present, Future sa iisang Kasaysayan


Kung gayon, bakit hindi sinabi ni Kristo na ikaw Ama, Ako at ang Espiritu Santo ang IISA at TUNAY na Diyos? Kasi sa John 17:3, Ama lang ang binibigyan ng emphasis bilang Diyos. Pero hindi ibig sabihin nito na hindi na Diyos si Kristo at ang Espiritu Santo. Halimbawa sa analohiyang ito ng Past, Present, at Future bilang iisang Kasaysayan. Sinabi ni Present kay Past, ikaw Past, ang IISA at TUNAY na Kasaysayan. Ibig sabihin ba nun, Past lang ang IISA at TUNAY na Kasaysayan? Siyempre hindi. Ipinakikilala lang ni Present kung ano si Past. Si Past ay IISA at TUNAY na Kasaysayan tulad ni Present at Future. Ganun din sa John 17:3. Ikaw Ama, ang IISA at TUNAY na Diyos. Ibig sabihin ba nun, Ama lang ang IISA at TUNAY na Diyos? Siyempre hindi. Ipinakikilala lang ni Kristo kung ano ang Ama. Ang Ama ay IISA at TUNAY na Diyos tulad ni Kristo at ng Espiritu Santo.

Isa pang analohiya. Harap, Gitna, at Likod bilang iisang Espasyo. Sinabi ng Gitna sa Harap, ikaw, Harap, ang IISA at TUNAY na Espasyo. Ibig sabihin ba nun, Harap lang ang IISA at TUNAY na Espasyo. Siyempre hindi. Ganun din sa John 17:3. Mayroon mang tatlong bahagi ang Kasaysayan, ang Past, Present at Future, nananatiling iisa pa rin ang Kasaysayan. Tatlo man ang pwesto ng iisang Espasyo, ang Harap, Gitna, at Likod, nananatiling iisa pa rin ang Espasyo. Ganun din ang Diyos. Tatlo man ang kanyang Persona, ang Ama, Anak, at Espiritu Santo, nananatiling iisa pa rin ang Diyos.

Tanggap ng mga Trinitarian ang John 17:3


Narito ang isang aktwal na simpleng pag-uusap ng isang Iglesia ni Cristo at isang Katoliko sa John 17:3. Red ang sa INC at Blue ang sa Katoliko. Para sa karagdagang detalye, tignan ang John 17:3 at ang Trinity. Nasa mambabasa pa rin ang husga kung sino ang nasa tama. tinatanggap mo ba ang sabi ni Cristo sa Juan 17:1,3 na "Ama.. IKAW ay makilala nilang IISANG TUNAY NA DIYOS." tinatanggap mo ba yan? WALA namang sinabi si Cristo na PATI AKO, tayong tatlo ng Espiritu Santo.. wala nun oo tinatanggap ko. bibliya yan e. bakit may pagtatalo ba? wala naman a. Kaso ang hindi ko tinatanggap, e yung UNAWA mo dyan sa talata. Bakit kanino ba tumutukoy yung salitang "NATATANGI", dun sa Ama o sa Diyos? Ano pa e di sa DIYOS John 17:3 Ito ang buhay na walang hanggan: Ang makilala ka nila, ang TANGING DIYOS na totoo at si Jesucristo na iyong sinugo. hindi naman sinabi: Ang makilala ka nila, ang tanging Ama na totoo.. ibig sabihin dun ni Hesus totoo at natatangi ang Diyos na kung ano ang Ama. Ibig sabihin, nag-iisa lang ang Diyos. Walang sinabing nag-iisa lang ang Ama sa pagka-Diyos. TSK2, ano ba ang pagkaintindi mo sa IISANG Dios na tunay? sinabi ni Cristo sa Ama na IKAW ay makilala nilang IISANG DIYOS NA TUNAY. Sino ba ang ipinakilala ni Cristo na IISANG DIYOS NA TUNAY? e di yung Diyos iisa lang at tunay. Ang Diyos, iisa lang na kung ano ang Ama, Anak, at Espiritu Santo wala namang sinabi c Cristo na Ako ay makilala nilang IISANG Diyos na tunay. o di kaya'y ang Espiritu Santo ay [iisang] Dios na tunay.

oo nga, kasi nga ipinakikilala nya ang Ama bilang Diyos. Wala naman sinabi si Hesus na tinanggi niya pagka-Diyos nya dun e Sino nga ang Diyos na IISA AT TUNAY kasi binanggit dun ni Cristo ehh.. ang tinutukoy ng salitang IKAW... sino ba yun? e di yung Ama. kasimple e. Kaso lang hindi yan ang tanong. Ang tanong, yung IISA at TUNAY ba, para sa Diyos o para sa Ama? may binaggit ba si Cristo na pati Siya ay IISANG DIYOS NA TUNAY? wala, kasi nga ang Ama ang ine-empahsize ng talata hindi Siya. Oo walang binanggit dun na si Kristo ay iisang Diyos na tunay, pero sa ibang talata meron. ayun.. para sa Ama ang IISANG DIYOS NA TUNAY kaya nga sinabi ni Cristo IKAW (AMA) ay makilala nilang IISANG DIYOS NA TUNAY kasi IISA lang ang Ama na Siyang Diyos na TUNAY. ngak. san sinabi: "ikaw, ang nag-iisang Ama lamang, ay Diyos na tunay?" di mo kasi gets, yung IISA at TUNAY, tumutukoy sa Diyos, hindi sa Ama. Ibig sabihin, yun ang katangian ng Diyos na kung [ano ang] Ama, kung ano ang Anak, at ano ang HS himayin natin, yun bang Cristo na nagsalita ay iba sa Diyos (AMA) na kinakausap Niya? Anong talata ba ang may binanggit na TUNAY NA DIYOS SI CRISTO. si Kristo ay kapareho sa pagka Diyos ng Ama. Iba lang Siya sa Ama. hahaha.. ang labo. pareho sa pagka Diyos sa Ama pero IBA sa Ama? ipaliwanag mo nga yan.. ipinaliwanag ko na yan. Yung Ama Anak Espiritu Santo mga persona ng Diyos yon. Diyos= 1 being = 3 persons yung persona ni Kristo iba sa persona ng Ama. pero iisa pa rin silang Diyos ano, HINDI YUN TUMUTUKOY SA AMA? uulitin ko, sino ba ang tinutukoy na IKAW ay makilala nilang IISANG DIYOS na TUNAY? sino? di pa rin gets. eto yung "IKAW ay makilala nilang IISANG DIYOS na TUNAY" tumutukoy yun sa Ama

pero yung salitang IISA at TUNAY, tumutukoy sa Diyos, hindi sa Ama simple arithmetic, pang grade 1.. 1Diyos Ama+ 1Diyos Anak+ 1DiyosHS= ??? anong talata mababsa na iisang Diyos lagn si Cristo at ang Ama? o e diba pinaliwanag ko na yan. problema niyo yang mga inc. Kasi nga sa palagay nyo, 1 being= 1 person sa palagay nyo lang iyon. kaya di nyo magets ang trinity, kasi meron kayong ipinagpapalagay Diyos namin hindi namin iniintindi sa pamamagitan ng arithmetic. kinikilala namin siya at yun na ang matagal na pagkakakilanlan sa Kanya. Trinitarian. kayo ano ba ang Diyos niyo? ina aritmetic aritmetic lang ba yang Diyos niyo na yan? ahahaha... sino ba ang IISANG DIYOS NA TUNAY? e di yung Ama, Anak, at Espiritu Santo

S-ar putea să vă placă și