halos gumapang sa damo`t kung dumaing . . .! Diyos ko!
142 Pagkakita kay Don Juan, ang matanda`y nanambitan sa malaking kaawaan ay madaling nilapitan.
143 Anang matandang may dusa; 'Maginoo, maawa ka, kung may baon kayong dala ako po ay limusan na.
144 'Parang habag na ng Diyos magdalita sa may-lunos kung sa sakit ko`y matubos ako nama`y maglilingkod.
145 Sagot nitong si Don Juan : 'Ako nga po ay may taglay, natirang isang tinapay na baon sa paglalakbay.
146 Sa lalagya`y dinukot na yaong tinapay na dala, iniabot nang maligaya sa matandang nagdurusa. 147 Gaano ang katuwaan ng matanda kay Don Juan, ito`y halos niyang hagkan sa ganda ng kalooban.
148 Muli`t muling pasalamat ang masayang binibigkas, at sa nais makabayad sa Prinsipe`y nagpahayag.
149 'Huwag maging di paggalang ano po ang inyong pakay, ako po ay pagtapata`t baka kayo`y matulungan?
150 'Kung gayon po ay salamat, hari na ngang maging dapat, ang dito po`y aking hanap sa ama ko ay panlunas.
151 'Ama ako po`y nakaratay sa malubhang karamdaman, ibong Adarna nga lamang ang mabisang kagamutan.
152 'Bukod dito`y may isa pa, ngayon po`y tatlong taon na, ang kapatid kong dalawa`y nawawala`t di makita. 153 Sa aba ko, oh, Don Juan, sa matandang katugunan, 'malaki pang kahirapan ang iyong pagdaraanan.
154'Kaya, ngayon ang bilin ko ay itanim sa puso mo; mag-ingat kang totoo at nang di ka maging bato.
155'Sa pook na natatanaw ay may kahoy kang daratnan, dikit ay di ano lamang kawili-wiling titigan.
156Doo`y huwag kang titigil at sa ganda`y mahumaling, sapagka`t ang mararating ang buhay mo ay magmaliw.
157'Sa ibaba`y tumanaw ka`t may bahay na makikita, ng naroong tao`y siyang magtuturo sa Adarna.
158'Itong limos mong tinapay dalhin mo na, o Don Juan, nang mabaon mo sa daa`t malayo ang parurunan.
159Ang prinsipe`y di kumibo ngunit nasaktan ang puso, ang matanda`y hinuhulong baka siya`y binibiro.
160Pagkukuwan ay nagbadya 'Maginoo, bakit po ba`t iya`y isasauli mo pa gayong naibigay ko na?
161'Ugali ko pagkabata na maglimos sa kawawa, ang naipagkawanggawa, bawiin pa`y di magawa.
162Pinipilit ding ibigay ang limos niyang tinapay, sa pagtanggi ni Don Juan ang matanda ay nilisan.
163Tinulinan ang paglakad parang ibong lumilipad, kaya`t ang malayong agwat narrating din niya agad.
164Natambad sa kanyang mata ang tahanan ng Adarna, punong pagkaganda-ganda sa mundo`y siya nang una. 165Mga daho`y malalabay pati usbong, kumikinang maging sanga`y gintong lantay yamang dagat pagtakhan.
166Sa paghangang di-masukat para siyang natiyanak, gising nama`y nangangarap pakatao`y di mahagap.
167Marahil sa awa na rin ng Inang Mahal na Birhen nagliwanag ang paningin pati diwang nangulimlim.
168Saka pa lang nagunita ang bilin niyong matanda, tumanaw na sa ibaba`t nakita ang isang dampa.
169Humayo na si Don Juan sa dampang kanyang natanaw pagtao po ay dinungaw ng Ermitanyong may-bahay.
170Iinaanyayahang pumanhik, sa itaas na nagniig, Ermitanyo ay mabait kay Don Jua`y may pag-ibig. 171Mga payo at parangal ng ama sa bunsong mahal ang aliw na ibinigay sa Prinsipeng namamanglaw.
172At naghanda ng pagkain nagsalo silang magiliw, sa harap ng mga hain tila sa langit nanggaling.
173Nguni`t higit sa lahat nang sa Prinsipeng nagtataka, tinapay na binigay niya ano`t diib ay nakita?
174Kaya nga ba at nawika sa kanyang buong paghanga; 'Itoy isang talinghagang kay hirap na maunawa!
175'Yaong aking nilimusa`y isang matandang sugatan, saka dito`y iba nama`t Ermitanyo ang may alay?
176'Hindi kaya baga ito ay sa Diyos na secreto? Anki`y si Jesucristo ang banal na Ermitanyo!
177At nang sila`y makakain Ermitanyo ay nagturing : 'Don Juan, iyong sabihin ang layon mo`t nang maligning.
178'Marangal na Ermitanyo, ituring nang anak ako na ngayon po`y naparito nagsasabi ng totoo.
179'Matagal na pong di-hamak ang aking paglalagalag, walang bundok, mga gubat na di ko yata nalakad.
180'Dumanas ng kahirapan : pagod, puyat, gutom, uhaw, sa hirap ng mga daan palad ko ang di namatay.
181'Lahat na po ay binata nang dahilan sa Adarna ibong matamis kakanta na lunas sa aking ama.
182'Ama ko po ay may sakit katawa`y datay sa banig siya kong itinatangis mula nang ako`y umalis.
183'Malabis kong alaalang baka ipanaw ni ama kung hindi ko madadala ibong ditto makukuha.
184'Don Juan, iyang hanap mo`y paghihirapan mong totoo, ang Adarna`y may engkanto na wala pang tumatalo.
185'Kung tunay po ang pahayag, titiisin ko ang lahat, maging hangga man ng palad tutupdin ko yaring hangad.
186'Sa Diyos dapat manawagan ang lahat ng nilalang, ang sa mundo ay pumanaw, tadhana ng kapalaran.
187'Don Jua`y masusubok ko katibayan ng loob mo, kung talaga ngang totoo ako`y tutulong sa iyo,
188'Punungkahoy na makinang na iyo nang naraanan, ay doon nga namamahay ang Adarnang iyong pakay.
189'Ibong ito kung dumating hatinggabi nang malalim ang pagkantang malambing katahimikan kung gawin.
190'Pitong awit na maganda pito rin at iba`t iba sa balahibong itsurang ilalabas ng Adarna.