Documente Academic
Documente Profesional
Documente Cultură
nahon
Bago ang 1884
Enero 2, 1884
1885
April-June 1886
Disymebre, 1886
Marso 5, 1887
Detalye
Nabasa ni Rizal ang novelang Uncle Toms Cabin ni Harriet
Beecher Stowe na naglahad ng pang-aapi sa mga aliping Negro
sa Amerika.
Mayroong isang pagdiriwang ng mga mag-aaral na Pilipino ng
Central University of Madrid sa Espanya. Nakasama ni Rizal sina
Jaena, Valentin Ventura at ang magkakapatid na Paternos.
Inimungkahi ni Rizal sa kanyang mga kasamang Pilipino sa
Madrid na sumulat sila ng isang novelang hango sa masamang
kalagayan ng mga Pilipino sa Pilipinas sa ilalim ng pamumuno ng
Kastila at ang lahat ay sumang-ayon. Inimungkahi ni Rizal na
pangkat sila upang mailahad ang lahat ng pananaw.
Ang mungkahi ni Rizal na sumulat bilang pangkat ang novela
ay hindi natupad sapagkat ang iba, sa halip na umpisahan ang
novela ay nalihis ang perspektibo at ukol sa babae na ang nais
isulat. Nalulon ang lahat maliban kay Rizal sa sugal at pambabae
kaya napabayaan ang napagkasunduan.
Inumpisahan ni Rizal ang pagsulat sa novela sa Madrid at
natapos ang unang kalahati.
Pagkatapos ng kanyang pag-aara sa CUM, ipinagpatuloy ni Rizal
ang pagsusulat sa novela sa Paris, Fransya kung saan natapos
niya ang kalahati ng ikawalang kalahati ng novela.
Sa loob ng mga buwan na ito, tinapos ni Rizal ang novela sa
Wilhelmsfeld, Alemanya ngunit wala pang pamagat.
Hindi napadalhan si Rizal ng perang panggastos mula sa
Pilipinas kaya siyay nagutom at nagkasakit. Sa kanyang
pagkagutom, siya ay dumadalo sa mga pagdiriwang nang hindi
naman inaanyaya (gate crasher). Halos nawalan na siya ng pagasa na mailimbag ang novela kaya napag-isipang sunugin ito.
Salamat na lamang at dumating si Dr. Maximo Viola, isang dating
kamag-aaral na siyang tumulong kay Rizal sa pagpapalathala ng
novela at nagbigay ng pera upang matugunan ang mga
pangangailangan.
Inayos ni Rizal ang orihinal na manuskrito ng novela upang
mahanda sa paglathala. Napili niya ang bahay-palimbagan
naBerliner-Buchdruckrei-Action-Gesselschaft. Nagpalathala
siya ang 2, 000 sipi sa halaga lamang ng P300.00.
Habang iniimprenta ang novela ni Rizal, saka lang siya
nakapagdesisyon ng pamagat para dito. Sa kanyang sulat kay
Felix R. Hidalgo, binanggit ni Rizal na hinugot niya ang pamagat
na Noli Me Tangere sa Ebanghelyo ni Lucas. Ngunit nagkamali
si Rizal sa pagbanggit ng pinagkunan dahil nakuha niya ito sa
Ebanghelyo ni Juan, Kapitulo 20, versikulo 13-17. Ang bahaging
ito bibliya ay nagsalaysay sa araw ng Easter Sunday, ang
5.
6.