Documente Academic
Documente Profesional
Documente Cultură
MAKUKULAY NA BULAKLAK
Kahapon, dumalaw sina Janet at Josie sa lola nila sa probinsya. Maganda
ang halaman ni Lola Trining. Maraming mga bulaklak may pula, dilaw, lila,
rosas at mga puting bulaklak. May mga maliliit at malalaking bulaklak.
Ang ibang halaman ay nakatanim sa lupa, ang iba naman ay sa paso.
Manguha tayo ng maliliit na bulaklak, ang sabi ni Janet. Sige. Pero
ingatan natin ang pag pitas. Baka masira ang halaman, ang sagot ni
Josie. Ilagay natin sa plorera ang mga bulaklak. Pagkatapos ay ilagay
natin sa altar, ang sabi ni Janet. ang gaganda ng mga bulaklak! Ang
babait ng mga apo ko, ang tuwang-tuwang sabi ni Lola Trining.