Sunteți pe pagina 1din 30

1

EPEKTO NG SOCIAL MEDIA SA MGA MAG-AARAL NG UNIBERSIDAD NG


KALOOKAN TUNGO SA PAGBUO NG PROGRAMA NA MAY KINALAMAN SA
SIKOLOHIYANG PILIPINO

Isang Pananaliksik
Iniharap para kay
Josephine H. De Guzman, MAEd

Bilang pagtupad sa Pambahaging Pangangailangan sa


Sikolohiyang Pilipino (PSY 221)

MICHAEL D. CAMANGON
JUSTINE N. DAGANIO
MARY ABIGAIL LYNN M. DAVID
KURT ALLEN DL. DELA CRUZ
MABEL V. MAGLASANG
MA. CRISTINA C. REBADAJO
KEVIN CARL G. ROXAS
BS PSYCHOLOGY 2B
March 2017
2

Dahon ng Pagtitibay

Bilang pagtupad sa isa sa mga pangagailangan ng asignaturang PSY 221,

Sikolohiyang Pilipino, ang pananaliksik na ito ay pinamagatang Epekto ng Social

Media sa mga Mag-aaral ng Unibersidad ng Lungsod ng Kalookan Tungo sa Pagbuo

ng Programa na may Kinalaman sa Sikolohiyang Pilipino ng mga Mag-aaral sa

Nabanggit na Paaralan ay inihanda at iniharap ng ikalawang pangkat ng mga

mananaliksik mula sa BS Psychology 2B na binubuo nila:

Michael D. Camangon

Justine N. Daganio

Mary Abigail Lynn M. David

Kurt Allen DL. Dela Cruz

Mabel V. Maglasang

Ma. Cristina C. Rebadajo

Kevin Carl G. Roxas

Tinatanggap ang pananaliksika ito sa ngalan ng Departamento ng Sikolohiya,

Unibersidad ng Lungsod ng Kalookan, bilang isa sa mga pangangailangan sa

asignaturang PSY 221, Sikolohiyang Pilipino.

Josephine H. De Guzman, MAEd Dr. Bernadette B. Enriquez


Dalubguro Pilipino Dean, College of Liberal Arts and Science
3

PASASALAMAT

Ang mga mananaliksik ay nais na magbigay ng taos pusong pasasalamat sa mga

sumusunod na taong nagbigay ng suporta at naging inspirasyon upang maisagawa ang

pananaliksik na ito:

Dr. Bernadette B. Enriquez, Dean ng College of Liberal Arts and Sciencesna

nagbigay ng pagkakataon sa amin na makagawa ng ganitong pag-aaral upang makatulong

at makadadag sa aming kaalaman na magagamit namin sa mga susunod na henerasyon.

Para sa aming Dalubguro na si Josephine H. De Guzman, MAEd na walang

sawang naglinang ng aming kakayahan na isa sa naging daan upang maging posible ang

pag-aaral na ito.

Ang aming mga magulang na tumulong at sumuporta pang-pinansyal, sa

pagbibigay ng inspirasyon at motibasyon na naging malaking tulong sa amin at sa mga

taong tumugon sa aming sarbey at sa mga taong nagbigay ng kooperasyon upang

matapos at maisagawa ng matagumpay ang pananaliksik na ito.

Sa mga Respondentena nagbigay ng kanilang kooperasyon upang makuha ang

mga tamang datos at malikha ang pananaliksik na ito.

Higit sa lahat, nais naming magpasalamat sa Poong Maykapal sa pagbibigay ng

kalakasan sa aming pag-iisip at pangangatawan upang maisagawa ng maayos at payak

ang pag-aarl na ito.

Mga Mananaliksik
4

Abstrak

Ang pananaliksik na ito ay may pangkalahatang layunin na alamin ang positibo at

negatibong epekto ng social media sa mga piling magaaral ng Unibersidad ng Lungsod

ng Kalookan. Nilalayon din nito ay ang mga sumusunod: (1) Maipaalam ang tamang

paggamit ng social media. (2) Magmungkahi ng posibleng programa na may kinalaman

sa tamang paggamit ng social media. Ang mga kalahok sa pananaliksik na ito ay piling

limampung (50) magaaral ng Unibersidad ng Lungsod ng Kalookan. Ang pananaliksik na

ito ay gumamit ng paglalarawan o deskriptib sarbey dahil sa paggamit ng talatanungan na

tseklist at estatistikong pamamaraan.

Nakapokus ang pananaliksik na ito sa resulta ng napiling pinaka positibo at

negatibong epekto ng social media sa mga magaaral at natukoy din sa pananaliksik na ito

na sa positibong epekto ng social media ay ang mabilis na komunikasyon. Samantalang

sa negatibong epekto ay ang hindi nagiging aktibo sa gawaing pisikal ang nakakuha ng

pinakamataas. Habang sa iminungkahing programa ay seminar ang nakakuha ng

pinakamataas na antas. Nais ng pagaaral na ito ay maipahatid sa magaaral ang tamang

paggamit ng social media upang sa gayon ay makatulong din ito sa mga magaaral ng

Unibersidad ng Lungsod ng Kalookan at mapamulat din sa mga magaaral ang mabuting

dulot ng iminunghangi ng mga mananaliksik sa programa na may kinalaman sa

Sikolohiyang Pilipino.
5

Talaan ng Nilalaman

Pamagat
Pasasalamat
Talaan ng Nilalaman
Kabanata I :
Introduksyon
1

Kabanata I

KALIGIRAN NG PANANALIKSIK

Ang kabanatang ito ay nagpapahayag ng panimula, pagpapahayag ng suliranin,

saklaw at limitasyon at kahalagahan ng pag-aaral.

Panimula

Ang epekto ng makabagong teknolohiya sa pag aaral ng mga estudyante na

gumagamit ng Social Media ay nakakatulong sa mabilis na pakikipagkomukikasyon, sa

paghahanap ng mga impormasyon na makatulong sa pag-aaral, sa pagbibigay ng

napapanahong isyu sa lipunan at napapadali nitong matugunan ang pang araw araw na

pangangailangan ng isang indibidwal.

Marami rin namang maituturing na benepisyo ang paggamit ng social media sa

buhay ng tao. Ipinapakita nito na ang social media ay siguradong makakatulong sa buhay

ng tao sa antas ng karunungan, sapagkat maraming kaalaman ang maaring makuha mula

sa social media.

Batayan sa Pag-aaral

Ang pananaliksik na ito ay naglalayon na bigyan ang mga mag-aaral ng naturang

impormasyon tulad ng mabuting epekto ng paggamit ng social media at ang mga

negatibong epekto nito sa kanilang pag-aaral at kalusugan. Nais din ng mga mananaliksik

na maipalam sa mga piling mag-aaral ng Unibersidad ng Lungsod ng Kalookan na

nahihilig sa paggamit ng social media ang tamang paraan upang makaiwas sa sobrang

pagkahumaling sa paggamit nito. Nais din ng pangkat na maipaliwanag ng mabuti na


2

mayroong mga negatibong epekto ito sa kanilang buhay, kalusugan at pag-aaral ang

karapat-dapat nilang paglaanan ng oras.

Ang Social Media ay tumutukoy sa sistema ng pakikipag-ugnayan sa mga tao na

kung saan sila ay lumilikha, nagbabahagi at nakikipagpalitan ng impormasyon at mga

ideya sa isang virtual na komunidad at mga network. Ito ang nagbibigay daan sa isang

matibay at malaganap na pagbabago sa komunikasyon sa pagitan ng mga organisasyon,

mga komunidad at mga indibidwal. Sa panahon ngayon, hindi na bago sa atin ang

katotohanang malaki ang naiaambag ng social media sa ikauunlad ng anumang aspeto ng

buhay ng isang tao. Ang pangunahing benepisyo ng social media ay ang kakayahan nito

na magbigay ng pagkakataon sa gumagamit na makipag-ugnayan sa maraming tao

malapit man o malayo sa iyo. Nangangahulugan ito na maaari kang mailantad sa isang

mas malayo, mas malawak na hanay ng mga opinyon. (Freelance Filipino)

Pagpapahayag ng Suliranin

Ang pananaliksik na ito ay may mga katangiang nais sikapin na bigyan ng

kasagutan ang mga sumusunod:

1. Ano ang mga demograpikong profile ng mga kalahok?

1.1 Kasarian

1.2 Edad

2. Ano ang mga epekto ng sobrang paggamit ng social media?

2.1 Positibong Epekto

2.2 Negatibong Epekto

3. Ano ang programa na posibleng makakatulong sa pagmulat ng tamang kaalaman ng

paggamit ng social media?


3

Lawak at Limitasyon ng Pananaliksik

Ang sakop ng pananaliksik na ito ay ang mga mag-aaral ng Unibersidad ng

Lungsod ng Kalookan. Ang bilang ng mga kalahok ay limampu (50) edad 17-20 na mga

taong gumagamit ng social media. Ang mananaliksik ay nagbigay ng 3 (tatlong)

katanungan para sa mga kalahok.

Ang pag-aaral na ito ay hindi sumasakop sa ibang mga antas ng Unibersidad ng

Lungsod ng Kalookan tulad ng mga Guro, mga tagapaglinis, mga tagapag bantay

(Guwardiya). Ang aming inaasahang konklusyon ay dapat manggaling sa mga kalahok ng

nasabing paaralan.

Katuturan ng Pag-aaral

Ang pananaliksik na ito ay inilalahad ang kahalagahan ng mag-aaral sa mga

mababanggit na tao: (1) Sa mga mag-aaral na nahuhumaling sa paggamit ng social

media, malaman na ang sobrang pagkahumaling sa paggamit ng social media ay

maaaring nakabubuti at maaari rin na nakasasama sa ibang aspeto o pamamaraan. (2) Sa

mga hindi gumagamit ng social media, malaman na ang paggamit ng social media ay

may mabuti ding maidudulot sa kanilang pang araw-araw na pamumuhay tulad ng

mabilis na komunikasyon at agarang pagkuha ng impormasyon sa social media. (3) Sa

mga walang sapat na kaalaman sa paggamit ng social media, mahalaga na habang maaga

pa lamang ay maipaalam sa kanila ang mabuting maidudulot nito o epekto sa kanilang

pamumuhay at mabigyan ng kaukulang gabay sa tamang paggamit ng social media.

Kabanata II

REBYU NG MGA KAUGNAYAN NA LITERATURA AT PAG-AARAL


4

Ang kabanatang ito ay tumatalakay ukol sa pag-aaral at mga babasahin na may

kaugnayan sa paksa ng pananaliksik na ito. Nilalaman rin nito ay ang mga pagbubuod ng

nasuring pag-aaral, panteoryang balangkas, konseptwal na balangkas at katuturan ng mga

termino.

Kaugnayan na Literatura

Ang mga mag-aaral sa kolehiyo ay mayroong masidhing pagkahumaling sa social

media, ang mga halimbawa nito ay facebook, youtube, blogs, twitter (Martin, 2008)

Ayon sa Nielsen Media Research Study, Hunyo taong 2010 dalawamput limang porsyento

ng oras nang mga mag-aaral ay napupunta sa social networking website (Jacobsen and

Forsie, 2011).

Ang mga kabataan ay gumagamit ng internet para sa kanilang pang araw-araw na

gawain at paglikom nang mga impormasyon, kabaligtaran sa lumang henerasyon na kung

saan ang kanilang mapagkukunan lamang ay telebisyon at pahayagan (Lewis, 2008)

Ang pagaaral na ito ay nagpapakita na halos karamihan ng mga kabataan na

mayroong internet access ay miyembro nang social networking sites, at sa paggamit ng

internet ay maaaring makabuo ng mga plano at makihalubilo sa mga kaibigan (Kist,

2008)

Nagsagawa ng pananaliksik ang Whittemore School of Business and Economics

na kung saan may isang libong mag-aaral na kalahok. Silay nagtanong patungkol sa

kung anong Social network sites ang kanilang gamit, kung gaano kahaba o kadalas ang
5

paglaan nang oras nila dito, kung ano ang kanilang mga marka at kung saang paaralan

sila kabilang. Itoy napagpasyahan na walang kinalaman ang haba ng paggamit nang

social networking sites sa marka. (Martin, 2009)

Ayon sa Wikipedia, ang social networking ay isang istrakturang sosyal na gawa sa

mga nodes o sa mas medaling salita, mga indibidwal na konektado ng isa o maraming

tema tulad ng kaugalian, ideya, pagkakaibigan, hilig, at sekswal na relasyon. Nagsimula

ang social networking noong 1995 sa pagtayo ng isang social network o SN na

nagngangalang Classmates.com, isang websayt kung saan ang mga miyembro nito ay

makahahanap ng kanilang mga lumang kaklase maging sa kindergarden o sa kolehiyo at

mapanatili ang komunikasyon sa pagitan nila. (Wikipedia Organization)

Ayon naman kina Boyd at Ellison (2007), ang social lnetworking sites ay mga

serbisyong web-based na nagbibigay sa mga indibiwal para bumuo ng isang

pangpublikong profile, ang tawag sa impormasyong pormal na binibigay kapag

nagrerehistro (ayon sa www.gartner .com) na nakapaloob sa isang system, makita ang

profile ng ibang indibidwal kung saan siya ay konektado, at para makita ang mga profile

ng mga idibidwal na kasama niya sa system. Idinagdag pa ng mga manunulat na ang SN

ay nagiging patok sa publiko dahil pinapayagan nito ang isang indibiwal na makilala ang

ibang tao. Ayon sa kanila, ang pag-unlad ng social networking ay nagsimula sa isang

websayt. At sa websayt na ito, nabibigyan ng pagkakataon ang mga tao na makagawa ng

profile, mailista ang mga kaibigan, at ma-surf ang listahan ng mga kaibigan. Nakatulong

ito sa mga tao para makonekta at makapagpadala ng mga mensahe sa mga kaibigan nito.

Kahit marami ang naengganyo sa websayt na iyon, hindi nila masyadong naitatag nang

mabuti ang komersyong ito kaya hindi rin ito nagtagal. (Boyd at Ellison)
6

Kaugnayan na Pag-aaral

Ang mga MMOGs (Massive Multiplayer Online Games) na parte ng social media

ay maaaring, at dapat na binibigyang konsiderasyon bilang isang medium o

instrumentong panlinang sa kumplikadong sosyal na kaalaman. Isang halimbawa, sa

isang pagsasanay, maaaring magamit ang MMOGs upang masala ang mga aplikante. Sa

halip na bigyan ang mga aplikante ng Critical Behavioral (CBI) Questions, maaaring

obserbahan ang mga ito sa kung ano ang mga hakbang na gagawin sa isang kritikal na

sitwasyon sa isang grupo. Makapagbibigay ito ng mas mabuting pagsusuri at

pagtitimbang sa aplikante kaysa sa mga CBI questions kung saan ang mga aplikante ay

maaaring makapaghanda ng mga sagot. (Jepoy.info 2007)

Isa sa pinakamalaking na ginawa ay ang pagaaral ni Nicolas Yee, Ph.D. ng

Communications Department of Stanford University. Nagsimula ang kanyang

pangangalap ng impormasyon noong taong 1999 at inilabas ang kanyang mga findings sa

isang website na tinawag niyang The Daedalus Project. Ayon kay Yee, may ibat ibang

dahilan ang mga naglalaro ng online games. Nagawa nyang i-grupo ang mga dahilang ito

ay ang mga sumusunod: achievement, socialization, immersion, vent/escape at

competition. Lumabas din sa kanyang pagaaral na ang kadalasang naglalaro ng computer

games partikular na ang online games ay ang mga mag-aaral mula labintatlo hanggang

labimpitong (13 - 17) taong gulang. Ipinakita sa kanyang pag-aaral na ang karamihan sa

mga ito ay gumugugol ng sampu hanggang dalawampung (10 - 20) oras ng paglalaro sa

isang linggo. Ayon pa rin sa kanyang pag-aaral habang ang isang lalaki ay tumatanda at

nagkakapropesyon, nawawala at naiisang tabi ang paglalaro ng online games.

Kahalintulad ng nakita ni Nick Yee sa kanyang pag-aaral, napansin din ng mga


7

mananaliksik na higit na mas marami ang mga naglalaro ng online games kaysa sa mga

babae. Sa kanyang pag-aaral sa edukasyunal na epekto ng online games, lumabas na

karamihan sa mga kalahok ay masasabing nalinang ang kakayahan sa larangang sosyal,

sikolohikal, teknikal, at leadership. Sa isang bahagi ng kanyang report, ito ang

ipinahayag ni Yee na maaaring gamitin ang Online Computer Game upang masukat ang

kakayahan ng isang taong nag-aapply sa isang posisyon na nangangailangan ng

pamamahala. (jepoy.info)

Pagbubuod ng Nasuring Pag-aaral

Ang pagsusuri ng kaugnay na literatura na iniharap ay nagbigay daan sa mga

mananaliksik upang obserbahan ang pagkakahalintulad at pagkakaiba ng pag-aaral na

kamakailan lamang isinagawa sa Epekto ng Social Media sa mga Mag-aaral sa

Unibersidad ng Lungsod ng Kalookan Tungo sa Pagbuo ng Programa na may kinalaman

sa Sikolohiyang Pilipino. Sa pamamagitan ng mga datos, ipinakikita na ang social media

ay mayroong mabuti at masamang epekto depende sa taong gumagamit nito.

Ang social media ay maituturing na pinakamagandang imbensyon sa panahon

ngayon na kung saan, mabilis na makakalap ng mga impormasyon na nakatutulong sa

mga tao at sa pangaraw-araw na gawain. Tinalakay dito ang pagkakaroon ng mabuti at

masamang epekto na nakaiimpluwensiya sa mga kabataan ngayon. Sa henerasyon

ngayon, maituturing na halos lahat ng tao ay mulat na sa naturang bagay na ito at

nakinabang sa positibong impluwensiya na nadudulot nito tulad ng mabilisang at

madaliang impormasyon at komunikasyon. Napalalawak rin nito ang kaalaman sa mga

bagay na di pa saklaw ng kaisipan. Bagamat sa dami ng positibong impluwensiya at


8

pakinabang nito ay mayroon ding maituturing na negatibo kabilang dito ang kawalan ng

gana sa pakikipagkapwa, pagdedepende sa kabisaan at pagwawalang importansiya sa

kahalagahan ng totoong pagsasagawa nito. Masasabing masamang epekto din ang

kawalang oras sa ibang mahahalagang bagay tulad ng pag-aaral, pagtratrabaho o mga

bagay na produktibo.

Gayunpaman, sa mga nasabing epekto nito mabuti man o masama ito ay depende

parin sa mga taong gumagamit. Ang bawat kilos ng mga tao ay may kaakibat na bagay

ano man ang kalalabasan nito tao parin ang dapat na responsable at di ang mga bagay.

Panteoryang Balangkas

Ayon sa sikolohiyang pag-aanalisa ni Sigmund Freud na ang pleasure principle ay

nangangahulugan na likas na hilig sa paghahanap ng kaaliwan at pagiwas sa kalungkutan

o sama ng loob upang pawiin ang byolohiko at pangkaisipan na pangangailangan.

Partikular, ang pleasure principle ang nagtulak na pwersa patungo sa Id. Ang Id ay ang

parte ng kaisipan na kung saan likas na hilig ang nag-uudyok sa tao upang itoy maging

pangunahing proseso na maihahayag.

Maihahalintulad ang teoryang ito sa pananaliksik sa epekto ng social media sa

mga mag-aaral ng Unibersidad ng Lungsod ng Kalookan. Dahil ang mga social media

gaya ng Facebook, Twitter, Instagram, atbp ay nagiging kaaliwan at daan upang

maihayag ang kanila ang mga saloobin at nararamdaman. Ipinapakita na ang social

media ay ang pleasure principle ng mga mag-aaral na humahantong sa pagka-adiksyon sa

mga ito. Nagiging negatibo lamang ang epekto nito kapag nasosobrahan na sa paggamit

at naisasantabi na ang mga mas mahahalagang gawain.

Konseptwal na Balangkas
9

PANIMULA KINALABASAN
1.Demograpikong PROSESO 1.Pagbuo ng Programa
profile: 1.Paggamit ng Survey na may kinalaman sa
1.1.Kasarian Questionnaire sa Sikolohiyang Pilipino
1.2. Edad pagkuha ng datos at ng mga mag-aaral ng
2.Ano ang positibo at estatistikong Unibersidad ng
negati-bong epekto ng pamamaraan Lungsod ng Kalookan
social media?
3.Anong programa ang
makaka-tulong sa
pagmulat sa tamang
kaalaman ng paggamit
ng social media?

Diagram 1. PANIMULA-PAGPAPAHAYAG NG SULIRANIN, PROSESO-

SARBEY, KALABASAN-PAGBUO NG PROGRAMA

Ang konseptwal na balangkas ay naglalaman ng panimula, proseso at kinalabasan.

Nakapaloob sa panimula ay ang mga demograpikong profile, ang mga katanungan sa

pagpapahayag ng suliranin. Para naman sa proseso ay kung paano nilikom ang mga datos

At ang panghuli naman ay ang kinalabasan na nagpapakita kung anong programa na may

kinalaman sa Sikolohiyang Pilipino ang gagamitin para sa mga mag-aaral sa Unibersidad

ng Lungsod ng Kalookan.

Katuturan ng mga Termino

Ang bawat termino na mababanggit ay mapapaloob sa aming sulating

pananaliksik. Ang mga terminong ito ay makakatulong sa mambabasa upang maunawaan


10

nila ang tungkol dito, mas lumawak pa ang kanilang talasalitaan, at upang mas maging

pamilyar pa sila dito. Nanggaling ang mga salita sa mga diksyunaryo, internet, atbp.

Aplikante. Isang indibidwal na naghahanap ng hanapbuhay o mapapasukang

trabaho.

Blogs. Isa itong websayt o sityo sa web na parang isang talaarawan. Tinatawag na

mga blogero ang mga taong sumusulat sa mga blog. Kalimitang isinusulat ng mga

blogero sa mga blog ang kanilang mga opinion at mga naiisip.

Computer Online Games. Mga laro sa kompyuter na nangangailangan ng

internet access.

Facebook. Isang social networking website na libre ang pagsali at pinapatakbo at

pagaari ng Facebook, Inc. na isang pampublikong kumpanya. Maaaring sumali ang mga

tagagamit dito nakaayos ayon sa lungsod, pinagtratrabahuan, paaralan at rehiyon upang

makakonekta at makihalubilo sa ibang mga tao.

Immersion. Pakikihalubilo sa isang pamayanan upang malaman ang kanilang

kultura at pamamaraan ng pamumuhay.

Internet. Isang lugar sa virtual world kung saan ang mga kompyuter sa buong

mundo magkakakonekta at nabibigayan ng impormasyon na bukas sa publiko.

Instagram. Ay isang online mobile na serbisyo photo-sharing, video-sharing at

social networking na nagbibigay-pahintulot sa mga gumagamit na kumuha ng mga

larawan at bidyo, at ibahagi ang mga ito sa ibat-ibang plataporma ng social networking,

gaya ng facebook, twitter, tumblr at Flickr.

Internet Access. Ginagamit upang makakonekta sa ibat-ibang pook sapot sa

social media.
11

Networking. Isang serbisyo sa pagpapalit ng impormasyon gamit ang internet

Social Media. Ito ay tumutukoy sa sistema ng pakikipag-ugnayan sa mga tao na

kung saan sila ay lumilikha, nagbabahagi at nakikipagpalitan ng impormasyon at mga

ideya sa isang virtual na komunidad at mga network. Halimbawa nito ay Facebook,

Youtube, Instagram, Twitter, Google, atbp.

Social Networking. Isang uri ng pook sapot na nagbibigay koneksyon sa bawat

indibidwal.

Socialization. Pakikipagkapwa o pakikisalamuha sa ibat-ibang uri ng tao Pilipino

man o banyaga.

Twitter. Ay isang social networking at microblogging na serbisyo na nagbibigay

kakayahan sa gumagamit nito na magpadala at basahin ang mga mensahe na kilala bilang

mga tweets.

Website. Pook sapot na naglalaman ng ibat-ibang impormasyon na makikita sa

internet.

Youtube. Ay isang sikat na website na nagbabahagi ng mga video at nagbibigay-

daan para sa mga manggagamit o user nito na mag-upload, makita, at ibahagi mga ang

video clips.
12

Kabanata III

DISENYO AT METODO NG PANANALIKSIK

Ang kabanatang ito ay ipapakita ang mga kalahok sa pananaliksik, mga

instrumentong ginamit at pamamaraan sa pangangalap ng datos.

Disenyo ng Pananaliksik

Ang disenyo ng pananaliksik ay naglalarawang pamamaraan (descriptive method)

dahil ang mga mananaliksik ay gumamit ng sarbey na naaangkop ito sa mga mag-aaral na

sobrang nahuhumaling sa paggamit ng social media.

Kalahok
13

Ang mga piling tumugon sa pananaliksik ay nagmula sa ibat ibang kurso at taon

ng mga mag-aaral sa Unibersidad ng Lungsod ng Kalookan. Ang mga kalahok na sasagot

sa mga katanungan na ipinamahagi ay ang mga gumagamit ng social media. Ang mga

sasagot sa sarbey ay 50.

Instrumento ng Pananaliksik

Ang instrumentong ginamit sa pananaliksik na ito ay sarbey na ibinigay sa 50 na

mag-aaral ng Unibersidad ng Lungsod ng Kalookan na may ibat ibang kurso at taon sa

pag-aaral. Ang sarbey ay binubuo ng tatlong katanungan na sinagutan ng mga kalahok.

Ang mga mag-aaral ay sumagot sa pamamagitan ng paglalagay ng tsek sa kanilang

kasagutan.

Ang instrumentong ginamit ay naging malaking tulong upang mabuo at naging

daan upang makuha ang mga datos na kailangan sa pananaliksik.

Pagpapatunay ng mga Instrumento

Ang instrumentong ginamit ay ipinakonsulta sa Tagapayo ng pananaliksik upang

patotohanan at bigyang bisa ang instrumento bago ito ipamahagi sa mga piling mag-aaral

ng Unibersidad ng Lungsod ng Kalookan.

Proseso

Ang pamamaraan ng pangangalap ng datos ay nagsimula sa paggawa ng

talatungan at sinundan ng pagsasaayos ng instrumento para maiwasto ang kaayusan ng

mga tanong at upang matiyak ang kaangkupan nito sa mga nais matamo ng mga

pananaliksik.
14

Ang paghingi ng pahintulot sa bawat kalahok ang sumunod. Personal na

pinamahalaan ng mga mananaliksik ang pagbibigay ng mga talatanungan sa bawat

kalahok at ibinigay ang panuto sa pagsagot upang makuha ang nararapat ng tugon.

Kinalap ang mga intrumento at inihambing ang mga sagot ng bawat kalahok at binigyan

ng kabuuan.

Istatistikal na Tritment ng mga Datos

Ang ginamit sa pananaliksik na ito ay ang Percentage and Frequency

Distribution at Weighted Mean upang makuha ang ninanais na detalye sa impormasyon.

Ang mga ito ay itunutuos sa pamamagitan ng mga sumusunod:

Percentage and Frequency Distribution. Percentage was used to determine the

frequency distribution of the respondents profile using the formula:

f
Formula: P = N x 100

P = porsyento

f = kabuuang bilang ng mga tugon sa kada kategorya

N = Bilang ng mga kalahok

Weighted Mean. Weighted mean assumes that all observed values are of equal

importance and are given equal weight.

Formula:

fx

WM = _______

Where:

WM = the weighted mean


15

fx = the total weighted mean

n = the total number of respondents

Kabanata IV

PAGLALAHAD, PAGSUSURI, PAGBIBIGAY KAHULUGAN SA MGA

NAKALAP NA DATOS

Ipinapakita sa kabanatang ito ang presentasyon, pag-aanalisa at interpretasyon sa

nalikom na datos. Ito ay inilahad sa tabular form para sa mas madaling pag-unawa.

Talahanayan 1
Demograpikong Profile ng mga Kalahok

f %
Demograpikong Profile
16

1.1 Kasarian
a. Lalaki .22 22%
b. Babae .78 78%
1.2 Edad
a. 17-18 .56 56%
b. 19-20 .44 44%
Legenda: f frequency, % - percentage

Ang talahanayang ito ay naghahayag ng demograpikong profile ng mga kalahok.

Ang mga kalalakihang responedente ay may porsyentong dalawamput dalawa (22%) at

pitumput walong (78%) porsyento naman ang sa mga kababaihan. Samatalang sa edad

17-18 ay kabilang sa limamput anim (56%) na porsyento at ang edad 19-20 naman ay

nakakuha ng apatnaput apat (44%) na porsyento.

Talahanayan 2.1

Percentage and Frequency Distributionng mga Epekto ng Social Media

Sobrang
Sobrang
Epektib Bahagyan Hindi hindi
Positibong Epekto Epektib
o g Epektibo Epektibo Epektib
o
o
f P f P f P f P f P
a.Mabilis na 2 58 2 40
1 2% 0 0% 0 0%
Komunikasyon 9 % 0 %
b.Paghahanap ng 2 48 2 40
4 8% 2 4% 0 0%
impormasyon 4 % 0 %
c.Pagpapalipas oras 2 40 1 30
11 22% 4 8% 0 0%
0 % 5 %
Legenda: f-frequency, P-percentage
17

Ayon sa datos na nakuha sa sarbey sa positibong epekto ang pinakamaraming

tumugon ay ang mabilis na komunikasyon na nakakuha ng apatnaput siyam (49) na

tugon na siyamnaput walong (98%) porsyento ng datos. Pumapangalawa naman ang

paghahanap ng impormasyon na may apatnaput apat (44) na kalahok ang tumugon at ito

ay walongput walo (88%) porsyento. Nakakuha naman tatlumput lima (35) na tugon

ang pagpapalipas ng oras na pitumpu (70%) porsyento na naglalagay ditto sa pangatlong

pwesto. Pang-apat ay ang pagbibigay ng napapanahong isyu sa lipunan na nakakalap ng

dalawamput lima (25) na sumagot at ito ay limampung (50%) porsyento ng datos at

panghuli ay nakakuha ng dalawamput isa (21) pahayag mula sa kalahok ay malayang

pagpapahayag ng saloobin ng apatnaput dalawang (42%) porsyento ng datos.

Talahanayan 2.2

Percentage and Frequency Distributionng mga Epekto ng Social Media

Sobrang
Sobrang
Epektib Bahagyang Hindi hindi
Negatibong Epekto Epektib
o Epektibo Epektibo Epektib
o
o
F P f P f P F P f P
a.Pagka-Adiksyon 2 46 1 26 10
8 16% 5 1 2%
3 % 3 % %
b.Pagpapalaganap ng 2 46 1 28 12
6 12% 6 2 4%
maling impormasyon 2 % 4 % %
c.Maagang pagkamulat sa 1 38 22 12
11 10 20% 6 4 8%
pornograpiya 9 % % %
d.Pagkasira ng kalusugan 1 32 1 34 10
12 24% 5 0 0%
6 % 7 % %
18

e.Hindi nagiging aktibo 2 48 1 32 10


5 10% 5 0 0%
sa gawing pisikal 4 % 6 % %
Legenda:f-frequency, P-percentage

Sa datos na nakalap sa negatibong epekto, apatnapu (40) ang nagpahayag na hindi

lagging aktibo sa gawaing pisikal na walumpu (80%) porsyento ng datos na nagtatalaga

nito sa pinakamarami habang ang pangalawa naman ay ang pagpapalaganap ng maling

impormasyon na tatlumput anim (36) na tumugon at pitumput apat (74%) na porsyento

ng datos. Tatlumput anim (36) na kalahok ang sumagot sa pagka-adiksyon na pitumput

dalawa (72%) porsyento na naglalagay sa pangatlong pwesto. Pang-apat ay ang pagkasira

ng kalusugan (radiation) na nakakuha ng tatlumput tatlong (33) sagot na animnaput

anim (66%) na porsyento ng datos. Ang panglima ay nakakuha ng pinakamababang tugon

ay maagang pagkamulat sa pornograpiya na tatlumpu (30) ang sumagot na animnapung

(60%) porsyento ng datos.

Talahanayan 3

Percentage and Frequency Distributionng mga posibleng mungkahing programa

Sobrang
Mungkahing Sobrang Bahagyang Hindi
Epektibo hindi
Programa Epektibo Epektibo Epektibo
Epektibo
f P F P f P f P f P
a.Seminar 24 48% 19 38% 3 6% 3 6% 1 2%
b.Patimpalak (Contest) 7 14% 14 28% 20 40% 6 12% 3 6%
c.Anunsyo
16 32% 14 28% 11 22% 6 12% 3 6%
(Advertisement)
d.Team Building 17 34% 14 28% 10 20% 8 16% 1 2%
e.Workshop 22 44% 17 34% 7 14% 3 6% 1 2%
19

Legenda: f frequency, P - percentage

Batay sa mga kalahok ang nanguna sa iminungkahing programa na magiging

mabisa upang matulungan ang mga kabataan sa tamang paggamit ng social media ay

seminar dahil walumput anim (86%) na porsyente ng datos ang nakuha nito mula sa

apatnaput tatlo (43) na kalahok. Pumapangalawa naman dito ang workshop na nakakuha

ng pitumput walong (78%) porsyento ng datos na nakalap mula sa tatlumput siyam (39)

na kalahok. Pangatlo naman ang Team building na mayroong animnaput dalawang

(62%) porsyento ng datos na nanggaling naman sa tatlumput isang (31) kalahok.

Sumunod dito ay ang anunsyo o pag-aanunsyo (advertisement) na may animnapung

(60%) porsyento ng datos na nakalap mula sa tatlumpung (30) kalahok na sumangayon

dito. At panghuli naman ay ang patimpalak na nakalap naman sa apatnaput dalawang

(42%) porsyento ng datos na nagmula sa dalawamput isang (21) kalahok.

Talahanayan 4

Weighted Mean ng mga datos

Epekto ng Social Media WM DE


Positibong Epekto
a. Mabilis na komunikasyon 4.56 SE
b. Paghahanap ng impormasyon 4.32 E
k. Pagpapalipas oras 4.02 E
d. Malayang pagpapahayag ng saloobin 3.36 BE
e. Pagbibigay ng napapahanong isyu 3.66 E
Negatibong Epekto
a. Pagka-Adiksyon 4.04 E
b. Pagpapalaganap ng maling impormasyon 3.96 E
k. Pagkamulat sa pornograpiya 3.7 BE
d. Pagkasira ng kalusugan (Radiation) 3.88 E
e. Hindi nagiging aktibo sa gawaing pisikal 4.18 E
Sa iyong palagay anong programa ang
20

makakatulong sa pagmulat sa tamang kaalaman


ng paggamit ng social media
a. Seminar 4.24 E
b. Patimpalak (Contest) 3.32 BE
k. Anunsyo (Advertisement) 3.68 E
d. Team Building 3.78 E
e. Workshop 4.12 E

Legenda: WM Weighted Mean, DE Descriptive Equivalent, SE Sobrang Epektibo,


E Epektibo, BE Bahagyang Epektibo

Ang talahanayan na ito ay nagpapakita ng kabuuang bilang ng weighted mean. Sa


positibong epekto ang mabisang komunikasyon ay nakakuha ng 4.56 na
nangangahulugang sobrang epektibo at ang malayang pagpapahayag ng saloobin naman
ay nakakalapng 3.36 na bahagyang epektibo. Samantalang sa negatibong epekto naman
ang hindi nagiging aktibo sa gawaing pisikal ay nakakuha ng 4.18 at ang maagang
pagkamulat sa pornograpiya ang pinakamababa na nakakuha ng 3.7. Habang sa
mungkahing programa ang seminar ay ang pinakamataas na bilang na nakakuha ng 4.24
at ang pinakamababa naman ay ang bahagyang epektibo na nakakuha ng 3.32.
Chapter V

BUOD, KONKLUSYON AT REKOMENDASYON

Ang kabanatang ito ay naglalaman ng Buod, Konklusyon at Rekomendasyon na

may sapat na tugon sa suliranin ng pananaliksik.

Buod ng natuklasan

Dahil sa mga impluwensya nang social media sa mga magaaral ng Unibersidad ng

Lungsod ng Kalookan inihahayag nito ang positibo at negatibong epekto ng social media

ayun sa pagaaral ng mga mananaliksik. Ginagamitan nito ng sarbey o palatanungan sa

pagkuha nang datos. Ang mga mananaliksik ay nais panukhala ng isang seminar na

tumatalakay sa positibo at negatibong epekto ng social media sa mga magaaral nang

Unibersidad ng Lungsod ng Kalookan upang makatulong sa pagmulat ng kaalaman sa

tamang pag gamit ng social media.


21

Konklusyon

Mayroong labing isang (11) kalahok na kalalakihan sa ginawang pananaliksik at

dalawamput siyam (29) naman na babae at mayroong itong kabuuang

limangpung kalahok. Limamput anim na porsyento ay may edad na labing pito at

labing walo at apatnaput apat na porsyento ay napunta naman sa may edad na

labing siyam hanggang dalawamput kalahok.

Ang pag-aaral ay nagpapakita ng mga epekto ng social media sa Unibersidad ng

Lungsod ng Kalookan. Maraming kabataan ang mas namumulat sa pag gamit ng

social media dahil nga sa malawak na pakinabang nito. Ang papanaliksik na itoy

tumatalakay sa epekto ng social media positibo man o negatibo. Ayon sa datos na

nakuha pinakamataas na positibong epekto ay ang mabilis na komunikasyon dahil

sa isa itong sa pangumahing layunin ng mga plataporma sa social media. mas

napapadali at nagiging abot kamay maging sino ka man. Samantalang negatibong

epekto nangunguna ang hindi pagiging epektibo sa gawaing pisikal lalo na sa

kabataan na mas nalululong na lamang sa pag gamit ng computer at hindi

nakikihalobilo sa mga Gawain lalo na sa mga pisikal. Dalawang epekto na nakaka

apekto sa mga kabataan ngayon.

Ayon sa mga kalahok ang pinaka possible na mabisang programa na

makakatulong sa pagmulat tungo sa tamang kaalaman ng pag-gamit ng social

media ay seminar na may kinalaman sa sikolohiyang Pilipino. Dahil ang seminar

ay may importanteng aktibidad na maaring makatulong gaya ng pagtatalakay,

pagsasanay, konsultasyon, seminar at may palarong may kinalaman sa tamang

kaalaman sa pagamit ng social media.


22

Talahanayan 5. Planong aksyon na nabuo para sa iminungkahing programa


(Seminar) na may kinalaman sa Sikolohiyang Pilipino

Key Areas Layunin Stratehiya Mga taong Time Badyet


kabilang frame
Maipaalam -Maihayag ang Seminar Mananaliksik May 2017 2500
ang tamang positibo at Positibong Panauhin
pagamit ng negatibong epekto ng Tagapagsalita
social media epekto ng social Kalahok
social media media
-Makapaghatid Negatibon
ng kaalaman sa g epekto
matalinong ng social
paggamit ng media
social media Tama at
mabuting
epekto ng
social
media

Rekomendasyon

Matapos makalap ang mga datos, mabuod ang mga natuklasan at maihayag ang

mga resulta ng pananaliksik na ito, rekomendasyon ay ginawa at ito ay ang mga

sumusunod:

Ang mga kalahok ay ang mga piling mag-aaral ng Unibersidad ng Lungsod ng

Kalookan. Ang mga mananaliksik ay maaring makatulong sa mga mag-aaral na

maipahatid ang tamang pag-gamit ng social media.

Ang mga tao ngayon lalo na ang mga kabataang magaaral ay madalas ng umaasa

sa social media na nagreresulta ng pagkabago ng henerasyon at unti-unting


23

pagkalimot sa mga dating kinagisnang tradisyon. Nawawalan na din ang mga

kabataang magaaral ng oras at panahon para malinang ang kanilang mga sarili sa

mas makabuluhang gawain. Ang pananaliksik na ito ay magandang halimbawa

upang maihayag ang mabuti at masamang epekto ng social media.

Para sa mga susunod na mananaliksik na mag-aaral ng tulad ng paksang ukol sa

social media. Maaaring isagawa ang iminungkahi ng pananaliksik na ito upang

magbigay ng mas malalim na kaalaman tungkol sa respeto ng pag-gamit ng social

media. Nais din ng mga mananaliksik na magpabatid ng adbokasiya na nauukol sa

napapanahong suliranin ng mga magaaral sa kasalukuyan.

SARBEY PARA SA MGA KALAHOK

Kami po ay binubuo ng mga mag-aaral ng BS-Psychology 2B at kasalukuyang


gumagawa ng isang pananaliksik patungkol sa Epekto ng Social Media sa mga Mag-
aaral ng Unibersidad ng Lungsod ng Kalookan Tungo sa Pagbuo sa Programa na
may Kinalaman sa Sikolohiyang Pilipino ng mga Mag-aaral sa Nabanggit na
Paaralan. Ang inyo pong mga kasagutan ay magsisilbing tulong sa aming pananaliksik
at aming ipinapangako na ito ay mananatiling pribado at konpidensyal.
PANUTO: Lagyan ng tsek ang kahon para sa numero ng iyong sagot.
Demograpikong Profile:
Edad 17-18 19-20
Kasarian BABAE LALAKE
Ano ang Positibo at Bahagyan Hindi Sobrang
Sobrang Epektibo
Negatibong epekto ng g Epekib Hindi
Epektibo
Social Mediasa iyo bilang Epektibo o Epektibo
(5) (4)
isang mag-aaral? (3) (2) (1)
POSITIBONG EPEKTO
Mabilis na Komunikasyon
Paghahanap ng
24

impormasyon
Pagpapalipas oras
Malayang pagpapahayag
ng saloobin
Pagbibigay ng
napapanahong isyu sa
lipunan
NEGATIBONG EPEKTO
Pagka-Adiksyon
Pagpapalaganap ng maling
impormasyon
Maagang pagkamulat sa
Pornograpiya
Pagkasira ng kalusugan
(Radiation)
Hindi nagiging aktibo sa
gawaing pisikal
Sa iyong palagay anong programa ang makakatulong sa pagmulat sa tamang kaalaman ng
paggamit ng Social Media?
Seminar
Patimpalak (Contest)
Anunsyo (Advertisement)
Team Building
Workshop

Biblyograpiya

Aklat na Pinagkuhanan

Theories of Personality, Seventh Edition Feist-Feist. http://www.primisonline.com

Sigmund Freud (2013). Psychology; Psychotherapy; Counseling: The Ego and the Id.

CreateSpace Independent Publishing Platform.

On-line na Pananaliksik

http://mds.marshall.edu/cgi/viewcontent.cgi?article=124&context=edt (The impact of

social networking on student).


25

http://www.sf.airnet.ne.jp/ts/language/number/tagalog.html (The Number System of

Tagalog).

https://www.slideshare.net/mobile/maheshkodit1/final-report-44985120 (USE OF

SOCIAL NETWORKS AND ITS EFFECTS ON STUDENTS).

http://effectsofsocialnetworkingtoteenagers.blogspot.com/2012/03/effects-of-social-

networking-to.html?m=1 (Effects of Social Networking to Teenagers Research Paper

B78).

http://deped.gov.ph/search_api_views_fulltext=effectsofsocialmediatothestudents

(Communicating Science through the Utilization of the Social Media: Bridging the Time

in Managing Science Investigatory Projects).

S-ar putea să vă placă și