Sunteți pe pagina 1din 8

HEOGRAPIYA NG DAIGDIG

Ang Heograiya ay galing sa dalawang salitang griyego na GEO na ang ibig sabihin ay mundo at
GRAPHIEN na ang ibig sabihin ay paglalarawa. Ito rin ay ang pag-aaral ng katangiang pisikal ng
daigdig o mundo.

Ang heograpiya ay isang paksang may napakalawak na saklaw. Ang katagang heograpiya ay hango sa
salitang greek na geographia. Ang geo ay nangangahulugang lupa samantalang ang graphein ay
sumulat. Samaktuwid, ang heograpiya ay nangangahulugang pagsusulat ukol sa lupa o paglalarawan
sa daigdig

Ang heograpiya ay ang pag-aaral tungkol sa mga katangiang pisikal ng daigdig


meron ding halimbawa katulad ng pisikal na kapaligiran,tubig,klima,pag
ulan,kagubatan,pangisdaan,minahan,asinan,abakahan,asukalan,niyugan,at pastulan.

Ang heograpiya ay ang aral tungkol sa mundo:


Ang tawag sa agham ng mga lokasyon ng mundo. Nakapokus ita sa distribusyon ng likas na yaman at
mga tao sa ibawbaw ng lupa.
Ang heograpiya ay ang pag-aaral sa mundo at lahat ng mga nangyayari dito.
ang heograpiya ng daigdig ay binubuo ng 1/4 na anyong lupa at 3/4 na anyong tubig ng mundo.

LONGITUDE AT LATITUDE

Ang longhitud ay ang mga pababang linya


sa mapa o globo. Ito ang nagbibigay
direksyon sa silangan o kanluran. Ang
mga longhitud ang ginagamit upang
tukuyin ang oras sa bawat bahagi ng
mundo. Ang bawat longhitud na isang
digri ang layo ay may distansiyang 111.32
km. Sa mga polo nagtatagpo ang mga
meridian. Bawat digri ng longhitud ay
nahahati sa 60 minuto.
Ang latitude ay ang mga pahalang na
linya sa mapa o globo. Ang latitud ang
nagbibigay ng lokasyong hilaga o timog
ng ekwador. Ito rin ang mga linyang
ginagamit upang tukuyin ang klima sa
isang bahagi ng mundo. Mayroong 3
pangunahing latitud ang globo:

Ekwador (0)
Tropiko ng Kanser (23.5)
Tropiko ng Kaprikorn (23.5)

ANG KLIMA
Ang daigdig ang tanging planeta sa solar system na kayang
makapagpanatili ng buhay. Ang malaking bahagi n gating planeta ay
may kaaya-ayang atmospera at sapat na sinag ng araw, init, at tubig
upang matustusan ang pangangailangan ng mga halaman at hayop
sa balat ng lupa.

Mahalaga ang papel ng klima. Ang klima ay ang kalagayan o


kundisyon ng atmospera na karaniwan sa mga malaking rehiyon o
lugar sa matagal na panahon.
Pangunahing mga salik sa pagkakaiba-iba ng mga klima sa deaigdig
ay ang natatanggap na sinag ng araw ng isang lugar depende sa
latitude at panaho, distansya mula sa karagatan, at taas mula sa sea
level.

ANG MGA KONTINENTE

Ang mga kontinente ng daigdig ay ang mga sumusunod:


Asya
Europa o Yuropa
Africa
Australia o Oceania
Hilagang Amerika
Timog Amerika
Antartica o Antartika

Ang planetang Daigdigay ang pangatlong planeta mula sa Araw. Ito ang pinakamalaking planetang
terestriyal ng sistemang solar. Kumpirmado ng makabagong agham na ang Daigdig lamang ang
katawang pamplaneta kung saan maaaring tumira ang mga buhay na organismo tulad ng mga hayop at
halaman.
Ang lupa ng daigdig ay nahahati sa pitong malalaking kontinente. Sinasabing nagmula sa isang
malaking kontinente ang pito. At dahil sa mga sakuna at mga pagbabago sa klima,nagkawatak-watak
ang mga lupa at nabuo ang kasalukuyang anyo ng mga kontinente sa daigdig. May iba't ibang anyo ang
lupa sa daigdig. Nariyan ang bundok, bulkan, kapatagan, talampas, tangway, burol, lambak at mga isla.

Ang Continental Drift Theory


- An paggalaw/pagkakanod ng mga kontinente
- Alfred Wegener German na nagsulong ng Continental Drift Theory.
Africa ang malaking suplay ng ginto ang diyamante
Nile River ang pinakamahabang ilog sa buong daigdig
Sahara Desert ang pinakamalaking disyerto.
Antartica ang tanging kontinenteng natatakpan ng yelo.
China na may pinakamalaking populasyon sa daigdig.
Dagat Timog Tsina ang pinakamalaking dagat sa mundo
Mt. Everest - pinakamataas na bundok sa pagitan ng Sagamartha Zone sa Nepal at Tibet
sa China
ANG MGA KONTINENTE SA DAIGDIG

TINATAYANG
BILANG NG
KONTINENTE LAWAK POPULASYON
BANSA
(2009)
Asya 44,614,000 4,08,647,780 44
Africa 30,218,000 990,189,529 53
Europe 10,505,000 728,227,141 47
North America 24,230,000 534,051,188 23
South America 17,814,000 392,366,329 12
Antartica 14,245,000 -NA- 0
Australia at Ocenia 8,503,000 34,685,745 14

MGA URI NG ANYONG LUPA

Kapatagan isang lugar kung saan walang pagtaas o pagbaba ng lupa, patag at pantay ang lupa rito.
Maaaring itong taniman ng mga palay,mais,at gulay.

Bundok isang pagtaas ng lupa sa daigdig, may matatarik na bahagi at hamak na mas mataas kaysa
sa burol. hal.Bundok Banahaw, Bundok Apo.

Bulkan isang uri ng bundok sa daigdig na kung saan ang tunaw na bato ay maaaring lumabas dito
mula sa kailaliman ng daigdig. May dalawang uri ng bulkan, una ang tinatawag na
tahimik na kung saan matagal na hindi ito sumasabog, tulad ng Bulkang Makiling na
matatagpuan sa lalawigan ng Laguna; at ang ikalawang uri naman ay aktibo na kung
saan maaari itong sumabog anumang oras. Mapanganib ang ganitong bulkan. Maaari
itong sumabog at magbuga ng kumukulong putik at abo. Halimbawa nito ay
ang Bulkang Pinatubo.

Burol higit na mas mababa ito kaysa sa bundok at ang halimbawa nito ay ang tanyag naChocolate
Hills ng Bohol sa Pilipinas. Pabilog ang hugis nito at tinutubuan ng mga luntiang damo
sa panahon ng tag-ulan at kung tag-araw ay nagiging kulay tsokolate.

Lambak isang kapatagan ngunit napaliligiran ng mga bundok. Marami ring mga produkto tulad ng
gulay, tabako, mani, mais, at palay ang maaaring itanim dito.

Talampas patag na anyong lupa sa mataas na lugar. Maganda ring taniman


Baybayin bahagi ng lupa na malapit sa tabing dagat

Bulubundukin matataas at matatarik na bundok na magkakadikit at sunud-sunod.

Pulo mga lupain na napalilibutan ng tubig.

Yungib mga likas na butas na may sapat na laki at lawak na maaaring pasukin ng tao at hayop.

Tangway pahaba at nakausling anyong lupa na naliligiran ng tubig.

Tangos mas maliit sa tangway.

Disyerto mainit na anyong lupa

PINAKAMATAAS NA BUNDOK SA BUONG DAIGDIG

BUNDOK TAAS (sa metro) LOKASYON


Everest 8,848 Nepal/Tibet
K-2 8,611 Pakistan
Kangchenjunga 8,586 Nepal/India
Lhotse 8,511 Nepal
Makalu 8,463 Nepal/Tibet
Cho Oyu 8,201 Nepal/Tibet
Dhaulagiri 8,167 Nepal
Manaslu 8,163 Nepal
Nanga Parbat 8,125 Pakistan
Annapurna 8,091 Nepal

MGA URI NG ANYONG TUBIG


Karagatan -Ang karagatan ay ang pinakamalawak at pinakamalalim na anyong-tubig. Maalat ang tubig
nito. (Kabilang sa mga kilalang karagatan ay ang Karagatang Pasipiko, Karagatang
Atlantiko, Karagatang Indian, Karagatang Artiko, at ang Karagatang Southern.)

Dagat Ang dagat ay malawak na anyong-tubig na mas maliit lamang ang sukat sa karagatan. Maalat
ang tubig ng dagat sapagkat nakadugtong ito sa karagatan. (Nabibilang sa mga dagat
sa Pilipinas ang Dagat Timog Tsina, Dagat Pilipinas, Dagat Sulu, Dagat Celebes, Dagat
Mindanao at Dagat llapitan.)

Ilog isang mahaba at makipot na anyong tubig na umaagos patungong dagat. Nagmula ito sa maliit na
sapa o itaas ng bundoko *burol.

Look Ang look ay anyong-tubig na nagsisilbing daungan ng mga barko at iba pang sasakyang-
pandagat. Maalat din ang tubig nito sapangkat nakadugtong ito sa dagat o sa
karagatan. (Ang Look ng Maynila, Look ng Subic, Look ng Ormoc, Look ng Batangas, at
Look ng Iligan ay halimbawa ng mga look sa Pilipinas.)Ito ay parte ng isang Golpo

Golpo bahagi ito ng dagat.

Lawa isang anyong tubig na napapaligiran ng lupa.

Bukal tubig na nagmula sa ilalim ng lupa.

Kipot makitid na daang-tubig na nag-uugnay sa dalawang malaking anyong tubig tulad ng dagat o
karagatan. May kabuuang 200 ang kipot sa Pilipinas dahil sa pagiging arkipelago nito.

Talon matarik na pagbaba ng tubig sa isang sapa

Batis ilug-ilugan o saluysoy na patuloy na umaagos.

Sapa anyong tubig na dumadaloy.

KASAYSAYAN AT HEOGRAPIYA

Herodutos isang greek na kinikilalang ma ng Kasaysayan. Sa pamamagitan ng kanyang akda,


nagging sistematiko ang pagtatala ng mga pangyayari sa kapaligiran at masasabing
lumawig ang pagsulat ng kasaysayang. Binansagan bilang Ama ng Heograpiya
Mga Paniniwalang Pinagmulan ng Daigdigh:
Makaagham Teorya ng mga siyentista tungkol sa pinagmulan ng daigdig, may
sariling bersyon ngunit ang pangkalahatan ay mapapangkat sa tatlong uri: Gas at Ulap na
nabou, Bangaan ng mga Bituin at Pagsabog
Panrelihiyon Nagmula sa bibliya

Katuturan ng Heograpiya

pag-aaral sa pisikal na anyo ng daigdig


Griyego "geos" at "graphia" (deskripsyon ng mundo)
Mga Tinatalakay sa Heograpiya
anyong lupa
anyong tubig
likas at pampulitikang pagkakahati ng mga lupain
klima
produkto/ yamang likas
interaksyon ng tao
Tuon/ Tema
lokasyon
kalagayang pisikal
ugnayang tao-kapaligiran
paggalaw ng tao
rehiyon ng daigdig

ANG CONTINENTAL DRIFT THEORY


Continental Drift Theory
paggalaw/ pagkakaanod ng mga kontinente
Alfred Wegener
and mga kalupaan ay patuloy na gumagalaw
225 Million Years Ago
Pangaea (lupa)
Panthalassa (tubig)

135 Million Years Ago


Laurasia
Gondwanaland
65 Million Years Ago
N. America, Eurasia, Australia S. America, Antarctica, Africa

Present
7 Kontinente

ANG MGA KONTINENTE NG MUNDO

Asia

Africa
North America

South America

Antarctica
Europe

Australia at Oceania

S-ar putea să vă placă și