Sunteți pe pagina 1din 17

Sahabah Quiz

Q01 : Sino ang Sahabi na nabanggit ang kanyang pangalan sa Qur-an? Ibigay ang pangalan niya
at pangalan ng kanyang ama.

Sagot:

Siya sa Zayd ibn Harithah, ang pangalan ng kanyang ama ay si Harithah. Matatagpuan ang
kanyang pangalan
sa Surah Al-Ahzab:37





But when Zaid had accomplished his want of her, We gave her to you as a wife, so that there
should be no difficulty for the believers in respect of the wives of their adopted sons, when they
have accomplished their want of them; and Allahs command shall be performed.

Si Zayd ibn Harithah ay tinawag na Zayd ibn Muhammad sa umpisa, dahil nga inampon siya ni
Propeta Muhammad (s.a.w.). Kung saan si Zayd ay dating alipin at pinalaya ng Rasulullah
(s.a.w.). Si Zayd ay mas pinili niyang manatili sa Rasulullah (s.a.w.) nang minsan siyang mahanap
ng kanyang amang si Harithah.

Nang ibaba ng Allah ang ayah na nagbabawal sa pag-aampon at ito ay pinalitan ng kafalah
(pagtataguyod). Siya ay tinawag sa Zayd ibn Harithah, sa pangalan ng kanyang tunay na ama.

Allah has not made for any man two hearts within him; nor has He made your wives whose
backs you liken to the backs of your mothers as your mothers, nor has He made those whom
you assert to be your sons your real sons; these are the words of your mouths; and Allah speaks
the truth and He guides to the way. all them by (the names of) their fathers: that is juster in the
sight of Allah. But if ye know not their fathers (names, call them) your Brothers in faith, or your
maulas. But there is no blame on you if ye make a mistake therein: (what counts is) the
intention of your hearts: and Allah is Oft-Returning, Most Merciful. Surah Al-Ahzab:4-5

Si Zayd ay binansagan ding 'Hubbur Rasul' which means 'Mahal ng Propeta'. Na siya ring kasama
ng Rasulullah s.a.w. nang ito'y magpunta sa Taif kung saan ay pinagbabato siya ng mga tao doon.

---

Q02: Sino ang Sahabiyah na kinilalang tagapagsalita ng mga babae?

Sagot:

Si Asma' bint Ziyad, siya ang tinaguriang Khatibatun Nisa (Tagapagsalita ng mga Babae).
Once, she came to the Prophet s.a.w. and said, "O Messenger of Allah. I stand for a group of
women who are of my opinion. To proceed, Allah the Almighty has sent you to both men and
women. Then we believed and followed you. We women - are confined to homes, target to
husband's lusts, and bearers to their children. Yet, men have the privilege to attend Friday
prayers, funerals, and to fight in the cause of Allah. On the other hand, in case of fighting, we
keep their property and rear their children. Would we share them in Allah's reward? Then, the
Prophet looked to his companions and asked, "Have you ever heard a good question from a
woman about religion like that? They replied, "You are right, Messenger of Allah." He said, "Go
back Asm' and tell all women you stand for that treating one's husband kindly, seeking his
consent and obeying him are equal to all what you have mentioned concerning men."

Kaya't mga ilaw ng tahanan.. napakswerte ninyo dahil nakakakuha kayo ng gantimpala na
katulad ng nakukuha ng inyong mga mister, basta't maging masunurin lamang.

---

Q03 : Tukuyin sa mga sumusunod na mga Sahabah radiyallahu anhum ang kabilang sa
tinatawag ng mga Ulama na 'Abadilah'?
1. Abdullah ibn Abi Quhafah - ang tunay na pangalan ni Abu Bakr As-Siddiq, ang unang
Khalifah.
2. Abdullah ibn Mas'ud - tagapangalaga ng siwak, unan at tsinelas ng Rasulullah s.a.w.,
kabilang sa mga maalam sa Islam.
3. Abdullah ibn 'Abbas - pinsan ng Rasulullah s.a.w., tinawag na 'Hibrul Ummah/Tinta ng
Ummah' dahil sa kanyang karunungan.
4. Abdullah ibn Ummi Maktum - isa rin sa mga tagapagtawag ng Adhan ng Rasulullah s.a.w.
maliban pa kay Bilal. Siya ang bulag na Sahabi na tinutukoy sa Surah 'Abasa.
5. Abdullah ibn Zubair - kauna-unahang ipinanganak sa Madinah ng mga Muhajirin. Ang
kanyang mga magulang ay sina Zubayr ibnul 'Awwam at Asma' bint Abu Bakr. Samakatuwid
siya ay apo ni Abu Bakr at pamangkin ni 'Aishah.
6. Abdullah ibn 'Amr - anak ni 'Amr ibnul 'As. Siya ay pinahintulutan ng Rasulullah s.a.w. na
isulat ang kanyang mga hadith.
7. Abdullah ibn Umar - anak ni umar ibnul Khattab. Kabilang sa mga Sahabah na maraming
naiulat na hadith ng Rasulullah s.a.w.
8. Abdullah ibn Hudhafah - siya ang ipinadala ng Rasulullah s.a.w. kay Khusraw Parvez na hari
ng Persia, na magdala ng sulat. Siya rin ay kabilang sa mga nabihag at pinahirapan ni
Heraclius, ang emperor ng Byzantine. Subalit hindi niya kailanman isinuko ang Islam, at
pinalaya rin siya at mga kasama niyang mga bihag dahil sa kanya sa tulong ng Allah.

Sagot:

Ang dami ng Sahabah na nagngangalan ng 'Abdullah' ay umabot ng halos 300...pero ang


tinutukoy nilang 'Abadilah' sa mga fatwa, mas-alah fiqhiyah o hadith kapag ito ay nabanggit ay
apat lamang at ito ay sina: Abdullah ibn Abbas, Abdullah ibn Zubair, abdullah ibn Umar at
Abdullah ibn Amr.

Silang apat ay madalas napagkukunan ng karunungan sa Islam, mga fatwa, at riwayah ng hadith.
Kung bakit hindi ibinilang sa kanila si Abdullah ibn Mas'ud kahit malaki rin ang nakuhang
karunungan sa kanya ay dahil maaga itong namatay at mas may edad sa kanila.

---

Q04 : Sino ang Sahabiyah na tinutukoy sa Surah Al-Mujadilah (Ang Babaeng Sumasangguni)?

Sagot:

Si Khawlah ayon sa ibang riwayah ay Khuwaylah...


Pakibasa na lang po itong pagpapaliwanag sa Surah Al-Mujadilah:1-5

Srah Al-Mujdilah
{Kabanata Al-Mujdilah Ang Babaing Sumasangguni}

Sa Ngalan ng Allh, ang Pinakamahabagin, ang Napakamaawain at Ganap na Mapagmahal

1. Katiyakan, narinig ng Allh ang sinabi ni Khawlah na anak na babae ni Ta`labah na


isinasangguni niya sa iyo ang hinggil sa kanyang asawa na si Aws Ibnus Smit, at ang ginawa niya
sa karapatan ng kanyang asawa na tinatawag na Dzihr na ito ay ang pagsasabi niya sa
kanyang asawa: Ikaw para sa akin ay katulad ng likuran ng aking ina, na ang ibig sabihin ay
hindi na kita maaaring maging asawa, na siya ay nagsusumamo sa Allh; upang malutas ang
kanyang suliranin, at ang Allh ay nakikinig sa inyong pag-uusap na dalawa at sa kanyang
pagsasangguni sa iyo. Katiyakan, ang Allh ay Samee` Ganap na Nakaririnig sa anumang
salita, na Baseer Ganap na Nakababatid sa lahat ng bagay na walang anuman ang naililihim sa
Kanya.

2. Ang mga yaong gumagawa ng Dzihr sa kanilang mga asawa na sinasabi ng isa sa kanila sa
kanyang asawa: Ikaw para sa akin ay katulad ng likuran ng aking ina, nang sa gayon ay maging
bawal na sa kanya ang kanyang asawa ay sa katotohanan hindi naman talaga sila ang tunay
nilang ina kundi sila ay kanilang mga asawa, dahil ang kanilang mga ina ay mga kababaihang
nagsilang sa kanila. Kaya, katiyakang ang mga gumagawa ng ganitong gawain ay nakapagsabi sila
ng mga karumal-dumal na kasinungalingan na wala sa katotohanan. At katiyakang ang Allh ay
`Afwun Ghafourun Ganap na Mapagpatawad sa sinumang nakagawa ng ganitong kamalian,
na siya ay taos-puso na agad na humihingi ng kapatawaran sa Allh.

3. At ang mga yaong ipinagbabawal nila ang kanilang mga asawa sa kanilang mga sarili sa
pamamagitan ng Dzihr, pagkatapos ay gusto nilang bawiin ang kanilang sinabi at nais na nilang
makipagtalik sa kanilang asawa, ay nararapat sa asawang lalaki na gumawa ng kaffarah
kabayaran sa kanyang ginawa, na ito ay pagpapalaya ng babaing mananampalatayang alipin o di
kaya ay lalaki bago siya makipagtalik sa kanyang asawa, at ito ang batas ng Allh sa sinumang
gumawa ng Dzihr sa kanyang asawa na ipinapayo Niya sa inyo, O kayong mga
mananampalataya, upang hindi kayo makagawa ng Dzihr o makapagsabi ng ganitong
kasinungalingan, at pagbabayaran ninyo kung kayo ay nakagawa ng katulad nito, at upang hindi
na ninyo babalikan pa ang ganitong gawain, at ang Allh ay Khabeer Ganap ang Kanyang
Kagalingan na walang anumang naililihim sa Kanya sa inyong mga gawain at ayon dito kayo ay
tutumbasan.

4. At sinuman ang hindi makatatagpo ng alipin na kanyang papalayain ay nararapat sa kanya na


mag-ayuno nang tuluy-tuloy na dalawang buwan bago siya makipagtalik sa kanyang asawa, at
sinumang hindi makakayanan ang pag-ayuno nang tuluy-tuloy na dalawang buwan dahil
mayroon siyang katanggap-tanggap na katwiran ay nararapat siyang magpakain ng animnapung
mahihirap na sapat na pagkain. At ito ang paglilinaw Namin sa inyo ng Batas sa sinumang
nakagawa ng Dzihr; upang kayo ay maniwala sa Allh at sumunod sa Kanyang Sugo, at
ipatupad ang Batas ng Allh, at iwasan na ang anumang nakasayanan ninyo noong kapanahunan
ng kamangmangan, at ang mga Batas na nabanggit ay pag-uutos ng Allh at Kanyang hangganan
na itinakda para sa inyo, na kung kaya, huwag ninyong lampasan. At sa mga walang
pananampalataya ay mayroong masidhing kaparusahan para sa kanya.
5. Katiyakan, ang mga yaong sumalungat sa Allh at sa Kanyang Sugo na sinalungat ang pag-
uutos nilang dalawa ay ipahihiya sila ng Allh, na katulad ng pagpapahiya sa mga nauna sa kanila
na mga sambayanan na nilabag ang Allh at ang Kanyang mga Sugo. At katiyakang nagpahayag
Kami ng malilinaw na mga talata na mga katibayan bilang pagpapatunay na ang batas ng Allh at
ang Kanyang hangganang itinakda ay katotohanan. At para sa mga tumanggi sa mga talatang
nabanggit ay parusang magpapahamak sa kanila sa Impiyernong-Apoy.

Mula sa www.akoayisangmuslim.webs.com

---

Q05 : Magbigay ng Sahabi na hindi niya ginamit na apelyido ang pangalan ng kanyang ama,
bagkus ay direkta na pangalan ng kanyang lolo ang kanyang ginamit.

Sagot:

Si Abu Ubaidah ibn Al-Jarrah. Ang kadahilanan kung bakit pangalan ng kanyang lolo na si Al-
Jarrah ang kanyang ginamit ay dahil siya ang nakapatay sa kanyang ama Na si Abullah sa labanan
sa Badr. Ang kanyang ama ay hindi pumasok sa Islam at kabilang sa mga kaaway ng Islam. Pilit
na iniiwasan ni Abu Ubaidah ang kanyang ama sa digmaang iyon Sa Badr subalit siya ay pilit ding
sinusundan ng kanyang ama hanggang sa ito ay kanyang napatay. Labis na nalungkot si Abu
Ubaidah sa pangyayaring ito at ibinaba ng Allah dahil sa pangyayaring ito ang ayah sa Surah Al-
Mujadilah:22 na:











(

"Hindi ka makatatagpo, O Muhammad, ng mga tao na naniniwala sa Allh at sa Kabilang-Buhay


at ipinatutupad nila ang batas ng Allh sa kanila, na pakamamahalin nila ang sinuman na
kumakalaban sa Allh at sa Kanyang Sugo, na lumabag sa kagustuhan ng Allh at Kanyang Sugo,
kahit na sila pa ay kanilang magulang o di kaya ay kanilang mga anak o di kaya ay kanilang mga
kapatid o di kaya ay kanilang mga kamag-anak. Sila ang mga nagmamahal sa Allh at
kumakalaban sa kalaban ng Allh, na itinanim ng Allh ang kanilang Pananampalataya sa
kanilang mga puso, at pinatatag sila sa pamamagitan ng tulong mula sa Kanya at pagtataguyod
laban sa kanilang mga kalaban dito sa daigdig, at sa Kabilang-Buhay ay papapasukin sila sa mga
Hardin na umaagos ang mga ilog sa ilalim ng mga puno nito, at sila ay mananatili roon
magpasawalang-hanggan, ipagkakaloob ng Allh sa kanila roon ang Kanyang pagmamahal at
hindi na sila kailanman kamumuhian ng Allh at mamahalin nila ang Allh na kanilang Rabb na
Tagapaglikha dahil sa mga ipinagkaloob sa kanila na mga karangalan at mga matataas na antas.
Sila ang mga nasa panig ng Allh at ang Kanyang mga lubos na minamahal, at sila ang
magkakamit ng kaligayahan sa daigdig at sa Kabilang-Buhay."

Si Abu Ubaidah ibn Al-Jarrah ay binansagan ng Rasulullah s.a.w. na "Aminul Ummah (Ang
Mapagkakatiwalaan ng Sambayanan)". Kabilang sa mga maagang pumasok sa Islam. Nabanggit
ni Umar ibn Al-Khattab na kung hindi lamang namatay si Abu Ubaidah ay siya sana ang pipiliin
niyang hahalili sa kanya bilang ikatlong khalifah na kasunod niya. At dahil dito ay hinayaan na
lamang niya ang Ahlus Shurah na sina Uthman, Ali, Zubayr, Sa'ad, Talhah at Abdur Rahman na
pumili sa kanila na papalit at si Uthman ang naging bunga ng kanilang pagpupulong.
---

Q06 : Sino ang kauna-unahang na-shahid (namatay na martyr sa landas ng Allah) sa Islam?

Sagot:

Ang kauna-unahang na-shahid ay si Sumayyah bint Khayyat.

Si Sumayyah ay matanda na at mahinang-mahina sa kanyang pagka-shahid. Siya ay tinusok sa


kanyang harapan ni Abu Jahl na naging sanhi ng kanyang pagkamatay. Ang mabuting balita ng
siguradong pagpasok sa Paraiso ay ibinigay na sa kanya ng Rasulullah s.a.w. bago pa man siya
na-shahid at gayundin sa kanyang mister na si Yasir at anak na si Ammar. "Sabran sabran Ya ala
Yasir, fa inna maw idakumul jannah." "Pagtitiis, pagtitiis, o pamilya ni Yasir. Katotohanan, na ang
inyong patutunguhan ay ang Paraiso.

---

Q07 : Sino ang kahawig ni Jibril alayhis salam sa mga Sahabah kapag ito ay nagkakatawang-
tao?

Sagot:

Sabi ng Rasulullah s.a.w. : " Ang pinakakahawig ni Jibril ay si Dahiyyah



Al-Kalbi." Si Dahiyyah AL-Kalib ayon sa aking nabasa ang pinakaguwapo sa mga Sahabah, may
ilang ulama na nagsasabi na siya ang pinakaguwapo sa lahay ng mga Arabo. Huwallahu a'lam.
Siya ang mensaherong ipinadala ng Rasulullah s.a.w. kay Heraclius na emperor ng Byzantine.

---

Q08 : Sino ang pinakamamahal ng Rasulullah (sallallahu 'alayhi wa sallam) sa kanyang mga
asawa?

Sagot:

Ang tamang sagot po ay si Aishah bint Abi Bakr radiyallahu anhuma. Dahil nabanggit sa hadith
na siya ang direktang isinagot ng Rasulullah s.a.w. nang minsang tanungin siya ng kung sino ang
pinakamamahal niyang tao.. ang isinagot niya ay si Aishah...ito ay iniulat ni Bukhari at Muslim.
Hindi rin natin maikakaila ang napakalaking ginampanan ni Khadijah radiyallahu anha hindi
lamang sa Rasulullah s.a.w. kundi sa sambayanang Islam. At siya'y kabilang sa mga may
matataas na karangalan dito sa mundo at sa kabilang buhay.

Andito po ung fatwa at hadith na aking pinagbasehan. Paki-google translate na lang...afwan...





: : : : :

. .. : .


: : :





:
:

:


..



: .
..
.






:
:
. : .

---

Q09 : Ang mga Sahabah ay sila yaong mga kasamahan at kapanahunan ng Rasulullah s.a.w. na
naniwala sa kanya at namatay sa ganitong pananampalataya, at kanilang nakatagpo ang
Rasulullah s.a.w.

Ang tanong ay ano ang tawag sa mga kapanahunan ng Rasulullah s.a.w. na naniwala sa kanya
at namatay sa ganitong pananampalataya subalit hindi nila nakita ang Rasulullah s.a.w.?
Magbigay ng pangalan ng isa sa mga katulad nila.

Sagot:

Ang tamang sagot ay Mukhadram, ang halimbawa nila ay si An-Najashi (Negus/Hari) ng


Abyssinia.

---

Q10 : Sino ang Sahabiyah na tinaguriang "Ina ng mga Mahihirap"?

Sagot:

Si Zaynab bint Khuzaymah na isa sa mga asawa ng Rasulullah s.a.w. ay tinaguriang Ummul
Masakin (Ina ng mga Mahihirap) dahil sa kanyang madalas na pagsasadaqah at pagtulong sa
mga mahihirap. Pero hindi ito nangangahulugan na siya lang ang nagsasadaqah bagkus lahat ng
mga Sahabah ng Rasulullah s.a.w., mapababae man o lalake.

---

Q11 : Sino ang Sahabi na nahihiya sa kanya ang mga anghel?

Sagot:

Ang tamang sagot ay si Uthman ibn 'Affan. Narito ang ilang detalye tungkol sa kanya.

May mga taong modelo sa pagkahinahon, tapang at lakas. Pero may mga tao ring nakilala sa
larangan ng pagkamahiyain, kaluwagan ng loob at sarili. Dito nakilala si Uthman ibnu Affan. Isa
sya sa mga taong yumakap sa kamay ni Abu Bakr at mga naunang pumasok sa Islam.

Mga ilang mahahalagang bagay na nagawa si Uthman radiyallahu anhu sa Islam:


1. Nang ipagbadya at iutos ni Propeta Muhammad s.a.w. ang paglikas mula sa Makkah
papuntang Habasha (Ethiopia), isa si Uthman sa mga taong lumikas sa mga oras na iyon kasama
ang kanyang asawa na si Ruqayyah (anak ng Propeta Muhammad s.a.w..

2. Ang kanyang paglikas papuntang Madinah, ito at ang unang Hijrah na kanyang sinamahan na
tumutukoy lamang sa pagiging tapat at pagsunod sa mahal na Propeta s.a.w.

3. Isa rin sa maituturing na mga basehan ng pagkalugod ng Propeta kay Uthman ay ang kanyang
pagtulong sa pamamagitan ng kanyang yaman sa panahon ng digmaang Usra, na tinawag sa
pangalang ito dahil sa hirap na naranasan ng mga Muslim sa panahn na iyon, o Digmaang
nangyari sa Tabuk (lugar ito na malapit sa Madinah). Kung saan si Uthman ay nagbigay ng tulong
(isang libong Dinar na ginto); dahil rito hiningi ng Mahal na Propeta s.a.w. si Uthman ng
pagkalugod sa Allah:

(
)
Oh Allah! iyong kalugdan si Uthman sapagkat akoy sa kanya ay nalulugod. - Mula sa aklat na
First 100 Men In Islam ni Mahmud Tamah Halbi.

Mga Karangalan ni Uthman:

Una: Siya ang tinaguriang Dhun Nurayn o taong nagtataglay ng dalawang liwanag dahil na rin ito
sa pag-aasawa niya mula sa dalawang anak ng Rasulullah s.a.w. na sina Ruqqayah, siya ang
naunang asawa nito at nang mamatay dahil sa sakit ay ipinakasal ng Rasulullah s.a.w. sa kapatid
ni Ruqayyah na si Ummu Kulthum. Silang dalawang magkapatid ang tinutukoy na Nurayn o
dalawang liwanag. Nang mamatay rin si Ummu Kulthum ay nasabi ng Rasulullah s.a.w. na kung
meron lang sana siyang isa pang anak na babae na wala pang asawa ay ipapakasal niya muli kay
Uthman.

Pakatatandaan na siya lamang ang nagkamit ng ganitong karangalan na makapag-asawa ng


dalawang anak ng isang propeta at hindi matatagpuan kahit sa unang mga henerasyon.

Pangalawa: Siya ay binalitaan ng mahal na Propeta s.a.w. ng kasiguruhan ng makakapasok sa


Paraiso at ito ay ating masasaksihan sa Hadith na sinalaysay ni ni Abu Musa Al-Ashariy nang sina
Abu Bakr, Umar, Uthman ay ninais na pumasok sa bahay ng mahal na Propeta s.a.w., siyay
nagsabing pagbuksan at binalitaan ng pagpasok sa Paraiso. [Sahih Al Bukhari (3695) Muslim
(2403)]

Pangatlo: Ang pagtatangi ng likas na hiya at hindi paggawa ng mga bagay na hindi karapat dapat.
Isang hadith na sinalaysay ni Aisha, isang araw ay pumasok si Abu Bakr sa bahay ng mahal na
Propeta s.a.w. dahil sa isang pangangailangan at siya ay nakataladyang na nakikita ang kanyang
tuhod, ganundin ang nangyari kay Umar at sa ganitong katayuan, ngunit nang si Uthman ang
pumasok, inayos ng mahal na Propeta s.a.w. ang kanyang pag-upo; dito nag taka ang kanyang
asawa na si Aisha bakit nang pumasok ang kanyang ama (Abu Bakr) at si Umar ay hindi siya
nagbago sa kung ano ang kanyang kalagayan pero nang ang pumasok ay si Uthman ay naghanda
siya at nag-ayos para rito, at ang mahal na Propeta ay sumagot:
(

)
Papaano akong hindi mahihiya sa taong nahihiya sa kanya ang mga anghel. Muslim (2401).

Allahu Akbar! Anong ganda ng katangian at pagpapala mayroon ang Sahabi na ito. Kayat
nararapat lamang sa isang Muslim na sikaping magtangi ng mga kaugalian ni Uthman lalung -lalo
na sa panahon na ito.

Paunawa: Ang nabanggit natin sa unahan sa mga mga nakamit ni Uthman (pangatlo) na
nabanggit natin na si Propeta Muhammad s.a.w. ay nakataladyang at nakikita ang tuhod, na
kung saan alam natin na ang tuhod ay bahagi ng awrah ng lalaki na hindi maaring makita;
sinagot ito ng ilan ng mga Muslim scholars at ayon kay Shaykh Sulaiman Marifiy na ang bahagi
ng ilan sa mga aurah ng lalaki ay maaring makita ang ilan sa mga bahagi nito kung ang taong
pumasok sa iyong bahay ay taong iyong nakasanayan tulad na lamang ng mga kamag-anak pero
ito ay may hangganan lamang at ito ay maari lamang sa bahay ng taong iyon at hindi sa harap ng
maraming tao at harap nila.

Pang-apat: Ang pag-iipon niya sa Quran sa iisang kopya at iisang diyalekto.

Isinalaysay ni Bukhari sa kanyang Hadith (4987): Nang ang mga tao ay nagkaibaiba ng uri ng
pagbasa sa Quran dahil na rin sa pagkalat ng mga Sahabah sa ibat ibang lugar at paglawak ng
bansang Islamiko, pinayuan ni Huzaifah ibnul Yaman si Uthman na ipunin ang mga ito sa iisang
salita at lingguahe (Quraish). Inatasan niya sa misyong ito sina Zaid ibnu Thabit, Abdullah ibnu
Zubair, Saed ibnul As, at Abdur Rahman ibnul Harith ibnu Hisham.

Sa umpisa, si Abu Bakr ay nag-utos na pamunuan ni Zayd ibn Thabit ang pag-ipon nito kasama ng
ilang mga Sahabah na nakasaulo ng Qur-an. Nang mamatay si Abu Bakr ay ipinasa niya ang Qur-
an na ito kay Umar at nang mamatay si Umar ay ipinasa niya ito sa kanayang anak na si Hafsah
na asawa ng Rasulullah s.a.w.

Sa panahon ng khilafah ni Uthman (pagkatapos ni Umar) ay lumawak na ng husto ang Islam sa


iba't ibang mga lupain. At nagkakaroon ng di pagkakasundo sa ilang mga bayan na gumagamit
ng iba't ibang uri ng pagbabasa (qiraah) ng Qur-an. Dahil inaakala ng iba na ung qiraah lang niya
ang tama at ung ibang klase ng qiraah ay mali. At dito ay inagapan ni Uthman na solusyunan ang
Ummah Islamiyah sa pamamagitan ng paggamit ng isang uri lamang ng qiraah, upang maiwasan
ang di pagkakasundo. Muli itong pinamunuan ni Zayd ibn Thabit sa utos na rin ni Uthman. Ang
qiraah ng Quraysh ang siyang ginamit dahil ito na rin ang pinakamatanyag na uri ng pagbabasa
dahil nga karamihan sa mga Sahabah ay mga Quraysh, at sila ang mga naunang mga Sahabah.
Totoong ipinasunog ni Uthman ang ibang kopya na kinapapalooban ng ibang qiraah at gamitin
lamang yaong ipinatipon niya upang hindi magkaroon ng mas malaking gulo. Pero ang mga ito
ay nagagamit pa rin naman sa panahon natin ngayon at ang tanging nakakaalam ng mga
pagbasang ito ay ang mga Qurra' o yaong mga nagpakadalubhasa sa pag-aaral ng Qur-an.
Tandaan na ang tinatawag na Uthman Manuscript ay yaong paraan ng pagkakasulat nito. At
tandaan na isinulat nila kung paanong ito ay ipinahayag sa Rasulullah s.a.w. nang walang labis at
walang kulang dahil hindi lamang iisa ang Sahabi na bumuo nito at wala ni isa man sa mga
Sahabah sa panahon na yaon o Tabi'in ang tumutol sa desisyon na iyon ni Uthman bagkus yaon
ay sinuportahan nila.

Kailangang sunugin ang ibang uri ng pagbasa sa Qur-an upang maging uniform ang pagbabasa ng
Qur-an ng lahat ng Muslim at hindi pagmulan ng malaking fitnah at gulo sa ating ummah.

Sabi ni Abdur Rahman ibnu Mahdi (isang kilalang Muhaddith, namatay noong 197 Hijrah)
Dalawang katangian na wala sa katangian ni Abu Bakr at Umar; ito ang kanyang matinding
pagtitimpi hanggang siya ay pinatay at ang pag iipon niya ng Quran sa iisang kopya at salita.

Iniulat sa Sunanu at Tirmidhiy ni Albaniy (60/3) na sinabi ni Uthman sa apat na nabigyan ng atas
at tungkulin sa pag-ipon ng Qur-an na kung sila man ay magkaibaiba ng pananaw ukol rito ay
kanilang pag-isahin sa iisang salita o lingguahe (ito ang lingguaheng Quraish).

Panglima: Siya ang bumili ng Bir Rumah (balon ng Rumah) nang panahong dumating ang
Rasulullah s.a.w. at kailangan ng mga Muslim ng tubig pang-inom at gamit sa pang-araw-araw.
Bumili rin ng lupa para sa pagpapalawak ng Masjidun Nabi sa panahon ng Propeta s.a.w. dahil sa
hindi na magkasya ang mga Muslim dito sa pagsasalah. Nagbigay ng isang libong dinar para sa
paghahanda sa Digmaan sa Tabuk kung saan ay nasabi ng Rasulullah s.a.w. dahil dito na:

( .. )
Hindi makapipinsala kay Uthman ang anumang gawin niya pagkatapos ng araw na ito hindi
makapipinsala kay Uthman ang anumang gawin niya pagkatapos ng araw na ito.

Katunayan ay isa sa mga pagkakakilanlan kay Uthman ay ang kanyang pagbibigay ng malakihang
sadaqah para sa Islam lalo nat sa panahon ng pangangailangan.

Pang-anim: Siya ang tinutukoy ng Allah sa Kanyang sinabi na at dahilan ng ayah na:

(()) ... : 19
Siya ba na taimtim at patuloy na nagdarasal sa mga oras ng gabi, nakatirapa at nakatayo,
natatakot sa kaparusahan sa kabilang buhay at naghahangad ng habag ng kanyang Panginoon
(ay katulad ng taong suwail)?

Pangpito: Siya ang isa sa mga taong nagkamit ng pagkalugod ng Allah at kanyang mahal na
Propeta at ito ay ating masasaksihan sa panahon na kung saan pinadala sya ng Propeta s.a.w. na
maging tagapamagitan ng mga Muslim at Quraish sa Hudaibiyah, at dito rin binaba ng Allah ang
kanyang pag kalugod sa mga Sahabah kabilang na rito si Uthman.

Sabi ng Allah:

(()) ...
: 18

Katotohanan, nalugod ang Allah sa mga taong nakikipagkasunduan sa iyo sa ilalim ng punong
kahoy

Ang kasunduang ito ay nangyari nang malaman ang maling balita na si Uthman ay pinatay. Ito ay
maituturing lamang ng halaga ni Uthman sa kanyang mga kasama higit sa lahat sa mahal na
Propeta s.a.w., dahil sa kasunduang kanilang ipagtatanggol si Uthman r.a. Nang dumating si
Uthman sa Rasulullah s.a.w. ay ito ay nagsabi: Ito ay kamay ni Uthman, tinutukoy ng
Rasululullah s.a.w. ang kanyang kanang kamay, at itinapik ng Rasulullah s.a.w. ang kanyang
kanang kamay sa kamay ni Uthman.

Ilan sa mga magagandang winika ni Uthman ayon sa aklat na The Biography of Uthman ibn Affan
(Radhi Allahu Anhu) na isininulat ni Dr. Ali Muhammad As-Sallabi. Page 29

May apat na bagay na sa panglabas ay mararangal na gawain, subalit ang katotohanan nito ay
itoy mga obligayon (rin natin): ang pakikihalubilo sa mga maaalam sa Islam ay marangal at ang
pagsunod sa kanilang halimbawa ay isang obligayon; ang pagbabasa ng Qur-an ay marangal at
ang pagsasagawa ng nasasaad dito ay isang obligasyon; ang pagbisita sa mga libingan ay
marangal at ang paghahanda para rito ay isang obligasyon; ang pagdalaw sa may sakit ay
marangal at ang pagtanong sa kanya upang maghanda ng testamento (habilin) ay isang
obligasyon.

Sampung bagay na malaking pagsasayang ng oras: ang pantas na walang nagtatanong sa kanya,
karunungan na hindi isinasagawa, magandang payo na hindi tinanggap, armas na hindi nagamit,
masjid na hindi pinagdarasalan, Quran (mushaf) na hindi binabasa, kayamanang hindi ibnibigay
bilang kawanggawa, kabayong hindi sinasakyan, karunungan sa asetismo sa puso ng
naghahangad ng makamundong bagay, at mahabang buhay na walang kahandaan sa
paglalakbay (sa kabilang buhay).

Katunayang si Uthman ibn Affan radiyallahu anhu na siyang ikatlong Khalifah ay sadyang
kabilang sa mga katangi-tanging mananampalataya ng Allah. Ang mga nabanggit natin sa itaas
ay ilan lamang sa kanyang mga pagpapalat karangalan na natanggap mula sa Allah at ang Allah
ang nakakaalam ng lahat.

---

Q12 : Sino ang Sahabiyah na mismong ang Allah subhanahu wa ta'ala ang pumili ng para sa
kanya ng kanyang mapapangasawa (mister)?

Sagot:

Ang tamang sagot ay si Zaynab bint Jahsh. Ito ay may kinalaman sa Q01 tungkol kay Zayd ibn Al-
Harith. At nasa Surah Al-Ahzab:37.
---

Q13 : Sino ang Sahabi na pinakamatalik na kaibigan ni Zubayr ibnul Awwam?

Sagot:

Si Talhah ibn Ubaydillah. Silang dalawang matalik na magkaibigan ay parehas din na kabilang sa
Al 'Ashara Al Mubash-sharuna bil Jannah.

---

Q14 : Sino ang Sahabiyah na nag-alaga sa Rasulullah s.a.w. nang mamatay si Khadijah
radiyallahu anha?

Sagot:

Si Sawda bint Zam'a na ikalawang asawa ng Rasulullah s.a.w., kanyang napangasawa ilang araw
matapos mamatay si Khadijah.

---

Q15 : Sino ang Sahabi na sa kanyang pagkamatay ay umalog ang 'arsh ng Allah s.w.t.?

Sagot:

Si Sa'd ibn Mu'adh.

---

Q16 : Magbigay ng limang mga Sahabiyat na naiulat na mga manggagamot?

Sagot:

Sina Asma' bint Abi Bakr, Rufayda, Umm Sulaym, Umayah bint Qyas Al-Ghaffariyah, Ummu
Atiyah Al-Ansariyah, Ummu Sanan As-Salmiyah, Ummu Ayman, Kuaybah bint Sad As-Salmiyah,
Nusaybah bint Kab, Ar-Rabi bint Muawwadh, Khamnah

---

Q17 : Sino ang tatlong Sahabah na manunula ng Rasulullah s.a.w.?

Sagot:

Sina Hassaan ibn Thabit, Abdullah ibn Rawahah, at Ka'b ibn Maalik radhiyallahu anhum

---

Q18 : Magbigay ng 7 Sahabiyat na binigyan ng Rasulullah s.a.w. ng magandang balita ng


pagpasok sa Paraiso?

Sagot:
)1. Khadijah Al-Kubra (unang asawa ng Rasulullah s.a.w.



:


().

)2. Fatima Az-Zahrah (anak ng Rasulullah s.a.w.



:


(
)


(
)

)3. Umm Sulaym (ang nanay ni Anas ibn Malik


:

(
)

4. Ang babaeng maitim na may sakit na epilepsy.


:

.

:
. :



)5. Umm Haram bint Malham (titan a Anas ibn Malik


...
) (


) (

)6. Ar-Rabi bint Mu'awwadh (kabilang sa mga nangako sa Bay'atur Ridhwan



...



) (

)7. Sumayyah bint Khayyat (kauna-unahang nashahid sa Islam





...

(
)

8. Ang sahabiyah mula sa angkan ng Ghamidi na nag-tawbah mula sa kanyang zina. Binanggit ng
Rasulullah s.a.w. na kung ang paghahati-hatiin sa 70 katao ang kanyang tawbah ay magiging
sapat sa bawat isa sa kanila.

9. Ang Sahabiyah na may dalawang anak na babae na dumating kay Aishah na binigyan nito ng
tamr (dates/korma). Hinati ito ni Aisha para sa kanilang tatlo. At nang kakainin na ng Sahabiyah
na yaon ang kanyang parte ay hinati na lang niya ito sa at bingiay sa kanyang 2 anak.


:




":

)10. Ummu Waraqah (Ash-Shahidah



. :
:

.

11. Al-Fari'ah bint Malik (kabilang sa mga nangako sa Bay'atur Ridhwan)

Bilang karagdagan lahat ng Sahabiyah at Sahabah na nakasama sa Bay'atur Ridhwan ay lahat


nakatanggap ng mabuting balita ng pagpasok sa Paraiso. Masha allah.

---

Q19 : Banggitin ang mga Sahabah na kabilang sa Ahlush Shurah sa panahon ni Umar ibn Al-
Khattab.

Sagot:

Uthman ibn Affan, Ali ibn Abi talib, Saad ibn Abi Waqqas, Zubair ibnul Awwam, Abdur Rahman
ibn Awf, at Talhah ibn Ubaydillah.

---

Q20 : Sino ang mga sumusunod na Sahabiyat:


a. Sahibatul hijratayn
b. Dhatun Nitaqayn
c. Ummus Shuhada
d. Sahibatul Bi'r

Sagot:

a. Sahibatul Hijratayn : Ruqayyah bint Rasulillah s.a.w., Asma' bint Umays, Ummu Salamah. Sila
ay pawang nakasama sa Hijrah sa Habashah at sa Madinah.
b. Dhatun Nitaqayn : Asma' bint Abu Bakr
c. Ummus Shuhada : Ufra' bint Ubaid, pitong anak niyang mga lalake ang lahat na-shahid. Si
Khansa bint 'Amr ay tinawag din ng mga ulama na Ummus Shuhada dahil apat na anak niyang
mga lalake ang namatay na shahid, huwallahu a'lam.
d. Sahibatul Bi'r : Aminah bint Al-Arqam, kabilang sa mga naunang nag-hijrah sa Madinah at
siya'y niregaluhan ng Rasulullah ng balon at nag-dua ng barakah para sa kanya. Tinawag ang
balon na iyon na "Bi'ru Aminah" (balon ni Aminah).

---

Q21 : Sino ang tatlong Sahabah na nakalibing sa gitna ng libingan ng Uhud?

Sagot:

Ang tatlong Sahabah radiyallahu anhum na nasa gitna ng libingan ng mga shuhada (plural of
shahid) sa Uhud o tinatawag na Maqbaratush Shuhada Uhud ay sina:

1. Hamzah ibn Abdul Muttalib, tiyuhin ng Rasulullah s.a.w. at binansagang Asadullah (Ang leon
ng Allah).
2. Hanzalah ibn Ab mir, na binansagang Ghasilul Malaikah dahil siya ay pinaliguan ng malaikah
sapagkat nashahid siya na siya ay junub.
3. Musab ibn Umayr, ang kauna-unahang ipinadala ng Rasulullah s.a.w. sa Madinah upang
magda'wah at magturo sa mga bagong Muslim doon bago pa man ang Hjirah.

---

Q22 : Banggitin ang mga anak na babae ng Rasulullah s.a.w.

Sagot:

Zaynab, Ruqaiyah, Umm Kulthum, at Fatimah.

---

Q23 : Sino ang mga Sahabah na kabilang sa Kuttabul Wahi (Mga Tagapagsulat ng Wahi
(Revelation/Quran) sa panahon ng Rasulullah s.a.w.?

Sagot:

Sina Abu Bakr As-Siddiq, Umar ibnul Khattab, Uthman ibn Affan , Ali ibn Abi Talib, Zubayr ibnul
Awwaam, Zayd ibn Thabit, Ubayy ibn Kab, Hanzalah Al-Asadi, Muawiyah ibn Abi Sufyan,
Abdullah ibn Arqam, Arqam ibn Abil Arqam, Amir ibn Fuhayrah, Amr ibnul Aas, Thabit ibn
Qays ibn Shammaas, Hanzalah ibnur Rabi Al-Usaydi, Mughirah ibn Shubah, Abdullah ibn
Rawaahah, Khalid ibnul Walid, Khalid ibn Said ibnul Aas, Abban ibn Said ibnul Aas, Muadh ibn
Jabal, Abdullah ibn Sad ibn Abiu Sarh, Abdullah ibn Zaid ibn Abdi Rabbih, Alala ibnul Khadrami,
at Muhammad ibn Maslamah radiyallahu anhum jamian.

---

Q24 : Sino ang apat na babaeng binanggit ng Rasulullah s.a.w. na pinakamabuting mga babae
sa Paraiso?

Sagot:

Sina Maryam na anak ni Imran, Asiya na asawa ng Pharaoh, Khadijah bint Khuwaylid na asawa
ng Rasulullah s.a.w., at Fatima na anak ng Rasulullah s.a.w

---

Q25 : Sino ang Pitong Magkakapatid na mga Sahaba at Wala ng Ibang Magkakapatid Liban sa
Kanila? Sinu-sino ang mga Quda (judge) mula sa mga Sahabah sa panahon ng Propeta
Muhammad (sallallahu 'alayhi wa sallam)?

All were the sons of "Maqran" . Their names were (1)Numaan, (2) Ma'qal, (3) Aqeel, (4) Sawid,
(5) Sanaan, (6) Abdullah, (7)Abd-ur-Rahman.

1. Abu Musa Al Ashaari


2. Zayd Bin Thabit
3. Ali ibn Abi Talib
4. Umar Ibn Khattab
5. Abdurrahman bin Awf
6. Ubay Ibn Ka'b
7. Abdullah ibn Mas'ud
---

Q26 : Sino sino ang mga manunula mula sa mga Sahabiyyat?

---

Q27 : Ang tanong na ika dalawamput pito ay binubuo ng maraming katanungan, at ito ay ang
mga sumusunod:
1) Pangalan ng Sahaba na pinadala ni Safwan bin Umayyah patungo sa Madinah upang
patayin ang Propeta saw. ngunit siya ay yumakap sa Islam?
2) Pangalan ng Sahaba na tanyag sa bilang Mapagmatiis at Matapang, at noong siya ay nasa
kamangmangan ay kanya nang pinagbawal sa sarili niya ang alak?
3) Sino ang Sahaba na tinawag na "Sahibus Sir Rasulillah"?
4) Sinong Sahabah na matapang at malakas, at nakilala siya na naglalagay ng pulang tela (lalo
na sa labanan), at siya ay kabilang sa mga mangangabayo?
5) Sino ang Sahaba na unang nagtayo ng mga kulungan sa Islam?
6) Sahaba na nakasama ni Propeta Muhammad saw. sa pagpunta niya sa Taif?
7) Sahaba na pinangalanang "Al-bahith 'Anil Haqiqiyyah" (seeker of truth)?
8) Sino ang unang Sahaba na kauna-unahang nag Imam sa mga Muslim sa MAdinah?
9) Sino ang Sahabah na unang nagbasa ng Qur'an ng lantaran sa Makkah?
10) Sino ang Sahaba na pinangalanang "Dahiyatul Arab"?
11) Sino ang Sahaba na sinabihan ng propeta Muhammad saw "? "
11) Sino ang Sahaba na nashaheed sa panahon ng Propeta saw. at kailanman ay hindi siya
nakagawa ng 'sujod' o pagpapatirapa sa Allah?
12) Sino ang Sahaba na ipinalangin ni Propeta Muhammad saw. na siya makakainom mula sa
Salsabil (uri ng tubig) sa Paraiso?
13) Sahaba na unang nanampalataya sa Propeta saw. mula sa mga pinuno?
14) Sahabah na unang nagsagawa ng dalawang Raka'a sa pakikipaglaban?
15) Sino ang unang Sahabah na nilibing sa 'Baqi'?
16) Sahabah na unang ambassador sa Islam?
17) Sahabah na unang bumunot ng espada sa Islam?
18) Sahabah na unang ipinanganak pagkatapos ng Hijrah?
19) Sahaba na unang naghanda ng kanyang kabayo para sa landas ng Allah?
20) Sahaba na unang nakaharap sa Qiblah buhay man o patay?
21) Sahaba na unang naglagay ng 'Barid' (post/mail) sa Islam?
22) Sahaba na unang ipinanganak sa Islam?
23) Sahaba na unang nag-ipon ng mga tao para sa pagdarasal ng Taraweh?
24) Sahaba na unang naging 'Diplomatic Ambassador'?
25) Sahaba na unang naging 'Waliy 'Ahd' (covenant chief) sa Islam?
26) Sahaba na unang naging 'Amir' sa Makkah?
27) Sahaba na unang naging 'amir' sa Madinah?
28) Sahaba na inutusan ng Propeta saw. bilang utos ng Allah sa pag-aaral sa mga alituntunin
ng Tajweed at pagbabasa nito?
29) Sahaba na ipinalangin ni Propeta Muhammad saw. na makakatagpo niya ang Allah na
nakangiti?
30) Ano ang pangalan ng babaeng kamelyo ni Propeta Muhammad saw.?

---
Q28 : Ibigay ang kasagutan sa bawat tanong;
1) Sahabiyyah na nakayanan niyang iligtas ang kanyang kapatid mula sa mga bihag?
2) Sahabiyyah na kanyang napatay ang pitong mga kafir sa gabi ng kanyang kasal? at ibigay
ang pangalan ng kanyang asawa?
3) Sino ang Sahabiyyah na tinatawag na Al-Hamrah?
4) Sahabiyyah na unang nakapatay ng lalaki?

---

Q29 : Ibigay ang kasagutan sa bawat tanong;


1) Dalawang Sahabah na magkaibigan at kabilang sa mga batikang Sahabah na magkapareho
ang kanilang pangalan at pangalan ng kanilang tatay, isa sa kanila ay kabilang sa sampung
binalitaan ni Propeta Muhammad saw. na makakapasok ng Paraiso at kilala sa kanyang
pangalan at palayaw ng kanyang ama, at pangalawa ay kilala sa kanyang palayaw at kabilang
sa mga Sahabah na marami ang naiulat na Hadith at ang kanyng ama ay nashaheed sa labanan
ng Uhod?
2) Dalawang Sahabah na animnapung taon(60) na namuhay mula sa kamangmangan at
animnapung taon namuhay sa Islam.?
3) Sinong Sahabah na unang nagmuslim mula sa mga Ansar?
4) Sino ang Sahabh na namumuno sa mga hanay o grupo ng mamamana sa labanan sa Uhod?
5) Sahabah na unang nag adhan sa bansang Roma (Rome)?
6) Unang Sahabah na yumakap sa Islam?

---

Q30 : Panghuling katanungan;


1) Mula sa mga asawa ng Propeta saw. na hindi kabilang sa nailibing sa libingan ng Baq'i Al-
Garqad, ibigay ang pangalan?
2) Sino ang Sahabiyyah na ipinangalanang "Umm Haniy"?
3) Ano ang sinabi ng Qur'an bilang paglalarawan kay Um Jamil bint Harb?

Special na Katanungan para panghuling katanungan;


1) Sino sino ang mga hindi inoobliga sa pagdarasal ng Jum'a, banggitin lahat?
2) Ibigay ang lahat ng mga pangalan ng Espada/sword ng Propeta Muhammad saw.?

---

Bonus Question : Sino ang tatlong Sahabah na may pinakamaraming naiulat na hadith?

Sagot:

1. Abu Hurayrah : 5,374 Hadith


2. Abdullah ibn Umar : -2,640 Hadith
3. Anas ibn Malik : 2,286 Hadith

---

Extra Bonus Question : Sino ang tatlong Sahabah na tinutukoy sa Surah At-Tawbah?
Sagot:

Mararah ibnur Rabi`, Ka`b ibn Malik at Hilal ibn Umayyah.

Para sa karagdagang impormasyon ay pakibasa ang link:


http://myummah.co.za/site/2008/09/10/the-story-of-kab-ibn-malik-ra/

---

S-ar putea să vă placă și