Sunteți pe pagina 1din 7

KABANATA 7 - RIZAL SA PARIS HANGGANG BERLIN

I. Sa Paris (1885-86)
1. Nagtungo si Rizal sa kanyang layunin na magpakadalubhasa sa
optalmolohiya o paggamot sa mata.
2. Bago nagtungo sa Paris pansamantalang tumigil si Rizal sa
bahay ni Maximo Viola na nag-aaral ng medisina sa Barcelo.
3. Sa Barcelona kaniyang nakilala si Eusebio Carominas ang
patnugot ng pahayagang La Publicidad .
4. Nobyembre 1885 - nakarating si Rizal sa Paris at naglingkod
bilang katulong ni Dr. Loius de Weckert na pangunahing
optalmolohista ng Pransiya. Nanatili dito si Rizal mula
Nobyembre 1885 hanggang Pebrero 1886.
5. Sa labas ng kaniyang oras sa klinika ni Dr. Weckert ay kanyang
kaibigan partikular na dito ang pamilyang Pardo de Tavera.
I. Heidelberg
1. Pagkatapos ng kanilang mga gawain sa Paris si Rizal ay
nagtungo ng Alemanya para sa
pagpapatuloy ng kanyang pag-aaral sa optalmolohiya.
2. Pebrero 3, 1886 - dinalaw ni Rizal ang makasaysayang lunsod
ng Heidelberg na kilala sa kanyang unibersidad. Naninirahan siya
sa isang boarding house na tinitirhan ng mga mag-aaral ng
abogasya.
3. Sa Heidelberg si Rizal ay naglingkod bilang katulong sa klinika
ni Dr. Otto Becker, isang kilalang doktor ng optalmolohiya sa
Alemanya.
4. A Las Flores de Heidelberg - ang tulang sinulat ni Rizal sa
kagandahan ng mga bulaklak ng Heidelberg.
5. Sa nasabing lunsod inabutan si Rizal ng selebrasyon ng
Ikalimang Daan Taon ng Pagkakatatag ng Heidelberg.
I. Wilhelmsfeld
1. Wilhelmsfeld - isang bayang bakasyunan sa Alemanya kung saan
si Rizal ay tumigil ng tatlong buwan.
2. Karl Ullmer- pastor protestante na tinigilan ni Rizal habang siya
ay nagbabakasyon sa Wilhelmsfeld.
3. Napamahal kay Rizal ang pamilya ni Pastor Ullmer at ito ay
kaniyang ipinadama niya sa pamamagitan ng pagsulat sa anak
nito na si Friedrich Ullmer na nagpapasalamat sa kabutihan ng
nasabing pamilya.
I. Unang Sulat kay Blumentritt
1. Hulyo 31, 1886 - petsa ng unang sulat ni Rizal na ipinadal;a niya
kay Blumentritt.
2. Ferdinand Blumentritt - isang propesor sa Ateneo
ng Leitmeritz, Austria na interisado sa pag-aaral ng mga diyalekta
ng Pilipinas.
3. Aritmetika - pamagat ng aklat na nakasulat sa wikang Espanyol at Tagalog
na ipinadala ni Rizal kay Blumentritt upang magamit niyang batayan sa pag-
aaral ng wikang Tagalog.
I. Leipsig at Dresden
1. Leipsig - isang lunsod sa Alemanya na kaniyang binisita upang
dumalo ng aralin sa Kasaysayan at Sikolohiya.
2. Dito ay kanyang naging kaibigan si Friedrich Ratzel na kilalang
mananalaysay at si Dr. Hans Mever na isang kilalang
antropologo.
3. Isinalin din ni Rizal ang akda ni Hans Christian Andersen.
4. Dresden - binisita ni Rizal ang lunsod na ito at dito ay kaniyang
nakilala si Dr. Adolph Mever ang direktor ng Museo ng
Antropolohiya at Etnolohiya.
I. Pagtanggap kay Rizal sa Kalipunang Siyentipiko sa Berlin
1. Berlin - hinangaan ni Rizal ang lunsod na ito dahilan sa
pagkakroon nito ng siyentipikong kapaligiran at malaya sa
pagtatangi ng lahi.
2. Dr. Feodor Jagor - nakatagpo ni Rizal ang nasabing manlalakbay
na sumulat ng isang akalt tungkol sa Pilipinas.
3. Dr. Rudolf Virchow - isang kilalang antropolohistang Aleman na
nakilala ni Rizal sa Berlin.
4. Dr. W. Joest - isang kilalang heograpong Alemanya na nakilala ni
Rizal sa Berlin.
5. Dr. Karl Ernest Schweigger- isang kilalang optalmolohista
ng Berlinat dito si Rizal ay naglingkod sa klinika.
6. Dr. Rudolf Virchow - kanyang inimbitahan si Rizal na magsalita
sa isang pagpupulong ng Ethnographic Society ng Berlin.
7. Tagalog Verskunt - ang pamagat ng papel panayam na binasa ni
Rizal sa isinagawang pagpupulong ng Ethnographic
Society ng Berlin.
I. Buhay ni Rizal sa Berlin
1. Mga dahilan ni Rizal sa Pagtigil sa Berlin
a. Palawakin ang kaalaman sa optalmolohiya
b. Palawakin ang kaalaman sa agham at wika
c. Magmasid sa kalagayang pulitikal at kabuhayan ng Alemanya
d. Makilahok sa mga kilalang siyentipikong Aleman
e. Ipalimbag ang Noli Me Tangere
1. Obserbasyon sa Mga Kababaihang Aleman
a. Seryosa
b. Matiyaga
c. Edukada
d. palakaibiganin
1. Paghihirap sa Berlin
a. Walang dumating na padalang pera mula sa Calamba
b. Kumakain lamang ng isang beses sa isang araw
c. Naglalaba ng kaniyang sariling damit
d. Naghihinala siya sa pagkakaroon ng sintomas ng sakit na
tuberkulosis

KABANATA 8 - PAGPAPALIMBAG NG NOLI ME TANGERE


I. Ang Ideya at Pagsulat ng Noli
1. Uncle Tom's Cabin - isang nobela na sinulat ni Harriet Beecher
Stowe na tumatalakay sa buhay ng mga aliping itim sa Amerika.
2. Enero 2, 1884 - petsa ng pagtitipon kung saan pinanukala ni
Rizal sa grupo ng mga Pilipino na magsulat sila ng isang
nobelang ukol sa kalagayan ng Pilipinas.
3. Paghahati ng Pagsulat ng Noli Me Tangere
a. 1/2 sa Espanya
b. 1/4 sa Pransya
c. 1/4 sa Alemanya
1. Wilhelmsfeld - dito tinapos ni Rizal ang mga huling kabanata ng Noli Me
Tangere.
2. Maximo Viola - ang nagsilbing tagapagligtas ng Noli Me
Tangere sa pamamagitan ng pagpapahiram niya kay Rizal ng
halagang P300 upang magamit sa pagpapalimbag ng nasabing
nobela.
3. Pebrero 21, 1887 - petsang natapos ang Noli Me Tangere at
inihanda para sa pagpapalimbag.
4. Berlin Buchdruckrei-Action-Gesselschaft - ang palimbagan na
tumanggap upang ilaathala ang Noli Me Tangere sa halagang
P300 sa daming 2,000 kopya.
5. Marso 21, 1887 - lumabas ng palimbagan ang nobelang Noli Me
Tangere.
6. Mga Unang Pinadalahan ni Rizal ng kopya ng Noli
a. Ferdinand Blumentritt
b. Dr. Antonio Ma. Regidor
c. Graciano Lopez-Jaena
d. Mariano Ponce
e. Felix Resurrecion- Hidalgo
1. Kinuha ni Rizal ang pamagat ng Noli Me Tangere mula
sa ebanghelyo ni San Juan.
2. Inihandog ni Rizal ang Noli Me Tangere sa inang bayan.
3. Elias at Salome - ang isang kabanata na inalis ni Rizal sa Noli Me
Tangere upang makatipid siya sa presyo ng pagpapalimbag ng
nobela.

KABANATA 12 SI RIZAL SA HAPON


A. Ang Pagdating sa Hapon
1. Pebrero 28, 1888 - duamting si Rizal sa Yokohama at tumigil
sa Grand Hotel.
2. Mula sa Yokohama nagtungo si Rizal sa Tokyo na siyang punong
lunsod ng nasabing bansa.
A. Si Rizal sa Tokyo
1. Juan Perez Caballero - opisyal ng Espanya sa Tokyo na bumisita
kaay Rizal sa hotel at inanyayahan si Rizal na manirahan sa
gusali ng legasyon.
2. Tumira si Rizal sa legasyon ng Espanya sa tokyo dahilan sa mga
sumusunod:
a. Makatitipid siya ng malaki kung sa legasyon maninirahan
b. Wala naman siyang itinatago sa mga Espanyol
1. Sa kaniyang paninirahan sa legasyon ay naging matalik niyang
kaibigan si Juan Perez Caballero at kanyang sinabi na
ang diplomat ay isang bata, matalino, at mahusay na manunulat.
2. Sa unang araw ni Rizal sa Tokyo ay napahiya si Rizal sa dahilan
na napagkamalan na isang Hapon na hindi marunong magsalita
ng nihongo.
3. Napilitan si Rizal na mag-aral ng wikang nihongo at natutunan
niya ito sa loob ng ilang araw lamang.
4. Pinag-aralan din ni Rizal ang kabuki, sining, musika, at jujitsu.
5. Nakatagpo ni Rizal sa Tokyo ang mga musikerong Pilipino.
A. Ang Impresyon ni Rizal sa bansang Hapon
1. Ang impresyon ni Rizal sa bansang Hapon
a. Ang kagandahan ng bansa
b. Kalinisan, pagiging magalang, at kasipagan ng mga Hapon
c. Magandang kasuutan at kasimplehan ng mga Haponesa
d. Kakaunti ang magnanakaw sa Tokyo
e. Halos walang pulubing makikita sa lansangan
A. Si O-Sei-San
1. Seiko Usui - ang babaing inibig ni Rizal noong siya ay nasa
bansang Hapon at mas kilala siya sa katawagang ibinigay ni Rizal
na O-Sei-San.
2. Nakita ni Rizal si O-Sei-San sa labas ng legasyon ng Espanya
sa Tokyo na kung saan malapit ang tinitirhan ni O-Sei-San.
3. Inabangan ni Rizal sa kanyang pagdaan sa harapan ng legasyon
at siya ay ipinakilala ng hardinero ng legasyon kay O-Sei-San na
isang manggagamot na mula sa Maynila at panauhin ng
legasyon. Sumagot si O-Sei-San sa salitang Pranses at Ingles.
4. Buhat noon ay araw-araw nagkakatagpo si Rizal at O-Sei-San at
nakasama ni Rizal sa pamamasyal sa mga magagandang lugar ng
lunsod ng Tokyo.
5. Napamahal si Rizal kay O-Sei-San dahilan ang una ay bigo kay
Leonor Rivera at biktima ng kawalan ng katarungan.
6. Si O-Sei-San ay anak ng isang samurai 23 at walang karanasan
sa pag-ibig. Ang magkatulad nilang interes sa sining ang
nagbigay daan sa kanilang pag-ibig.
7. Nakita ni Rizal kay O-Sei-Sanang kaniyang ideal na babaing
iibigin. Si O-Sei-San ay maganda, mapanghalina, mahinhin at
matalino.
8. Naibigan ni O-Sei-San si Rizal dahilan sa maginoo, magalang at
pagkakaroon ng maraming kaalaman.
9. Tinulungan ni O-Sei-San si Rizal sa maraming paraan ng higit sa
isang katipan. Si O-Sei-San ay nagsilbing kasama ni Rizal sa
pamamasyal, interpreter at tagapagturo.
10. Ang kagandahan ni O-Sei-San ay halos bumihag kay Rizal
na manirahan sa Hapon at tanggapin ang magandang
hanapbuhay na inaalok ng legasyon ng Espanya sa Tokyo.
11. Pinili ni Rizal ang paglilingkod sa bayan kaysa sa
pakasalan si O-Sei-San .
12. Naging tapat si O-Sei-San kay Jose Rizal nag-asawa
lamang ito noong 1897 pagkatapos na bitayin si Rizal.
Napangasawa ni O -Sei-San si Alfred Charlton na isang Ingles na
isang guro ng kemistriya sa Tokyo.
A. Pag-alis sa Hapon
1. Abril 13, 1888 - petsa ng umalis si Rizal sa Yokohama patungo
ng Amerika sakay ng barkong Belgic.
2. Sa kanyang paglalakbay sa Pasipiko ay nakatagpo ni Rizal sa
barko ang mag-asawang Reinaldo Turner at Emma Jacson.
Itinanong ng kanilang anak kung kilala niya si Richal na sumulat
ng Noli Me Tangere . Sinabi niya sa mga bata na siya si Rizal.
3. Techo Suhiro - isang Hapon na nakasabay ni Rizal sa barko. Siya
ay mamamahayag, nobelista, at tagapagtanggol ng karapatang
pantao sa Hapon.
a. Magkatulad si rizal at Techo sa dahilan sa silang dalawa ay
pinaalis sa kanilang mga
bansa ng isang mapagmalupit na pamahalaan.
b. Kapwa sila mga lalaki ng kapayapaan na gumamit ng lakas ng
panulat sa pagtuligsa sa kabuktutan na nagaganap sa kanilang
bansa.
c. Nagtungo sila sa ibang bansa upang doon ipagpatuloy ang
kanilang pakikipaglaban para sa karapatan ng kanilang mga
kababayan.
d. Kapwa sila mayroong misyon na palayain ang kanilang bansa sa
mga mapaniil na pinuno ng pamahalaan.

S-ar putea să vă placă și