Documente Academic
Documente Profesional
Documente Cultură
EKONOMIYA yan ang lagging tinatalakay o pinag uusapan sa ating bansa. Anu nga ba ang kalagayan
n gating ekonomiya sa ngayon? Para sa aking palagay ang nararanasan natin ngayon ay ang
ekonomiyang tag hirap.BAKIT??dahil sa mga bilihin ng ating bansa ay patuloy na tumataas tulad na
lamang na ng kurodo,langis,kuryente,at iba pang bilihin ng ating bansa na pinuproblema ng ating
bansa Bakit nga ba ito ang kadalasang problema ng ating bansa?ngunit sinasab ng mga eksperto bakit
tayo pa ang nagkukulang sa mga tulad nun ngunit sinasabi nila na ang pilipinas ang mayaman sa
langis at iba pang kalikasang yaman .ito ay sa kadahilanan ng mga mahilig mangurakot sa ating bansa
.kaya kailangan ng pag-babago kung hindi tayo kikilos hindi mag babago ang takbo ng ating
ekonomiya. kaya KILOS NA"""PARA SA PAG-BABAGO
Kailangan pa nga siguro natin ng People Power upang matigil na ang pagdami ng mga tiwaling
opisyal na parang damong ligaw na mahirap sugpuin.Samu’t sari ang dahilan ng pagbagsak ng
ekonomiya dito, at dahil iba-iba at pagkagulo-gulo ng pagpapaliwanag ng mga kinauukulan
tungkol sa krisis na ito, hindi na alam ng mga tao kung anong paniniwalaan. Nakakatakot isiping
hindi masosolusyunan ng gobyerno ang problemang ito sa lalong madaling panahon dahil ang
takbo ng buhay ng nakararami o di kaya’y lahat ay nakasalalay sa takbo ng mga bangko. Ang
masaklap pa eh dahil walang likas na pinagkukunang yaman ang Islandiya maliban sa isda at
aluminum, walang mabibiling pagkain ang nasyon na ito mula sa ibang bansa kung
magpapatuloy ang krisis na ito. Kailangan natin ng pagkakaisa upang mas mapabilis ang
gawain. Pero ang sabi naman ng mga opisyales ng gobyerno ay masosolusyunan ito at hindi
kailangang mabahala ng mga tao, pero sa totoo lang kahit sila, wala ring ideya kung paano
masosolusyunan ito kung hindi uutang o humingi ng tulong sa ibang bansa. Eh ang ibang mga
bansa ay may hinaharap rin namang sariling krisis at kung may tutulong man, hindi mawawala
ang mga “hidden agenda.” Ang mga bansa, sa totoo lang, parang napakamakasariling mga bata,
wala nang inisip kundi sarili nilang kapakanan, at alam ko na sa krisis na ito, sari-sarilihan ang
pakikipaglaban sa kahirapan.
Kailangan na nating gumising at bumangon upang ipagpatuloy ang nasimulan na nating laban.
Maari naman talaga tayong makipagsabayan sa ibang bansa kung talagang gugustuhin natin.
Kung kikilos lamang tayo para sa pagbabago. Kung tutuusin naman leksyon na rin ito sa mga
nagyayamanang bansang biglang nasalanta ng krisis na matuto na’t hindi na masyadong maging
mapagmahal sa mga makamundong bagay, sa pagpapayaman, sa pera, na hindi naman talaga
dapat maging sentro ng mga buhay natin dito sa mundo.