Sunteți pe pagina 1din 24

1.

Aspektong Naganap o
Pangnagdaan / PERPEKTIBO -
natapos na ang sinimulang
kilos.
hal: Nailagay ko na po ang
kaldero sa kusina kanina.
2. Aspektong katatapos-
Kagagawa o katatapos pa
lamang ng kilos.
hal: Kadadala pa lamang ni
Aling Viring ng inuming
pampalamig.
3. Aspektong nagaganap o
pangkasalukuyan/ IMPERPEKTIBO
- ang kilos na sinimulan ay
ginagawa o nangyayari sa
kasalukuyan …hal: Nakikita mo ba
ang mga cabinet na iyon?
4. Aspektong magaganap o
panghinaharap/ KONTEMPLATIBO
- ang kilos ay hindi pa nasisismulan
o naisasagawa; gagawin pa
lamang. hal: Tatawagin ko po
ang aking kasama.
5. Aspektong Neutral-ang kilos
ay nagaganap sa paraang
pautos.
hal: Ipatong mo iyan sa mesa.
Buhatin natin ang ref sa loob.
Aspekto at Pagbabanghay
ng Pandiwa
1. Kagagaling lang sa
lalawigan ng lolo ko.
2. Pag-aaralan ko ang mga
mungkahi ninyo.
3. Magsalang ka na, Donie,
ng sinaing.
4. Matiyagang iniipon ni Lola
Merta ang mga basyong
bote at lumang dyaryo.
5. Ang mga bata ay maayos
niyang pinagsasabihan.
6. Si Juan ay nagbantay ng
mga baboy.
7. Ang mga baboy ay
binabantayan ni Juan.
8. Babantayan muli ni Juan
ang mga baboy bukas.
9. Kakarating lamang ni
Juan upang magbantay sa
mga baboy.
10. Juan, bantayan mo nga
ang mga baboy.
PAWATAS – panlaping makadiwa + salitang-ugat (base form of verb)
ASPEKTO NG PANDIWA
Nagpapakita ng panahon nang kaganapan ng isang kilos.
1. PERPEKTIBO - kilos na naganap na - Pangnagdaan ( past tense)
2. IMPERPEKTIBO – kilos na nagaganap – Pangkasalukuyan ( present tense)
3. KONTEMPLATIBO – kilos na magaganap pa lang – Panghinaharap (future tense)
Paalala:
Pn – panlapi UPP – unang pantig ng panlapi
S.U. – salitang-ugat HDPP – huling 2 pantig ng panlapi
UPSU – unang pantig ng salitang – ugat
HPP – huling pantig ng panlapi
IKPP – ikalawang pantig ng panlapi
 Ano ang kaugnayan ng larawan ng
kalikasan noon sa larawan ng kalikasan
sa ngayon?
 Kung hindi tayo magbabago, ano
kayang uri ng mundo ang makikita o
matitirahan natin sa hinaharap?
 Kung hindi tayo magtutulungan
upang pangangalaan ang ating
kapaligiran…
 Sa ngayon, ang lahat ay
nagtutulungan sa pangangalaga
ng kapaligiran gaya ng…
 Nagtulungan na dati ang mga
tao upang mailigtas ang
kalikasan ngunit…
pandiwa

Ang ___________ ay salitang nagpapakilos o nagbibigay-buhay sa isang lipon ng mga salita.

aspekto ng pandiwa

Ang ____________ ay nagsasaad kung naganap na o hindi pa nagaganap ang kilos, kung nasimulan na at kung natapos nang ganapin, o ipagpapatuloy pa ang nagaganap.

aspektong pangnagdaan o perspektibo

Ang aspektong ito ay nagsasaad ng kilos na natapos na.

Halimbawa: umagos, nagdulot, namangha, inakala

aspektong perpektibong katatapos

Ang aspektong ito ay nagsasaad ng kilos na katatapos lamang bago nagsimula ang pagsasalita

Hal.: kahihiga, kakakain, kabibigay, kahihiga

aspektong pangkasalukuyan o imperpektibo

Ang aspektong ito ay nagsasaad ng kilos na inuumpisahan ngunit patuloy na ginagawa at hindi pa tapos. Inuulit nito ang unang pantig ng salitang ugat.

Hal.: naliligo, kumakain, umaagos, nagdudulot, namamangha, inaakala

aspektong panghinaharap o kontemplatibo

Ang aspektong ito ay nagsasaad ng kilos na hindi pa nauumpisahan. Inuulit nito ang unang pantig ng salitang-ugat na hindi binabago ang panlaping mag.

Hal. magsasayaw, magluluto, maglalaba, magbabasa

S-ar putea să vă placă și