Sunteți pe pagina 1din 12

KABANATA I

SULIRANIN AT KALIGIRAN
Panimula
Ayon sa kalusugan.ph ang stress ay isang normal na reaksyon o pakiramdam
bunga ng pang araw araw na suliranin kinakaharap ng bawat tao.Karamihan ngaun ay
nakakaranas ng ganitong kondisyon .Ang stress ay ay nakakaapekto sa pisikal at
sikolohikal na aspeto ng tao.Kung ito ay mapapabayaan ay maaaring humantong sa
mas malalang kondisyon o karamdaman Ilan sa mga epekto nito ay ang mga
sumusunod pananakit ng ulo,pananakit ng kalamnam,paninikip ng dibdib ,kawalan ng
gana sa pakikipagptalik ng isang may asawa na,pananakit ng tyan na nauuwi sa
pagtatae,hirap sa pagtulog.Maging ang mood ng tao ay naaapektuhan din tulad
halimbawa ng pagkabalisa,kawalan ng kontrol sa galit,depresyon at maging ang pag
uugali naaapektuhan tulad ng sobrang paninigarilyo,sobrang kawalan ng kontrol sa
pagkain.
Ayon kay Dr. Arien van der Merwe isang eksperto sa stress,dahil sa stress ay
posibleng humina ang memorya konsentrasyon at apektado rin ang immune system
na magiging dahilan upang madaling tablan ng sipon,at kanser .Kapag mataas ang
Adrenaline natin nanatiling matigas ang ating kalamnan,tumataas ang presyon ng
dugo,at antas ng kolesterol,asukal ,hormon at ng iba pang kemikal ng dugo at kapag
laging ganito posibleng manakit ang ating likod,ulo ,leeg at kalamnam.Ayon sa mga
doctor,ang mgga sintomas na ito ay maiiugnay sa nagtatagal na stress.ang ganitong
stress ay ay pwedeng makaapekto sa pagiging malikhain at prodoktibo ng isa ,pati na
sa kasiglahan at ugnayan sa iba.kapag nagtatagal ang stress posible rin na maipon
ang taba sa may tyan at likod .Ang sakit sa balat gaya ng eksema at psoriasis,ay
nauugnay sa stress o napapalala nito.Nakakaapekto rin sa mental,emosyonal,at
ispiritual na aspeto ng tao,tulad ng nagpapababa ng pagpapahalaga sa
sarili,nakakapanira ng magandang relasyon sa tahanan at kaibigan,pagbabawas sa
gana at pagiging produktibo sa trabaho at humahantong sa matinding pagsisi sa sarili.
Ayon sa www.remate.ph.ang ang stress ay nagdudulot ng hindi lang basta
tension na sakit sa ulo,kundi pati na rin sa migraine.NAGPAPABILIS NG PAGTANDA
ang stress.Ayon pa sa pag aaral nakita nila na ang partikular na rehiyon ng
chromosomes ay nagpapakita ng epekto ng mabilis na pagtanda ng hanggang 9 -17
dagdag na taon. Binanggit din ang ibang epekto ng stress tulad ng MAAGANG
PAGKAMATAY ng isang tao,dahil sa stress ang katawan ay naaabala,ang blood
vessels ay nagsisikip.Ang blood pressure at pulso ay tumataas at ang paghinga ay
bumibilis.Ang bloodstream ay napupuno ng hormoness tulad ng cortisol at
adrenaline.80% na mataas ang panganib na magkaroon ng DEPRESYON ang taong
may stress.Nakakaapekto rin sa mga taong may diabetis dahil pinapataas nito ang
pagkakaroon ng masamang gawi tulad ng labis na pagkain at pag-inom.OBESITY ,ang
taong laging stress ay tumataba ang tiyan,ang sobrang taba sa tiyan ay mapanganib
sa kalusugan.
Ayon sa ph.michealmccartyspalmbeach.com na ilan sa mga epekto ng stress ay
pagbaba ng timbang,kawalan ng gana sa sex,maari rin magpalubha ng sakit sa balat
tulad ng eksema,psoriasis,at rosacea.Posible ring maging makalimutin,naaapektuhan
ang kakayahan ng utak upang mapanatili ang impormasyon.
Ayon kay Dr. Lads lahat naman tayo ay nakakaranas ng stress,pero kung lagi
itong nararanasan pwede itong magdulot ng sakit sa balat,paghina ng resistensya kaya
pwedeng mabilis na magkasakit,tumataas ang stress hormones at nagkakaroon ng
hormonal imbablance,humihina ang buto,nalilito,bumabagal ang pagtunaw ng pagkain
at hindi ito naaabsorb ng katawan nag maayos at magkakaroon ng tension sa mga
muscles kaya sumasakit ito o namamanhid.
Layunin ng mga mananaliksik na mailahad ang mga epekto ng stress sa
kausugan ng tao at ang mga nauugnay na mga karamdaman rito.

Paglalahad ng suliranin
Ang pag aaral na ito ay nakatuon sa epekto ng stress sa kalusugan ng tao.
Nilalayon ng mga mananaliksik na masagutan ang mga sumusunod na suliranin.
1. Anu-ano ang mga epekto ng stress?
2. Paano nakakaapekto ang stress sa kalusugan ng tao?

Saklaw at limitasyon
Ang pag-aaral na ito ay nakatuon sa paglalahad ng mga epekto ng stress sa
kalusugan ng tao .
Nalilimitahan ng pag-aaral ang mga mag-aaral ng Mabalacat City College sa
ibat-ibang instituto.Ang pag-aaral na ito lalahukan ng tatlumpung (30) mag aaral mula
sa instituto ng IBE,tatlumpung (30) mula sa instituto ng IHM,tatlumpung (30) mula sa
instituto ng IAS,tatlumpung (30) mula sa instituto ng ITE, at tatlumpung (30) mula sa
ICS.

Kahalagahan ng pag-aaral
Mahalagang pag aralan ang pananaliksik na ito upang magkaroon ng
kaalaman ang mga tao tungkol sa epekto ng stress sa kalusugan ng tao.Ang pag aaral
na ito ay magiging kapakipakinabang sa mga sumusunod.
Sa mga mag aaral.Ang pananaliksik na ito ay makakatulong sa kanila upang mabatid
nila ang mga epekto ng stress sa kalusugan ng tao.
Sa mga mamamayan.Ang pananaliksik na ito ay magbibigay ng kaalaman sa kanila
kung anu-ano ang mga uri ng sakit na nararanasan dulot ng stress
Sa mga susunod na mananaliksik.Ang pananaliksik na ito ay maaari nilang balikan
at ito magbibigay ng idiya ukol sa mga epekto ng stress sa kalusugan ng tao.

MODELONG KONSEPTWAL

INPUT PROCESS OUTPUT


Epekto ng stress Kilalanin ang mga Malaman ang
sa kalusugan ng taga tugon ng pag- epekto ng stress at
tao. aaral na ito: kung paano
 Mag-aaral nakaka-apekto ang
ng stress.
Mabalacat
City College
sa iba’t-
ibang
institusyon
ANG TERMINOLOHIYA

Stress –isang karamdaman na nararanasan ng isang tao sa kanyang buhay.

Epekto-ito ay isang resulta o kinalabasan ng isang pangyayari o gawain.

Depresyon –isang kondisyon medikal na nararamdaman ng isang tao ,gaya ng


kalungkutan,kawalan ng pag asa,kawalan ng importansya sa sarili at maayos na
pamumuha.

Sikolohikal –tumutukoy sa pag-iisip ng isang tao.

Memorya-ang kakayahan ng pag iisip na alalaanin at panatilihin ang mga impormasyon


at impresyon ,pangyayari, mga nakaraang enkwentro atbp.

Bisyo-kaugaliang imoral,tiwala at nakapagpababa ng pagkatao.

Bawal na gamot-mga illegal na gamot na pinagbabawal na ibenta sa merkado.


Halimbawa nito ay ecstacy,kemikal na nakakaapekto sa utak na nagdudulot
ngpagbabago sa ugali at kilos ng tao na kadalasang humahantong sa pagkalulong.

Kontrol-maehersisyo ang kontrol o pagbibigay dirrekssyon sa iba o mga bagay


mangibabaw.
KABANATA II
KAUGNAY NA LITERATURA
Lokal
Binanggit ni Jaff Gill.a. (2007) ang stress ay may masamang epekto sa
mental na kalusugan.ang stress ay nakakaapekto sa utak particular na dito ang ating
memorya.Ayon dito naaapektuhan ang ating pag iisip kapag tayo ay naiistress na
nagdudulot ng pagiging makalimutin sa mga bagay bagay.
Ayon kay Mazo (2015)ang mga karaniwang epekto ng stress ay di
makatulog,pagiging iritabli at pagkabalisa.Kapgag stress tayo ay di tayo mapakali at
madaling magalit.Ayon dito kapag kulang tayo sa tulog ay nagiging moody tayo at
madaling magalit,konting bagay lang ay pinalalaki natin.
Ayon kay duque (2007 ) na ang mga epekto ng stress ay insomia,pananakit ng
ulo,pananakit ng likod,pananakit ng tiyan ,pagtaas ng presyon,sakit sa
puso,depresyon,pag-inom ,paninigarilyo,at paggamit ng bawal na gamot.Binanggit rito
na dahil sa stress na ang mga ibang tao ay natutung magbisyo at nakakaranas din ng
ibang mga karamdaman.
Binanggit ni Whitman (1985) ang stress ay sitwasyon na nagdudulot ng
negatibong pakiramdam sa isang tao.ang sitwasyon ay maaari magiging kahapo-
hapo.Hindi lahat ng tao ay iisa ang pakiramdam at damdamin kapag nakakaranas ng
stress. Ayon dito hindi pareho pareho ang nararanasan ng mga tao kapag sila ay
naiistress maaring ang iba ay mahirapan sa pagtulog at sumasakit ang ulo habang ang
iba naman ay maaring tumataas ang presyon at madaling magalit o mag init ang ulo.

Internasyonal
Ayon kay Pressnal (2008) ang mga estuyanteng nakakaranas ng stress ay nag-
iinom,gumagamit ng bawal na gamot,at lumalabas kasama ang kaibigan. Binaggit rito
na ang epekto ng stress ay nakakagawa ng mga masasamang
Sa isang pananaliksik nabanggit ni Morris,Books and May (2003) na ang epekto
ng stress ay nagdudulot ng problema,tulad halimbawa ng pagiging balisa,kakulangan
ng pokus o atensyon sa isang bagay.
Binanggit sa Furr,Westefeld,McConell and Jenkins (2001) 9% ng mga
estudyante ay naiuulat na nagpapakamatay dahil sa mga stress na nararanasan nila
tulad ng problema sa academic,problema o kahirapan sa pinansyal,kalungkutan at
pakikisalamuha sa iba.
Ayon kina Suldo at Hardesty (2008) ang mga estudyante na nakakakuha ng
mataas na achievement sa academic ay mataas ang posibilidad na nakakaranas ng
stress dahil sa pagnanais na maaabot ang mga requirement na kailangan nilang
ipasa,dagdag pa dito na ang stress ay nagsisimula na maging banta sa kalusugan ng
mg estudyante dahil na sila ay naaapektuhan ng pagkastress sa kanilang pag-aaral.Sa
pahayag na ito ibig sabihin ang epekto ng stress ay presyur at magdudulot ng
karamdaman sa ating kalusugan.
KABANATA III
DISENYO AT PARAAN NG PANANALIKSIK
Disenyo
Ang paraan na ginamit ng mga mananaliksik ay deskriptong
pamamaraan.Gumamit di ang mga mananaliksik ng paraan ng pagkakalap ng mga
datos sa pamamagitan ng sarbey ng mga piling estudyante ng Mabalacat City college.

Pamamaraan
Ang pananaliksik ay ginamitan ng ibat-ibang pamamaraan sa sa
pangangalap ng mga datos.Gumamit ang mga mananaliksilk ng internet upang
makakuha ng impormasyon na may kaugnayan sa epekto ng stress sa kalusugan ng
tao.Isa pa rito naagbasa ang nga mananaliksik ng mga thesis at nnagsagawa ng sarbey
sa mga pling estudyante sa Mabalacat City College.

Estadistikong paglalahad ng datos


Ang mga katanungan sa sarbey ay nagnanais na makakuha ng
impormasyon ssa mga piling estudyante ng Mablacat City College kung anu-ano ba
ang mga epekto ng stress sas kalusugan ng tao.
Mula sa mga nakalap na impormasyon mula sa mga tugon ng mga
respudente na mailahad ng mananaliksik ang resulta batay sa mg tugaon mga piling
mag-aaral ng Mabalacat City College.
KABANATA IV
PRESENTASYON AT INTERPRETASYON NG MGA DATOS
Sa kabanatang ito isinasaad ang mga datos at interpretasyon na nakalap ng mga
mananaliksik mulas sa mga katanungan na sinagutan ang mga respondante sa mga
iba’t-ibang institusyon sa Mabalacat City College na may kabuuang isang-daan at
limangpu (150) na mag-aaral.

1%

Oo
Hindi

99%

1. Naranasan mo na bang ma-stress?


 Ayon sa nakalap na datos ng mga mananaliksik 99 porsyento o
149 ang nagsabi na sila’y nakakaranas ng stress samantalang 1
porsyento o 1 lamang nagsabi na hindi nakakaranas ng stress.
0%

21%
27%
Pisikal
Emosyonal
Sikolohikal
Ispiritual

52%

2. Batay sa iyong karanasan saang aspeto ang higit na nakaka-apekto sayo ang
stress?
 Batay sa mga resulta na nakalap mula sa mga respondiente 52
porsyento o 78, ang nakakaranas sa aspetong emosyonal, 27
porsyento o 40 ang nakakaranas naman sa aspetong pisikal.
Samantalang 21 porsyento o 32 ang nakakaranas sa aspetong
sikolohikal, at sa ispiritual naman na aspeto ay 0 porsyento o wala
ang nagsabi na ito ay nakaka-apekto.
 Ang pinaka-mataas na resulta ng mga nakuhang datos ng mga
mananaliksik ay 78 o 52 porsyento sa aspetong emosyonal
samantala ang pinaka-mababa naman ay ang sa aspetong
ispiritual na walang nagsabi o 0 porsyento ang nagsabi na hindi ito
nakaka-apekto.
Pananakit ng ulo
6%
18% Hirap sa pagtulog
12%
Pananakit ng likod

Kawalan ng pokus o
atensyon
16% 17% Pagkabalisa

Madaling magalit

5% Makakalimutin
9%

17% Paninikip ng dibdib

3. Anu-ano ang mga epekto ng stress sa iyong kalusugan?


 Ipinapapahayag dito na 18 porsyento o 112 ang nakakaranas ng
pananakit ng ulo dulot ng epekto ng stress sa kalusugan ng tao, 17
porsyento o 109 naman ang hirap sa pagtulog, at 17 porsyento o 107 ang
nakararanas ng pagkawala ng pokus o atensyon samantalang 16
porsyento o 104 ang madaling magalit, 12 porsyento o 73 ang ang
makakalimutin, 9 porsyento o 55 naman ang sa pagkabalisa, 6 porsyento
o 40 ang paninikip ng dibdib, at 5 porsyento o 30 ang pananakit ng likod.
 Ang pinaka-mataas ang nagsabi na nakakaranas sila ng pananakit ng ulo
kung saan 18 porsyento o 112 ang nakaka-apekto sa kalusugan ng tao
dahil sa stress, at ang pinaka-mababa naman ay pananakit ng likod kung
saan 5 porsyento o 30 ang pinaka-mababa na nakakaranas nito.
KABANATA 5
LAGOM, KONKLUSYON, REKOMEMDASYON

LAGOM

Ang stress ay isang normal na reaksyon o pakiramdam bunga ng pang araw-


araw na suliranin. Ito rin ay nakakaepekto sa pisikal, sikolohikal, emosyonal at
espirituwal na aspeto ng tao. Ilan sa mga epekto nito pananakit ng ulo, pananakit ng
kalamnam, pananakit ng dibdib, kawalan ng gana sa pakikipagtalik ng isang may asawa
na. Ang paraan na paggamit ng mga mananaliksik ay deskiptong pamamaraan at
gumamit din ng mga datos ng sarbey ng mga piling mag-aaral sa Mabalacat City
College. Ang pannaliksik ay ginamitan ng iba’t-ibang pamamaraan sa pangangalap ng
mga datos na kung saan ang mga mananaliksik ay gumamit ng internet at nagbasa ng
mga thesis. Ang mga katanungan sa sarbey ay nagnanais na makakuha ng
impormasyon at kung anu-ano ang mga epekto ng stress sa kalusugan ng tao. Mula sa
mga nakalap na impormasyon at tugon ng mga piling mag-aaral na inilahad ng mga
mananaliksik ang resulta o kinalabasan ng sarbey. Mahalagang magkaroon ng ideya
ang mga mag-aaral tungkol sa epekto ng stree sa kalusugan ng tao.

Batay sa aming ginawang pananaliksik, aming natutunan ang iba’t-ibang epekto


ng stress sa kalusugan ng tao. Ilan sa mga ito ay ang epekto sa pisikal na kalusugan
tulad ng problema sa pagkain. Gayon din ang epekto sa mental na kalusugan, tulad ng
pagiging iritable at pagiging balisa. Nakakaepekto din ang stress sa mga estudyante sa
kanilang pag-aaral tulad ng kawalan ng pokus sa kanilang ginagawa.

Ang pananaliksik na ito ay ginamitan ng descriptibong pamamaraan upang


maipakita ng mga mananaliksik sa mga mag-aaral kung anu-ano ang epekto ng stress
sa kalusugan ng tao. Ang mga ginawang katanungan sa sarbey ay naglalaman ng mga
posibleng nararanasan ng mga mag-aaral ng Mabalacat City College. Makikita din dito
ang resuta batay sa mga tugon ng mga mag-aaral.
KONKLUSYON

 Napag-alaman ng mga mananaliksik batay sa mga sarbey na nakalap


mula sa mga respondente na ang stress ay higit na nakakaapekto sa
emosyonal na aspeto ng tao.
 Nabatid ng mga mananaliksik na karamihan ngayon ay nakakaranas ng
stress.
 Napagtanto na ang stress ay mas lubos na nakakapagdulot ng pananakit
ng ulo.

REKOMENDASYON

Ang mga sumusunod ay mga rekomendasyon na nais ipaalam ng mga


mananaliksik sa mga mambabasa ng pag-aaral na ito.

 Para sa mga mag-aaral na kasalukuyang hinaharap ang mga karanasang epekto


ng stress, isaisip ang pamamaraan na ito gaya ng mga pag-kakaabalahan o
habis at mga gawaing pangkalakasan.
 Alalahanin din na ang mga maling kasanayan tulad ng bisyo ay nagdudulot ng
negatibong epekto sa kalusugan ng tao.
 Piliin na iwasan ang mga bagay na nakaka-stress, at sikapin na makipag-usap
sa mga taong kilala at pinagkakatiwalaan natin o makipagbiruan upang
maiwasan ang kalungkutan at problema na nagiging dahilan na nagdudulot ng
stress.

S-ar putea să vă placă și