Sunteți pe pagina 1din 2

A CONNECTED LIFE

John 15:1-8

Last week, sa ating Ebanghelyo ay nagpakilala ang Panginoong Jesus bilang isang
mabuting Pastol, mapapansin natin dito ang ginawang pagkukumapara ng
Panginoong Jesus na kung may mabuting pastol ay meron din namang masama, ito
yung mga bayaran na kapag may sumasalakay na asong-gubat sa kawan ng mga
tupa ay siya ang nauunang tumakas. Sa ating pagbasa ngayon, muli nating makikita
na si Jesus ay nagpapakilala bilang isang tunay na puno ng ubas, at kung
mapapansin nyong muli, ang Panginoong Jesus ay may ibinigay muling
pagkukumpara. Meaning to say, kung may tunay na puno ng ubas ay meron din
namang pekeng puno ng ubas. Malamang plastic na ubas yun, at dahil peke wala
itong kakayahang mag-produce ng totoo. Sa salitang Griyego ito ay “alethinos” which
means, real, authentic and valid.

Sa mga Judio na siyang pinatutungkulan ni Jesus sa ating pagbasa ngayon, alam na


alam po nila kung ano yung “vine” o yung puno ng ubas na nararapat na sila ay naka-
kunekta. Maraming beses sa Old Testament na ang bayang Israel ay ang tinutukoy
bilang ang puno ng ubas. Awit 80:8 Mula sa Egipto Ikaw ay naglabas ng puno ng
ubas, saka itinanim Sa lupang dayuhan, matapos ang tao roo'y palayasin.; Hosea
10:1 Ang Israel ay tulad ng punong ubas na mayabong at hitik ng bunga. Habang
dumarami ang kanyang bunga, dumarami naman ang itinatayo niyang dambana.
Habang umuunlad ang kanyang lupain ay lalo nilang pinagpapala ang mga haliging
sinasamba nila. Na kung saan ang punong ito ay mismong itinanim sa pamamagitan
ng mga kamay ni Yahweh. Jeremias 2:21 Maganda ka noon nang aking itanim, tulad
ng malusog na binhi ng piling ubas. Tingnan mo ngayon ang naging buhay mo! Para
kang ubas na ligaw, maasim ang bunga at walang pakinabang!
Kaya nga po napakahalaga talagang tayo ay ganap na nananatili sa Kanya, na tayo
ay kunektado kay Kristo tulad ng isang puno at sa mga sanga nito. Sa ating pagninilay
aalamin natin kung ano nga ba ang kahulugan ng isang buhay na naka-kunekta kay
Lord.

I. A CONNECTED LIFE IS A CONTENTED LIFE.

- Yung mga taong kunektado kay Kristo, normal pa rin na may mga problema yan.
Pagdating ng a-kinse at katapusan ng buwan ay palaging hinahabol ni Aleng Judith,
teka lang, kilala nyo po ba si Aleng Judith?—Ito yung Judith (due date) ng kuryente,
ng internet, ng loan at kung anu-ano pang Judith. Meaning to say, hindi man siya
saganang-sagana materially, pero masaya pa rin.
- Bakit nga ba naman hindi tayo makukuntento samantalang yung buhay ni Kristo ang
siyang mismong buhay na dumadaloy sa ating pagkatao. Yung power ni Jesus, siya
ring power na kumikilos sa ating buhay. Kaya walang puwang ang maiinggit,
magreklamo bagkus may dahilan pa rin tayo na magpuri at magpasalamat sa Kanya.
Efeso 5:20 Lagi kayong magpasalamat sa Diyos at Ama dahil sa lahat ng bagay, sa
pangalan ng ating Panginoong Jesu-Cristo.
- Sa totoo lang, sa ating panahon maraming mga tao ang hindi kuntento, ito yung mga
taong meron na ngunit gusto pa na yung pag-aari ng iba ay angkinin din. Hindi
makuntento sa itsura, nagpa-opera na ng nagpa-opera, pero di pa rin masaya sa
resulta. Pansinin nyo po, maraming mga tao na willing gumastos sa pagpapaganda
ng itsura, pero yung pagpapaganda ng ugali na libre naman ay walang may gusto.

II. A CONNECTED LIFE IS A FRUITFUL LIFE

- Dahil nga kunektado sa Vine, nagiging mabunga ang sanga. Take note, hindi porke’t
nasa sanga tumutubo ang bunga ay hindi na po mahalaga o balewala na ang puno.
Kaya ang sabi ng Panginoon, “apart from me, you can do nothing” totoo naman talaga
iyon, hindi nating pupuwedeng ipagmalaki ang mga achievements natin, dahil ang
lahat naman ng nasa atin ay mula sa Diyos.
- Ang isang mabungang sanga, ito yung mga sanga na kung saan ay dumaan sa
tinatawag na “pruning process” meaning to say, ang pagtatagumpay sa buhay na ito
ay hindi lamang nangyayari overnight, kundi may pagdaraanan ka talagang hirap.
- But as long as willing tayo na magpasakop sa kalooban ng ating Ama, at first masakit
talaga yung mga tuyot na sanga ng kayabangan, ng pride, ng maling pakikipag-
relasyon, na alisin sa atin. Magre-react talaga tayo, but along the way mas
ipapaunawa Niya na kailangan talagang mawala ang mga iyon sa atin. Dahil kung
hindi, titiyakin ko sa inyo kailanman ay hindi talaga tayo mamumunga, sa halip na
maging mabunga, naging mabongga. Sa halip na maging mabunga naging
mabunganga, tsismoso at tsismosa pa rin, palaaway pa rin, nagger pa rin.
- Kumusta ba tayo sa loob ng ating mga tahanan?—Baka naman napaka-active natin
sa ating paglilingkod kay Lord pero nalilimutan nating kalingain ang ating mga mahal
sa buhay, may nakikita kaya silang bunga sa atin?—Hindi kaya, isa sa dahilan na
hindi natin sila maakay ay wala silang makitang bunga sa atin?

III. A CONNECTED LIFE IS AN OVERCOMING LIFE

- Ayaw ng Diyos na tayo ay palamuti lamang, na basta maging sanga lamang. The
Lord wants us to be an overcomer. Do not stop growing ang living, tulad ng damo,
pinudpod na, inapak-apakan pa, pero pag naulanan ang lupa ay nariyan na ulit. Giving
and continuously give, paano ba naman, habang kinukuhanan ng bunga ay patuloy
pa rin sa pagpo-produce ng panibagong bunga.
2 Pedro 3:18 Ayon sa kagandahang-loob ng Diyos, magpatuloy kayo sa paglago sa
kabutihan at sa pagkakilala sa ating Panginoon at Tagapagligtas na si Jesu-Cristo.
Sa kanya ang kapurihan, ngayon at magpakailanman! Amen.
- Whatever issues and problems we are facing right now, still, naririyan ang Diyos
hindi tayo kailanman iiwanan o pababayaan. Alam nyo kase, sa buhay na ito may
pagkakataon na bumagsak talaga tayo. During those times we are given a choice,
ano yun?—It’s either we give up or we get up.

S-ar putea să vă placă și