Sunteți pe pagina 1din 1

Amang Mapagmahal, Amang Mapaghangad

Nagkataong may dumating na Morong gerero mula sa Persya.

Huminto ito sa paglalakad at naghanap ng mapagpapahingahan. Tumayo na tila estatwa, tumingala, at


nagbuntung-hininga.

Nang mangawit na ay umupo sa isang puno, umiyak, at nag-isip na tila ba may isang bagay na nalimutan.

Hindi na sana maghihinagpis nang ganoon ang gerero kung ibang tao ang umagaw sa kanyang kasintahan
at hindi ang kanyang ama. Ayon sa kanya, kung ibang tao lang ito, dadanak ng dugo at walang sasantuhin
ang kanyang mga kagamitang pandigma.

Nasa ganitong sitwasyon siya nang marinig niya ang buntunghininga ng isang lalaking nakagapos.

Nagulat ang gerero nang marinig niya ang panaghoy ni Florante. Luminga-linga siya at nang walang
makita ay naghintay. ‘Di nagtagal, narinig na naman niya ang buntung-hininga. Lalo namang namangha
ang gerero sapagkat walang mag-aakala na may tao sa ganoong klaseng lugar. Lumapit siya sa
pinanggagalingan ng hinaing at nagmatyag.

Narinig niya ang kalungkutan ng lalaki sa pagkamatay ng pinakamamahal na ama. Ang pagkahulog nito sa
kamay ng taksil na si Adolfo na naging malupit sa kanyang ama na ubod naman ng bait. Nagugunita niya
kung paano pinagmalupitan at nilapastangan ng konde ang kanyang ama. Dinig na dinig ng gerero ang
pagdadalamhati ni Florante…

S-ar putea să vă placă și