Sunteți pe pagina 1din 4

Department of Education

Region III
Division of City of San Fernando
TELABASTAGAN INTEGRATED SCHOOL
City of San Fernando, Pampanga
S.Y. 2018-2019

A Detailed Lesson Plan in


Araling Panlipunan 10
Kontemporaryong Isyu

I. MGA LAYUNIN

A. Pamantayang Nilalaman

Ang mga mag-aaral ay may pag-unawa sa kahalagahan ng edukasyon tungo sa ikabubuti ng


kalidad ng pamumuhay ng tao, pagpapanatili ng kaayusang panlipunan at pag-unlad ng bansa.

B. Pamantayan sa Pagganap

Ang mga mag-aaral ay nakagagawa ng case study na tumatalakay sa mga solusyon tungkol sa mga
suliraning kinakaharap ng sistema ng edukasyon sa bansa

C. Mga Kasanayan sa Pagkatuto

LC 5: Natutukoy ang mga katangian na dapat taglayin ng isang aktibong mamamayan na nakikilahok sa
mga Gawain at usaping pansibiko (AP10ICC-IVe-6)

Mga Layunin:

1. Natutunton sa kasaysayan ang pinagmulan ng konsepto ng pagkamamamayan


2. Nabibigyang-kahulugan ang salitang mamamayan
3. Natutukoy ang katuturan ng pagkamamamayan (Citizenship) ayon sa Artikulo IV ng Saligang
Batas ng 1987

II. NILALAMAN

PAGKAMAMAMAYAN (CITIZENSHIP)

III. MGA KAGAMITANG PANTURO


A. Mga Sanggunian
1.Mga pahina sa Gabay ng Guro : Gabay ng Guro sa AP 10
2.Mga pahina sa Kagamitang Pang-mag-aaral (LMs) :
3 Mga Pahina sa Teksbuk (Other Ref) : Kayamanan 10 – Kontemporaryong Isyu
4. Karagdagang Kagamitan mula sa Portal ng LM :
5.Iba pang Kagamitang Panturo : http://www.youtube.com/watch
Powerpoint Presentation

IV. PAMAMARAAN
1. Panimulang Gawain

A. Pagganyak : AWIT-SURI
Pakinggan ang awiting “ Ako’y Isang Mabuting Pilipino” ni Noel Cabangon. Ito ay isang awiting
tungkol sa katangian ng isang mabuting mamamayan. Ang pagsusuri ng awiting ito ay akma
upang mapukaw ang interes ng mga mag-aaral tungkol sa paksa ng pagkamamamayan

Pamprosesong Tanong:

1. Anu-ano ang katangian ng isang mabuting Pilipino ayon sa awitin?


2. Sinu-sino ang itinuturing na mamamayang Pilipino?
3. Bakit dapat maisakatuparan ng isang mamamayan ang kaniyang tungkulin at pananagutan?
4. Paano makatutulong ang mamamayan sa pagsulong ng kabutihang panlahat at
pambansang kapakanan?

B. Paghahabi sa layunin ng aralin/ Pag-uugnay ng mga halimbawa sa bagong aralin

1. Ibigay ang kahulugan ng Pagkamamamayan

Pagkamamamayan
Citizenship

C. Pagtalakay ng bagong konsepto at paglalahad ng bagong kasanayan


1.
1. Sa inyong palagay, bakit kaya mababa lahat ang achievement rate ng mga mag-aaral?
2.Ano ang maaaring gawin upang mapataas ang achievement rate ng mga mag-aaral?

2. Panlinang na Aralin: COLLABORATIVE APPROACH


(Pangkatang Gawain) Pangkatin ang grupo sa lima(5). Bawat pangkat ay mag-uulat tungkol sa
kahalagahan ng edukasyon tungo sa ikabubuti ng kalidad ng pamumuhay ng tao, pagpapanatili
ng kaayusang panlipunan, at pag-unlad ng bansa. Magmungkahi ng mga pamamaraan na
makatutulong sa pagpapataas ng kalidad ng edukasyon sa pamayanan at bansa. Pag-usapan sa
pangkat ang magiging paraan ng kanilang pag-uulat. Pumili ng pinuno ng pangkat na siyang mag-
uulat sa klase. 5 minuto ang ibibigay sa klase upang talakayin ang paksa sa kanilang pangkat at 3
minuto para sa pag-uulat. Isulat sa Manila paper.

D. Paglalahat ng Aralin
1. Ano ang pinakamabisang paraan para tumaas ang kalidad ng edukasyon sa ating bansa?
Magmungkahi ng mga pamamaraan
2. Paano ka makatutulong sa pagpapataas ng kalidad ng edukasyon sa pamayanan at bansa?
E. Takdang-Aralin
1.Pangkatang Gawain: School Up Close: A Research Study
Pumili sa mga sumusunod na salik na nakakaapekto sa kalidad ng edukasyon. Isagawa ang
pasasaliksik sa inyong paaralan at iuulat ito sa klase:

1. bahagdan ng bilang ng mag-aaral at bilang ng mga silid-aralan. 2. bilang ng mga guro na


nagtuturo ng kanilang pangunahing asignatura at bilang ng mga guro na nagtuturo na hindi linya
ng kanilang pangunahing asignatura. 3. bahagdan ng mga aklat sa bilang ng mga mag-aaral 4.
bahagdan ng mga kagamitan sa laboratory sa pagtuturo ng agham sa bilang ng mga mag-aaral 5.
bahagdan ng mga kagamitan tulad ng kompyuter, makinang pantahi, kagamitan sa agrikultura,
mga gamit sa sining at pagguhit sa bilang ng mga mag-aaral

Balangkas ng Research Paper: I. Pamagat II. Panimula III. Nilalaman IV. Paglikom ng Datos V.
Kongklusyon VI. Rekomendasyon/ Mungkahi

Inihanda ni: Binigyang-pansin ni:

ANA LIZA J. REODIQUE NANCY N. GAMBOA


Guro sa A.P. 10 Principal I

Rubric sa Pagtulong sa Pagpapataas ng Kalidad ng Edukasyon sa Pamayanan at Bansa


Pamantayan 50 40 30 20
Lubhang Makabuluhan at Hindi gaanong Hindi
makabuluhan at wasto ang makabuluhan at makabuluhan ang
Makabuluhan wasto ang mensaheng wasto ang mensaheng
mensaheng binigyan ng mensaheng binigyan ng
binigyan ng interpretasyon binigyan ng interpretasyon
interpretasyon interpretasyon
Lubhang Makatotohanan at Hindi gaanong Hindi
Makatotohanan at makatotohanan at kapani-paniwala makatotohanan at makatotohanan at
kapani-paniwala kapani-paniwala ang mga kapani-paniwala kapani-paniwala
ang mga impormasyon ang mga ang mga
impormasyon impormasyon impormasyon
Maayos ang Maayos ang Hindi gaanong May kalabuan ang Malabo ginawang
Presentasyon ginawang maayos ang ginawang presentasyon
presentasyon ginawang presentasyon
presentasyon
Angkop na angkop Angkop at wasto Hindi angkop at Maraming
Malinaw ang at wasto ang mga ang mga ginamit wasto ang kamalian sa
naipahayag ginamit na mga na mga salita at karamihan sa mga paggamit ng mga
salita at mga mga pahayag ginamit na mga salita at pahayag
pahayag salita at mga
pahayag
Nakahihikayat Nakahihikayat ang Bahagyang Hindi
Makahihikayat nang lubos ang ginawang gawain nakahihikayat ang nakahihikayat ang
ginawang gawain ginawang gawain ginawang gawain

2014-2015 2015-2016 2016-2017


Secondary Grade VI Grade VI Grade VI
Achievement Rate 45.56% 47.93% 48.90%
(MPS)3
Mathematics 39.64% 42.00% 46.37%
Science 43.80% 39.35% 40.53%
English 46.95% 46.45% 51.80%
Araling Panlipunan 39.32% 52.30% 54.22%
Filipino 58.08% 58.39% 51.27%

S-ar putea să vă placă și