Sunteți pe pagina 1din 5

Ipaliwanag ang susunod na sipi mula sa "Responsibility for the Other" (yung interview format na

babasahin) sa konteksto ng mga kaganapan sa pelikula.

"It is I who support the Other and am responsible for him. One thus sees that in the human subject, at
the same time as a total subjection, my primogeniture manifests itself. My responsibility is
untransferable, no one could replace me. In fact, it is a matter of saying the very identity of the human I
starting from responsibility, that is, starting from this position or deposition of the sovereign I in self-
consciousness, a deposition which is precisely its responsibility for the Other. Responsibility is what is
incumbent upon me exclusively, and what, humanly, I cannot refuse. I am I in the sole measure that I
am responsible, a non-interchangeable I." (pp. 100-101)

Calasanz:
- Ang mukha ay isang metonymy ng loob, hindi lamang ng pisikal
- Epiphany: daliang pagpapakita; a surprise  natatauhan
- It’s the other who is now the center  may decentering pag tinitingna ka
- Mukha lang ang kayang tumingin sa’yo
- When I see the face = you shall not kill; represent pananagutang moral sa iyong kapwa
o Wag patayin ang pagatao niya; leave him alone
- Realized there is an other who exists—someone you can’t reduce to your enjoyment (edna
forcing
- Sa kabila ng pagkahon natin sa iba, pumalag siya at ipinamukha niya kung gaano kakupal
ang ginawa natin kahit maganda ang intension (galit ba kayo dahil bobo ako?)
- Epiphany of the face: pagresist sa friction
- 2 aspeto ng mukha (katas-taasa/dukkha): a commandment and a plea
o Paradox: mas mahirap patayin ang mas madaling patayin (vulnerable); may sense of
guilt
- When Isaiah saw the Lord, he first felt “bakit ka sa akin nagpapakita?”
o Awareness of his unworthiness because he is a sinner
- The face of the other empowers you to speak on its behalf
- 2 phrases to explain responsibility for the Other
o Me voici—Here I am/Narito ako  Availability
o Aprés vous—Ikaw muna  Sacrifice (inutusan ka ng mukhang paunahin sila)
 Hindi ako nagtitimbang ng pananagutan batay sa atin sitwasyon

Levinas:
- All we think about is ourselves (egology)
- Ang kaya mo lang angkinin ay ang kaya mong kilalanin
o Ang kasya lang sa mundo mo
- Violence: cloning yourself through others
o When you find a partner, hindi ka na nag-iisa, dalawa ka na
- Violence of possessing something: ang mundo mo ay mundo niya rin; ikaw nagdidikta ng
hangangn ng pag-aari mo
- The idea of infinite cannot capture infinite itself because it is an infinite
o Face of the other is comparable to the infinite = hiwalay siya sa’yo at hindi mo siya
kilala nang buo
- You do good things because there’s an other; giving is not always caring especially when
they did not ask for it (ka-durang)

The Face
- Violence streams from the blindness of the face
- Sense of otherness comes from a personal encounter with the other  “natatauhan ka”
o Without the experience of pure otherness, you cannot get out of conatus essendi
- Natural tendency of the self is to reduce the others, but ephiphany of the face realizeds
that I cannot reduce the other to my perception or idea of the other  hiwalay sa’yo
o Hindi tumutugma ang pagtingin ko sa kanya pati ang pagka-siya niya
o If not perception, what is my relationship with the other? ETHICAL.
o “Check yourself”, there is a command
o Awareness that whatever I have, it is my responsibility to share
- THE FACE: hindi lamang ang mukha, pero tumutukoy sa utos at pagsusumamo na huwag
pumatay
- Best way is not to notice the accidents of the person, but to “see” him as a person (ka-
durang)

An Exercise of Desire
- Ethics is made possible sa pagkilala ng pagiging iba (recognition of otherness)
- Epiphany of face: contront otherness
- Sa desire, may pagnanasang kilalanin ang other as other not how you would know the other
o The more you know, the more you realize there is more to know
o You wanna explore the mystery of the other
o The other is renewed each time
o When you get used to the idea of someone, you kill someone
- Infinite responsibility: magpapakakukpal ka ba o magpapakatao ka na?
- Laging bago ang kapwa sa matang ethical
- Sound is an ethical command and makes you pay attention
o The way the words are delivered not the words themselves is an experience of
TOTAL OTHERNESS (Helena talks)
- You understand that someone is an urepeatable work of nature, so unique ang pananagutan
for them
- The world you live in is where you all you hear is your voice (stressed mom, bad words of
dad)
- A quiet life is a violent life. Bakit di ka nababahala sa kapakanan ng iba outside your
bubble? You can either
o Tugunan, pero you couldn’t go without feeling guild or bothered  magbubulag-
bulagan at bingi-bingihan sa boses ng iba (ka-duray/wheelchair dude)
o Choose to be responsible
- Being responsible for others is also like being responsible for yourself  be useful.
o Di sapat na mabait ka lang. kailangan may pakinabang (ma-effort maginifico)
- To refuse responsibility is to revert into being an ego (walang dimensyong moral; inhumane)
- Pag pinili ko ba, kaya kong tumindig at panindigan? Tumugon nang may tapang at lakas ng
loob
- We easily lose ourselves in the face of fear/madaling bumitaw  we lose our humanity
(edna always thinking abt death)
- To be responsible is not to obligate the other to be responsible for you (wala raw
pakinabang si miong)
- Pag tinatawag ka, iniistorbo ka  pero pag naistorbo ka, doon ka nagiging ikaw
o KUNG GUSTO MONG MAGING TAO, DAPAT HANDA KANG MAISTORBO
161157 PH 102 – I
LEYBLE, Ma. Victoria Danicita A. Leyble Unang Mahabang Pagsusulit

Magnifico: Sa Pagpapakatao
Makikita sa pelikulang Magnifico ang ating responsibility for the Other at kung paano nito
binubuo ang ating pagpapakatao sa pamamagitan ng mga naging mabubuti at masasamang
karanasan ng mga tauhan doon, lalo na ang kanilang mga karanasan sa harap ng mukha ng iba.
Ayon kay Levinas, mayroong dalawang kasabihang Pranses na nagpapahayag ng kung ano
ang responsibility for the Other: Una ang Me voici! na nangangahulugang “Narito ako.” Pangalawa
ang Aprés vous na ang ibig sabiin ay “Ikaw muna.”1 Tatalakayin sa sanaysay na ito ang kung paano
naaangkop ang dalawang kasabihang ito sa mga naging gawain at tugon ng mga tauhan sa pelikula.
Mula rito, sisisirin natin kung bakit tayo mayroong responsibilidad na ito at kung ano ang
kinalaman nito sa ating pagkatao.
Ipinakikita sa Me voici ang availability ng isang tao—ang kanyang pagkanandirito. Sa buong
pelikula, kapansin-pansin ang pagkanandirito ni Magnifico para sa mga taong nakakasalamuha
niya—si Helena, ang kanyang kapatid na may cerebral palsy, ang kanyang lolang inaasahan nilang
malapit nang mamatay, ang kanyang nanay na inaasahan siyang atupagin ang mga gawaing bahay,
pati na rin si Ka During, ang matandang paos na lagi siyang sinisigawan at pinalalayas. Masasabi
nating hindi madaling pakisamahan ang mga taong ito, subalit pinili ni Magnificong manatili sa tabi
ng mga ito at iparamdam sa kanilang nariyan siya at ni hindi isang beses niyang naisip na iwanan
ang mga taong ito sa kabila ng kanilang paghihirap sa buhay.
Sa kabilang dako, ipinakikita naman sa Aprés vous ang sakripisyo ng isang tao para kanyang
kapwa, sa Other—na sila dapat ang nauuna. Sa pelikula, naipakita ito ni Magnifico sa mga
pagkakataon kung saan inuna niya ang pangangailangan ng iba kaysa sa kanya. Sinikap niyang
gawan ng kabaong ang kanyang lola at nag-ipon para sa kanyang medisina, gumawa ng paraan para
mapadali ang pag-inom ni Helena, at gumawa siya ng inumin para kay Ka During upang
guminhawa ang kanyang sakit sa lalamunan. Maliban dito, naipakita rin ang “Narito ako” sa
pelikula sa pamamagitan ng pagsama ng kaibigan ni Magnifico sa lahat ng kanyang mga “errands”.
Sinamahan niya si Magnifico sa pagbenta ng tubig at juice sa perya, sa pagkuha ng mga kahoy, at
marami pang iba.
Subalit, bakit ba tayo mayroong responsibilidad para sa iba? Ano ang tumutulak sa atin
upang tugnan ang responsibilidad na ito? Para masagot ang mga ito, kailangan nating balikan ang

1
Eduardo Jose Calasanz, Ethics with a Human Face, n.d.
talakayan ni Levinas tungkol sa mukha. Ayon sa kanya, “[…]the face is not “seen”. It is what
cannot become a content, which your though would embrace; it is uncontainable, it leads you
beyond”2 at inihahalintulad niya ang ideya ng infinite o kawalang-hanggan sa mukha sapagkat hindi
natin kayang maintindihan nang buo ang infinity sapagkat ito ay infinity at sumasaibayo ito sa ating
ideya nito. Gaya nito, sa ating pagharap sa mukha ng iba, kinikilala nating hiwalay siya sa atin at
hindi natin siya kayang kilalanin nang buo. Paminsan, ugali ng mga taong isipin lamang ang kanilang
sarili, at dahil dito, may mga pagkakataon kung saan nakakahon natin ang ibang tao ayon sa kung
paano natin sila pinipiling kilalanin at hindi sa kung sino sila talaga. Sa pelikula, mula noong
malaman nilang may cancer si lola, wala nang ibang inisip at sinabi si Edna kung hindi gaano
magiging pabigat si lola sa gastos—panggastos sa gamot upang siya’y mabuhay at panggastos sa
panlibing kung siya ay mamatay. Ikinahon niya si lola bilang isang abala, kaya noong narining ito
ng asawa niya, pinagsabihan siyang huwag agad patayin ang nanay niya at alalahaning siya rin ang
nag-alaga sa kanya noong bata pa siya. Sa halimbawang ito, hindi natin tiyak na masasabing hindi
ni Edna kinilala ang kanyang responsibilidad na alagaan si lola sapagkat kung hindi niya ito kinilala,
sana ay hindi siya nag-alala sa gastusin. Subalit kahit na alam niyang mayroon siyang
responsibilidad, sa loob-looban niya, maaari nating sabihing tinatanggihan o refuse niya ang
responsiblidad na ito (na makikita sa kanyang pag-angal). At sa pagtangging ito, bumabalik tayo sa
pagiging isang ego, walang dimensiyong moral—hindi tao. Tumitira ka sa isang tahimik na mundo,
isang mundo kung saan ang naririnig mo lang ay ang sarili mong boses.3
Sinasabi rin ni Levinas na ang ating relasyon sa iba ay “ethical”4 kung saan ang presensya
ng iba ay inuutos tayong alalahaning “may tao” roon. Dahil ang mukha ay isang metonymy ng loob
ng tao (at hindi lamang ang pisikal na katangian)5, kapag tayo ay nakatagpo o nasa harap ng isang
mukha, mayroon itong sinasabing utos at pagsusumamo na wag pumatay.6 Hindi lamang ang literal
na pagpatay ang tinutukoy rito, kung hindi ang pagsaaalang-alang sa kapakanan ng mga tao sa
paligid natin sa ating bawat desisyon. Sa pelikula, kung babalikan natin ang naging karanasan ni
Edna sa pag-asikaso kay Helena, may isang pagkakataon kung saan pinipilit niyang sabihin ni
Helena ang salitang “nanay” kahit nasasaktan na siya, hanggang sa pinigilan siya ni Magnifico. Siya
ay tumigil at masama ang naramdaman niya. Sa pagpigil ni Magnifico, tsaka napagtanto ni Edna na
mayroong “other” na umiiral, at siya ay isang taong hindi mo kayang i-reduce para sa sarili niyang

2
Emmanuel Levinas, The Face, 1984
3
Jacklyn A. Cleofas, An Ethics of Desire, n.d.
4
Emmanuel Levinas, The Face, 1984
5
Eduardo Jose Calasanz, Ethics with a Human Face, n.d.
6
Emmanuel Levinas, Philosophy and the Idea of the Infinite, n.d.
kaligayahan o kaginhawaan. Ito ang tinatawag nating “epiphany of the face”7 kung saan natatauhan
tayo sapagkat kinikilala at hinaharap nating ang otherness sapagkat alam mong hindi ka nag-iisa at
mayroong mga maaaring masaktan.
Sa epiphany of the face, nararanasan ito kapag ang ating ideya ng isang tao ay hindi
tumutugma sa pagka-siya niya. Sa pamamagitan ng ating personal na engkwentro sa isang tao,
sumisilid sa isip natin ang sense of otherness na ito. Kung wala ito, hindi tayo makakawala sa ating
conatus essendi o ang self-preservation ng tao.8 Subalit sabi rin ni Levinas na “In facing an Other
who is radically different, one begins to be drawn out of oneself. […] this is the beginning of
desire: a movement away from self-preoccupation.”9 Mula rito, sa ating pagharap sa Other,
tinatawagan tayong mabahala sa kapakanan ng ibang nasa labas ng sarili nating mundo. At sa ating
pagharap sa Other, maaari tayong: una, manatiling magbulag-bulagan at mabingi-binghihan sa
boses na iba. O pangalawa, maaari rin nating piliing maging responsable. Sa una, isang halimbawa
si Mang Domeng kung saan matagal niyang hindi pinapansin ang hiling ni Magnificong hiramin
ang wheelchair ng kanyang kakapanaw lang na ina. Parati niyang sinasagot si Magnifico ng presyo
ng wheelchair. Subalit, sa bandang huli ng pelikula, nang nakita na niya ang mukha ni Helena sa
perya na siyang dahilan kung bakit kinailangan ni Magnifico ang wheelchair, natauhan siya at pinili
niyang maging responsable para sa iba. Pinatawag niya si Magnifico (bago ito mamatay) na
maaaring nangahulugang pumapayag na siyang pahiramin ang wheelchair sa kanya.
Sa pagpili nating tumugon, kailangan din nating tanungin ang sarili nating kung kaya ba
nating tumindig at panindigan ang ating responsibilidad, kung may sapat tayong tapang at lakas ng
loob. Sapagkat sa harap ng takot at kaba, mabilis tayong bumibitaw at nawawala tayo sa sarili natin.
Pag pinili nating tumugon sa tawag ng responsibilidad para sa kapwa, pinipili rin nating maistorbo
tayo. Gaya ni Magnifico, pinili niyang maistorbo sa pangangailangan ng iba nang sagutin niya ang
tawag ng pagiging reponsable para sa kanyang pamilya, pati na rin sa mga taong malayo sa kanya
(gaya ni Ka During). Mayroong mga pagkakataon kung saan nakaranas siya ng pagkatalo gaya
noong gabi kung saan hindi siya nakapag-ipon dahil naunahan siya sa pagbenta ng tubig at juice
pati noong nakita niyang hindi niya makukuha ang wheelchair para sa kapatid niya. Subalit, sa harap
ng lahat ng ito, patuloy pa rin siyang nagsumikap at hindi nawalan ng pag-asa. Sa paggawa nito,
pinili niyang magpakatao dahil handa siyang maistorbo. At sa patuloy niyang pagpapaistorbo, siya
ay mas nagiging siya—mas nagiging isang tao.

7
Eduardo Jose Calasanz, Ethics with a Human Face, n.d.
8
Emmanual Levines, Philosphy and the Idea of the Infinite, n.d.
9
Jacklyn A. Cleofas, An Ethics of Desire, n.d.

S-ar putea să vă placă și