Documente Academic
Documente Profesional
Documente Cultură
CITY OF MANILA
Office of the Barangay Chairman
BARANGAY 112, ZONE 9, DISTRICT 1
PROGRAMME
Part 1: PRELIMINARIES
Opening Prayer
National Anthem
Awit ng Barangay
Entourage of Newly Graduate Students for Certificate of Recognition
LUPON Members
TANOD
STAFFS
Kag. Crispino Jrnen P. Rosas- Chair. Peace & Order & Appropriation
Kag. Kate III M. Corpus - Chair. on Human Rights
Kag. Domiciano G. Espares - Chair. on Infrastructure & Obstruction
Kag. Leticia C. Boncan - Chair. on Women & Family (VAWC)
Kag. Romeo B. De Leon - Chair on Ways & Means
Kag. Mark Christian Narvaez - Chair on Clean & Green
Kag. Benjamin C. Duro - Chair on Healt & Social Welfare
SK Chairperson:
Mark Anthony G. Silvestre- Education & Information Committee
Accomplishments:
Programs/Projects/Activities
Clearing Operation
Obstruction
Illegally parked vehicles
April 6, 2019
9:00 a.m.
In-front of Barangay Hall
Attendees: 252
Sinimulan ang Asembliya sa panimulang bati ni Punong Barangay Nenita P. Rosas sa mga nagsidalo.
Kabilang din sa mga dumalo ang mga natatanging panauhin mulas ibat-ibang ahensya ng gobyerno. Mula sa
DPS Mam Josie Layug, pinaliwanag nya ang oras at araw ng dating ng truck ng basura. Na hanggat maaari ay
huwag muna ilabas ang ang kanilang mga basura sa loob ng kanilang bahay hanggat hindi pa dumarating ang
truck upang hindi ito kumalat sa kalsada. Dumating din sa asembliya ang si Minerva Olazo, representante mua
sa Health Center at ipinaalam nya ang ibat ibang programa para sa Senior Citizen. Programang Libreng Anti
Flu-Vaccine, at libreng gamot para sa kanilang maintennance.
Pinarangalan din ang mga nagtapos na mag-aaral mula sa Kolehiyo, ginawaran sila ng medalya at
mga sertipiko.
Pinakilala ni P/B Nenita P. Rosas ang kanyang mga Kagawad, LUPON, TANOD, Street Sweepers,
BHW, Staffs.
Dumako na ang usapin sa mga proyektong nagawa sa unang semester ng taon. Kabilang sa mga ito
ang mga sumusunod:
Fogging- (Kontra Dengue)
Bakuna Kontra Tigdas
Clearing Operation (Obstruction)
Declogging
Pag-aayos ng mga basag na Cover Canal
Street lights
Improvement ng CCTV Camera
Maintennance of Public Address System.
Tinalakay din ni P/B Nenita P. Rosas ang Barangay Anti-Drug Abuse Council accomplishment. Na
hanggang ngayon ay may isinsagawang Mind Set Program sa mga biktima ng illegal na droga. Pagdalo sa
mga seminar na isinagawa ng ahensya ng PDEA NCR. Dagdag kaalaman para matulungan ang mga taong
gumagamit na iligal na droga. Nagsagawa din ng Barangay Drug Clearing Seminar Workshop para sa mga
miyembro ng BADAC. Hinikayat ni Punong Barangay ang mga tao na dumalo sa seminar ang mga biktima ng
iligal na droga upang hindi na sila maisali sa drug watchlist.
Pinaalam ni P/B Nenita P. Rosas ang mga programa ng Barangay kabilang dito ang dagdag CCTV
Camera dahil may mga humiling na gusto nila malagyan ng Camera ang lugar nila dahil madalas sila
nanakawan at para mamonitor na rin ang mga taong labas na nagbebenta ng iligal na droga.
Street lights, paghlilinis ng kanal, Clean & Green project.
At sa nalalapit na Semana Santa ay magkakaroon ng Pabasa, at kung sino ang nais na makilahok ay
magtungo lamang sa barangay.
Sa mga karagdagan at katanungan ay inilatag ni P/B ang hapag para sa mga nais magtanong, wala ng
nagtanong mula sa mga nagsidalo.Nagpasalamat si P/B Nenita P. Rosas sa lahat ng mga dumating at
nagtapaos ang nasabing asembliya sa pagbibigay ng bigas sa lahat ng nakilahok.