Sunteți pe pagina 1din 2

Amaterasu

Ayon sa Kojiki, noong unang panahon, ang mag-asawang Izanagi at Izanami ay masayang
nagsasama. Sila ang diyos at diyosang responsible sa paglikha ng kapuluan ng Japan. Nagkaroon
sila ng walong anak. Sa kasamaang palad, nasawa sa panganganak si Izanami sa bunsong si
Kagutsuchi. Dahil sag alit, piñata ni Izanagi ang sanggol.

Nalungkot nang husto si Izanagi sa pagkawala ng asawa kaya’t pinuntahan niya ito sa Yomi, ang
madilim na lupain ng mga patay. Natagpuan niya si Izanami at pinilit na isama pabalik sa
kanilang tahanan sa daigdig ng mga buhay. Pumayag ang diyosa subalit nagsabi itong
mammahinga na muna sa kanyang silid.

Nainip sa paghihintay si izanagi kaya’t lihim niyang pinuntahan ang asawa. Pagpasok niya sa
kuwarto, tumambd sa kanya ang naaagnas at iinuuod na katawan ng dating maganda at kahali-
halinang si Izanami. Napatakbo sa takot si Izanagi at nagmamadaling nilisan ang Yomi.

Pagdating ni Izanagi sa kanyang tirahan, agad niyang nilinis ang sarili. Nang siya ay naghilamos,
isang diyosa at dalawang bathala ang lumabas mula sa kanyang mukha. Si Amaterasu-omikami,
ang diyosa ng araw, ay nanggaling sa kanyang kaliwang mata. Si Tsukuyomi, ang diyos ng buwan
ay nagmula naman sa kanang mata ni Izagani. Lumabas sa ilong si Susanoo, ang diyos ng bagyo
at dagat. Itinalaga ni Izagani ni Amaterasu na mamuno sa kalangitan at ipinagkaloob ditto ang
sagradong kuwintas niya. Nagalit si Susanoo sa ginawang ito ng ama. Nagreklamo ito at dahil
doon, pinarusahan siya ni Izanagi. Sa halip na [amunuan ang katubigan, ipinatapon niya si
Susanoo sa Yomi. Bago umalis, nagtungo siya sa kalangitan upang umano’y magpaalam kay
Amaterasu.

Gayunpaman, naghihinala si Amaterasu na nais lamang ng kanyang kapatid na agawin ang


kanyang kaharian kaya’t pinaghandaan niya ang isang digmaan. Dala ang sandatang busog at
palaso, naghamon siya ng pakikipagtunggali at pumadyk sa mundo na nasa kanyang paanan.
Sinabi ni Susanoo na wala siyang balak agawin ang kapangyarihan kay Amaterasu at sa halip ay
sinabi niyang patunayan nila kung sino ang lubos na makapangyarihan sa pamamagitan ng
paglikha ng mas maraming diyos.

Sinimulan ni Amaterasu ang tunggalin sa pagbali ng espada ng kapatid sa tatlo; nginuya niya ito
at inuluwa. Lumabas ang ulap mula sa kanyang bibig at nabuo ang tatlong diyosa. Kinuha ni
Susanoo ang kuwintas ng buhay na nakatali sa buhok at braso ni Amaterasu. Kinagat niya ang
beads ng kanyang ngipin at mula rito ay lumabas na limang diyos. Ipinahayag ni Susanoo ang
kanyang pagkapanalo subalit hindi pumayag ang kapatid at sinabing siya ang nanalo dahil
nagmula ang mga ito sa kanyang alahas. Hindi pinansin ni Susanoo ang pagtutol ni Amaterasu at
sa halip ay nagdiwang ito sa pamamagitan ng pagdadala ng napakalaking kasiraan sa daigdig.
Winasak niya ang mga palayan at ang mga irigasyon ng tubig. Nagalit nang lubusan si
Amaterasu nang balatan ni Susanoo ang isang kabayo at ihagi ito sa lugar kung saan naghahabi
ang kapatid at kanyang mga utusan. Isa sa mga utusan ni Amaterasu ang namatay sa matinding
takot. Dahil sa pangyayaring ito, idagdag pa ang ginawa ni Susanoo sa kabayo na itinuring na
sagrado ng diyosa, nagpupuyos sa galit na umalis si Amaterasu at nagtago sa kuweba ng
Iwayado. Bunga nito, binalot ng kadiliman ang buong daigdig.

Ang mga diyos ng kasamaan ay lubos na nagdiwang dahil magagawa nila ang masasamang
balak nang hindi makikilala. Ngunit ang mabubuting diyos ay nakiusap sa diyosa ng araw na
bumalik na sa daigdig ngunit hindi sila pinakinggan nito. Nagplano ang mga diyos at diyosa.
Nakakita sila ng tatyaw na tumitilaok sa pagbubukang-liwayway. Gumawa sila ng salamin sa
pamamagitan pagsasabit ng mga hiyas. Pagkaraang maihanda ang tatyaw at salamin sa labas ng
kuweba ni Amaterasu, pinakiusapan nila ang diyosa ng bukang-liwayway na si Ameno-uzume na
sumayaw nng pabaligtad.

Nagsimulang tumilaok ang tatyaw at sumayaw ang diyosa, ang kanyang paa’y lumikha ng
napakalakas na ingay. Hanggang sa madala ang diyosa ng kanyang sayaw at hinubad ang
kanyang kasuotan. Lahat ng mga diyos na lalaki ay nagtawanan. Hindi napigilan ni Amaterasu
ang sarili na usisain ang nagyayari kaya’t lumabas siya. Bumungad sa kanya ang sariling anyo sa
salamin at nabihag siya ng kanyang sarili. Noon lamang niya nakita ang kanyang maringal na
kagandahan. Nawala ang kalungkutan ni Amaterasu. Muli niyang niliwanagan ang daigdig at
nakipamuhay muli.

S-ar putea să vă placă și