Sunteți pe pagina 1din 1

Ama

Biyaya ngang turing ang ‘yong pagkalinga.


Pagmamahal sa’yo ay ‘di magsasawa.
Bayani kang tunay; aking dinakila.
Ikaw ang lakas na makamit ang nasa.

Kawangis mo’y ilog, sa patuloy na lakas.


Dahil mo lamang na kami ay umangat.
Ikaw ay sandal, para kami ay tumatag.
Sa ‘yong salita kami’y napapanatag.

Madilim ang daan, kung ‘di ka tumaliba.


Kung wala ‘yong gabay kami’y mawawala.
Sa bawat landasin na aming haharapin.
Batid ko na ikaw ang magiging tulay naming.

Ama kong masipag kami ay nalulugod.


Kaya pagmamahal na labis an gaming handog.
“Di mapapantayan ang pag-ibig na taos.
Mananatili ito kahit araw pa ay lumubog.

S-ar putea să vă placă și