Sunteți pe pagina 1din 5

Mga Gunita ng Himagsikan

By: Emilio Aguinaldo

This section focuses on the memoir written by General Emilio Aguinaldo which narrates
significant events his life and career from 1928 to 1946. The memoir tells the life of Aguinaldo
from his early years up to the 1897 Treaty of Biak-na-Bato,

Background of the Author


Emilio Famy Aguinaldo Sr. was born on March 22, 1869 in Kawit, Cavite. He was the sevent
among the eight children of Carlos Jamir Aguinaldo and Trinidad Famy-Aguinaldo. Aguinaldo’s
family was well off since his father was the community’s appointed gobernadorcillo of their
pueblo.

Emilio attended high school at the Colegio de San Juan de Letran but had to stop on his fourth
year because of his father’s death. He then took responsibility of helping his mother run their
farm. In 1895, at the age of 25, he became Kawit’s first “gobernadorcillo capitan municipal.”
Aguinaldo became a Freemason during this year, joining Pilar Lodge No. 203, Imus, Cavite with
the codename “Colon.” He also joined the Katipunan and used the nom de guerre “Magdalo” in
honor of Mary Magdalene.

Aguinaldo would later become the first and youngest President of the Country by being President
of the First Philippine Republic. His presidency was cut short when he was captured by the
American Soldier in Palanan, Isabela where he pledged his loyalty to the American Government
thus dissolving the First Republic. He tried to rejoin politics by challenging Manuel L. Quezon in
the 1935 presidential election but he lost, leading him to retire from public life. Nevertheless,
Aguinaldo continued to serve the government politically under the succeeding administrations.
President Elpidio Quirino appointed him as member of the Philippines Council of State in 1950.

Emilio Aguinaldo died of coronary thrombosis on February 6, 1964. He was 94 years old. In his
lifetime, he was able to witness the administration of succeeding presidents of the Philippines
until the term of President Diosdado Macapagal.

Historical Background of Mga Gunita ng Himagsikan


Aguinaldo produced the first volum of his memoirs between 1928 and 1946. The memoirs
include account from Aguinaldo’s birth and early years until the signing of the Biak-na-Bato
Treaty in 1897. These were based on various documents such as diary Aguinaldo kept,
documents he preserved and, family lore he personally gathered from his relatives. It was at the
end of 1963 hat, after much deliberation, decided to publish his memoirs. It was translated by
Luz Colendrino Bucu, the Secretary of the Graduate School of Education and Faculty member of
the University of the East. Mga Gunita ng Himagsikan was officially released to the public in
1967.

Nevertheless, it was presumed by Amberth Ocampto (2017), that a second volume was also
drafted by Aguinaldo, which could have covered the resumption of the Philippines revolution
against Spain and Philippine-American War. Until now, no one know whether it was actually
written but Ocampo hints that it might be hidden in a secret compartment, drawer, or passageway
in the Aguinaldo Shrine in Kawit, Cavite.

PAGHIRANG SA SUPREMO BILANG HARI DAKILANG PARANGAL SA


PAGDATING NG SUPREMO

"Nang matapos ang masayang pagpapaalaman, ang Supremo at mga kasamahan, ay sumama na
sa Pamunuan ng Magdiwang. Gayon na lamang ang karingalan at kasayahang naghari sa
pagsalubong na ginawa ng mga bayang kanilang pinagdaanan. Sa hanay na may siyam na
kilometro ang haba, mula sa Noveleta, hanggang sa San Francisco Malabon, ang lahat halos ng
mga bahay ay may mga palamuting balantok na kawayang kinaskas at pinalamutihan ng sari-
saring watawat, tanda ng maringal na pagsalubong at maligayang bati sa dakilang panauhin.

Isang kilometro pa lamang ang agwat bago dumating sa kabayanan ng San Francisco de
Malabon, ang Supremo Andres Bonifacio, sinalubong agad ng isang banda ng musika at nang
nasa pintuan na ng simbahan at nirupiki ng gayon na lamang ang kampana.

Ang malalaking aranya at dambana sa loob ng simbahan ay pawang may sindi ng ilaw. At ang
kurang Tagalog na si Padre Manuel Trias, saka ang "Pallo," ay naghihintay naman sa mga
panauhin sa pintuan ng simbahan, at pagkatapos ay kumanta ng Te Deum, hanggang sa dambana
na kaakbay ang mga panauhin. Pagkatapos ng ganyang parangal sila'y itinuloy sa bahay ni
Binibining Estefania Potente.

PAGHIRANG SA SUPREMO BILANG HARI


Isang paglalarawan kay Bonifacio bilang "Ang Haring Bayan". Sulat kamay mismo ni Bonifacio
ang titolo at lagda na hango sa "Acta de Tejeros"

Kinabukasan naman, ang Gabinete ng Pamahalaang Magdiwang, ang gumanap ng kanilang


malaon nang inihandang pagpaparangal sa pamamagitan ng isang kapasiyahan na pagkalooban
ang dakilang panauhin, Supremo Andres Bonifacio, ng pinakamataas na tungkulin sa taguring
HARING BAYAN. Sa ganito'y lubusan nang mabubuo ang pamunuan ng nasabing Sanggunian
na dati-rati'y wala ng tungkuling ito at pansamantala lamang nanunungkulan sa pagka Vi Rey, si
Heneral Mariano Alvarez.

Ang buong Pamunuan ng kanilang Sanggunian, ay magagarang kasuotan kung nangagpupulong.


Simula sa HARING BAYAN, hanggang sa kahuli-hulihang Ministro at Capitan General, ay may
mga bandang pulang ginintuan nakasakbat sa kani-kanilang balikat. Kung minsan sa kanilang
paglalakad, ay nakasuot pa rin ang nasabing banda upang makilala ang kanilang katayuan
marahil.

Heneral Mariano Alvarez, "Virey" o Pangalawang-Hari, Tiyuhin ng asawa ni Andres Bonifacio


na si Gregoria de Jesus [Lakambini]

Lubhang masaya sila parati, palibhasa'y ang labing-dalawang bayan na kanilang nasasakupan ay
di naliligalig sa anumang laban. Sila'y naliliskub halos ay nanga sa likuran ng mga bayang
maliligalig tuwina ng Pamahalaang Magdalo.
Nang matapos ang ilang araw na parangal sa Supremo at mga kasama, dinalaw nilang lahat ang
labing-dalawang bayang nasasakupan nila bilang paghahanda sa gagawing pagpipisan ng
dalawang Sangguniang Magdiwang at Magdalo. Nangagtalumpati sila at anangaral ng pagka-
makabayan at iba pang makagising-damdaming pangungusap ukol sa kalayaan. Sabihin pa, ang
galak ng mga taong bayan, kaya't gayon na lamang karingal ang pagtanggap sa kanila at para
bang isang HARING BAYAN nga ang dumating. Ang mga daan ay pawang binalantukan, may
banda ng musika at panay ang hiyawan ng "Viva Tagalog," magkabi-kabila. Ang mga kampana'y
halos mabasag sa pagrurupiki sa mga simbahan niyang pinatutunguhan, may mga dapit pa ng
cereales at awit ng Te Deum.

Sa kabilang dako naman, sa gitna ng gayong di magkamayaw na kasayahan at paghdiriwang, ang


walong bayang nasa Pamahalaan ng Magdalo. ay laging nagigimbal araw at gabi ng paghanap sa
kalaban sa mga hanay ng Zapote, Almanza, San Nicolas, Bakood, Arumahan, Pintong Bato, at
Molino sa bayan ng Bakoof, at kasakit-sakit sabihin na sa masamang pagkakataon, ang mga
kalaban ay nakalusot tuloy nang di napapansin sa kabilang ilog ng Zapote, dahil sa puyat at
pagod ng ating mga kawal.

Gayon man ang matatapang nating sandatahan sa ilalim ng mando ni Heneral Mariano Noriel at
Heneral Pio del Pilar, ay agad-agad dinaluhong ang mga kalaban, kaya't putukan at tagaang
katakut-takot ang naghari pagkatapos. Sa wakas, muli na namang nagtagumpay ang ating mga
kawal, at ang Ilog Zapote ay muling namula sa dugo ng mga kalaban. Ganyan nang ganyan ang
nangyayari parati sa buong hanay ng aming labanan."

HALALAN SA KAPULUNGAN NG TEJEROS


PAGPIPISAN NG SANGGUNIANG MAGDIWANG AT MAGDALO
CASA HACIENDA DE TEJEROS

"Hindi ko pa nasasagot ang kanilang pakay sa akin, agad-agad ay isinalaysay sa akin ang mga
sumusunod na pangyayari sa halalan:

Na pagkatapos mabuksan ang kapulungang pambansa ng Manghihimagsik na pinangunguluhan


ng Haring Bayan, Andres Bonifacio ay isinunod agad ang paghirang at paghalal ukol sa Kataas-
taasang Puno na mangungulo sa ganitong pag-iisa.

Dalawa lamang kandidato ang napaharap, at ito'y ang Supremo Andres Bonifacio at si Heneral
Emilio Aguinaldo. Pagkatapos ng halalan ay lumabas noon din at ipinasiya ng Kapulungan sa
pamamagitan ng Supremo Andres Bonifacio, na si Heneral Emilio Aguinaldo, ang siyang
pinagkaisahan at pinagbotohang maging Kataas-taasang Puno o taga-Pangulo ng
Manghihimagsik.

Nagtaka sila diumano kung paano nangyari, na ang Supremo Andres Bonifacio na siyang
nagpahanda ng nasabing pag-iisa at siya pang pangulo sa nasabing pulong, ay kung bakit ako ang
inihalal ng karamihan laban sa Supremo Andres Bonifacio.
Isinunod ang tungkuling Vice-Presidente. Ang Supremo Andres Bonifacio, ay muling
ikinandidato, subalit tinalo siya ng kanya ring Ministro de Gracia y Justicia, na si Heneral
Mariano Trias, at noon din ay ginawa ang proklamasyon.

Isinunod ang tungkuling Kapitan Heneral, ay nagtunggali naman ang dating Kapitan Santiago
Alvarez, anak ni Virey Mariano Alvarez, at si Heneral Artemio Ricarte, isang Ilocano. Bagama't
tumutol si Heneral A. Ricarte sa pagkakahalal sa kanya, dahil diumano sa kawalan niya ng kaya
sa gayong tungkulin, ay iniurong din niya pagkatapos nang hindi tanggapin ng mesa. Isinunod
dito ang proklamasyon sa kanya.

Sa paka-Secretario de Guerra, ang Supremo Andres Bonifacio ay muli na namang ikinandidato,


at ang nakatunggali niya ay si Heneral Emiliano Riego de Dios, na kanya ring Ministro de
Fomento sa Sangguniang Magdiwang. Natalo na naman ang Supremo, at ito ang ikatlong
pagkagapi niya sa halalan.

Sa pagka-Secretario de Interior, ay muli na namang ipinasok na kandidato ang Supremo Andres


Bonifacio at ang kanyang kalaban ay ang dalawa niyang Ministro sa Magdiwang na sina
Ginoong Severino de las Alas at Ginoong Diego Mojica. Sa halalang ito'y nagtagumpay ang
Supremo Andres Bonifacio, at kagaya ng kaugalian ay ipinasiya na siya ang nahalal at dahil dito
ay binati sa kanyang tagumpay.

Subali't pagkatapos na pagkatapos na maipasiya ng Asamblea ang kanyang tagumpay ay biglang


tumindig at sumalungat sa pagkahalal sa kanya si Heneral Daniel Tirona, at sinabing; "Hindi
nababagay sa Supremo Andres Bonifacio, ang tungkuling nasabi, pagka't hindi siya abogado, at
ang bagay rito'y ang Abogado Jose del Rosario, na taga Tanza."

Dito nagmula ang gulo ng Kapulungan, subalit wala namang sinumang pumangalawa kay
Heneral Tirona, kaya't wala ring kabuluhan ang nasabing pagtutol. Gayon man, sa sama yata ng
loob ng Supremo kay Heneral Daniel Tirona, ay agad-agad siyang tumindig at sinabi ang ganito:
"Hindi baga bago tayo nagpulong ay pinagkaisahan natin na sinuman ang lumabas o mahalal sa
Kapulungang ito, ay ating susundin at igagalang ng lahat?"

"Opo" - ang hiyawan ng madla.

"Kung gayon" - patuloy niya, "Bakit nang ako ang napahalal ay may tumututol?

"Wala pong pumangalawa sa tutol."

At sa di mapigil na sama ng loob ng Supremo, ay agad binunot ang kanyang rebolber at anyong
papuputukan si Heneral Daniel Tirona, sa gitna ng di magkamayaw na gulong naghari. Salamat
na lamang at napigil ni G. Jacinto Lumbreras at ni Heneral Artemio Ricarte, ang masamang
tangka ng Supremo. Si Heneral Tirona naman ay maliksing nakapagtago at nagsuut-suot sa
kakapalan ng mga Asemblesista kaya hindi natuloy ang pagtudla sa kanya.
Palibhasa'y hindi yata mapigilan ng Supremo ang sama ng loob, bakit maikatlo pang natalo sa
halalan, bagama't napayapa ang gusot at tahimik na ang lahat, pagdaka'y tumindig siya at sinabi
sa kapulungan ang ganito:

"Ako sa aking pagka-Pangulo nitong Kapulungang Pambansa ng mga Manghihimagsik, ay


pinawawalan ko ng kabuluhan ang halalang dito'y naganap." Saka pagdaka'y umalis at nilisan
ang kapulungan at umuwi sa Malabon.

Sa ganyang pangyayari, ay naligalig sandali ang kapulungan, ngunit biglang tumahimik nang ang
delegado ng lalawigang Batangas, na si Koronel Santiago Rillo, na kumakatawan sa may 2,000
manghihimagsik, ay nagtindig at isinigaw sa Supremo na huwag siyang umalis, pagka't
proklamado na siya sa pagka-Secretario de Interior, bukod sa ang mungkahi ni Heneral D.
Tirona, laban sa kanya ay wala sa orden, pagka't walang sinumang pumangalawa, at dahil dito'y
walang anumang bisa. Gayon man ay di nangyaring napigilan ang Supremo at patuloy nang
umalis nang walang paalam.

Dahil sa kaguluhang nangyari, at sapagka't hindi napigilan ang Supremo, sa kaniyang pasiya na
lisanin ang kapulungan, si Santiago Rillo, delegado ng Batangas, ay tumayo at nagtanong sa
madla kung sang-ayon silang ipagpatuloy ang kapulungan, at kung pahihintulutan nilang siya na
ang mangulo. Sa ganitong katanungan ay parang iisang taong sumagot ang lahat ng "Opo."

Sa ganyang kapasiyahan, ay ipinagpatuloy ang Kapulungan at wala namang iba pang pinag-
usapan maliban sa kilalanin o pagtibayin ang tanang mga naihalal na saka humirang ng isang
"Comission" upang ipabatid kay Heneral Emilio Aguinaldo, ang pagka-hirang sa kanya ng
Kapulungan ng Manghihimagsik na maging Kataas-taasang Puno ng Himagsikan, tuloy kaunin
siya sa madaling panahon upang makapanumpa sa tungkuling iniaatang sa kanya ng bayang
nanghihimagsik.

Pagkatapos nito, ay pinigil munang pansamantala ang pulong, samantalang hinihintay nang
buong kasabikan ang pagdating ng nahalal na puno ng himagsikan, si Heneral Aguinaldo."

__________________
Emilio Aguinaldo,
Mga Gunita ng Himagsikan
Manila: National Centennial Commission, 1964.

S-ar putea să vă placă și