Documente Academic
Documente Profesional
Documente Cultură
About
Home
Maikling Kuwento
o
o
o
o
Pabula
Tula
Sanaysay
Bugtong
K-12
Home Kuwentong Bayan Maikling Kuwento Mga Alamat Mga Kuwentong Alamat Bakit Ikinakawag Ng
Mga Aso Ang Kanilang Buntot
Bakit Ikinakawag Ng Mga Aso Ang Kanilang Buntot
Jim Lloyd 2 years ago Kuwentong Bayan, Maikling Kuwento, Mga Alamat, Mga Kuwentong Alamat
May isang mayamang lalaki sa isang bayan na may alagang aso at pusa na talaga namang
maraming pakinabang sa kaniya. Ang aso’y marami nang napagsilbihang amo at tumanda
na rin ito nang husto kaya hindi na kayang makipaglaban pa. Ngunit mabuti siyang gabay at
kasa-kasama ng pusa na malakas at matalino.
May anak na babae ang amo nila na nag-aaral sa isang kumbento na may kalayuan sa bahay.
Madalas niyang inuutusan ang aso at ang pusa na dalhan ng mga regalo ang kaniyang anak.
Isang araw, tinawag niya ang matatapat niyang alaga. Inutusan niya silang dalhin ang
mahiwagang singsing sa anak niya.
“Malakas ka at matapang,” sabi niya sa pusa. “Maaari mong dalhin ang singsing pero ingatan
mo na huwag itong malaglag.”
At sinabi niya sa aso, “Kailangang samahan mo ang pusa nang magabayan at maipagtanggol
siya sa kapamahakan.”
Nangako sila na gagawin nila ang kanilang makakaya, at saka umalis. Maayos naman ang
lahat hanggang sa makarating sila sa isang ilog. Dahil walang tulay at wala ring bangka,
walang ibang paraan para makatawid kundi ang lumangoy.
“Ibigay mo sa akin ang mahiwagang singsing,” sabi ng aso nang handa na silang lumundag
sa tubig.
“Hindi puwede,” sagot ng pusa. “ipinahawak sa akin ito ng amo natin.”
“Ngunit hindi ka magaling lumangoy,” katuwiran ng aso. “Malakas ako at kaya ko itong pag-
ingatan.”
Subalit tumanggi ang pusa na ibigay ang singsing. Hanggang sa binantaan siya ng aso na
papatayin siya, kaya napilitan siyang ibigay na rin ito sa aso.
Napakalawak ng ilog at napakalakas ng agos kaya lubha silang napagod. At bago nila
marating ang kabilang pampang, nahulog ng aso ang singsing. Hinanap nila itong mabuti
subalit hindi nila ito nakita kahit saan.
Makalipas ang ilang sandali, bumalik na sila upang sabihin sa amo nila ang malungkot na
pagkawala ng singsing. Bago pa man makarating sa bahay, natakot ang aso kaya tumakbo
siya papalayo. At hindi na siya nakita pang muli.
Mag-isang tumuloy ang pusa. Nang makita ng amo na parating na ito, tinawag niya ito at
tinanong kung bakit nakabalik siya agad at kung ano ang nangyari sa kaibigan niya. Natakot
ang kawawang pusa. Pero ipinaliwanag niyang mabuti kung paano nawala ang singsing at
kung bakit lumayas ang aso.
Galit na galit ang amo nang marinig ang kuwento nito. Iniutos niya sa lahat ng mga tauhan
niya na hanapin ang aso at parusahan siya sa pamamagitan ng pagputol ng buntot niya.
Iniutos din niya na tumulong sa paghahanap ang lahat ng aso sa mundo. Mula noon kapag
nasasalubong ng isang aso ang kapwa niya, nagtatanong siya, “Ikaw ba ’yong matandang
aso na nakawala sa mahiwagang singsing? Kung oo, kailangang putulin ang buntot mo.”
Agad-agad, ang bawat isa ay nagpapakita ng kanilang ngipin at iwinawasiwas ang kanilang
buntot upang patunayan na hindi sila ang salarin.
Simula rin noon, takot na ang mga pusa sa tubig. At hanggang maiiwasan, hindi sila
lumalangoy para tumawid sa ilog.
KUWENTONG ALAMAT
Share This:
Facebook Twitter Google+ Pinterest Linkedin
Mga Kuwentong Alamat
FACEBOOK
MAGBASA PA!
Mga Alamat(78)
Maikling Kuwento(22)
Kuwentong May Aral(17)
Pabula(15)
Kuwentong Pambata(10)
Kuwentong Bayan(9)
Sanaysay(9)
Video Stories In Tagalog(9)
Inspirational Short Stories(7)
Tagalog Fairy Tales(4)
Kuwento Ng Pag-Ibig(2)
Bugtong(1)
Fairy Tales(1)
Katutubong Kuwento(1)
Malungkot Na Kuwento(1)
Mga Epiko(1)
Mitolohiya(1)
Talahulugan(1)
Tugma(1)
Tula(1)
POPULAR
RECENT
COMMENTS
Ang Alamat ng Pinya
Ang Alamat ng Anay
Si Lupeng Alitaptap, Si Basyong Gamo-Gamo, at Ang Kwentong Kandila
Ang Alamat ng Rosas
Ang Alamat ng Lansones
Ang Alamat ng Paru-Paro
Ang Alamat ng Saging
Paano Malalaman Kung Buntis Ang Isang Babae?
K-12 TOOLS
K-12 Templates
Periodical Test
Summative Test
BLOG ARCHIVE
POPULAR POSTS
Ang Alamat ng Pinya
Ang Alamat ng Anay
Si Lupeng Alitaptap, Si Basyong Gamo-Gamo, at Ang Kwentong Kandila
Ang Alamat ng Rosas
RANDOM POSTS
randomposts
MOST RECENT
recentposts
Created By SoraTemplates | Distributed By MyBloggerThemes