Documente Academic
Documente Profesional
Documente Cultură
About
Home
Maikling Kuwento
o
o
o
o
Pabula
Tula
Sanaysay
Bugtong
K-12
Home Mga Alamat Mga Kuwentong Alamat Bakit Hati Ang Kuko Ng Kalabaw?
Bakit Hati Ang Kuko Ng Kalabaw?
Jim Lloyd 2 years ago Mga Alamat, Mga Kuwentong Alamat
Minsan nagkasalubong ang kalabaw at ang pagong sa daan. Naglakad sila sa kagubatan at
nagkaroon ng magandang pag-uusap. Ang pagong ay komikero, at madalas magpamalas ng
kaniyang galing sa pagkuha ng pagkain na may halong pandaraya. Gustong-gusto niya
maging kaibigan ang kalabaw sapagkat naisip niya na kapag naging magkaibigan sila, ang
malaking hayop na ito ang tutulong sa kaniya sa tuwing mapapaaway siya. Kaya sinabi niya
sa kalabaw,
Subalit suminghal ang kalabaw sa mungkahi niya. Sumagot ito, “Ikaw na makupad! Kung
gusto mo, doon ka mamuhay kasama ang mga utusang bubuyog, at hindi ang isang tulad
kong mabilis at malakas.”
Masyadong nasaktan ang pagong. Upang makabawi, hinamon niya sa isang karera ang
kalabaw. Noong una, ayaw tanggapin ng kalabaw ang hamon. Naisip niyang lalabas siyang
kahiya-hiya kung makikipagkarera siya sa isang pagong. Sinabi ng pagong sa kalabaw,
Dahil dito nakumbinsi din ang kalabaw, at sinabi niya, “Sige, bigyan mo lang ako ng tatlong
araw para paghandaan ang karera.”
Masayang-masaya naman ang pagong na naurong nang tatlong araw ang karera. Dahil dito,
mapaghahandaan din niya ang mga plano niya. Napagkasunduan ng pagong at kalabaw na
paabutin ang karera hanggang sa pitong burol.
Kaagad-agad na binisita ng pagong ang pito sa kaniyang mga kaibigan. Sinabi niya sa kanila
na kapag nanalo siya, para ito sa karangalan ng kaharian ng mga pagong. Nangako naman
sila na tutulungan siya. Kinabukasan, ipinuwesto niya ang isang pagong sa itaas ng bawat
burol pagkatapos silang bigyan ng tagubilin.
Sa isang hudyat, nagsimula na ang takbuhan. Hindi nagtagal, hindi na nakita ng mga
mananakbo ang isa’t isa. Pagdating sa ikalawang burol, labis na nagtaka ang kalabaw dahil
naroon na at nauna pa sa kanya ang pagong. Sumigaw siya, “Narito ako!” Kaagad namang
nawala ang pagong. At sa bawat narating na burol, nauuna talaga sa kaniya ang pagong. Sa
ikapitong burol, naisip niya na talo na siya. Lubha siyang nagalit kaya sinipa niya ang pagong.
Dahil sa napakatigas ng balat ng pagong, di man lang ito nasaktan. Pero nahati sa dalawa
ang kuko ng kalabaw sa lakas ng pagsipa niya. Hanggang ngayon, dala-dala pa rin ng mga
kalabaw ang tatak ng hindi makatarungang ginawa ng kanilang ninuno laban sa isa na alam
niyang higit na mahina sa kaniya.
KUWENTONG ALAMAT
Share This:
Facebook Twitter Google+ Pinterest Linkedin
FACEBOOK
MAGBASA PA!
Mga Alamat(78)
Maikling Kuwento(22)
Kuwentong May Aral(17)
Pabula(15)
Kuwentong Pambata(10)
Kuwentong Bayan(9)
Sanaysay(9)
Video Stories In Tagalog(9)
Inspirational Short Stories(7)
Tagalog Fairy Tales(4)
Kuwento Ng Pag-Ibig(2)
Bugtong(1)
Fairy Tales(1)
Katutubong Kuwento(1)
Malungkot Na Kuwento(1)
Mga Epiko(1)
Mitolohiya(1)
Talahulugan(1)
Tugma(1)
Tula(1)
POPULAR
RECENT
COMMENTS
Ang Alamat ng Pinya
Ang Alamat ng Anay
Si Lupeng Alitaptap, Si Basyong Gamo-Gamo, at Ang Kwentong Kandila
Ang Alamat ng Rosas
Ang Alamat ng Lansones
Ang Alamat ng Paru-Paro
Ang Alamat ng Saging
Paano Malalaman Kung Buntis Ang Isang Babae?
K-12 TOOLS
K-12 Templates
Periodical Test
Summative Test
BLOG ARCHIVE
POPULAR POSTS
Ang Alamat ng Pinya
Ang Alamat ng Anay
Si Lupeng Alitaptap, Si Basyong Gamo-Gamo, at Ang Kwentong Kandila
Ang Alamat ng Lansones
RANDOM POSTS
randomposts
MOST RECENT
recentposts
Created By SoraTemplates | Distributed By MyBloggerThemes