Sunteți pe pagina 1din 4

AMBAG NG GREECE

Ang Parthenon (Griyego: Παρθενών) ay isang templong Sinaunang Griyego sa Acropolis ng Atenas, Gresya na
inalay sa diyosang si Athena na itinuring ng mga mamamayan ng Atenas na kanilang patron. Ang pagtatayo nito ay
nagsimula noong 447 BCE nang ang Imperyong Ateniano ay nasa tugatog ng kapangyarihan nito. Ito ay nakumpleto
noong 438 BCE bagaman ang pagpapalamuti ng gusali ay nagpatuloy hanggang 432 BCE. Ito ang pinakamahalagang
nakaligtas na gusali ng Gresyang Klasiko na pangkalahatang itinuturing na kulminasyon ng orden na Doriko. Ang
mga iskulturang pagpapalamuti ang itinuturing na ilang mga matataas na punto ng Sining sa Sinaunang Gresya. Ang
Parthenon ay itinuturing na tumatagal na simbolo ng Sinaunang Gresya, demokrasyang Ateniano, kabihasnang
kanluranin[3] at isa sa pinakadakilang mga monumentong pangkultura. Ang Kalihim ng Kultura at Turismo ng
Gresya ay kasalukuyang nagsasagawa ng isang programa ng selektibong pagbabalik at muling pagtatayo upang
masiguro ang katatagan ng parsiyal na nagibang istruktura Parthenon

Nasaksihan ng mga Griyego ang pagiging perpekto ng kalikasan at tinangka nilang ipakita ang balance,
kaayusan, proporsyon, at kahinahunan sa kanilang mga obra. Mainam na halimbawa ng arkitektura ang
Parthenon. Ito ay isang temple ng ginawa sa panahon ni Pericles bilang pagbibigay-pugay sa diyosang si
Athena. Makikita sa loob ng templong ito ang malaking estatwa ni Athena na ginawa naman ni Phidias.
Karaniwang ginagawang modelo ang tao sa mga pagpipinta at paglililok. Binibigyang-halaga sa mga obra
ang perpekto o ang ideyal na kaanyuan ng mga ito. Mukhang totoo at detalyado ang mga kaanyuan ng
mga tao sa mga pagpipinta o paglililok na ginhawa
EUCLID- Ama ng Geometry

Si Euclid, Euclides, o Eukleides – mula sa Griyegong Ευκλείδης o "Eukleides" – (ipinanganak noong mga
330 BK) ang Griyegong pilosopong Ama ng Heometriya. Siya ay aktibo sa Alexandria, Ehipto sa paghahari
ni Ptolemy I. Ang kanyang aklat ng heometriya na pinamagatang Mga Elemento ay naglalaman ng maraming
mga aksiyoma, proposiyon at pagpapatunay ng mga proposiyon sa heometriya. Kanyang ihinuha ang mga
prinsipyo ng tinatawag ngayong heometriyang Euclidean mula sa isang hanay ng mga aksiyoma. Ang aklat na
ito ang isa sa pinakamaimpluwensiya (most influential) na akda sa kasaysayan ng matematika na nagsisilbi
bilang aklat pampaaraalan para sa pagtuturo ng matematika lalo na sa heometriya mula sa paglilimbag nito
hanggang sa huling ika-19 at simulang ika-20 siglo.[1][2][3] Kaunti ang nalalaman hinggil sa buhay ni Euclid. Ang
ilang mga historikal na reperensiya kay Euclid ay isinulat nina Proclus at Pappus of Alexandria mga siglo
pagkatapos niyang mabuhay. Ipinakilala ni Proclus si Euclid bilang ang may akda ng Mga Elemento sa
kanyang ika-5 siglong komentaryo nito. Binanggit naman ni Pappus noong ika-4 siglo na si Apollonius ay
"gumugol ng isang napakahabang panahong kasama ng mga estudyante ni Euclid sa Alexandria at kaya ay
nagkamit ito ng isang gayong siyentipikong kasanayan ng pag-iisip. Karagdagan ring pininiwalaan na si Euclid
ay maaaring nag-aral sa Akademya ni Plato sa Athens.
KONTRIBUSYON NG ROMA:
KONTRIBUSYON NG ROMA IMPORMASYON : Si Nero Claudius Caesar Augustus Germanicus ( Disyembre 15,
37 – Hunyo 9, 68) na ipinanganak bilang Lucius Domitius Ahenobarbus ay kilala rin sa pangalan na Nero Claudius
Caesar Germanicu , o sa maigsi niyang pangalang Neron ay ang ika -lima at huling Emperador Romano ng
Dinastiyang Hulio-Claudian . Si Neron ay inampon ng kanyang tiyuhing si Claudius na maging tagapagmana ng
trono . Siya'y umupo sa trono noong Oktubre 13, 54 AD pagkamatay ni Claudius. KAHALAGAHAN SA
KASALUKUYAN : Si Nero ay namuno mula 54 hanggang 68. Ang kanyang pamumuno ay kinabibilangan ng
kanyang pagwawagi sa digmaan , pakikipagkasundo sa Imperyong Parthian , pagsupil sa pag-aaklas ng Britanya at
mabuting pakikitungong diplomatiko sa Gresya NERO

KONTRIBUSYON NG ROMA:
KONTRIBUSYON NG ROMA TIBERIUS IMPORMASYON: Si Tiberius Caesar Augustus, na ipinanganak bilang
Tiberius Claudius Nero ( Nobyembre 16, 42 BC – Marso 16 AD 37), ang ikalawang Emperador ng Roma mula sa
pagkamatay ni Augustus na unang emperador hanggang sa kanyang kamtayan noong 37. Si Tiberius ay isang
Claudian sa kapanganakan at anak nina Tiberius Claudius Nero at Livia Drusilla. Ang kanyang ina ay hiwalay sa
kanyang ama at muling nagpakasal kay Octavian Augustus noong 39 BC. Si Tiberius ay nagpakasal sa anak na
babae ni Augustus na si Julia ang Nakatatanda at kalaunan ay inampon si Tiberio ni Augustus na siyang naging
dahilan kung bakit siya ay naging isang Julian. KAHALAGAHAN SA KASALUKUYAN: Nais niyang limitahan ang
dami ng lupa na maaring ariin ng mayayaman upang pigilin ang mga ito sa pagkamkam ng higit pang maraming
lupa

KONTRIBUSYON NG ROMA:
KONTRIBUSYON NG ROMA JULIUS CAESAR IMPORMASYON: Si Imperador Gaius Julius Caesar Divus (CAIVS
IVLIVS CAESAR sa Klasikong Latin) ( Hulyo 12, ca. 100 BCE– Marso 15, 44 BCE) ay isang Romano pinunong
militar at pampolitika . Susi siya sa pagbabagong-anyo ng Republikang Romano tungo sa pagiging Imperyong
Romano. KAHALAGAHAN SA KASALUKUYAN: * Ipinalawak ng kaniyang pagsakop ng Gallia ang daigdig Romano
hanggang sa Dagat Atlantiko at nagbigay daan ito sa pagpapakilala ng mga impluwensiyang Romano sa ang
ngayon ay Pransiya , kung saan ang mga bunga nito ay kapuna-puna . Nagdulot din ito sa pagkalipol ng mga
wikang Keltik sa Gallia. Noong 55 BCE inilunsad ng Caesar ang kauna-unahang paglusob ng mga Romano sa
Britanya . * Iprinoklama siyang panghabambuhay na diktador , at lubos niyang isinentralisa , o isinaisa , ang
humihina at nagwawatak-watak nang pamahalaan ng Republika .