Sunteți pe pagina 1din 155

Falling for Mr. Bouncer - Published!

by CeCeLib

Gilen Ramirez is a happy-go-lucky- kind of woman. She always had a food in her bag.
She doesn't care what other people think of her as long as she knew that she's not
doing anything wrong. But what everyone doesn't know is behind her happy-go-lucky
attitude hides a very serious woman who knows how to use a gun. Kaino Garcia is an
NBI Agent who was given a job to protect a woman who knows too much. Nang makita
niya ang babae, gusto niyang matawa. She's nothing but a happy-go-lucky glutton
woman. Ito ba ang babaeng may alam ng lahat na kailangan nilang malaman? Baka
nagkakamali lang ang superior niya.

Pero walang nagawa si Kaino kung hindi protektahan si Gilen, ang hindi niya alam,
na sa pag-protekta niya sa dalaga, manganganib din pala ang puso niya.

=================

Falling for Mr. Bouncer

Gilen Ramirez is a happy-go-lucky- kind of woman. She always had a food in her bag.
She doesn't care what other people think of her as long as she knew that she's not
doing anything wrong. But what everyone doesn't know is behind her happy-go-lucky
attitude hides a very serious woman who knows how to use a gun. Kaino Garcia is an
NBI Agent who was given a job to protect a woman who knows too much. Nang makita
niya ang babae, gusto niyang matawa. She's nothing but a happy-go-lucky glutton
woman. Ito ba ang babaeng may alam ng lahat na kailangan nilang malaman? Baka
nagkakamali lang ang superior niya.

Pero walang nagawa si Kaino kung hindi protektahan si Gilen, ang hindi niya alam,
na sa pag-protekta niya sa dalaga, manganganib din pala ang puso niya.

=================

Chapter 1

CHAPTER 1

KAINO was beyond pissed when he heard the news. Wala siya gustong gawin kung hindi
ang suntukin ang kung sino man ang nagpapakalat ng cocaine at Marijuana sa bansa.
Ang sarap tirisin ng mga ito at pagpira-pirasuhin. Marami na ang kabataan na nasira
ang buhay dahil sa drugs at ang masakit sa dibdib ay trabaho niyang lipulin ang
lahat ng drug dealer at drug pusher sa bansa pero hindi niya magawa dahil kulang
siya sa impormasyon at ibidinsiya.

"Kaino, I'm sorry. Nakalabas ng kulungan kanina si Jaime Ramirez."

Nanggigigil na ikinuyom niya ang kamao. "Ano pa ang silbi ng batas kung hindi naman
iyon pinapatupad ng maayos?"

"Kaino, you have to understand that we are under red tape. Kahit ako nanggigigil na
ikulong ang hayop na Jaime Ramirez na 'yon pero hindi ko magawa kasi wala tayong
ebidensiya laban sa kanya."

"Evidence, my ass! Kahit naman siguro ipagduldulan pa natin ang ebedinsiya sa


korte, wala pa ring magbabago. Makakalaya na makakalaya pa rin siya."

His superior sighed. "Alam ko 'yon kaya nga pinatawag kita ngayon. I have a job for
you."

Kumunot ang nuo niya. "A job for me? Pero may hawak akong kaso. Don't tell me
tatanggalin mo ako sa kaso no Jaime Ramirez. Sir, hindi naman yata-"

"Silence!" Sigaw nito na ikinatigil niya sa pagsasalita. Minsan nakakalimutan niya


na superior niya ang kaharap. Ito kasi ang ninong niya at para lang silang
magkaibigan kung mag-usap. Kaya naman kapag sumigaw na ito, minsan nagugulat siya.

"Sorry, sir." Nakatungong hingi niya ng tawad.

"Its okay, Kaino. I understand where you're coming from. Pero hindi naman kita
tatanggalin sa kaso ni Jaime Ramirez. Itong trabaho na ibibigay ko sayo ay
konektado kay Jaime Ramirez."

"Ano po ba ang ipapatrabaho niyo sa akin, sir?"

Huminga ng malalim ang superior niya at may inilapag na larawan ng isang babae sa
ibabaw ng mesa nito. "That's Gilen Ramirez."
Tinitigan niyang mabuti ang babae sa larawan. She's beautiful, he gave her that.
"Gilen Ramirez? How is she related to Jaime Ramirez?" Tanung niya habang nakatingin
parin sa magandang mukha ng babae.

"'Yon ang gusto kong alamin mo. It is said that she is Jaime Ramirez's daughter,
pero mayroon ding nagsasabi na ampon lang siya. Mayroon din akong nabalitaan na
anak siya ng kapatid ni Jaime Ramirez. At ayon naman sa informer natin, anak siya
sa labas ng Jaime Ramirez. You see, walang nakakaalam kung sino si Gilen Ramirez at
kung ano ang kaugnayan niya kay Jaime Ramirez."

"'Yon ba ang gusto niyong alamin ko?"

"That and more. According sa informer natin, Gilen knows everything about Jaime's
illegal businesses. At nalaman ko rin na gagawin ang lahat ni Jaime para hindi
magsalita si Gilen. I'm thinking na patatahimikin nito ang babae."

"Kung ganoon, hindi niya anak si Gilen. Kasi kung anak niya si Gilen, e di sana
hindi niya ito sasaktan."

"Hindi tayo nakakasigurado riyan. Kaya naman gusto kong kilalanin at portektahan

mo si Gilen. Gawin mo ang lahat para mapalapit sa kanya. Huwag mong sasabihin kung
sino kang talaga, baka matakot pa 'yon sayo at lumayo. Ang misyon mo ay protektahan
siya at mapalapit sa kanya para malaman natin ang katutuhanan."

Tumango siya. "Yes, sir."

"Good." May iniabot itong folder sa kanya. "Diyan nakalagay ang nalakap namin na
impormasyon tungkol kay Gilen. Gamitin mo iyon para makalapit ka sa kanya."

"Oho."

"Good. Now, leave my office and do what I told you to do."

Sumaludo siya. "Yes, sir."


GILEN rolled her eyes. Ewan talaga niya rito kay Marj e. Bulag lang ang drama.
Kahit nga siguro bulag ay makikita na gusto ito ni Marlon Aiken. Hay. Mai-stress
siya kay Marj.

"Bahala ka sa buhay mo." Aniya kay Marj at tumayo. "I'm going to dance!"

Nagtuloy-tuloy siya sa dance floor. Habang umiindak sa maingay na musika,


pakiramdam niya ay may nakamasid sa kanya. Hindi niya iyon pinansin at nagpatuloy
lang sa pagsasayaw. Nang mapagod, naglakad siya patungo sa restroom. Akmang papasok
na siya ng may makabungguan siya.

Nagtaas siya ng tingin at napangiti siya ng makita kung sino ang nakabanggan niya.
"I'm sorry, Mr. security guard. I didn't see you there." Aniya na may malapad na
ngiti.

"Hindi mo ako nakita? Bakit, naka-drugs ka ba?"

Kumunot ang nuo niya. "What's drugs? Is that... some kind of food I can eat?"

"Hindi mo alam kung ano ang drugs? According to REPUBLIC ACT NO. 9165. It is the
policy

of the State to safeguard the integrity of its territory and the well-being of its
citizenry particularly the youth, from the harmful effects of dangerous drugs on
their physical and mental well-being, and to defend the same against acts or
omissions detrimental to their development and preservation. In view of the
foregoing, the State needs to enhance further the efficacy of the law against
dangerous drugs, it being one of today's more serious social ills. Ngayon, alam mo
na ba kung ano ang drugs o gusto mong isa-isahin ko pa sayo ang lahat ng batas na
may kinalaman sa drugs?"

Hinilot niya ang nuo na sumakit sa republic act blah blah blah. "Mr. Security
guard, iihi lang po ako. Wala naman po yatang niri-recite na republic act diyan sa
loob ng restroom para maka-ihi ako." Sabi niya habang may ngiti sa mga labi. "Kaya
naman, padaanin niyo na po ako. Puwede ba Mr. Security guard?"

May itinuro ang kamay nito. "Nakikita mo ba 'yon, Miss?"


Napamulagat siya ng makita ang male sign. Napakagat labi siya. "Ay, mali pala ako."
Tumawa siya. "Akala ko pambabaeng restroom."

Tinaasan siya nito ng kilay. "Doon ka mag-CR sa pambabae. Baka mahimatay ka pa


kapag makakita ka ng kung ano-ano sa loob."

Mataman niyang tiningnan ang kilay nito na nakataas pa rin. "Wow, ang galing mo
naman. Alam mo bang talentado ka kapag nakaya mong itaasa ang kilay mo at lalaki
ka?"

"Sige, lokohin mo pa ako. According sa Republic act article-"

"Stop. Iihi na ako." Pigil niya sa iba pa nitong sasabihin. Iihi lang naman siya.
Wala siyang balak malaman ang republic

act chorva-chorva na iyan.

Nagmamadali niyang tinungo ang girl's rest room. Bago siya pumasok, nilingon muna
niya ang lalaki. Mataman itong nakatingin sa kanya na para bang pinagaaralan siya.
She smiled at him and he looks startled. Baka ito ang naka-drugs. "CR lang ako Mr.
Security Guard."

He frowned and left. Kumunot ang nuo niya. Hay. Ang weird talaga ng mga tao sa
mundo. Pagkatapos niya mag-CR, binalikan niya ang table nila ni Clover.

"Hey, girls." Walang buhay na bati niya sa mga kaibigan.

Nakita niyang nagkatinginan si Marj at Clover. Sigurado siyang iniisip ng mga ito
kung bakit wala siyang gana.

"Anong nangyari sayo?" Tanung ni Marj.

Sumimangot siya. "May naka-argumento akong security guard doon sa may rest room.
Na-drain yata ang utak ko sa mga republic act na pinagsasasabi niya. Akalain mo
bang sinaysayan ako ng mga batas? Hello! Iihi lang po ako at nagkataong panlalaki
ang napasukan ko kasi hindi ako nagbabasa ng sign. Alam kong mali 'yon pero
kailangan bang isa-isahin niya ang lahat ng batas sa Pilipinas?"
"Paki-explain nga ng mukha ng security guard na nakasagutan mo." Kunot ang nuong
sabi ni Marj.

"Macho at guwapo." Sagot niya na may ngiti sa mga labi.

"Malaking tulong ang description mo." Sarkastikong wika ni Marj.

"What? E 'yon lang naman ang napansin ko sa kanya, well, maliban sa maganda niyang
mata." Aniya ng maalala ang mga mata nito. Napaka-guwapo talaga ni Mr. Security
guard.

"I think si Kaino

ang bouncer na tinutukoy mo."

"Kaino? Ang pangit naman ng pangalan niya." Komento niya pero ang totoo nagandahan
siya sa pangalan ni Mr. Security guard. "Pero okay lang. Guwapo naman e."

"Marjorie, can I talk to you for a minute?" Anang boses ng isang lalaki.

Nang lingunin niya kung sino iyon, it's Marlon Aiken. Ano naman kaya ang kailangan
nito sa kaibigan niya?

"Bakit?" Tanung ni Marj kay Marlon Aiken.

"Basta." Anito.

"Sige, kakausapin daw ako." Paalam sa kanila ni Marj.

Nanunudyong ngumiti siya kay Marj. "Aherm. Ingat. Huwag mangangagat."

Inirapan siya nito at umalis. Nilingon niya si Clover na nakatingin sa dance floor.
"You want to dance?"

"No, I rather sleep." Sagot nito.

She rolled her eyes. "Hay, ano pa ba ang inaasahan kong isasagot mo."

Tumayo si Clover. "I'm going home. Magpapahatid ka ba sa akin?"

"Nah. I'm good. Magta-taxi nalang ako mamaya." Sagot niya at umorder pa ng isang
shot ng Mojito. Unlike other woman, she can hold her drink.

"Magiging okay ka lang ba talaga?" Nag-aalalang tanung sa kanya ni Clover.

"Yes, I'm sure." She smiled at her best friend. "Go, I can take care of myself."

"Okay. Ingat ka."

"Ikaw din." Ihinatid niya ng tingin si Clover.

Isang oras pa ang ipinamalagi niya sa Bachelor's Bar bago niya napagdesisyunang
umuwi. Pagkalabas niya sa Bar, nagsitayuan ang mga balahibo niya. Agad niyang
sinuri ng tingin ang kalsada. May dalawang motorsiklo na

nakaparada hindi kalayuan sa Bar.

Napailing-iling siya. "My god, can't they at least try to disguise themselves?" She
asked herself. Ito ang dahilan kung bakit hindi siya nagpahatid kay Clover. Ayaw
niyang masali ang kaibigan sa gulo ng buhay niya.

Nagsimula ito tatlong linggo na ang nakakaraan. Hindi niya alam kung ano ang
kailangan nito sa kanya... no scratch that... alam niya kung ano ang kailangan ng
mga ito sa kanya pero hinding-hindi siya makakapayag na mahuli siya ng mga ito.
She'd been in their hands and it's not good for her health. Matagal na niyang
iniwan ang buhay na iyon, at wala siyang balak na bumalik pa roon. Mamamatay muna
siya bago mangyari 'yon.
Dahan-dahan siyang naglakad sa gilid ng kalsada. Napatingin siya sa dalawang anino
na bigla nalang sumulpot sa likod niya. She maintained her pace. Huminga siya ng
malalim at hinanda ang sarili sa mga susunod na mangyayari. Nakita niyang palapit
ng palapit sa kanya ang anino, nararamdaman niya ang presensiya ng mga ito.
Ipinikit niya ang mga mata at mabilis na kumaripas ng takbo.

"Habulin siya!"

Narinig niyang sigaw ng isang boses lalaki. Mas binilisan pa niya ang pagtakbo pero
kahit saan siya lumiko, nasusundan siya ng mga ito. Tumigil siya sa pagtakbo
makitang dead end ang pinasukan niyang eskinita.

Shit! Kinalma niya ang sarili nang makitang palapit na ng palapit ang dalawang
lalaking humahabol sa kanya.

"Nahuli ka rin naman sa wakas." Sabi 'nong kalbo.

"Oo nga." Segunda

naman nuong kasama nito na malapit ng makalbo. "Hindi ka na makakatakas ngayon."

She chuckled. "Wow." Tinuro niya ang lalaki sa kanan. "Ikaw kalbo." Tapos itinuro
niya ang katabi nito. "Ikaw naman, malapit ng makalbo. Match na match kayo. Bagay
bagay na maging kontrabida."

"Tama na ang satsat. Sumama ka sa amin! Ngayon din!" Sigaw ni Kalbo.

Itinirik niya ang mga mata. "Kalbo, tatlong linggo na nating ginagawa itong habulan
na ito, ngayon pa ba ako sasama sa inyo? Hindi ba riyan pumasok sa utak mo na kaya
nga ako tumatakbo ay dahil gusto kong makalayo sa inyo?"

"Sumama ka sa amin kung hindi papatayin kita." Wika ng katabi ni Kalbo at naglabas
ng baril at itinutok sa kanya.

She looked at the gun. Hmm. Nice gun. Naglakad siya palapit sa mga ito. Umiling-
iling siya. "Kung gusto niyo akong patayin e di sana noon pa. Kilala ko ang mga
katulad niyo, may kailangan kayo sa akin kaya hindi mo pa kinakalabit ang baril na
hawak mo."

Akmang magsasalita ito ng umigkas ang kamao niya sa mukha nito at malakas na sinipa
ang kamay nito na may hawak na baril. Muntik na itong mabuwal sa pagkakatayo. Psst!
Sayang naman. Nakita niyang akmang kukunin ng kasamahan nito ang baril na
nabitawan, umuklo siya at sinipa ang baril palayo sa kanilang tatlo.

"I don't think so boys." Aniya at ikinuyom ang kamao. Mukhang mapapalaban siya ng
wala sa oras.

Sabay na sumugod ang dalawang lalaki. Sumuntok si Kalbo pero agad naman siyang
nakaiwas. Sinuntok niya ang kasama nitong lalaki at mas mabilis pa sa kidlat na
sinipa si Kalbo sa leeg. Akmang sisipain niya ulit si Kalbo ng may yumakap sa kanya
mula sa likuran.

"Huwag mo akong yakapin! Ang baho mo!" Sigaw niya at iniumpog ang ulo niya sa ulo
nito.

Binitawan siya nito. "Peste kang babae ka!"

Hinarap niya ang lalaki na sapo-sapo ang nuo na namamaga. Sinipa niya ito pero
mabilis nito iyong nasalag. Nakita niya si Kalbo na nakabawi na sa pagsipa niya sa
leeg nito. Inihanda niya ang sarili sa matinding laban. Isa lang ang nasa isip niya
sa mga oras na iyon, hinding-hindi siya sasama sa mga ito. Akmang susugurin siya ng
dalawa ng may magsalita hindi kalayuan sa kanila.

"Tigil! Pulis ako!" Sigaw nito habang nakatutok sa mga lalaki ang baril.

Ginamit ni Gilen ang pagka-distract ng dalawa. She jumped and flipped mid-air then
kicked bald guy in the head hard. When her feet touched the ground, Gilen kneel on
one knee and use her other knee to off-balance bald guy two. Nang matumba ito,
mabilis niyang sinipa ito sa tiyan at malakas na siniko ang baga nito.

Hinihingal na tiningnan niya ang dalawang lalaki na walang mga malay. She smiled to
herself. Hindi pa rin pala siya kinakalawang. She can still beat up someone.

"Freeze!"
Napatigil siya sa pagtayo at nilingon ang lalaki na nakatutok sa kanya ang baril. A
pulis huh? Sigurado siyang pulis ito, dahil kung kasamahan ito ni Bald one and two,
sigurado siyang kanina pa siya nito binaril.

"Lumuhod at yumuko ka!" Sigaw ulit nito.

Dahan-dahan siyang lumuhod at iniyuko ang ulo. Narinig niya ang paglapit nito sa
kanya. Tumigil ito sa harapan niya. When Gilen felt him touched her shoulder, she
quickly grabs his arm and back flip him over her head. When she heard a grunt,
mabilis siyang tumakbo palabas ng eskinita.

=================

Chapter 2

CHAPTER 2

HUMIHINGAL si Gilen nang makarating sa main road. Agad siyang pumara ng taxi at
nagpahatid sa inuukupa niyang apartment. Tumingin siya sa labas ng bintana ng taxi.
Hindi ito dapat magtuloy-tuloy. Nasisira ang tahimik kong buhay dahil na naman sa
taong 'yon. Kailan ba niya ako tatantanan? Bakit ngayon pa kung kailan masaya na
ako at maayos na ang buhay ko?

Kapag nagpatuloy pa ang paghabol ni Jaime sa kanya, siguradong mapapahamak ang mga
kaibigan niya. Alam niya ang likaw ng bituka ni Jaime. Natatakot siya para sa mga
kaibigan niya na tinanggap at minahal siya.

Mariin niyang ipinikit ang mga mata. Mula nang makaalis siya sa poder ni Jaime,
naging maganda na ang buhay niya. Nakilala niya ang dalawa niyang matalik na
kaibigan, si Clover at Marj, walang alam ang dalawa sa nakaraan niya. Ayaw niyang
malaman nang mga ito kung ano siya noon. Nagbago na siya at iyon ang mahalaga.
Naiinggit siya sa mga kaibigan niya dahil may pamilya ang mga ito na matatakbuhan.
May pamilya nga siya pero ito pa ang gustong sumira sa buhay niya.

Nang tumigil ang taxi sa harap ng apartment niya, binayaran niya ang driver at
lumabas ng taxi. Nagmamadali siyang pumasok sa apartment niya at tinungo ang
kinaroroonan ng telepono.
Gilen dialed his number. Itong taong ito lang ang makakatulong sa kanya sa problema
niya. After two rings, he picked up.

"Yes, who's this?" Tanong ng nasa kabilang linya.

"This is Gilen."

Ilang minuto itong walang imik. "For you to call me after five years of being
silent, I assumed you have

a problem."

She bit her lower lip. "Yes. Jaime Ramirez is going after me. Akala ko ba
pagkatapos nang ginawa ko, makukulong silang dalawa ng kapatid niya. Pero isa lang
ang ikinulong ninyo. Kung alam ko lang na mangyayari ito, sana-"

"Gilen, calm down. I already sent my men to protect you." Sansala nito sa iba pa
niyang sasabihin. "At si Julio Ramirez lang ang naipakulong namin dahil sa kanya
nakaturo lahat ng ebidensiya at hindi kay Jaime."

"Bullcrap!" Hindi niya napigilang sigaw. "Si Jaime ang diniin ko, bakit si Julio
ang nakulong? Sabi mo magbagong buhay ako at ipaubaya ko na sayo ang lahat.
Ipinaubaya ko ang lahat sayo, pero hindi mo pala nagawa ng tama. Ngayon, ano na ang
gagawin ko? Hindi lang ang buhay ko ang nanganganib kung hindi pati ang mga
kaibigan ko."

"I'm sorry. Ginawa namin ang lahat pero mautak talaga si Jaime. I already sent my
men to protect you, Gilen-"

"I don't need your men to protect. You know that I can protect myself. Ang mga
kaibigan ko ang protektahan mo." Ibinaba niya ang telepono at nagmamadaling pumunta
sa kuwarto niya.

Nanghihinang umupo siya sa ibabaw ng kama. Ang dami niyang katanungan na hindi niya
kayang sagutin. Kung si Julio lang ang nakulong at nakalaya si Jaime, bakit ngayon
palang siya pinahabol ni Jaime? It's been five years. Bakit ngayon lang?
Nahiga siya sa kama at ipinikit ang mga mata. Hanggang sa pagtulog dala niya ang
katanungang iyon. Bakit ngayon lang? Bakit? Ano ang binabalak ng lalaking 'yon?

HINDI pa nagdidilim

ang kalangitan, nasa labas na ng Bachelor's Bar si Gilen. Pagkapasok niya sa Bar,
agad siyang hinarang ng isang lalaki. Ang lalaking nakabongguan niya sa rest room.

She smiled cheekily. "Uy, diba ikaw yong lalaki doon sa rest room?"

He grimaced. "O, e ano naman ngayon?"

"Summa cum laude ka ba nuong collage ka? Alam mo kasi ang mga republic chorva na
'yon."

He sighed. "Hindi kailangan ng isang tao na maging summa cum laude para malaman ang
mga bagay na 'yon."

Gilen rolled her eyes. "Yeah, right. Sino bang normal na tao ang memorize ang isang
republic act? Ikaw lang yata ang kilala kong ganoon."

"Wala ka ng pakialam kung memorize ko lahat ng republic act. It's part of my job."

Kumunot ang nuo niya at pinasadahan ito ng tingin. "No offence Mr. Bouncer but I'm
pretty sure na wala sa job description mo ang mag salaysay ng republic act sa bawat
costumer na papasok dito sa Bar. Well, unless, isa kang attorney. Pero kung isa
kang attorney e di sana wala ka rito ngayon. Tapos-"

"Shut up, please."

Napasimangot siya. "Grabe ka talaga. Nagsasalita lang naman ako."

"Masyado kang madaldal at ayoko sa mga madaldal na tao."


Inirapan niya ito. "Whatever. Pasalamat ka nga kinausap kita. Hmp!"

Akmang lalampasan niya ito ng humarang na naman ito sa daraanan niya. Tiningnan
niya ito ng masama.

"Ano na naman? Akala ko ba ayaw mo sa madaldal. Umalis ka nga riyan sa daraanan ko.
I'm

hungry and thirsty." Aniya sa mataray na boses.

"We're close." Anito na may itinuro sa likuran niya.

Tiningnan niya ang itinuro nito at kumunot ang nuo niya. "Oh e ano naman ngayon.
We're close nga pero sa labas niyan ay we're open."

"Bakit ba gusto mong lumaklak ng alak. Maaga pa para patayin mo ang bituka mo."

She sighed dramatically. "Mr. Bouncer-"

"It's Kaino."

Natigilan siya ng ilang Segundo bago nagsalita ulit. "Okay, Kaino it is. Kaino,
hindi ko pinapatay ang bituka ko. Saka minsan lang naman ako uminom ah."

"Yeah, right. So hindi ikaw 'yong babaeng nakikita ko rito gabi-gabi na halos
ubusin ang alak sa Bar?"

Bigla siyang nagtatalon sa tuwa. "Yes! May stalker na ako!" She smiled cheekily at
Kaino. "Gusto mo ba ng autograph ko?"

Marahang menasahi ni Kaino ang nuo. "Umalis ka na."


She pouted. "Pero nagugutom nga ako at nauuhaw. Maawa ka naman sa akin."

Pinandilatan siya nito. "Ano naman ang tingin mo sa Bachelor's Bar, restaurant? We
serve drink not stake with rice."

Biglang tumunog ang tiyan niya sa sinabi nito. Pabiro niyang tiningnan ng masama
ang lalaki. "Kasalanan mo kung bakit tumunog ang tiyan ko. Nagugutom na tuloy ako."

"Pero kanina lang sabi mo nagugutom ka, tapos ngayon ako ang sinisisi mo?"
Ihinilamos nito ang dalawang kamay sa mukha na parang punong-puno na ito sa kanya.

She chuckled. "You're so fun to tease."

He glared at her. "You're testing my patience, woman."

Gilen grinned at him. "And you're so fun to tease, man."

Napailing-iling

ito at nagtanung kapagkuwan. "Are you really hungry?"

"Yes." Walang pag aalinlangang sagot niya.

"Come on, follow me." Anito at naglakad papunta sa kung saan.

She bit her lower lip while thinking if she'll follow him or not. Nanaig ang
bangingi niyang utak at sinundan si Kaino. Tumigil ang lalaki sa isang pintuan na
may nakasulat na Bouncer's quarter.

Napangiti siya. "Wow. May Bouncer's quarter pala? Akala ko maid lang ang may
quarter."

He gave her a funny look. "Can you please stop commenting on everything you see?
Nakakirita e."
Sinimangutan at inirapan niya ito. "Bakit ba ganyan ang ugali mo? Lahat nalang ng
sinasabi ko, pinapansin mo. Magsabi ka lang kung fan kita o stalker, promise, hindi
ako magagalit."

Hindi siya nito sinagot at binuksan ang pintuan. Pagkapasok nito, pumasok na rin
siya kahit hindi siya sinabihang pumasok. Agad niyang ipinalibot ang tingin sa
kabuunan ng silid. Maliban sa isang kama at pandalawahang mesa, wala ng laman ang
silid na iyon.

"Kakaiba itong quarters mo, Kaino." Aniya.

"Sige, manlait ka pa."

"Hindi naman ako nanlalait."

Naglakad siya palapit sa mesa at humugot ng bakanteng upuan at umupo. Pinag-krus


niya ang paa at tumingin kay Kaino na nahuli niyang titig na titig sa kanya.

She smiled sweetly at him. "Bakit ka titig na titig ka sa akin? Gusto mo ng picture
with autograph ko? I promise, super ganda ng perma ko."

Nag-iwas ito ng tingin. "No thanks." Binuksan

nito ang bag na nasa ibabaw ng kama at may kinuha roon na naka-cellophane.

Naglakad ito palapit sa kanya at iniabot ang kinuha nito sa bag. "Heto, kainin mo.
I'm not hungry anyway."

Tinitigan niya ang hawak nito. "Ano yan?"

He opens the cellophane and put the Tupperware on the table. "Baon ko yan. Don't
worry, walang lason yan."

Binuksan niya ang Tupperware at ganoon na lamang ang saya niya ng makakita ng ng
fried chicken. It her favorite food of all time! Walang sere-seremonyang kinuha
niya ang friend chicken at kinagat iyon. Hmmm. Yummy! Tapos kinamay niya ang kanin.
Grabe, ang sarap-sarap talaga ng friend chicken. Magana siyang kumain. Wala siyang
pakialam sa paligid at ang tangging focus lang niya ay ang pagkain sa harap niya.

Namalayan nalang ni Gilen na ubos na ang pagkain na ibinigay sa kanya ni Kaino.


Nag-angat siya ng tingin at nakitang hindi makapaniwalang nakatingin sa kanya ang
lalaki.

She smiled forcedly. "Sorry. Ang sarap kasi ng friend chicken e."

Napailing-iling ito. "Ang bilis mong kumain. Are you sure na tao ka?"

Tiningnan niya ito ng masama. "Ano naman ang tingin mo sa akin, hayop? Wala kang
karapatang insultuhin ako kahit binigyan mo pa ako ng pagkain." Tumayo siya at
naglakad papunta sa pintuan. "Salamat sa pagkain." Aniya at lumabas ng Bouncer's
quarter.

HUMINGA ng malalim si Kaino ng lumabas si Gilen sa quarters niya. Tiningnan niya


ang Tupperware na wala nang laman. He can't believe a woman can eat as fast as
Gilen can.

Nang tanungin niya ito kung tao ito, talagang nagtaka siya kung tao nga ba ito. Ang
bilis kasing kumain. Parang inaagawan ng pagkain.

Kinuha niya ang cellphone sa bulsa at tinawagan ang superior niya.

"Sir, are you sure about Gilen Ramirez?" Tanung niya kaagad ng sagutin nito ang
tawag.

"Sure about what, Kaino?"

"Sure ba kayo na siya ang babaeng may alam ng lahat? Parang hindi naman e. Ang
takaw-takaw niya at parang isip bata."
Tumawa ang superior niya. "Of course, I'm sure. Basta gawin mo nalang ang
pinapagawa ko. Protect her, Kaino."

"Yes, sir."

Pinatay niya ang tawag at lumabas ng quarters. Naabutan niya si Gilen na nakaupo sa
stool at nakaharap sa bar counter habang sumisimsim ng alak. Napailing-iling siya.
Akmang kakausapin niya ito nang matigilan siya ng makita ang expression ng mukha
nito. Parang hindi ito ang Gilen na matakaw at medyo may pagka-childish. Ang Gilen
na nakikita niya ngayon ay hindi ang babaeng nakausap niya kanina.

Tumikhim siya para makuha ang atensiyon nito.

"Can I sit here?" Tanung niya na tinutukoy ang katabi nitong stool.

"Sure. Hindi ko naman pag-aari ang upuang yan."

"Ang taray mo yata."

Binalingan siya nito na may pekeng ngiti na naka-plaster sa mga labi. "Sure. You
can sit there, hindi ko naman pag-aari ang upuang yan." She said with a fake
enthusiasm.

"Too fake." Aniya.

She rolled her eyes. "Pasalamat ka talaga at masarap yong fried chicken na ibinigay
mo sa akin." She smiled genuinely at him. "Salamat sa pagkain."

Kaino blinked rapidly. Agad siyang

nag-iwas ng tingin para hindi makita ang maganda nitong ngiti. Parang kinapos siya
ng hininga.

"Ahm..." He cleared his throat. "Yeah... sure. Welcome."


He heard Gilen chuckled. "Hindi pa pala tayo pormal na magkakilala. Hi, I'm Gilen
Ramirez, ikaw, anong pangalan mo?"

Ibinalik niya ang tingin dito at nakita niyang nakalahad ang kamay nito. Tinaggap
niya ang pakikipagkamay nito at pinigil niya ang hininga ng maramdaman ang malambot
nitong kamay. Shit! Bakit ba ito nangyayari sa akin?

"Kaino Garcia. Nice to meet you."

"Same here."

Binawi nito ang kamay at gusto niyang kutusan ang sarili dahil gusto pa niyang
hawakan iyon. Kaino, trabaho lang si Gilen at wala ng iba!

"So, what do you do for a living?" Tanung niya. Kailangan niyang makakuha ng
impormasyon tungkol dito.

Gilen shrugged her shoulder. "Wala akong trabaho."

Kumunot ang nuo niya sa sagot nito. "Wala? Kung ganoon paano ka nabubuhay? You're
always here in Bachelor's Bar, how can you pay your drinks?" Tumatanggap ba siya ng
pera kay Jaime Ramirez?

"Inheritance." Maikling sagot nito.

"Inheritance from whom?"

Kunot ang nuong binalingan siya nito. "Bakit mukhang interesado ka sa buhay ko?"

"I want to know you more." Nag mag-sink in sa utak niya ang kanyang sinabi, gusto
niyang ilibing ang sarili sa lupa. Bakit ba iyon ang lumabas sa bibig niya. Puwede
namang 'I'm just curious'. Bakit 'yon pa?
Gilen chuckled and tap his face playfully. "That's sweet, Kaino, pero hindi ikaw
ang tipo kung lalaki."

Napanganga siya. Did she just reject him? Parang hindi 'yon kayang tanggapin ng ego
niya. Siya? Si Kaino Garcia na isang matinik na NBI Agent at habulin ng babae. Ni-
reject lang ng isang matakaw na babae?

"At wala akong balak makipag-relasyon ngayon, masyado pang magulo ang buhay ko."
Anang boses ni Gilen.

Napatigil siya sa pag-iisip ng kung ano-ano ng marinig niya ang sinabi nito. Magulo
pa ang buhay? Bakit naman kaya?

"Bakit magulo ang ... buhay mo?" Tanung niya rito. He's hoping against hope that
she'll answer him.

Gilen just shrugged. "Basta magulo." Inilapag nito ang hawak na baso at naglagay ng
Sampung libo sa Bar counter. "Keep the change." Anito sa Bartender na nakatanga
habang nakatingin sa sampung libo.

Tumayo si Gilen at naglakad palabas ng Bar. Tatawagin sana niya ang pangalan nito
ng mapagpasyahan niyang sundan nalang ang dalaga. Iiwan muna niya ang Bachelor's
Bar, wala naman yatang mangyayari kung aalis muna siya pansamantala.

=================

Chapter 3

CHAPTER 3

PAGKALABAS ni Gilen sa Bar, agad niyang naramdaman na may nakasunod sa kanya.


Mabilis siyang lumingon at nagulat ng makita si Kaino sa likuran niya.
"Anong ... Bakit mo- Sinundan mo ba ako?" Kunot-nuong tanong niya rito.

"Yeah. Sinundan kita." Walang pag aalinlangang pag-amin nito.

Tumaas ang kilay niya. "Wow. You're so honest." Puno ng sarkastikong ani niya.

"Stop the sarcasm, Gilen. I'm being honest here."

Umingos siya. "Alam mo, ikaw lang ang bouncer na nakilala kong englisero."

"Hindi naman porke't bouncer lang ako e bobo na ako. May pinag-aralan din naman
ako."

She rolled her eyes. "Oo na. Teka nga muna, bakit mo ba ako sinusundan?"

"Diba sabi ko, I want to know you more? Kaya naman sinundan kita." Anito na hindi
makatingin sa kanya.

"Yeah right." Aniya na hindi naniniwala sa sinabi nito. "Puwede ba Kaino,


kakakilala mo lang sakin. Tigilan mo nga ako."

"Ano naman ngayon kung kakakilala ko lang sayo?"

Itinirik niya ang mga mata at nagumpisang naglakad sa gilid ng kalsada. Naramdaman
niyang sinundan siya nito.

"Kaino, stop following me." Aniya sa matigas na boses.

"I want to know you more, Gilen." Anito nang makahabol sa paglalakad niya.

Hindi siya tumigil sa paglalakad at sinagot si Kaino. "Look, I don't want to know
you more. So please, leave me alone."

"I don't want to leave you alone."

Tumigil siya sa paglalakad at hinarap ang binata. "Leave me alone, Kaino."

Ilang segundong matiim siya nitong tinitigan kapagkuwan ay nagsalita.

"Where's the happy-go-lucky Gilen? Yong babaeng palaging nakangiti na nakikita ko


sa Bar gabi-gabi. Anong ginawa mo sa kanya? Is that the real you or the fake you.
Gabi-gabi kitang nakikita, kaya naman naninibago ako sa kaseryusuhan mo ngayon."

Huminga siya ng malalim. "Kaino, hindi mo ako kilala kaya wala kang karapatan na
husgahan kong totoo ba o peke ang pagkatao ko."

"That's the point. Kaya gusto kitang makilala-"

"Shut it! I don't want to talk to you." Aniya at mabilis na tumakbo palayo kay
Kaino.

Gilen turns around when she heard footsteps behind her. When she saw Kaino, she
doubled her pace. Akala niya ay nakatakas na siya rito ng biglang may humawak sa
braso niya at pinigilan siyang makatakbo palayo.

Masama ang ipinukol niyang tingin kay Kaino. "Ano ba! Bitawan mo nga ako!"

"Shh... huwag kang maingay." Anito at dahan-dahan siyang iginiya patungo sa madilim
na parte ng kalsada. "Someone was following us."

Inatake siya ng kaba. No way! Sila na naman? Nag-angat siya ng tingin kay Kaino.
Abala ang binata sa pagtingin sa paligid.

"Sino ang sumusunod sa atin? Ikaw lang naman ang narinig ko kanina." She whispered.

Bumaling ito sa kanya. Nagkasalubong ang titig nila. "I don't know. I saw some
shadows and then heard some footsteps. Hindi ko alam kung sino sila. Kilala mo ba
sila?"

Umiling siya. "Hindi ko sila kilala." She lied. Hindi niya ito hahayaang madamay sa
gulo ng buhay niya.

"Oh...are you sure?" Paninigurado nito. "Sigurado kang hindi mo sila kilala?"

Mabilis siyang umiling.

"Sigurado ako."

"Okay." Ipinalibot nitong muli ang paningin. "I think we should go back to the
Bar."

"Nababaliw ka ba?" Tumingin siya sa paligid. "Kung may sumusunod nga sa akin,
sigurado akong madali nila tayong mahuhuli kung babali ako."

"I need my car. Ihahatid kita kung saan ka man nakatira. You're not safe here-"

"Wait..." She gave him a doubtful look. "May sasakyan ka?"

"Oo. Bakit? Anong masama roon?"

"You can afford to buy a car?"

"Yeah. It's a car loan. Regular employee ako sa Bachelor's Bar. At saka, second
hand 'yon." Anito habang nakatingin sa mga mata niya.

Bakas sa mga mata nito na nagsasabi ito ng totoo. Bakit naman ito magsisinungaling
sa kanya? Walang dahilan para gawin nito iyon.

Gilen reached for his hands and gripped it. "Kaino, iwan mo na ako rito. Bumalik ka
sa Bar at kalimutan mo ang lahat ng ito, okay?"
"What? Are you freaking kidding me?" Hindi makapaniwalang tanong nito sa kanya.
"Hindi ko 'yon kayang gawin. Hindi kita basta-basta iiwan-"

"Shut it! Just do what I say. Umalis ka na." Binitawan niya ang binata at naglakad
pabalik sa gilid ng kalsada kung saan maliwanag at nakikita siya.

Kung may sumusunod sa kanya, kailangan niyang ilayo iyon kay Kaino. Baka ano pa ang
gawin ng mga ito sa binata kapag nakita itong kasama niya. Hindi niya hahayaang may
masaktan dahil sa kanya. Mabilis siyang naglakad. Nang may mahagip ang mata

niya na isang anino sa likuran niya, mabilis siyang umikot at sinipa ang nasa
likuran. Nang ma-realize niya na si Kaino ang nasa likuran niya, she was horrified.
Nagpapasalamat siya at mabilis na nasalag ni Kaino ang sipa niya.

"Oh my god! I'm so sorry." Hingi niya ng tawad at minasahe ang braso nito na
ipinansalag nito sa sipa niya.

"Okay lang." Binawi nito ang kamay na minasahe niya. "Kailangan mo ng umuwi, Gilen.
Hindi ka safe rito. Halika na, ihahatid na kita."

She shook her head. "That's sweet and everything but I'm okay. I don't need a ride
home, but thanks anyway." Humakbang siya palayo rito at pinara ang taxi na
papalapit sa kanila. "Bye, Kaino. See you tomorrow." Aniya bago sumakay sa taxi.

NANGHIHINANG umupo si Gilen sa sofa at binasa muli ang sulat na nakita niya na
nakadikit sa pintuan ng apartment niya. Nang makita niya iyon, gusto niyang umiyak.
Pero hindi niya hinayaan ang sarili na umiyak. Hindi niya pagaaksayahan ng luha ang
mga walang kwentang tao.

Gilen,

Kailangan ko ang white note book na alam kong nasayo dahil ipinatago 'yon ng walang
kwenta mong ina. Ibigay mo 'yon sa akin kung hindi papatayin kita. Binibigyan kita
ng isang linggo para ibigay sa akin ang gusto ko. Kapag hindi mo ibinigay sa loob
ng isang linggo, may ibuburol ang mga kaibigan mo. Magsasama kayo ng walang kwenta
mong ina sa impyernong pinaglagyan ko sa kanya.
Nagmamahal, Jaime.

PS: Kapag nalaman ko na himingi ka ng tulong sa Pulis, ang mga mahal mong kaibigan
ang papatayin ko. Enjoy :)

Galit na pinira-piraso niya ang sulat

ni Jaime. Alam na ng demonyong 'yon kung saan siya nakatira. Araw nalang ang
bibilangin niya, malalaman na nito ang cell phone number niya.

Gilen dialed his number again. After two rings, he picked up.

"Gilen, bakit ka tumawag gamit ang cell phone mo? May problema ba?" Tanung ng nasa
kabilang linya.

"Please. Protect my friends." Pakiusap niya rito. "Ibibigay ko lahat ng kailangan


niyo sa akin. Impormasyon, lokasyon o kahit na ano, basta protektahan mo lang ang
mga kaibigan ko. Please, protect them. Ayokong madamay sila sa gulo ng buhay ko."

Natahimik ang kausap ng ilang segundo. "Ibibigay mo sa amin ang white book?"

"Hindi. Pero sasagutin ko lahat ng tanong niyo. Ibang usapan na ang white book.
Pag-aari iyon ng ina ko at hindi ko iyon ipamimigay sa kahit na sino." Aniya sa
matigas na boses. "Protect my friend and I will spill some beans. Do we have deal?"

"Deal. Tatawagan nalang kita kapag kailangan ko na ang impormasyon mo." Anito at
pinatay ang tawag.

Mariin niyang ipinikit ang mata at inilagay ang braso sa nuo. My world is starting
to turn upside down. Sawang-sawa na siya sa ganitong buhay. She wanted to be Gilen,
the glutton friend of Clover and Marj. She missed her friends, but she knew better
than to bond with her friends and endanger them in the process. Hindi niya
kakayanin kung isa sa mga kaibigan niya ay masaktan.
NASA kalagitnaan ng pagluluto ng agahan si Gilen ng tumunog ang doorbell ng
apartment niya. Sino kaya 'yon? Dahan-dahan siyang naglakad patungo sa bintana na
malapit sa pintuan at sinilip

kung sino ang nasa labas ng apartment niya. Nanlaki ang mga mata niya ng makita si
Kaino.

Anong ginagawa niya rito? Kunot ang nuong tanong niya sa sarili.

Mabilis na binuksan niya ang pintuan at hinarap ang binata. "Anong ginagawa mo
rito? Paano mo nalaman na dito ako nakatira? Anong kailangan mo sa akin?"

"Relax. Anong ginagawa ko rito? Well, nag-alala kasi ako sayo kagabi kaya naman
nandito ako para alamin ang kalagayan mo. Paano ko nalaman na dito ka nakatira? I
followed you home last night. Nag-alala kasi ako."

"You followed me home? Paano? Lumipad ka?" Sarkastikong tanong niya. Alam niyang
nasa Bar ang sasakyan nito.

"No. Pagka-alis ng taxi na sinasakyan mo, tamang-tama naman na may paparating na


isa pang taxi."

Napailing-iling siya. "Anong kailangan mo sa akin?"

"Nag-alala ako sayo kagabi."

"Oh e, ano naman ngayon? Gusto mo mag-party tayo?" Puno ng sarkasmo ang boses niya.
"Please, Kaino, tigilan mo ako. You, worrying about me is cute and sweet but it had
to stop. You have to stop this. Hindi ikaw ang tipo kung lalaki, Kaino."

"Paano mo naman nasabi na hindi ako ang tipo mong lalaki? Hindi mo pa naman ako
kilala."

"And I don't want to know you." Isinara niya ang pinto. "Go home, Kaino. Wala kang
mapapala sa akin."
Akamang maglalakad na siya pabalik sa kusina ng marinig niya ang nagpa-panic na
boses ni Kaino.

"God, Gilen! You have to open the door! 'Yong mga tao na humahabol sayo, nandito sa
labas!

You have to let me in!"

Nagmamadaling binuksan niya ang pinto at hinatak ang damit ng binata papasok sa
bahay niya. Kapagkuwan ay ini-lock niya ang pintuan at sumilip sa labas ng bintana.
Maliban sa sasakyan na nakaparada hindi kalayuan sa bahay niya, wala siyang ibang
tao na nakita. Naningkit sa galit ang mata niya nang ma-realize na nagsinungaling
si Kaino para papasukin niya ito. Siya naman itong si tanga at nagpa-uto.

Nanlilisik ang mga mata na hinarap niya si Kaino. "How dare you to trick me?!"

Itinaas nito ang dalawang kamay na parang sumusuko. "Sorry, huwag ka ng magalit."

"Huwag akong magalit?! Gago ka pala e-"

Bumaba ang isang kamay nito at may hinugot na chocolate bar mula sa bulsa ng
pantalon nito. "Want chocolate?"

Agad na kumalma ang nagagalit niyang kalooban ng makita ang chocolate Bar. Mabilis
niyang kinuha iyon sa binata at binalatan.

"Chocolate lang pala ang katapat mo." Anito sa mahinang boses pero narinig niya.

"Pasalamat ka at feel na feel ko itong binigay mong chocolate." Naglakad siya


pabalik sa kusina. "Come on. Nandito ka na rin lang, might as well eat breakfast
with me."

Ngumisi si Kaino. "Talaga? Sabay tayo magbi-breakfast?"

Inirapan niya ito. "May bayad 'yon."


May hinugot na naman itong isang malaki at malapad na chocolate Bar mula sa bulsa
nito at inabot sa kanya. "Sapat na ba itong kabayaran o kailangan pa kitang
ipagluto?"

Tinanggap niya ang chocolate Bar. "Magluto ka na. Para buong-buo na ang bayad mo."

"May balak

ka yatang alipinin ako e."

Umupo siya sa ibabaw ng island counter. "Well, nangangailangan ako ng isang alipin
gigilid."

Walang buhay ang mga mata niton nang titigan siya. "Wala akong balak maghanap ng
among matakaw."

Sinimangutan niya ito. "Heh! Magluto ka ng nga lang diyan."

"Okay." Anito at tahimik na ipinagpatuloy ang niluluto niyang agahan bago ito
dumating.

MAGKAHARAP sila ni Kaino sa maliit na mesa at pinagsasaluhan ang agahan na niluto


nito. Tiningnan niya ang binata na maganang kumakain.

"Welcome." Aniya.

Nag-angat ito ng tingin. "Huh?"

"You're welcome. Pagkain ko yang magana mong kinakain."

Tumaas ang isa nitong kilay. "You welcome rin."


"Walang akong pagkain mo na kinain ko."

Tumingin ito sa chocolate Bar na hawak-hawa niya. "Feeling mo naman pag-aari mo


yang chocolate."

Inirapan niya ito at itinago ang chocolate sa likuran. "Bayad mo sakin 'to."

"Oo na. Hindi ka na welcome." Anito at ibinalik ang buong atensiyon sa pagkain.

Napangiti siya. Ito ang ikalawang beses na hinayaan siya nitong manalo. Hindi naman
pala ito insensitive tulad ng unang impresyon niya rito. Nuong nakabunggoan niya
ito sa rest room, para itong ewan. Parang hindi iyon ang Kaino ngayon na nag-aalala
para sa kanya.

"Nagda-drugs ka ba?"

Bigla itong umubo na parang nabibilaukan. Mabilis niyang inabutan ito ng isang
basong tubig. Tinanggap nito iyon at nagmamadaling ininom ang tubig.

He glared at her. "Ano bang klaseng tanong 'yon? God! Ako? Nagda-drugs?" Tumawa ito
ng walang buhay. "I hate drugs."

She shrugged her shoulder. "Nagtatanong lang naman ako e."

Binitawan nito ang kutasara at tinidor at matiim siyang tinitigan. "Bakit mo ba


itinanung 'yon? Mukha ba akong nagda-drugs?"

Umiling siya. Alam niya kung nagda-drugs ang isang tao o hindi. "Hindi ko alam kung
bakit ko tinanong iyon sayo. Ang weird mo kasi. Nuong una nagkabongguan tayo, ang
taray mo kaya. Tapos ngayon naman 'I want to know you more' and drama mo. See?
Masakit sa atay ang ugali mo. Napakahirap intindihin."

"And then you assumed na nagda-drugs ako?"


She nodded.

"Hindi ako nagda-drugs." He picked up the spoon and fork again. "Masakita yang atay
mo kasi palagi kang umiinom. Hindi na ako magtaka mamatay iyang atay mo."

Sinapo niya ang tiyan. "Atay, naghihingalo ka na ba riyan?" Tanong niya sa atay
niya.

Kaino chuckled. "Baliw ka talagang babae ka. Para namang sasagutin ka niyang atay
mo."

"Malay mo sumagot."

Umiling-iling ito. "Ewan ko sayo, Gilen. Baliw ka na talaga."

Ngumisi siya. "Pero gusto mong makilala ng mabuti itong baliw na ito."

Natigilan ito at tumingin sa kanya. "Yes. Gusto kong makilala ang baliw na kaharap
ko ngayon."

Biglang nawala ang ngiti sa mga labi niya. "Kaino-"

"Kumain na tayo." Anito na nakangiti at ibinalik ang atensyon sa pagkain.

Siya naman ay nakatitig lang dito habang gulong-gulo ang utak niya. Bigla itong
nag-angat ng tingin at nagtama ang mga mata niya. She felt her heart skips a beat.
She quickly looked away. Ano ba naman 'to? May gusto na ngang pumatay sa akin,
mukhang may sakit din ako sa puso. Ako na ang malas.

=================
Chapter 4

CHAPTER 4

GILEN was sipping her coffee, waiting for him to arrive when someone sits on the
vacant chair in front of her. Malapad na ngiti ang iginawad niya sa lalaki na naka-
upo ngayon sa harapan niya.

"Anong ginagawa mo rito?" Tanong niya.

Kaino shrugged. "Nakita kitang naka-upo kaya naman nilapitan kita. Balak ko rin
mag-kape rito, mind if I join you?"

"No, I don't mind. Medyo boring din mag-kape nang mag-isa." Aniya na nakangiti pa
rin.

Kumunot ang nuo nito. "Mukhang masaya ka yata ngayon."

Tumango siya. "Yeah, masaya ako."

"Bakit?"

"Kasi magkikita kami ni Luther ngayon." She chirped happily.

"And who the hell is Luther?"

Nag-aalangan siyang sagutin ito dahil parang sumama ang mukha nito. "Ahm, someone I
know."

"Someone you know? Paano ka nakakasiguro na hindi ka niya sasaktan? Na hindi ka


niya papatayin? Na hindi ka niya-"

"Woah! Pause!" Gilen chuckled lightly. "Kaino, bakit mo naman naisip na papatayin
niya ako? Luther is a friend of mine. Actually, he's more of my knight in shining
armor. He saves me all the time."
Nawala ang kislap ng mga mata nito. "Really? I'm happy for you."

"Happy for me?" Hindi naniniwalang tiningnan niya ito. "Kaino, mukha kang papatay
ng tao, 'yon ba ang masaya para sa akin?"

Agad na nawalan nang emosyon ang mga mata nito. "Masaya ako para sayo."

She exhaled. "And now you're eyes had no emotion, I'm pretty sure that you're not
happy for me."

He

looked at her; irritation is visible on his eyes. "Kailangan ba talagang ibasi mo


ang nararamdaman ko sa kislap ng mga mata ko?"

"Yeah. Mula pa nuong bata ako, ganoon na ako. My mom thought me to always read eyes
expressions, doon mo raw kasi malalaman ang tunay na saluobin ng isang tao."

Ilang minuto itong hindi umimik at nakatitig lang sa kanya bago nagsalita. "So,
alam mo kung anong nararamdaman ko kapag tiningnan kita ng ganito?"

Tumitig ito sa kanya na may kakaibang kislap ang mga mata nito at sa unang
pagkakataon, hindi niya mabasa iyon. Parang may sakit, pagtatampo at pagaakusa ang
tingin nito sa kanya.

"Ano 'yon?"

"It's called jealousy." Anito at tumayo pagkatapos ay naglakad palabas ng coffee


shop.

Nakatanga lang siya habang nakatingin sa likod nito na papalayo. Jealousy?


Nagseselos siya? Kanino naman kaya at bakit? Napailing-iling siya. Napaka-weirdo
talaga ng lalaking iyon kahit kailan.
"I'm sorry, I'm late." Anang boses sa likuran niya.

Napanatag ang kalooban niya ng marinig ang boses na iyon. "It's okay; you don't
have to apologize, Luther."

Umupo ang lalaki sa inukupang upuan ni Kaino. "Kumusta ka na?"

She gave him a small sad smile. "Heto, naka-move on na pero ayaw talaga nila akong
patahimikin."

"Gilen, I'm always here, remember I promise you that?"

"Alam ko pero sawang-sawa na ako."

Ipinalibot nito ang tingin at inilagay ang siko sa ibabaw ng mesa pagkatapos ay
inilapit ang mukha nito sa kanya.

"Ang alam ko, huhulihin ka nila at pipilitin kang ibigay sa kanila ang white

book. Nuong huli kaming magkausap ni Jaime, binalaan niya ako. Kapag tulungan daw
kita, alam ko na raw ang kalalagyan ko."

Nanlaki ang mga mata niya at nag-alala siya para sa kaibigan. "Then you shouldn't
be here, Luther. Alam mo kung ano ang kayang gawin ni Jaime."

"At alam mo rin na kaya kong protektahan ang sarili ko."

"Alam ko, pero paano ang mga tauhan mo?"

He shrugged. "I know they can protect themselves, Gilen. Huwag kami ang alalahanin
mo, okay? My home is open for you."

Marahan siyang umiling. "No. Hindi kita idadamay sa problema ko. Alam mo naman
siguro na nasa likod ko rin ang NBI at alam kong pinababantayan na nila ako ngayon.
Tinawagan ko na siya, sabi niya nagpadala na raw siya ng tao na magbabantay sa
akin. Meaning, alam nila ang nangyari bago pa ako tumawag."

"Well, what can I say? NBI is NBI." He leaned on his seat. "Ano na ang gagawin mo
ngayon?"

She shrugged. "Hindi ko alam. Maybe run as fast as I can."

"You can always come back to us."

Mapakla siyang tumawa. "Luther, matagal ko ng iniwan ang buhay na yon. Nagbago na
ako."

"Baka lang naman magbago ang isip mo."

She shook her head. "Nope." Inubos niya ang kape at isinukbit ang shoulder bag na
dala. "I have to go. Nakipagkita ako sayo ngayon para sabihing huwag kang gumawa ng
kahit na ano na makakasira sayo dahil sa akin. Hindi ko magugustuhan 'yon. And I'm
pretty sure na kahit tulungan mo ako, walang bisa iyon sa NBI. We both know that
NBI knows that you're selling illegal things. Ang hindi ko lang alam ay kung bakit
hindi ka pa nila hinuhuli. Oh, scratch

that. Alam kop ala kung bakit hindi ka pa nila hinuhuli."

Luther smirked. "That's what you called, connections, Gilen."

Umiling-iling siya at tumayo. "Whatever, Luther. Sayonara."

Luther chuckled. "Sayonara and please, do tell your boyfriend that I'm not a foe so
he can stop looking at us through binoculars."

"Boyfriend?"

"Yeah, 'yong lalaki na kausap mo kani-kanina lang bago ako lumapit sayo."

Kumunot ang nuo niya at tumingin sa labas ng coffee shop. Hinanap ng mata niya si
Kaino. "Ano ba ang sinasabi mo?"

Tumayo na rin si Luther at humarap sa kanya. "May mga tauhan ako na nakapalibot sa
coffee shop, Gilen." Inabot nito ang kamay niya at hinalikan iyon. "'Till we see
each other again, Gilen, the most beautiful thief."

Para siyang binuhusan ng malamig na tubig nang marinig niya ang sinabi ni Luther.
Matagal na rin mula nang marinig niya ang salitang iyon. Nasanay na siya sa buhay
na mayroon siya ngayon, bakit kailangan pa nitong ipaalala ang buhay niya noon?

Umalis si Luther at naiwan siyang nakatayo at nakatulala. Hindi niya alam kung
ilang Segundo o minuto siyang nakatayo basta namalayan nalang niya na may humawak
sa kamay niya at iginigiya siya palabas ng coffee shop. Nang tingnan niya kung sino
iyon, nagulat siya ng makita si Kaino.

"Anong ginagawa mo rito?" Kunot ang nuong tanong niya.

"Saving you from embarrassment. Alam mo bang halos magli-limang minuto ka nang
nakatayo at lahat ng tao ay nakatingin sayo? Saan ba

nagsususuot iyang isip mo?"

Nag-iwas siya ng tingin. "May iniisip lang ako."

"Ano 'yon?"

"Nothing."

"Sometimes, the word nothing has a lot of meaning than the other words in
dictionary."

"My nothing has no meaning." Ipiniksi niya ang kamay na hawak nito at mabilis na
naglakad patungo sa sasakyan niya.

"The way you act now, parang hindi ikaw ang Gilen na baliw na nakasalo ko ng agahan
nuong isang araw."
Napatigil siya sa paglalakad at hinarap ang binata. "Hindi mo ako kilala, Kaino.
Ano naman kung magbago ako, as long as wala akong naapektuhan na tao, ayos lang
'yon."

"Ano naman ang tingin mo sakin? Hayop?" Puno ng iritasyon ang mukha nito habang
nakatingin sa kanya. "Naaapektuhan mo ako, Gilen. Nag-aalala ako para sayo."

"Then stop worrying about me. Wala ka namang dapat na ipagalala."

"I care for you, Gilen-"

"Shut up, Kaino! Just shut the hell up! Wala kang alam sa akin ni katiting,
hangga't maaga pa, lumayo ka na sa akin. Kasi hindi ko kayang suklian iyang
nararamdaman mo para sa akin."

"Hindi ako lalayo sayo." Naglakad ito palapit sa kanya. "Wala akong pakialam kung
hindi mo kayang suklian ang nararamdaman ko." Hinawakan nito ang kamay niya.
"Gilen, I care for you. Gusto kita, kaya please, hayaan mo akong mag-alala para
sayo."

Huminga siya ng malalim at ibinuka ang palad. "May chocolate ka ba riyan? Nagugutom
ako e."

Kaino looked at her in disbelief. "Gutom ka na naman? Kakakain mo lang diba?"

She nodded

while pouting like a kid. "Pero nagugutom pa rin ako. Please? Pahingi naman ng
chocolate oh? Mayroon ka bang baon diyan?"

"Nope, but I know a very delicious restaurant that serves brunch."

She grinned at Kaino. "Talaga? Libre mo ako?"

Napailing-iling si Kaino at inakbayan siya. "Oo, libre kita."


Pinalis niya ang braso na naka akbay sa balikat niya. "Hindi porke't ililibre mo
ako, puwede mo na akong akbayan."

Tumawa ang binata sa sinabi niya. "Worth the try."

Siniko niya ito sa tagiliran. "Worth the try ka riyan. Baliw."

"Look who's talking. Mas baliw ka sa akin."

"Hindi kaya." She stuck out her tongue at him.

"Isip bata."

Inirapan niya ito. "Gusto mo ang isip bata na ito kaya magtiis ka."

Inakbayan siyang muli ni Kaino, sa pagkakataon iyon, hindi niya pinalis ang braso
nito sa balikat niya. She felt safe in his arms.

"Yeah, hindi ko nga alam kung bakit gusto kita e. Baliw na yata ako para magustuhan
ang isang isip bata at matakaw na si Gilen."

She laughed and stayed silent. Sa unang pagkakataon, napasaya siya ng isang tao na
hindi niya kapamilya o kaibigan. Hindi niya akalain na ang lalaking ito na hindi
naman niya gaanong kilala ay mapapataba ang puso niya.

PAGKATAPOS nilang kumain ni Kaino, pinilit niya itong bumalik sa Bachelor's Bar
nang malaman niyang balak nitong umabsent dahil sa kanya. Ayaw niyang maapektuhan
ang trabaho nito ng

dahil sa kanya. Salamat naman at pumayag ito pero kailangang ihatid siya nito sa
apartment na inuukupa niya. Wala siyang nagawa kung hindi ang pumayag.
"We're here." Anunsiyo ni Kaino nang tumigil ang sasakyan nito sa harap ng
apartment niya.

She unbuckled her seatbelt and opens the door. "Salamat sa paghatid."

"Welcome."

Lumabas na siya sa sasakyan nito at pumasok sa bahay niya. Nanlaki ang mga mata
niya nang makita ang magulong apartment. Para iyong dinaanan ng tsunami, lahat ng
gamit niya nagkalat sa sahig.

Shit! Salamat sa panginoon at hindi niya rito itinago ang white book. Hindi na niya
kailangan imbestigahan para malaman ang pakay nang mga taong nanggulo sa apartment
niya.

"We have to call the police." Anang boses ni Kaino sa likod niya.

"No!" Hinarap niya ito. "No police."

"What? Why? This is obviously a robbery. Paano kung may nanakaw sa mga gamit mo?"

"Walang ninakaw sa mga gamit ko." Matigas ang boses na sagot niya.

Mataman siyang tinitigan ni Kaino. "Paano ka naman nakakasiguro?"

Nag-iwas siya ng tingin. "Basta. Don't call the Police."

Inilagay niya ang cellphone malapit sa tenga. "No. I'm calling the Police and
that's final." Anito at naglakad papasok sa apartment niya.

Nanghihinang umupo siya sa sofa na gutay-gutay na. Sa tingin ba talaga nila itatago
ko rito ang white book? Doon sila nagkakamali. Hinding-hindi niya hahayaan na
mapasakamay iyon ni Jaime. Mamamatay muna siya bago mangyari
iyon.

"Parating na ang mga Police." Wika ni Kaino nang tumabi sa kanya ng upo.

"Diba sinabi ko nang huwag mo silang tawagan. Ayokong maging big deal ito. It's
just a robbery attempt."

Hindi makapaniwalang tinitigan siya ni Kaino. "Just a robbery attempt? Gilen,


parang dinaanan ng malakas na bagyo ang bahay mo. Hindi ka ba natatakot na baka
bumalik ang mag magnanakaw na yon at narito ka sa bahay mo?"

Nagsitaasan ang balahibo niya sa sinabi ni Kaino. Siyempre, natatakot siya, pero
wala namang magagawa ang takot niya. Kailangan niyang maging matapang para sa
sarili niya. Walang ibang magtatangol sa sarili niya kung hindi siya.

"Tawagin mo nalang ako kapag dumating na ang mga pulis." Aniya at naglakad patungo
sa kusina.

Mariin niyang ipinikit ang mga mata nang makita na pati ang kusina niya, magulo
rin.

Someone hugged her from behind. "Madadakip din ang gumawa nito sa bahay mo." Anang
boses ni Kaino.

Hindi na siya umaasa. Kung alam lang nito kung sino ang gumawa nito. Binaklas niya
ang braso nito na nakapulupot sa bewang niya.

"Sana nga. Ang daming nasira. Pababayaran ko ito sa kanila kapag nadakip sila." She
said, trying to crack a joke but failed.

"Gilen-"

Naputol ang iba pang sasabihin ni Kaino nang marinig ang tunog nang serina ng
Pulis. Mabilis na iniwan siya ni Kaino sa kusina at siya naman naiwan na nag-iisip
kung ano ang isasagot niya sa mga walang kwentang tanong ng mga Pulis.
"MA'AM, nasaan ka nang mangyari ang panloloob sa bahay niyo?" Tanong nang pulis kay
Gilen.

She calmed herself. "I was

outside with my friend. We were eating in a restaurant."

"Saang restaurant po?"

Naiirita na tiningnan niya ang Pulis. "Ano ba talaga? Sino ba ang iniimbistigahan
mo? Ako o yong magnanakaw? Kanina ka pa tanong ng tanong nang mga walang kwentang
bagay. Why don't you just search my apartment and look for something!"

Nawalan ng imik ang pulis. Iniwan niya ito at tinungo ang kuwarto niya para tingnan
kung ninakaw ang pera niya sa vault. Ngayon lang niya naalala na may pera pala
siyang iniwan sa bahay.

SINUNDAN nang tingin ni Kaino si Gilen na halata ang iritasyon sa mukha. Napailing-
iling siya sa inasal nito sa harap ng pulis. Wala itong respito sa mga alagad ng
batas.

"Sa tingin mo hinahanap nila ang white book?" Tanong ni Ethan sa kanya, ang
partner niya sa pag-protekta raw kay Gilen.

Nagkibit-balikat siya. "Maybe."

Nuong isang araw, pinatawag sila ng superior nila para ipaalam na nagbago ang
misyon nila ni Ethan. Kung noon ay protektahan si Gilen at makalapit dito ang
misyon nila, ngayon naman ay protektahan ito at alamin kung nasaan ang white book
na nasa pangangalaga raw ni Gilen. Ang librong iyon daw ang magdidiin kay Jaime
para makulong na ito nang tuluyan.
"Sa tingin ko iyon ang hinahanap nila." Wika ni Ethan. "Kumusta na pala ang
paglapit mo sa kanya, may nalaman ka na ba tungkol sa white book?"

"Ethan, hindi pa kami ganoon ka-close para i-kwento niya sa akin ang bagay na iyon.
Wala pa nga yata kami sa MU stage. She's so hard to crack. Ang hirap niyang
pasukin."

Ethan rolled his eyes at him. "Then use your charm and good looks."

Pinandilatan niya ito. "Easy for you to say, hindi naman kasi ikaw ang
nakikipaglaro sa naglalagablab na apoy."

Matagal siyang tinitigan ni Ethan. "Don't tell me you're starting to like her?"
Nanlaki ang mga mata nito. "Don't tell me you're courting her for real?"

"Shut up, Ethan. Alam mo kung bakit nakikipaglapit ako sa kanya."

"Yeah, I know. Sana nga pareho tayo nang iniisip, Kaino. Kasi ang alam ko,
nakikipaglapit ka sa kanya para malaman kung nasaan ang librong 'yon. Sana iyon din
ang nariyan sa isip mo."

"Alam ko kung ano ang trabaho ko, Ethan. I can separate my personal life from my
job as an NBI Agent."

"Good. kasi kailangan natin ang librong 'yon. If you have to woo here to get that
book, do it. Romance her. Flirt with her. Whatever. Get that book. Ako ang magpo-
protekta sa kanya, ikaw naman ang papasok sa mundo niya."

Tumango siya at napatingin sa pinasukang pinto ni Gilen. Alam niyang naglalaro siya
sa apoy, sana naman ay hindi siya mapaso. Kailangan na niyang malaman kung nasaan
ang librong iyon para matapos na ito.

I don't want to play with fire. I don't want to get burn.


=================

Chapter 5

CHAPTER 5

NASA isang café si Gilen kasama ang kanyang dalawang kaibigan na sina Marj at
Clover. Ginigisa siya nang mga ito tungkol sa nangyari sa bahay niya. Ayaw man
niyang magsalita, hindi niya kayang magsinungaling sa mga kaibigan niya. Matagal na
siyang nagsisinungaling sa mga ito, siguro nga ito na ang tamang panahon para
malaman nang mga ito ang nakaraan niya.

"Gilen, why didn't you tell us? Alam mo naman na nasa likod mo kami diba?" Puno
nang pag-aalala ang boses ni Marj habang nakatingin sa kanya na parang naiiyak.

She looked away. "I don't want to tell you. I don't want to remember my past.
Gagawin ko ang lahat mabura lang iyon."

"But you can't erase it." Wika ni Gilen. "Your past is your past, Gilen. Kahit
anong gawin mo hinding-hindi na iyon magbabago. I can't believe you didn't tell us.
Tanggap ka naman namin kahit ano ka pa noon. Marj and I love you."

She smiled sadly. "Sorry, natakot kasi ako."

Ginagap ni Marj ang kamay niya at pinisil iyon. "It's okay. Ang importante ngayon,
hindi ka masaktan nang mga taong iyon. We can help you-"

"No." Sansala niya sa iba pa nitong sasabihin. "Huwag mo akong tulungan. Kaya ko
ito at saka ayokong madamay kayo sa gulo ng buhay ko."

"Tama si Gilen, Marj." Sang-ayon ni Clover. "Mas makabubuti na manahimik nalang


tayo. Hindi gugustuhin ni Gilen kung pati tayo ay masaktan ng mga taong iyon. At
kahit pa may pera tayo para mag-hire ng bodyguard, wala ring silbi iyon."
Tumango

siya. "Clover is right. Kaya naman hihingin ko sa inyo na huwag muna kayong
maglalalapit sa akin hangga't hindi pa natatapos ang problema kung ito."

Marj exhaled loudly. "Fine. Pero saan ka titira? Hindi ka na puwedeng bumalik sa
bahay mo. Baka bumalik ang mga taong iyon."

"Trust me, hindi na ako nakaapak muli sa bahay ko. Ang lalaking iyon! Urgh! Ang
sarap ipakain sa buwaya ni Kaino!" Nanggigigil na sabi niya.

Ngumisi si Clover. "Si Kaino? Aherm."

Inirapan niya ito. "Hay, tigilan mo nga ako, Clover. Walang nangyayari sa amin ni
Kaino. Wala!"

"Bakit? May sinabi ba akong mayroon?" Nanunundyo ang tingin na ipinukol nito sa
kanya. "Aherm, Gilen."

Mariin niyang ipinikit ang mga mata para kalmahin ang sarili. "Tigilan mo ako,
Clover."

Marj chuckled. "First time naming nakita ang reaksiyon mong ito, Gilen. Nakakatawa.
Marunong ka palang magalit."

Itinirik niya ang mga mata. "Tigilan niyo ako!"

Tumawa si Clover. "Okay, okay. Titigilan ka na namin basta ba sasagutin mo ang


tanong ko."

"Ano 'yon?"

"Saan ka nakatira ngayon?" May pilyang ngiti sa mga labi ni Clover.

Naiinis na tumayo siya at iniwan ang mga kaibigan na nagtatawanan. Napasimangot


siya nang pumasok sa isip niya si Kaino. Ang lalaking 'yon! Pagkatapos halughugin
nang mga Pulis ang bahay niya, hindi siya tinantanan ni Kaino. Pinilit siya nitong
pansamantalang manatali sa bahay nito. Ayaw niya pero hindi siya nito tinigilan.

Argh! Bakit ba ako pumayag na tumira sa bahay ni Kaino?

Akmang tatawag siya ng Taxi nang may tumigil na sasakyan sa harap niya. Agad siyang
inataki ng kaba. Handa na siyang kumaripas nang takbo ng bumukas ang driver seat at
iniluwa si Kaino. Tinitigan niya ang gamit nitong sasakyan. Alam niya ang lahat ng
uri ng sasakyan at ang sasakyan na nasa harapan niya ngayon ay isang Aston Martin.

"Hop in." Nakangiting wika ni Kaino.

"What happened to your car? Why the hell are you driving an Aston Martin?"

Kaino chuckled. "Hiniram ko lang 'to sa pinsan ko."

"Pinsan?" Kumunot ang nuo niya. "Ang yaman yata ng pinsan mo."

"Yeah. Very rich."

"Ah. Buti pinahiram ka." Sumakay siya sa sasakyan at isinuot ang seat belt. "Teka
lang, bakit pala narito ka? Aren't you supposed to be in Bachelor's bar, working?"

Pinausad nito ang sasakyan. "Nag-resign na ako."

Nanlaki ang mga mata niya at hinarap ito na abala sa pagmamaneho. "What?! Bakit
naman?"

Nagkibit-balikat ito. "I quit. Babantayan kita. I want to take care of you."

Hindi makapaniwalang tumingin siya rito. "What the hell is wrong with you? Paano ka
na ngayon? You resigned for what? To take care of me? God, Kaino, anong kakainin mo
ngayong wala ka ng trabaho?"
Walang pakialam na nagkibit-balikat ito ulit. "May ipon naman ako. Kaya yan.
Hanggang hindi nahuhuli ang nanloob sa bahay mo, mananatili ako sa tabi mo."

"No! You can't do this! Bumalik ka na sa trabaho mo, Kaino. Please." Pakiusap niya
rito.

"Nope. I'm staying with you, Gilen. Maghahanap ako ng trabaho kapag nahuli na ang
nanloob sa bahay mo. My decision is final."

Walang nagawa si Gilen kung hindi ang sumuko at tumingin sa labas ng bintana nang
sasakyan nito. Hindi talaga niya maintindihan ang takno ng isip ni Kaino. Alam
niyang nag-aalala ito sa kanya pero hindi naman nito kailangang mag-resign sa
trabaho.

Wala silang imik ni Kaino hanggang sa makarating sa bahay nito. Napanganga siya ng
makita ang bahay na nasa harapan niya.

"Anong ginagawa natin dito?" Naguguluhang tanong niya. "Hindi pa ba tayo uuwi sa
bahay mo?"

"Ahm... I borrowed this house from my cousin. Gusto ko kasi maging komportable ka.
Nasa-amerika naman ang pinsan ko at pumayag siya na gamitin natin ang bahay niya
pansamantala." Paliwanag nito.

Humugot siya ng isang malalim na hininga at tumingin ulit sa malaking bahay na


mansiyon na kung maituturing.

"Gusto kong umuwi sa bahay ko." Aniya.

"Gilen, napagusapan na natin 'to. You'll stay with me for a while. Baka balikan ka
ng mga taong 'yon. Ihinabilin ka sa akin ni Agent Ethan Decordova, remember?"

"Naaalala ko." Bakit ba kasi may NBI pa na nakapasok sa bahay niya? Wala siyang
nagawa ng ihabilin siya ni Agent Decordova kay Kaino. Wala siyang nagawa kung hindi
ang tumango. She knows what NBI can do. At saka may-record na siya sa NBI, kaya
naman hindi siya umangal sa paghahabilin nito sa kanya kay Kaino.
Binalingan niya si Kaino. "Ang hindi ko lang maintindihan ay kung bakit sayo ako
ihinabilin. Saka para namang espesyal ang kaso ko. It's just a robbery and it
happens all the time."

Tiningnan

siya ni Kaino na para bang nag-iisip kung magsasalita ba ito o hindi.

"Actually, kaibigan ko si Agent Decordova. Nang malaman niya na special ka sa akin,


binigyan niya ako ng basbas na bantayan ka hanggang hindi pa nahuhuli ang mga taong
iyon."

Pagak siyang tumawa. "God, Kaino, can you hear yourself? Binasbasan ka ni Decordova
na bantayan ako? Ano ka, pulis? Last time I check, you're just a bouncer."

Nag-iwas ito ng tingin at kinagat ang pang-ibabang labi. "Ito ba 'yon? Dahil isa
lang akong bouncer kaya hindi mo kayang suklian ang nararamdaman ko para sayo?"

She sighed irritably. "My god! Paano naman napasok sa usapan natin ang nararamdaman
na iyan? Kaino, ang pinaguusapan natin ay ang trabaho mo at hindi iyang feelings
mo."

"Pareho rin iyon. They way you said it, parang ini-insulto mo ang trabaho ko. Yes,
I'm just a bouncer but I'm proud of it!"

Naiinis na tinanggal niya ang seatbelt at lumabas sa sasakyan nito. Argh!


Nakakainis! Boysit! Paano naman napasok sa usapan nila ang feelings nito para sa
kanya? Ang utak talaga ng lalaking iyon! Ang sarap ilublub sa asido!

SUMANDAL sa likod ng upuan si Kaino habang pinagmamasdan si Gilen mula sa loob ng


sasakyan niya. Halata ang iritasyon sa mukha nito dahil sa sinabi niya. Kinakain
siya ng konsensiya niya. Sinabi lang naman niya iyon para mawala sa isip nito si
Agent Decordova. Bakit ba niya kasi sinabi iyon? Nakakainis!

Lumabas siya ng kotse at nilapitan ang dalaga. "Hey, you okay?"


Tiningnan siya nito ng masama. "What do you think? Kaino, hindi ko maintindihan ang
takbo niyang utak mo-"

"I'm

sorry." Hindi niya alam kung bakit siya humihingi ng tawad. Medyo marami-rami na
rin ang kasalanan niya sa dalaga at hindi sapat ang isang sorry.

Huminga ito ng malalim na para bang kinakalma ang sarili. "Alam mo bang nakakairita
ka?"

He forced a smile on his lips. "Yeah, I know."

Humarap ito sa kanya na seryoso ang mukha. "Kaino, wala naman akong pakialam kung
isa kang bouncer. I don't care. Isa iyong marangal na trabaho at hanga ako sayo
dahil kahit kaunti lang ang sahod mo, hindi mo naisipang gumawa ng mga illegal na
bagay. Hindi kita minamaliit. At hindi naman dahil sa trabaho mo kaya hindi ko
masuklian ang nararamdaman mo para sa akin. It's just ... complicated."

Mataman niyang tinitigan si Gilen na nakatingin sa kanya. May kung anong


estrangherong emosyon ang lumukob sa puso niya sa mga sinabi nito. Masasabi pa kaya
nito ang mga iyon kung alam nito na isa siyang NBI Agent, nagmamay-ari ng isang
Aston Martin at tagapagmana ng mansiyon na nasa harap nila ngayon?

He swallowed hard and looked at her in the eyes. Alam niyang puro kasinungalingan
ang lalabas sa bibig niya at nako-konsensya siya pero kailangan niyang gawin ito
para sa trabaho niya.

"I really like you, Gilen." Aniya at nag-iwas ng tingin. Hindi niya kayang
magsinungaling dito. Matagal na niyang niloloko ang dalaga, tama na. Pero hindi
siya puwedeng tumigil.

Ilang segundo ang dumaan bago ito nagsalita. "Gusto rin kita, Kaino."

Malalaki ang matang ibinalik niya ang tingin kay Gilen na nakatungo at namumula ang
pisngi. What the hell?! Shit! No!

Shit! She can't like me for real!


"But I can't like you." Dagdag nito.

Dapat makahinga siya ng maluwang dahil hindi siya nito gusto pero bakit parang may
kumudlit na sakit sa puso niya? Ano ba itong nararamdaman niya?

Parang may sariling isip ang mga paa niya na tinawid ang destansya nila ni Gilen.
Sinapo niya ang pisngi nito at inaangat ang ulo nito para magtama ang mga mata nila
ng dalaga. Pagkatapos ay dahan-dahang inilapit niya ang mukha sa mukha nito, nang
maglapat ang mga labi nila, tumigil ang paghinga siya at hindi siya makagalaw sa
kinatatayuan.

I'm doing this for my job... Kombensi niya sa sarili. Then why do I like the
feeling of her lips pressed against mine?

GUSTONG bugbugin ni Gilen ang sarili dahil sa kagagahang ginawa niya kani-kanina
lang. Bakit niya hinayaang mangayri ang bagay na 'yon? Why did she let him kissed
her?! Shit!

Pagkatapos nang halikan na iyon, wala silang imik pareho ni Kaino. Ihinatid siya
nito sa silid na gagamitin niya at iniwan siya nito roon na walang isang salita na
lumabas sa bibig nito. Nagpapasalamat siya at iniwan siya nito. Kailangan niyang
kastiguhin ang sarili sa kagagahang ginawa.

Hinawakan niya ang labi na parang nag-iinit.

"Ano ba naman 'to?! Wala akong oras sa pesteng feelings na 'to!" Naiinis na nahiga
siya sa kama at tinakpan ang mata niya gamit ang kaliwa niyang braso. "I don't have
time for this! Urgh!"

Napaigtad siya ng may marinig na katok sa pintuan ng kuwarto niya. Huminga siya ng
malalim at nagsalita. "Pasok. Bukas yan."

Dahan-dahang
bumukas ang pinto at sumilip si Kaino. Agad siyang bumangon at umupo sa ibabaw ng
kama nang makita ang binata. Nang magtama ang mga mata nila, mabilis siyang nag-
iwas ng tingin. Naramdaman niya ang pag-iinit ng pisngi niya.

Shit! Am I blushing?

"Heto pala 'yong backpack mo na naiwan mo sa bahay ko. Dinala ko nang pumayag ang
pinsan ko na gamitin ang bahay niya. And ... ahm... lunch is ready. Kakain ka ba
kasama ako o pahahatiran nalang kita ng pagkain dito?" Tanong sa kanya ni Kaino.

Kinagat niya ang pang-ibabang labi. "Puwedeng pahatiran mo nalang ako?"

Nag-taas siya ng tingin at nahuli niyang nakatitig si Kaino sa labi niya. Nang
mapansin nitong nakatingin siya rito agad itong tumalikod.

"Sige, papahatiran nalang kita ng pagkain." Anito at iniwan siya sa silid niya.

Nakahinga siya ng maluwang ng umalis ito. Bakit ba parang mapupugto ang hininga
niya habang nakatingin sa binata? Diyos ko naman! Ano ba ang nangyayari sa kanya?

Tumayo siya at tinungo ang backpack na nasa sahig, naglalaman iyon ng ilang pares
ng damit. Mabuti naman at dinala nito iyon. Kung hindi wala siyang ibang choice
kung hindi ang bumalik sa bahay niya at kumuha ng mga bagong pares ng damit.

Kinuha niya ang bag at inilagay iyon sa ibabaw ng kama at kinuha ang cell phone na
nasa bulsa ng pantalon niya. Sa nangyari sa bahay niya, kailangan niyang
protektahan ang sarili niya. Sigurado siyang nagpa-plano na si Jaime kung paano
siya dadakipin at papaaminin kung nasaan ang white book. Ang it's going to be
painful.

Hinanap niya ang numero ni Luther at tinawagan ito. Isang ring palang,

sumagot na ang binata.

"Hey, Gilen. Napatawag ka? May problema ba?"

Huminga siya ng malalim bago nagsalita. "Alam kong sinabi ko na ayokong idamay ka
sa problema ko kasi baka anong gawin sayo ni Jaime-"

"Which I don't care. Spill. What do you need? Of course, you know that you have to
pay me back."

Ipinikit niya ang mga mata at kinombinsi ang sarili na tama ang ginagawa niya, na
walang mangyayaring masama kay Luther. Na walang mangyayaring masama sa kanya.

"Luther, I need your help."

"Yeah, I know. Halata naman sa boses mo. So what kind of help do you need from me?"

"I know it's big and I'm not sure if you're going to-"

"Just say it, Gilen." Luther cut her off. "Anong kailangan mo?"

"I need you to protect me."

"Sure." Mabilis na sagot ni Luther. "Kailan ka pupunta sa bahay?"

"Ahm... no, hindi ako titira riyan sa bahay mo. Hindi mo naman ako kailangang
bantayan twenty-four/seven. I'll call you when I need your help."

"Whatever you say."

"Thanks. So what kind of payment do you want for protecting me?" Tanong niya.
"Ayokong magkaroon ng utang na loob sa kahit na sino."

Ilang segundo itong nawalan ng imik. "Glad you ask. I want you to-"

"No stealing cars." Sansala niya sa iba pa nitong sasabihin. Sa boses palang nito
alam na niya ang kabayarang gusto nito.
"Oh, come on, it's just one car, owned by Senator Lowe Herrera. It's no biggie; you
can steal it with your eyes close."

Steal a car for her protection? Gagawin ba niya? Mensahe niya ang sentido habang
nag-iisip ng magandang gawin. Sa nangyari sa bahay niya, wala siyang maasahan sa
NBI. Hindi niya maramdaman na pino-protektahan siya ng mga ito tulad ng sinabi ng
lalaking iyon. Kung hindi siya po-protektahan ng mga ito, puwes siya ang po-
protekta sa sarili niya sa paraang alam niya.

"Deal. One car for my protection. Text me the address and where to deliver it."

Luther chuckled. "Sigurado ka bang marunong ka pang magnakaw ng sasakyan?"

She rolled her eyes. "Luther, you're talking to Gilen Ramirez, professional grand
theft auto. Pero ngayon ko lang ito gagawin, just one car and you'll protect me."

"Yes, just one car. See yah tonight with my new and shining Ferrari."

=================

Chapter 6

CHAPTER 6

NASA teresa si Kaino at nagpapahangin ng makita niya si Gilen na lumabas ng bahay


at naglakad patungo sa gate. He narrowed his eyes on her. May dala itong bag at
naka-all black ito.

Saan siya pupunta?


Mabilis niyang kinuha ang cell phone at sinundan ang dalaga. Nagtago siya sa likod
ng malaking halaman ng makita niyang tumigil ito sa harap ng gate at tinitigan ang
malaking padlock ng gate.

Napanganga siya nang simulan nitong akyatin ang gate. What the hell? Paano niya
nagawa 'yon? Mas namangha siya ng bigla itong tumalon mula sa itaas ng gate pababa
sa semento, she landed smoothly like jumping a three feet tall was just a piece of
cake. Tuluyan na itong nakalabas at tumakbo palayo sa bahay niya.

Kinuha niya ang cell phone sa bulsa at tinawagan si Ethan. Naka-ilang ring din bago
ito sumagot.

"Yes?" Anito sa kabilang linya.

"Lumabas si Gilen sa bahay ko. Hindi ko alam kung saan siya pupunta? Naka-all black
siya at may dalang bag. Ethan, baka kung ano ang mangyari sa kanya." Pilit niyang
itinago ang pag-aalala na nararamdaman para sa dalaga.

"Sundan mo siya. Tapos tawagan mo ako kung saan siya pumunta, okay? Mag-uusap tayo
bukas." Wika ni Ethan. "Nasa labas ako ng bahay ngayon ni Gilen, may mga
kalalakihan sa loob ng bahay. Mukhang hinahalughug na naman nila ang bahay ni
Gilen."

Huminga siya ng malalim. "Okay. Susundan ko siya."

Tinapos na niya ang tawag at sinundan ang dalaga gamit ang Ducati niya. Hindi niya
puwedeng gamitin ang Aston Martin niya baka makilala

iyon ni Gilen.

Naabutan niya ang dalaga na nasa labas nang gate ng subdivision. Nang may dumaan na
taxi, pinara nito niyon. Sinundan niya ang sinasakyan nito. Tamang-tama lang ang
destansiya ng motorsiklo niya at taxi na kinalululanan nito para hindi nito
mahalata na may sumusunod dito. Nang tumigil ang taxi sa harap ng isang sikat at
mamahaling restaurant, naguluhan siya.

Is she meeting someone? Parang may kumurot sa puso niya sa isiping baka lalaki ang
katagpo nito. Pero kung makikipagkita lang ito sa isang lalaki, bakit kailangan pa
nitong tumakas? Bakit hindi ito nagpaalam sa kanya?
Nakita niyang bumaba si Gilen sa taxi at ipinalibot ang paningin sa kabuunan ng
parking lot. Mabilis itong naglakad palapit sa isang kulay itim na Ferrari at
umuklo na para bang nagtatago mula sa mga mata ng publiko. Ipinarada niya ang
motorsiklo hindi kalayuan sa kinaroroonan ng dalaga at dahan-dahang nilapitan ito.

Nanlaki ang mga mata niya ng makita ang ginagawa nito.

"YES!" Gilen whispered in triumphant when she heard a click. Binuksan niya ang
pinto ng sasakyan at madali iyong bumukas. "Thanks god."

"Anong ginagawa mo?"

Nabitawan ni Gilen ang hawak niyang auto-lock car opener na ginamit niya para
buksan ang Ferrari na gustong ipanakaw sa kanya ni Luther. Mariin niyang ipinikit
ang mga mata ng marinig ang boses ni Kaino.

Why is he here, for Pete's sake!

Nag-aalangang nilingon niya ito at nakita niyang madilim ang mukha nito habang
nakatingin sa kanya.

"Kaino..." She whispered his name.

"Ano

bang ginagawa mo?" Hinaklit nito ang braso niya at sapilitan siyang itinayo.
"Ninanakaw mo ba ang sasakyan na iyan?"

Hindi siya naka-imik sa tanong nito at tinitigan ang semento na para bang naroon
ang sagot sa problema ng buong mundo.

"Sagutin mo ako, Gilen. Are you trying to steal this car?"


Kinagat niya ang pang-ibabang labi. "N-No."

"Really?" Umuklo ito at may pinulot. "So, ano ito?"

Lihim siyang napalunok ng makita niya ang auto-lock car opener na ginamit niya
kanina para buksan ang pintuan ng sasakyan. "Ahm... n-nahulog ko."

Hinawakan siya ni Kaino sa baba at pinilit siyang tumingin dito. Nang magtama ang
mga mata nila, nakita niya ang walang emosyong mukha ng binata.

"Kaino-"

"I can't believe you, Gilen. Bakit mo ba nanakawin ang sasakyan na 'to? Kung gusto
mo ng sasakyan, sana sinabi mo sa akin. Puwede ko naman iyong gawan ng paraan."

"Kaino-"

"Hindi ko akalain na kaya mo itong gawin. Ito ba ang dahilan kung bakit ka tumakas
sa bahay at hindi nagpaalam sa akin?" Tumawa ito ng mapakla. "This is bullshit!"

Hinawakan nito ang kamay niya at akmang hihilain siya papunta kung saan ng may
narinig silang nagsalita.

"Sino kayo? Bakit bukas ang pintuan ng sasakyan ko? Magnanakaw kayo no?" Anang
boses ng isang lalaki.

Sabay nilang nilingon ni Kaino ang pinanggalingan ng boses. There, stood Senator
Lowe Herrera, the owner of the Ferrari she wanted to steal. Napahawak siya sa kamay
ni Kaino. Bakit ba nangyayari ito?

Gusto lang naman niyang protektahan ang sarili niya. Dahil sa ginawa niya, mukhang
pati si Kaino mapapahamak nang dahil sa kanya.

Nababahalang tumingin siya kay Kaino. "Anong gagawin ko?"


Sa halip na sagutin, binitawan ni Kaino ang kamay niya. Parang may kung anong
sumuntok sa puso niya sa ginawa nito. Ikinuyom niya ang kamao at inihanda ang
sarili sa mangyayari sa kanya. Shit! Mauulit na naman ang nangyari sa kanya dati.

"Ikaw." Wika ni Lowe Herrero sabay turo sa kanya. "Nakita kitang umaaligid sa
sasakyan ko. Balak mo bang nakawin ang kotse ko?" Galit ang boses nito.

"S-Sir-"

"At itong lalaking 'to." Tinuro nito si Kaino. "Kakutsaba mo siya ano-"

"No! Wala siyang alam sa-" Napatigil siya sa pagsasalita ng hawakan ni Kaino ang
kamay niya at pinagsiklop iyon.

"Shut up." Bulong nito sa kanya at hinarap si Senator Herrera. "Good evening,
Senator. My name is Kaino Garcia." Inilabas nito ang pitaka mula sa bulsa at may
ipinakita sa Senator. "I'm an NBI Agent. My partner and I were just guarding your
car. May narinig kasi kami na may balak daw magnakaw ng sasakyan niyo. Pasensya na
kung binuksan ko ang sasakyan niyo, it's to draw the thief's attention. Patawad po,
Senator kung hindi kami nagpaalam sa inyo bago namin binuksan ang sasakyan niyo. It
was my fault."

"Oh, it's okay." Biglang huminahon ang boses ni Lowe Herrera. "Thanks for guarding
my car. I appreciate it." Anito at sumakay sa kotse nito at iniwan sila ni Kaino sa
parking lot.

Mabilis

na inagaw ni Gilen ang wallet na hawak-hawak nito at tiningnan ang ipinakita nito
sa Senador. Walang buhay siyang tumawa.

"God, I'm such an idiot." Bakas sa mukha niya ang sakit na nararamdaman. "Bakit ba
hindi ko napansin. Ang bobo ko talaga." Tumingin siya sa kalangitan para pigilan
ang luha na gustong kumawala sa mga mata niya. "Bakit nagsinungaling ka sa akin?"

She heard him exhaled loudly. "Gilen, I can explain."

Nang maramdamang kalmado na ang mata niya, ibinalik niya ang tingin kay Kaino.
"Sure, hindi naman makitid ang utak ko para hindi pakinggan ang paliwanag mo. But I
have one question to ask before I let you explain yourself."

"Okay. Ask away."

"'Yong pagkagusto mo sa akin, totoo ba 'yon o kasinungalingan lang?"

Nang mag-iwas ito ng tingin, alam na niya ang sagot nito.

"Don't answer me." Aniya. "Alam ko na ang sagot mo."

"I'm sorry, Gilen. It's my job to protect you and-"

"Parti ba nang panloloko mo sa akin ang pag-protekta mo?" Itinapon niya rito ang
wallet at tumama sa dibdib nito. "Kaino naman... Wala naman sa akin kung sinabi mo
sa akin na NBI ka at binabantayan mo ako. Pero ang ilihim mo iyon at magpanggap na
may gusto sa akin? Gago ka e!"

Naglakad siya palayo rito. Hindi pa siya nakakatatlong hakbang nag marinig niyang
magsalita si Kaino.

"Akala ko pakikinggan mo ang paliwanag ko." Anito sa mahinang boses.

Nakapamaywang

na hinarap niya ito. "Ano pa ba ang ipapaliwanag mo sa akin, Kaino?"

"Marami, pero umuwi muna tayo sa bahay. Doon ako magpapaliwanag. It's not safe
here."

Nanguuyam siyang tumawa. "Really? Ini-expect mo pa na babalik ako sa bahay ng


pinsan-" Tumigil siya sa pagsasalita at napailing-iling ng may maisip. "Bahay nga
ba 'yon ng pinsan mo? Yong kotse na ginamit mo, sa pinsan mo ba talaga iyon?"

"I own the car but the house is owned by my parents."


Hindi makapaniwalang tinitigan niya ito. "Why did you lie to me?"

"I will explain, but please, let's go home."

"Hindi ako sasama sa bahay mo. I rather live in the street-"

"And let Jaime Ramirez men take you? 'Yon ba ang gusto mo? Ang mahuli ka nila at
pahirapan para ibigay mo sa kanila ang pinakamamahal mong white book."

Bahagyang nanlaki ang mga mata niya. "Alam mo ang tungkol sa white book?" Mahina
ang boses na tanong niya rito. Paano nito nalaman iyon?

Tumango ito at sinalubong ang titig niya. "Hindi ka puwedeng bumalik sa bahay mo,
sabi ni Ethan may mga kalalakihan ngayon sa bahay mo. Hindi ka puwedeng tumira sa
bahay ni Marj o Clover kasi madadamay sila. Ang choice mo nalang ngayon ay ang
bahay ko."

Nakapag-isip siya at tama ang sinabi nito. Wala siyang ibang choice.

"Fine. Babalik ako sa bahay mo sa isang kondisyon."

"Ano 'yon?"

"Iharap mo ako bukas sa superior mo. Gusto ko siyang makausap ng personal."

"Deal." Inilahad nito ang kamay. "Umuwi na tayo."

Tinabig niya ang kamay nito. "Galit ako sayo."

Iniwan niya si Kaino at akmang

tatawag ng taxi nang may humawak sa kamay niya. Nang tingnan niya kuing sino iyon,
si Kaino lang pala.

"You're going to ride in my motorcycle with me." Anito at hinila siya patungo sa
nakaparadang Ducati.

Napailing-iling siya. "Let me guess, pag-aari ng pinsan mo?"

Tiningnan nito ang Ducati ang binalingan siya. "No. Pag-aari ko 'to."

"Truth, one point. Lies, too many to mention."

Nagpanggap si Kaino na walang narinig. Huminga ito ng malalim at sumakay sa


Motorsiklo nito. "Sakay na."

Walang pag-aalangang sumakay siya. Dumikit ang dibdib niya sa likod nito at
napalunok siya ng may maramdamang kakaibang sensasyon.

"Okay ka na ba riyan sa likod?" Tanong sa kanya ni Kaino.

"O-Oo." Nauutal na sagot niya.

Pinaharurot na nito ang motorsiklo palayo sa parking lot kung saan napurnada ang
plano niya. Nililipad ang mahaba niyang buhok dahil sa malakas na hangin at wala
siyang helmet na suot.

Nang biglang lumiko ang motorsiklo, humawak siya sa bewang nito para hindi siya
mahulog. Naramdaman niyang natigilan si Kaino nang ipalibot niya ang braso sa
bewang nito.

"Sabihin mo lang kung hindi mo gusto na nakahawak ako sayo." Sabi niya sa malakas
na boses.

Mas pinabilis pa nito ang pagpapatakbo sa motorsiklo. "Hold me tight and don't let
go!" Sigaw nito.
"What?"

"Someone is following us! Mas bibilisan ko pa ang pagpapatakbo para hindi nila tayo
masundan." Malakas ang boses na sabi nito.

Tumingin siya sa review mirror at napansin ang kulay itim na sasakyan sa likod
nila. Napakunot ang nuo niya nang lumiko sila ay lumiko

rin ito. Halatang sinusundan sila.

"Sino ba ang mga 'yon?" Tanong niya.

"I don't know. Hold on tight, Chocolate."

Napamulagat siya. "What did you call me?"

He chuckled. "Chocolate. You like chocolate right? Mula ngayon 'yon na ang tawag ko
sayo. Chocolate, it sounds cute. Like you."

Tinampal niya ang tiyan nito. "Gago! Galit pa rin ako sayo kaya walang epekto iyang
mga hirit mo."

Tumawa ito ng malakas. "So, kapag hindi ka na galit, e-epekto na iyon?"

"Not in this lifetime."

"Come on, Chocolate. Alam ko namang na-apektuhan ka sa hirit ko e."

"Tigilan mo ako, Kaino. Baka mabatukan kita."

"Titigil na po basta sabihin mo munang guwapo ako."


"Asa ka pa!"

"Chocolate, ang ganda mo."

Hindi niya napigilan ang sarili at binatukan niya ito. "Alam kong maganda ako.
Hindi ko kailangan ang salita mo para malaman iyon."

Itinigil nito ang motorsiklo at nilingon siya. "Wala na sila."

"Ha?"

"'Yong humahabol sa atin. Wala na."

Mabilis siyang lumingon at wala na nga ang itim na kotse. Napansin din niyang nasa
harap na sila ng bahay nito.

"Anong-"

"I don't want you to be scared. Kaya naman nilibang kita sa pamamagitan ng pagkulit
sayo." Tinulungan siya nitong makababa sa motorsiklo.

Napatitig siya sa binata. Nilibang siya nito para hindi siya matakot? Bakit nito
ginawa 'yon?

"Thanks." Aniya kahit naguguluhan siya kung bakit ginawa nito iyon.

"No problem." Sagot nito at binuksan ang gate pagkatapos ay pinapasok siya sa loob.

Hinintay niyang maipasok nito sa loob ang motorsiklo at sabay silang pumasok sa
bahay. Katahimikan ang namagitan sa kanilang dalawa habang nakatayo at nakaharap sa
isa't-isa.
"So, ahm... magpapahinga na ako." Aniya.

"Paano ang pagpapaliwanag ko?"

"It can wait tomorrow." Sagot niya at nag-umpisa ng maglakad patungo sa second
floor.

Nasa kalagitnaan na siya ng hagdan ng magsalita si Kaino.

"For the record, I wasn't just saying things to get your mind off the car that was
tailing us. When I said you're cute, I wasn't lying."

Napatigil siya sa pag-akyat sa hagdanan at hinarap ang binata. "Nung sinabi kong
gago ka, I mean it. At hindi pa rin nagbabago ang tingin ko sayo. Kahit pa nilibang
mo ako para hindi ako matakot, gago ka pa rin."

Pagkasabi 'non ay nagpatuloy siya sa paglalakad papunto sa silid niya.

=================

Chapter 7

CHAPTER 7

NAGISING si Gilen sa ingay na nanggagaling sa labas ng kuwarto na inuukupa niya.


Kinusot niya ang mga mata gamit ang likod ng kamay niya at bumangon mula sa
pagkakahiga sa kama. Inayos niya ang sarili at lumabas sa kuwarto para tingnan kung
saan nanggagaling ang ingay na naririnig.

Pagkalabas niya sa silid niya, nakita niya si Kaino at si NBI Agent Decordova na
nasa hagdanan at parang nagri-wrestling.
Nagsalubong ang kilay niya sa ginagawa ng dalawa. "Anong ginagawa ninyo?"

Natigilan ang dalawa at sabay na tumingin sa gawi niya. Agad na naghiwalay ang mga
ito at umayos ng tayo at humarap sa kanya.

Pilit na ngumiti sa kanya si Kaino. "Wala kaming ginagawa, Gilen. Sige matulog ka
na ulit." Pasimpli nitong tiningnan ng masama si Agent Decordova. "May isang tao
kasi rito na walang commonsense."

Naningkit ang mga mata ni Agent Decrodova at hinarap si Kaino. "Ako pa ngayon ang
walang commonsense? Gusto ko lang siyang makausap. Mali bang kausapin siya? It's
already nine in the morning, so I think its okay to wake her up. Ikaw lang naman
kasi itong masyadong epal at ayaw gisingin si Gilen."

"Ako talaga?" Namaywang si Kaino at nakataas ang nuong tiningnan si Agent


Decordova. "It's called respect you piece of slime. Natutulog yong tao."

"It's already nine in the morning-"

"Tumigil nga kayong dalawa." Saway niya sa dalawang lalaki na nasa harapan niya na
parang mga bata na nag-aaway. "I'm awake. So anong kailangan niyo sa akin?"

Nginitian siya ni Agent

Decordova at lumapit sa kanya sabay lahad ng kamay. "Hi, I'm Ethan Decordova. NBI
Agent. I'm here to protect you."

She rolled her eyes. "Protect me? Baka naman yong white book rin ang habol niyo sa
akin."

"Yes, isa iyon sa dahilan kung bakit ka namin pino-protektahan." Wika ni Ethan.
"Ayon sa superior namin, nasa white book mo ang kailangan namin ebidensiya para
makulong si Jaime Ramirez. Kaya pagpasensyahan mo na ang naisip naming paraan para
makalapit kami sayo." Anito sabay lingon kay Kaino na tahimik na nakamasid lang sa
kanila.

Pagak siyang tumawa sa sinabi ni Ethan. "That was below the belt. Hindi ko akalain
na iba na pala ang pamamaraan ngayon ng mga NBI para makuha ang gusto nila." Walang
emosyong tumingin siya kay Kaino. "Ang pabirong ligawan ako para makuha ang gusto
ay hindi makatarungan. I have the right to keep that book because its mine and I'm
pretty sure na may batas kang alam tungkol sa karapatan ng may-ari sa isang bagay
na pagmamay-ari niya."

Tumungo si Kaino at halatang guilty ito.

Ibinalik sa kanya ni Ethan ang atensiyon. "Sorry kung nagawa namin yon. It's the
only way-"

"It's not the only way." Sansala niya sa iba pang sasabihin nito. "Maraming paraan,
Agent Decordova."

Nilampasan niya ang mga ito at bumaba sa hagdan at tinungo ang kusina. Wala siyang
nakitang ni isang katulong, hindi tulad kahapon na may nakita siya. Nilapitan niya
ang coffee maker at gumawa ng kape.

Ilang minuto ang lumipas, naramdaman niyang may pumasok sa kusina. Kapagkuwan ay
may dalawang matitipunong braso ang pumalibot sa bewang niya.

"I'm sorry, Gilen. I didn't mean to hurt you." Anang boses ni Kaino.

Mariin niyang ipinikit ang mga mata at pinatigas ang boses. "Who said I'm hurt?"
Hinarap niya ang binata, walang emosyon ang mukha niya na sinalubong ang tingin
nito. "Kaino, hindi ako nasaktan kasi hindi naman ako nagkagusto sayo."

Nawalan ng imik ang lalaki at binitawan ang baywang niya.

Kinuha niya ang tasa na may lamang kape. "If you'll excuse me, please, step away.
Magka-kape ako."

Akmang lalampasan niya ito ng bigla nalang nitong sinapo ang pisngi niya at siniil
nang mapusok na halik ang mga labi niya. Nabitawan niya ang tasa na hawak-hawak at
nanigas sa kinatatayuan niya habang nakalapat parin ang labi ni Kaino sa mga labi
niya.
Ayaw man niya, dahan-dahang pumikit ang mga mata niya at ninamnam ang halik ni
Kaino. Sa bawat paggalaw ng labi nito, parang may mga paru-paru na nagliliparan sa
loob ng tiyan niya. When Kaino trailed his hand from her face down to her neck,
nagsitaasan ang mga balahibo niya. Parang may dumadaloy na kuryente sa mga kamay
nito at mahina siyang napaungol sa ginawa nito.

Hindi niya namalayan ang sarili na tinutugon na pala ang halik ng binata. Ginagaya
niya ang bawat galaw ng labi nito na nagpapaungol sa kanya at bumubuhay sa ibang
parte ng katawan niya. Ipinalibot

niya ang braso sa leeg nito at hinapit ito palapit sa kanya. Napaungol ito sa
ginawa niya at mas ginanahan pa siyang ipapatuloy ang paghahalikan nila.

"Oh... shit..." Anang boses na mabilis na nagpamulat sa mga mata niya.

Para silang napaso sa isa't-isa at mabilis na lumayo. Ramdam niya ang mata sa kanya
ni Ethan. Hindi siya makatingin sa lalaki at nakatungo lang.

"Okay..." Ethan took a deep breath. "I'm going home. Just call me when you need me,
Kaino." Anito at mabilis na iniwan sila ni Kaino sa kusina.

Katahimikan ang namayani sa kanila ni Kaino. Walang nagsalita o gumalaw sa kanilang


dalawa. Nakatingin sila pareho sa sahig na para bang may isang interesanting bagay
doon. Hindi siya makatingin sa binata dahil sa hiyang nararamdaman.

Kasasabi palang niya na hindi niya ito gusto, kung ganoon bakit niya tinugon ang
halik nito? Wala na talaga siya sa tamang pag-iisip. Bakit ba niya hinayaan ang
sarili na maging mahina sa halik nito. Oo nga at inamin niya sa sarili niya na
gusto niya si Kaino pero hindi niya dapat tinugon ang halik nito.

She's supposed to hate him for lying to her. Pero ano itong kagagahan na
pinaggagagawa niya? She just kissed him back for crying out loud!

Sa kawalang masabi at magawa, umuklo siya at pinulot ang nabasag na tasa. Akmang
hahawakan niya ang nabasag na tasa ng may nauna sa kanyang pulutin iyon. Nagtaas
siya ng tingin at nagtama ang mga mata nila ni Kaino.

"Kaino..." Bulong niya sa pangalan nito.


Ito ang unang nagbaba ng tingin kapagkuwan ay nagsalita. "Stop lying."

Nainis siya sa sinabi nito. Para naman kung sino ito para sabihin

iyon sa kanya. Isa rin naman itong sinungaling.

"Who are you to say that to me?" Masama ang tingin na ipinukol niya rito. "It was
you who lied to me, Kaino. Kaya wala kang karapatan na sabihin iyan sa akin."

Sinalubong nito ang tingin niya. "Akala ko ba hindi ka apektado sa ginawa ko?"

Napatanga siya sa sinabi nito. "I'm... ahm- H-Hindi naman talaga."

"Yes, I lied to you but I did it for a reason-"

"There's no reason that can justify what you did. Nagsinungaling ka sa akin, and
that's that."

Huminga ito ng malalim na para bang humuhugot ito nang lakas ng loob bago
magsalita.

"Gilen, I'm sorry for lying to you. Yeah, I lied but not about everything."

"Kaino-"

"Ang kasinungalingan lang na sinabi ko sayo ay tungkol sa trabaho ko, sa bahay ko


at sa sasakyan ko. But other than that, wala na. So when I told you that I care for
you and I like you, I wasn't lying, Gilen. It was the truth."

Wala siyang buhay na tumawa at tumayo. "Tama na ang kasinungalingan, Kaino. The end
na iyang drama mo. Kaya tama na." Aniya at umalis sa kusina.
TUMUNGO sa teresa si Gilen pagkagaling sa kusina. Nakahinga siya ng maluwang ng
hindi na niya naramdaman ang presensiya ni Kaino. Ewan ba niya. Pakiramdam niya
nag-iiba ang lahat kapag malapit lang sa kanya ang binata.

Napaigtad siya ng biglang may magsalita sa likuran niya.

"You shouldn't be here, Gilen. Baka mabaril ka. Masyadong open ang kinatatayuan
mo." Anang boses ni Kaino.

Itinirik niya

ang mga mata. "Ang OA mo. At saka hindi nila ako papatayin kung iyon ang inaalala
mo. May kailangan pa sila sa akin."

Lumapit ang binata sa kanya at tumayo sa tabi niya. "Ano ba ang kailangan nila
sayo?"

"Ano ba ang kailangan mo sa akin?" Balik tanong niya rito. "Kung anong kailangan
mo, iyon din ang kailangan nila."

"Bakit hindi mo nalang ibigay iyon sa batas para hindi ka na nila habulin?"

Tumawa siya ng pagak. "Sa tingin mo naman ganoon lang 'yon? Kaino, hindi ako bobo.
Ang white book ang tinging dahilan kung bakit buhay pa ako hanggang ngayon. Kung
bakit hinahayaan ako ni Jaime na huminga. Hindi ko 'yon ibibigay sa inyo."

Hinarap siya nito. "Gilen, I can protect you."

"No offense meant, Kaino, pero hindi ko maramdamang secure ako sayo." Tapat na sabi
ni Gilen. "Pareho lang naman kayo ng gusto ni Jaime Ramirez. Ang white book."

"Gilen-"

"I want to go shopping." She cut him off. "Wala na akong damit na susuotin bukas.
May pakiramdam ako na magtatagal pa ako sa poder mo. At saka kailangan magmukha
akong tao kapag nakaharap ko na ang superior mo."
Natahimik ito ng ilang segundo kapagkuwan ay nagsalita. "About my superior...
puwede bang saka mo na siya kausapin?"

"No. I want to talk to him. Kung po-protektahan niya ako, I want it to be right.
Hindi ako newbie sa protection program na ito. Been there, done that." Tinalikuran
niya ang lalaki. "Maghahanda lang ako tapos pupunta ako sa mall. Puwede bang
gamitin ang kotse mo?"

"Yeah, sure."

"Okay. Thanks."

Iniwan niya ito at tinungo ang silid niya para maligo at magbihis.

MALAPAD ang ngiti ni Gilen habang namimili ng damit. After a week, sa wakas
nakapag-shopping din siya. Ito ang palagi niyang ginagawa nuong wala pa ang gulo na
ito, well, this and eating. She missed shopping and eating. She missed shopping and
eating with her friends.

Nang maalala ang mga kaibigan, bigla siyang nalungkot. How she wish kasama niya ang
mga ito ngayon.

"Hindi ka pa ba tapos?" Anang boses sa likod niya.

Sumama ang templa ng mood niya ng marinig ang boses ni Ethan. Hindi niya akalaing
sasama si Kaino sa kanya at kasama pa si Ethan. Kailangan daw kasi protektahan
siya. Nakakapika lang kasi palaging nagrereklamo ang dalawa kapag pumapasok siya sa
isang boutique. Naiinis siya na sumama ang mga ito pero wala naman siyang magawa.

Hinarap niya si Ethan na nakabusangot at maraming dalang pinamili niya.

"Manahimik ka nga, Ethan. Ikaw itong may gustong sumama mag-shopping. Deal with it
like a very responsible Agent."

Masama ang ipinukol nitong tingin sa kanya. "Hindi ako bodyguard o personal
assistant mo para sumama sayo mag-shopping!"

She smirked at him. "Too bad. Nang tanggapin mo ang pag-protekta sa akin, kasama na
roon ang pagiging body guard ko at pagiging personal assistant ko."

Pagkasabi niyon ay tinalikuran niya ito at nagpatuloy sa pagsa-shopping.

Pagkalipas ng ilang oras, marami na siyang napamili. Hindi niya namalayan na


malapit na palang mag-lunch. Hinarap niya

si Ethan at Kaino an hindi maipinta ang mukha.

"What? May pupuntahan ka pang boutique?" Puno ng iritasyon ang boses ni Kaino na
ikinangiti niya niya.

"Gusto kong kumain. Nagugutom na ako." Aniya.

"Thanks god!" Ethan exclaimed and went to the nearest fast food restaurant with
Kaino and her in tow.

"Tapos ka na bang mag-shopping?" Tanong sa kanya ni Kaino habang papasok sa


pinasukang fast food restaurant ni Ethan.

"Bakit? Napapagod ka na?"

"Oo. At nakakahiyang tumayo na parang timang sa isang lingerie store." Anito na


medyo namumula ang pisngi.

Mahina siyang tumawa ng maalala ang mukha nito at si Ethan habang nakatayo at
naiilang na nakatingin sa mga lingerie na nagkalat sa lingerie store. It was so
funny to watch kaya naman sinadya niyang magtagal sa store na iyon para asarin ang
mga ito.
"Stop laughing." Naiinis na saway sa kanya ni Kaino.

Malapad na nginitian niya ito. "I can't help it. Nakakatawa kayo ni Ethan e. Yan
kasi, sumama pa kayo sa akin."

"We have to protect you, Gilen. Please, understand that."

"Okay." Aniya na natatawa pa rin. "Kumain nalang tayo."

Pagkatapos nilang kumain ni Kaino at Ethan, napagpasyahan ni Gilen na umuwi na.


Ayaw na niyang pahirapan ang dalawang lalaki na ito na gusto lang naman siyang
protektahan.

"Sa wakas. Uuwi na rin tayo." Wika ni Ethan na nasa Driver seat at nagmamaneho
pabalik sa bahay ni Kaino.

"Oo nga." Sangayon ni Kaino. "Nakakapagod mag-shopping. Ganoon ba talaga kayong

mga babae? Walang kapagurang maglakad kapag damit at ka-artihan sa katawan ang
pingauusapan?"

Sinipa niya ang likod ng upuan ni Kaino. Nasa backseat siya kaya naman madali lang
niyang nasipa ang upuan ng binata.

"Puwede ba, Kaino. Hindi ako maarti. Wala namang masama kung aalagaan ko ang sarili
ko."

Kaino puffed a breath. "Maarti ka. Huwag kang denial. You're a girl. You're bound
to be 'maarti'."

Ethan chuckled. "Tama si Kaino."

"Manahimik nga kayo-"


Naputol ang iba pa niyang sasabihin ng makarinig ng sunod-sunod na putok ng baril
at kasunod niyon ay ang tunog ng nababasag na salamin. Umuklo siya at inilagay ang
kamay sa ulo niya na parang pino-protektahan iyon. Lumingon siya at nakitang may
maliit na butas ang likod ng sasakyan.

"Shit! Gilen! Ayos ka lang ba?" Tanong ni Kaino habang kinakasa ang baril na hindi
niya alam kung saan nito nakuha.

"Yeah." Sagot niya at mas lalo pang isiniksik ang sarili sa ilalim ng upuan ng may
tumamang bala sa likuran ng sinasakyan nilang kotse.

"Shit!" Mura ni Ethan at mas lalo pang binilisan ang pagmamaneho.

Si Kaino naman ay abala sa pag-asinta sa itim na kotse na nasa likuran nila pero
hindi naman nito binabaril ang bumabaril sa kanila.

"Kaino! Iputok mo na nga yan!" Sigaw niya rito.

"Wait! Maraming tao. Baka madamay sila!" Balik sigaw ni Kaino sa kanya at bumalik
sa kinauupuan.

"Akin na nga iyan!" Naiiritang inigaw niya ang baril sa binata.

"What the heck are you doing, Gilen!" Pilit na inagaw sa kanya ni Kaino ang baril
pero nunkang ibalik niya rito ang baril.

Binuksan niya ang pinto ng passenger seat at inilabas ang kalahati ng katawan
habang mahigpit na nakahawak sa pintuan ng kotse. Iniumang niya ang baril sa gulong
ng sasakyan na nakasunod sa kanila at kinalabit ang gatilyo ng ilang beses.

"Yes!" Sigaw niya ng makitang tinamaan niya ang gulong at gumiwang ang sasakyang
bumabaril sa kanila at nawala sa lane.

Mabilis siyang bumalik sa loob ng sasakyan at ibinalik ang baril kay Kaino na hindi
makapaniwalang nakatingin sa kanya.
"Where did you learn to shoot like that?" Manghang tanong sa kanya ni Ethan.

"Yeah." Kaino was breathless. "Saan ka natutong umasinta ng ganoon. That was a
perfect shot."

Ibinalik niya ang baril kay Kaino at sumadal sa likod ng upuan at tumingin sa labas
ng bintana. "I need to talk to your superior." Aniya sa seryosong boses.

"Sure." Sabay na sagot ni Ethan at Kaino.

"Nagmamadali na si Jaime. Para barilin ang kotse na sinasakyan ko. That was a
reckless and desperate move. Kailangan kong makausap ang superior niyo."

Namayani ang katahimikan sa loob ng sasakyan. Walang nagsalita sa kanila hanggang


sa makarating sila sa NBI Headquarters.

=================

Chapter 8

CHAPTER 8

PAGKAPASOK ni Gilen sa NBI Headquarters kasama sina Kaino at Ethan, biglang bumigat
ang pakiramdam niya. It's like déjà vu. Ganito rin ang nangyari sa kanya ilang taon
na ang nakakaraan.

"You look pale. Are you okay?" Tanong ni Kaino na nasa tabi niya at pasulya-sulyap
sa kanya habang naglalakad.

Ipinalibot niya ang dalawang braso sa katawan niya na para bang nilalamig.

"Yeah, I'm fine." Sagot niya rito.


"Sigurado ka?"

"Oo."

Bago pa ito makapagsalita ulit, tumigil si Ethan sa isang pintuan na pamilyar na


pamilyar sa kanya. Siya pa rin ba ang head ng NBI?

Nang buksan ni Ethan ang pintuan, pinigilan siya ni Kaino sa braso.

"Gilen, okay ka lang ba talaga?" May pag-aalala sa boses nito.

Nilingon niya ang binata. "Yeah, I'm fine. Bakit ba ang kulit mo? Tanong ka ng
tanong!" Sikmat niya.

"I'm just worried." Sinalubong nito ang titig niya. "Gilen, you look really pale.
Nag-aalala ako sayo."

Ipiniksi niya ang braso na hawak nito. "I'm fine nga sabi diba? Bakit ba ang kulit
mo?"

"I'm just-"

"Papasok ba kayong dalawa o hindi?" Anang boses na nanggaling sa loob ng opisina na


pinasukan ni Ethan.

Sabay silang tumingin ni Kaino sa nagsalita. Nanlaki ang mga mata niya ng makilala
kung sino iyon. Its him! Bakit ba umasa siya na hindi na ito ang NBI Director? Kaya
nga hindi parin hinuhuli si Luther dahil sa lalaking ito.

"Gilen."

Nginitian siya nito. "Nice to see you again."


"Nice to see you-hin mo ang mukha mo. Buhay ka pa rin pala." Pagtataray niya sa
kaharap.

He grinned. "Masamang damo ako, Gilen. At saka diba magkausap lang tayo sa telepono
days ago?"

Pinaglipat-lipat ni Kaino ang mata sa kanila ng superior nito.

"Magkakilala kayo?" Nagugulumihang tanong ni Kaino habang magkasalubong ang kilay.

Tumango ang NBI Director na si Luther San Diego Sr. "Yeah, magkakilala kami. Come
on in nang makapagusap tayo ng mabuti." Anito sa kanilang dalawa ni Kaino.

Inirapan niya ito at pumasok sa opisina nito na nakataas ang kilay. Nakita niyang
nakatingin sa kanya si Ethan ng matiim.

"Ano?" Mataray niyang sikmat sa lalaki.

Umiling ito. "Magkakilala naman pala kayo ni Gilen, pinahiripan mo pa kami, Sir."
Ani ni Ethan sa superior nito.

Tumawa ng mahina si Luther Sr. "Wala kang karapatang umangal, Agent Decordova. At
may rason ako kung bakit ko ginawa iyon." Tiningnan nito si Kaino na nasa labas pa
rin ng opisina. "Pumasok ka na Agent Garcia, para maumpisahan na natin ang pag-
uusap. Marami akong sasabihin kay Gilen."

"Hindi naman siguro ako kailangang present sa pag-uusap ninyo." Ani ni Kaino sa
walang emosyong boses.

"Kailangan ka kaya pumasok ka na." Matigas na boses ni Luther Sr. na ikinatirik ng


mga mata niya.

Napipilitang pumasok si Kaino at umupu sa visitor's chair na nasa tabi niya. Si


Ethan naman ay nakatayo lang at nakaharap kay Luther Sr.
"So..." Luther Sr. trailed and looked at her. "How

are you? I heard kinausap ka ng anak ko. Ferrari huh?"

"Yeah. Pero hindi naman natuloy." Binalingan niya si Kaino na nasa tabi niya.
"Napigilan ako ni Kaino."

"Mabuti naman. Kung hindi isa na namang kabaliwan ang gagawin mo na hindi ko alam
kung mapapalusot ko pa." Anito. "Kung gusto mo ng proteksiyon dapat sinabi mo sa
akin. Hindi na sa iba ka pa maghahanap. My men are there to protect you-"

Ibinalik niya ang tingin kay Luther Sr. "Hindi ko maramdamang pino-protektahan mo
ako." Putol niya sa iba pa nitong sasabihin. "Kaya naman naghanap ako ng ibang
magpo-protekta sa akin."

"I'm sorry to hear that." Pinaglipat-lipat nito ang tingin kay Ethan at Kaino. "Ano
bang pinaggagagawa ninyong dalawa? Kayo ang inatasan kung bantayan si Gilen."

"Sir, with all due respect, pinrotektahan po namin si Gilen sa abot ng aming
makakaya." Wika ni Kaino.

"Yes, sir." Pag sangayon ni Ethan sa binata.

"Talaga lang ha?" Ibinalik ni Luther Sr. ang tingin sa kanya. "Paano mo naman
nasabi na hindi mo naramdaman na prinotektahan ka nitong mga kutong-lupang ito?"

"Wala sila kapag nanganganib ang buhay ko." Simpling sagot niya.

Masama ang tingin na bumaling ito sa dalawang lalaki. "Explain."

"Binabantayan namin siya, Sir." Sabi ni Kaino. "Nung hinahabol siya ng dalawang
kalalakihan, naroon ako at dapat ay tutulungan siya pero pati ako ay ibinalibag
niya sa sahig. Pagkatapos, nuong pinasok ang bahay niya, naroon din ako at hindi ko
siya

hinayaang mag-isa. Para sa akin, pinrotektahan ko siya, Sir."


Tumango-tango si Luther Sr. "Good." Tumingin ito sa kanya. "So, anong kailangan mo
at narito ka ngayon kung pino-protektahan ka naman pala nitong dalawang ito?"

"May bumaril sa sasakyan namin." Aniya.

Ilang minutong nawalan ng imik si Luther Sr. bago nagsalita. "Si Jaime 'yon,
sigurado ako. Mukhang talagang desperado na siyang makuha ang white book mo."

Umiling siya. "Hindi ko yun ibibigay sa kanya o sa'yo." Tumayo siya mula sa
pagkakaupo sa visitor's chair. "Aalis na ako."

"Kung hindi mo ibibigay yon sa amin, kung ganoon ikaw ang gagawin kong star witness
para makulong si Jaime Ramirez."

Nabitin ang paghakbang niya nang marinig ang sinabi ni Luther Sr.

"Sir, hindi puwedeng maging star witness si Gilen." Wika ni Kaino at tumayo. "Hindi
naman siya kasama sa mga tauhan ni Jaime na gumagawa ng illegal. She can't be a
star witness-"

"Silence, Kaino." Tumayo si Luther Sr. at mataman siyang tinitigan. "Siguro nga ito
ang tamang oras para may malaman kayo tungkol sa taong pino-protektahan ninyo. Fact
about Gilen Ramirez, at the age of fifteen, isa na siyang professional grand theft
auto na hawak ni Jaime Ramirez. Natigil lang ang mga illegal na ginagawa ni Gilen
ng madakip ko siya at isinailalim sa protection program para gawing star witness.
At alam niyo naman na ang nadiin ay ang kapatid ni Jaime na si Julio."

Hindi makapaniwalang tumingin sa kanya si Kaino. "Isa kang professional grand theft
auto?" Mapaklang

tumawa ito. "Here I am, trying to be a good person for you kasi akala ko iba ka.
Sobrang na-guilty pa ako sa pagsisinungaling ko sayo. Akala ko isa kang mabuting
babae. So bumalik ka na naman ba sa pagiging magnanakaw ng kotse? Nuong nakita kita
sa labas ng restaurant at-"

"Tama na iyan, Kaino." Pigil ni Luther Sr. sa binata at binalingan si Ethan.


"Maghanda ka. Sasamahan mo si Gilen sa isla kung saan safe siya roon." Ibinalik
nito ang tingin kay Kaino. "Ikaw naman, dito ka lang. May ipapagawa ako sayo."
"Teka lang." Pigil niya kay Luther Sr. "Anong isla? Hindi pa ako pumapayag na
maging star witness niyo-"

"Star witness o ang white book mo? You don't have to answer, Gilen, been there,
done that. Alam ko na ang isasagot mo." Wika ni Luther Sr. "Sige, makakalis na
kayo. Aalis ang Helicopter pagkalipas ng isang oras kaya naman maghanda na kayo."

Walang imik na lumabas sila sa opisina ni Luther Sr. Nakakainis at mapapasailalim


na naman siya sa NBI protection program. Akala niya tapos na ang episode na ito ng
buhay niya pero may continuation pa pala.

Iginiya siya ni Ethan papunta sa pinakamalapit na café sa NBI Headquarters. Nang


makapasok sa nasabing café, umupo siya sa bakanteng upuan sa pandalawahang mesa.

"Dito ka lang muna, Gilen. Maghahanda lang ako, babalikan kita kaagad. I think
hindi mo na kailangang maghanda. Marami ka namang nabili na mga damit na nasa
sasakyan ko, sa tingin ko sapat na ang damit na 'yon." Nilingon nito

si Kaino na nasa likuran nila at walang imik na sinundan sila. "Bantayan mo muna si
Gilen-"

"Bakit ko naman siya babantayan?" Blanko ang ekspresyon nito ng tumingin sa kanya.
"Hindi ako nagbabantay sa mga magnanakaw."

She gritted her teeth in irritation. "Hindi ko rin naman kailangan ng isang makitid
ang utak na tagapagbantay. Umalis ka na, Ethan. Kaya ko ang sarili ko."

Padaskol na umupo si Kaino sa bakanteng upuan sa harap niya. "Pesteng trabahong


'to." He murmured under his breath.

Sinipa niya ang paa nito sa ilalim ng mesa. "Mas peste ka." Nanggigigil na sabi
niya rito.

Pinanlakihan siya nito ng mata. "Puwede ba huwag mong ididikit ang katawan mo sa
akin."

Inirapan niya ito. "Gago!"


"Ga-"

"Hindi ako gaga, kung iyan ang sasabihin mo."

"Oo, hindi ka gaga, magnanakaw ka lang." Inungusan siya nito at nagbawi ng tingin.

"Ang kitid ng utak mo! Akala ko naman iba ka. Mapanghusga!" Sabi niya sa
nanggigigil na boses.

Sinalubong nito ang galit niyang tingin. "Gilen, nakita kitang binubuksan ang isang
kotse. Pinagwalang bahala ko yon kasi akala ko wala lang iyon at trip mo lang.
Tapos ngayon, malalaman ko na dati ka palang magnanakaw-"

"That's the key word, Kaino. Dati akong magnanakaw. Hindi na ngayon."

"Kung ganoon, yung nakita ko kagabi, anong ibig sabihin 'non? Naglalaro ka lang?
Gilen naman, hindi ako bobo."

"Oo hindi ka bobo, gago ka lang." Tumayo siya at naglakad palabas ng café.

"Gilen, bumalik ka rito! Saan ka ba pupunta?"

Hindi niya ito pinansin at lumabas

ng café. Nasa pintuan na siya ng makarinig ng sunod-sunod na putok ng baril.


Mabilis siyang dumapa it inilagay ang dalawang kamay sa ulo. Napapaigtad siya
tuwing may tinatamaang salamin ng café ang bala. Mariin siyang napapikit sa isiping
maraming tao sa loob at masasaktan sila ng dahil sa kanya. She was about to crawl
when someone put an arm on her back and pinned her on the ground.

"Still! Baka tamaan ka ng bala." Boses iyon ni Kaino.

"Akala ko ba huwag akong dumikit sayo. Ikaw ngayon itong nakadikit sa akin." Aniya.
"Shut up, please."

Nilingon niya ang binata na ihinaharang katawan para hindi siya tamaan ng bala. She
felt weird inside. Nang tumigil ang pamamaril, ipinalibot niya ang paningin. Nakita
niya ang basag na salamin ng café at may mga taong duguan at nakahandusay sa sahig
ang iba.

Napahikbi siya sa nakita. This is my fault. Sisi niya sa sarili. Kung binigay ko
nalang sana ang white book kay Jaime, hindi mangyayari 'to.

Dalawang matitipunong braso ang yumakap sa kanya at inalo siya. "This is not your
fault. Huwag mong isipin na ikaw ang may kasalanan. Biktima ka lang din." Masuyong
hinagod ni Kaino ang buhok niya at hinalikan siya sa nuo. "Tahan na. Huwag ka ng
umiyak. Hindi makakatulong ang luha mo sayo. You have to be strong, Gilen. Yan ang
kailangan mo ngayon."

Humihikbing tumango siya. "Sorry..." Pinahid niya ang isang butil ng luha na
kumawala sa mata niya. "I blame myself for all of this and I'm scared, Kaino. Paano
kung mamatay ako? Paano kung

makuha nila ako tapos patayin-"

Sinapo nito ang pisngi niya at pinilit siyang tumingin sa mga mata nito.

"Gilen, hindi ko hahayaang mangyari yon, okay? It's my job to protect you and- no
scratch that. I want to protect you, Gilen. Kahit pa nga isa kang magnanakaw."

Tiningnan niya ito ng masama. "Gago ka. Hindi ko naman kailangan ang proteksiyon
mo. Sinigaw-sigawan mo pa ako kanina. Walang hiya ka talaga."

Kaino chuckled lightly. "Ikaw na ang babaeng nakilala ko na walang utang na loob."

Inirapan niya ito. "Wala akong utang na loob sayo."

"Whatever. Kailangan na nating makaalis dito." Hinawakan nito ang kamay niya at
tinulungan siya makabangon mula sa pagkakadapa. "Halika na."
She brushed the dust off her jeans and shirt. "Saan tayo pupunta?" Tanong niya kay
Kaino na hinihila siya patungo sa kung saan. "Baka hanapin tayo ni Ethan."

"Tatawag ko nalang si Ethan. Babalik tayo sa NBI Headquarters. Hindi ka safe dito.
Shit talaga ang Jaime na 'yon!"

Hinayaan niyang hilain siya ni Kaino pabalik sa NBI Hq. Pagkapasok nila sa HQ, agad
nitong tinawagan si Ethan para sabihing bumalik sila sa HQ.

Ibinalik ni Kaino ang cell phone sa bulsa ng pantalon at hinarap niya.

"Ethan said he's on his way here." Anito at pinakatitigan siya ng matiim. "Alam mo
bang pinagalala mo ako."

She rolled her eyes. "Nandito na naman po tayo sa kasinungalingan mo. Kaino,

kasasabi mo palang na wala akong kwentang magnanakaw."

"Yeah, I know... pero... k-kasi..."

"Stop it, Kaino." Aniya sa mahinang boses. "Okay lang naman kung iyon ang tingin mo
sa akin. I don't mind, totoo naman kasi 'yon." Tumawa siya ng mapakla. "Pero hindi
ko naman ginusto ang buhay na 'yon. Sa mura kung edad nasadlak na ako sa mga
illegal na gawain kaya naman nang lumaki ako at nagkaisip, normal na sa akin 'yon.
Hindi ko sinasabing intindihin mo ako, pero sana huwag mo akong husgahan. Kasi wala
ka namang alam sa pinagdaanan ko noon. Wala kang karapatan na husgahan ako, Kaino.
Wala. Kasi hindi mo alam ang buhay ko noon bago ako nahuli ni Luther Sr."

Ilang minuto itong nakatitig lang sa kanya kapagkuwan ay nagsalita. "Sorry. I


didn't mean to judge you."

Tumango siya. "You're not forgiven, but I'll try to forget."

Pagkalipas ng sampung minuto dumating si Ethan na may dala-dalang backpack at isang


pambabaeng travelling bag. Nang mapansin nitong nakatingin siya sa kulay pink na
travelling bag, inabot nito iyon sa kanya.
"Nandiyan lahat ang pinamili mong damit sa mall." Ani ni Ethan. "Halika na sa
Helipad. Aalis na ang Helicopter."

Sumundo siya kay Ethan papunta sa roof top kung saan naroon ang Helicopter at
naghihintay sa kanila. Iyon ang maghahatid sa kanila sa isla na pinaggalingan na
niya noon. Nasa likuran nila si Kaino na walang imik lang na nakasunod sa kanila.

Nang makarating sila sa roof top, kinausap ni Ethan ang piloto at naiwan siya kay
Kaino na tinutulungan siyang makaupo ng maayos sa loob ng helicopter. Isinuot nito
ang seat belt at nilagyan ng ear plug ang tenga niya.

Habang nakalagay ang earplug sa tenga niya, he started talking.

"Ano?" Tanong niya rito.

Hindi niya marinig ang sinasabi nito dahil sa nakatakip sa tenga niya. Umiling-
iling ito ng nakangiti at tinanggal ang ear plug sa tenga niya.

Kaino smiled at her. "Sabi ko mag-ingat ka at mami-miss kita."

Pagkasabi niyon ay ibinalik nito ang ear plug sa tenga niya at bumaba ng
helicopter at naiwan siyang nakaawang ang mga labi sa sinabi nito.

Ma-miss niya ako? Tanong niya sa sarili. Nakaramdam siya ng munting kasayahan sa
puso niya. Napailing nalang siya sa nararamdaman.

Pumasok na si Ethan sa loob ng helicopter at nagsuot ng seat belt at ear plug.


Ilang minuto lang ang lumipas naramdaman ni Gilen at paunti-unting pagtaas ng
sinasakyan. Napatingin siya sa baba at nakita niya si Kaino na nakatingala sa
kanila at kumakaway.

Nag-iwas siya ng tingin ng may maramdamang kakaiba ang puso niya. Kahit anong deny
pa niya sa sarili alam niyang mami-miss din niya ang binata. At sa patuloy na
paglipag ng helicopter palayo kay Kaino, nararamdaman kaagad niya ang pangungulila
rito.

Pesteng puso! Buwesit na pag-ibig! Ngayon pa talaga tumama kung kailan magulo ang
buhay ko.

=================

Chapter 9

CHAPTER 9

ILANG araw nang namamalagi si Gilen sa isla, and it's so boring. Wala siyang ibang
ginawa kung hindi ang mag-swimming sa beach at manuod ng sunrise at sunset.
Kinukulit niya si Ethan na pahiramin siya ng cell phone kasi tatawagan niya ang mga
kaibigan niya para man lang malibang siya pero hindi ito pumayag. Nakakabagot ang
walang ginagawa. Nakakainis naman kasi. Nang lumapag ang helicopter sa isla,
kinompiska ang gadget na dala niya which is her phone.

Protocol daw. Protocol, her ass!

Nandito siya ngayon sa buhangin at hinihintay ang sunset, wala naman siyang ibang
gagawin kung hindi ito.

Napatingala siya sa kalangitan ng may marinig na malayong tunog ng helicopter.


Hindi na iyon bago sa pandinig niya. Sa isang linggo niyang pananatili sa islang
ito, halos araw-araw pumupunta ang Helicopter na iyon dito sa isla para magdala ng
kung ano-anong gamit o pagkain para sa mga nakatira rito.

Humugot siya ng isang malalim na hininga ng makitang lumubog na ang araw. Isang
araw na naman ang lumipas na wala siyang ginawa kung hindi umupo, matulog at
kumain. Nakakairita pero ayaw naman niyang bumalik sa manila kung saan may
nagtatangka sa buhay niya. Kahit ayaw niya, ipapaubaya niyang muli kay Luther Sr.
ang problema niyang ito.

Wala naman akong ibang choice.

Tumayo siya mula sa pagkakaupo sa buhangin at nag-umpisa ng maglakad pabalik sa


inuukapa niyang maliit na cottage. Nang dumaan siya sa inuukupang cottage ni Ethan
na katabi lang ng cottage niya, napakunot ang nuo niya. Madilim ang loob at
halatang walang tao.

Saan naman kaya nagpunta ang lalaking yon? Siguro nandoon si Ethan sa island HQ.
Palagi kasing naroon ito kapag wala sa cottage nito. Hindi naman siya natatakot na
wala siyang kasama dahil nagkalat ang mga guard sa isla at alam niyang palaging
tsini-check ang cottage niya kung okay lang ba siya o hindi.

Nagkibit-balikat siya at pumasok na sa cottage niya. Naghahanda na siyang maligo ng


may kumatok sa pintuan ng cottage niya. Sa isiping si Ethan iyon, agad niyang
binuksan ang pinto ng walang pag-aalilangan.

Umawang ang labi niya ng makita kung sino ang nasa labas ng pintuan.

"Kaino?" Hindi makapaniwalang banggit niya sa pangalan nito.

Nakatayo ang binata at nakalagay ang dalawang kamay sa bulsa ng pantalon na suot
nito. Titig na titig ito sa kanya na para bang natatakot na kapag kumurap ito kahit
isang beses lang ay mawawala siya sa paningin nito.

Sa isang linggong pananatili niya sa isla, walang araw na hindi ito sumagi sa isip
niya. Ngayon lang niya naramdaman na sobra niya itong na-miss ngayong nakita na
niya ito.

Pinigilan niya ang sarili na hindi ito yakapin ng mahigpit. "Anong ginagawa mo
rito?" Tanong niya sa binata.

"Hindi mo ba ako papapasukin?" Balik tanong nito.

Niluwagan niya ang pagkakabukas ng pinto. "Sige, pasok ka."

Pumasok si Kaino at ipinalibot ng tingin sa kabuunan ng cottage niya.

Parang sinusuri nito ang bawat sulok ng cottage sa klase ng pagkakatingin nito.

"Anong ginagawa mo rito?" Tanong niya ulit kay Kaino.

Binalingan siya nito, nakapamulsa pa rin. "I came here to see if you're okay."

Kinagat niya ang pang-ibabang labi. "I'm okay. How about you? Kumusta?"
"Okay lang din." Inisang hakbang nito ang pagitan nila at hinawi ang ilang hibla ng
buhok na tumatabing sa pisngi niya. "Pumayat ka. Hindi ka ba nila pinapakain ng
tama rito?"

Marahan siyang umiling. Ramdam niya ang init na nanggagaling sa kamay nito nang
sumagi ang kamay nito sa balat niya ng hawiin nito ang ilang hibla ng buhok niya.

"Pinapakain nila ako ng tama." Sagot niya. "Wala lang akong gana."

"Bakit naman?"

"Kasi name-miss k..." Kasi name-miss kita. "Nami-miss ko ang mga kaibigan ko."

"Alam mo naman diba kung bakit hindi mo sila puwedeng tawagan. Rest assured na ayos
lang ang mga kaibigan mo. Don't worry about them. Sinabihan ko na sina Alexus at
Marlon Aiken na dalhin muna ang mga kaibigan mo sa isang ligtas na lugar."

"Salamat." Pasimpli siyang humakbang palayo rito.

Parang sasabog na ang puso niya sa sobrang kaba na nararamdaman. Mabilis ang tibok
ng puso niya at natatakot siya na baka marinig iyon ng binata. Wala siyang balak na
malaman nito ang nilalaman ng puso niya, magulo pa at natatakot siya.

Inisang hakbang ulit nito ang pagitan na inilagay niya sa kanilang dalawa.

"Nandito ako para kumustahin ka. Aalis din ako bukas kaya puwede ba, huwag mo akong
iwasan." Anito na ikina-angat

niya ng tingin.

"Hindi naman kita iniiwasan." Sabi niya sa mahinang boses.

"Hindi nga ba? Hindi kita nakita ng isang linggo, Gilen. Nag-alala ako sayo at ito
ang isasalubong mo sa akin? Please lang, Gilen, nakakaramdam naman ako at alam kung
iniiwasan mo ako. No need to lie."

Nag-iwas siya ng tingin. "Bakit parang galit ka pa sa akin ngayon? Hindi ko naman
sinabi na mag-alala ka sa akin."

Walang imik na naglakad ito papunta sa pintuan ng cottage niya at binuksan iyon.
Bago ito lumabas, nilingon siya nito.

"Pumunta ako dito sa isla kasi gusto kitang makita at na-miss kita. Pero mukhang
the feeling is not mutual."

Pagkasabi nun ay lumabas na ito ng cottage niya at naiwan siyang sobrang bilis ng
tibok ng puso niya. Sinapo niya ang dibdib na parang may nagkakarerang daga sa
loob.

Ewan ko talaga sayong puso ka! Kung kailan naman magulo ang buhay ko, saka ka naman
titibok para sa isang lalaki.

Kinuha niya ang tuwalya na nasa ibabaw ng kama at pumasok sa banyo. Habang naliligo
nasa isip niya si Kaino at ang sinabi nito sa kanya.

"Pumunta ako dito sa isla kasi gusto kitang makita at na-miss kita. Pero mukhang
the feeling is not mutual."

Huminga siya ng malalim ng maalala ang sinabi ni Kaino. Shit naman oh. Paulit-ulit
iyon na nagre-replay sa utak niya. Naiinis na lumabas siya ng banyo at nagbihis.
Pagkatapos niyon ay nahiga siya sa kama at tumitig sa kisame. Ipinikit niya ang mga
mata at pinilit ang sarili

na matulog kahit hindi pa siya nanananghalian. Wala siyang ganang mag-dinner.

KINAUMAGAHAN, nagising si Gilen ng maaga para mag-jogging at makalimutan si Kaino


na nasa isip niya kahit natutulog siya pagtulog niya. Nakakairita na. Pagkatapos
magbihis ay lumabas siya ng cottage at nag-umpisang mag-jogging.
Hindi pa siya nakakalayo sa cottage niya ng may maramdamang nag-jogging sa tabi
niya. Tiningnan niya kung sino iyon at ganoon na lamang ang lakas ng tibok ng puso
niya ng makita si Kaino sa tabi niya.

Nagpatuloy siya sa pag-jogging kahit ang gusto niyang gawin ay ang tumigil sa
pagtakbo at bumalik sa cottage niya. Nagpanggap siya na hindi apektado sa
presensiya nito at binaliwala ang binata. Ilang minuto na silang nagja-jogging nang
habol ang hininga na tumigil siya at nagpahinga.

Naramdaman niyang may tao sa harapan niya kaya naman nag-angat siya ng tingin at ng
makita niya si Kaino na nakatingin sa kanya ay mabilis siyang tumayo ng maayos at
sinalubong ang matiim na titig sa kanya ng binata.

"What?" Tanong niya kay Kaino ng hindi ito nagsalita at nakatitig lang sa kanya.

He shrugged his shoulder. "Nothing." Anito habang nakatingin pa rin sa kanya.

"Bakit ganyan ang tingin mo sa akin?" Usisa niya rito.

Nagkibit-balikta ulit ito. "I'm just memorizing your beautiful face, aalis na kasi
ako mamaya."

Mabilis siyang nagbaba ng tingin para itago ang pamumula ng pisngi niya dahil sa
sinabi nito.

Matagal na niyang alam na maganda siya pero bakit kapag si Kaino ang nagsabi na
maganda siya hindi mapakali ang puso niya? Para iyong hinihili sa kalangitan.

"A-Ano ba ang pinagsasasabi mo, K-Kaino?" Nauutal na sabi niya.

Inilagay nito ang kamay sa baba niya at itinaas ang mukha niya para magtama ang mga
mata nila.

Matiim siya nitong tinitigan. "Gilen, na-miss kita." Marahang hinaplos nito ang
pisngi niya gamit ang kamay nito. "Gustong-gusto kitang makita kaya naman pinilit
ko ang superior ko na bigyan ako ng pahintulot na bisitahin ka rito sa isla. And
I'm happy to see you; but it saddened me that the feeling isn't mutual. Pero ayos
lang 'yon. Ang importanti okay ka."
Walang lumabas ni isang salita sa bibig niya kahit nakabuka iyon. Hindi siya
makapagsalita habang nakatingin sa maganda nitong mga mata na para bang
hinihipnotismo siyang titigan ito buong araw.

"Kaino..."

Dahan-dahan siya nitong binitawan at umayos ng tayo.

He smiled at her. "Aalis na ako mamayang hapon. May mga binili akong pagkain para
sayo, nasa cottage ko. Mind if you come to my cottage and get it?"

Wala sa sariling tumango siya at umo-o. "Yeah, sure."

"Great." Hinawakan nito ang kamay niya at hinila siya patungo sa kung saang parti
ng isla

At siya naman parang timang na basta nalang nagpahila sa binata na hindi man lang
nagtatanong kung saan siya nito dadalhin. After five minutes, they enter a small
cottage near the shore. Napaka-presko ng simoy ng hangin at naririnig niya

ang alon ng dagat. Ito ang gusto niyang cottage pero hindi siya hinayaan kasi baka
raw may makapasok sa isla at makuha siya. Kailangan daw ang cottage niya ay malapit
sa HQ.

But Gilen doubt kung may makakapasok nga sa islang ito. Sa higpit ng security at sa
dami ng pakalat-kalat na guard sa isla, napaka-imposibling mapasok ang islang ito.
Maliban doon, napapalibutan din ng CCTV camera ang buong isla.

"Nagdala ako ng pagkain mula sa maynila." Si Kaino ang unang bumasag sa katahimikan
ng makapasok sila sa cottage nito. "Alam kong nami-miss mo na ang pagkain sa
maynila kaya naman binilhan kita."

Napatanga siya ng isa-isa nitong inilabas mula sa paper bag ang tatlong mahahabang
cake roll na may flavor chocolate, mocha at ube. May inilabas din itong limang
malalapad na bar ng Cadbury at syempre pa maraming chips. May binili rin itong
sodas at mga fresh milk na nasa karton. May munting ngiti na gumuhit sa mga labi
niya ng makitang may binili itong maraming Hershey's kisses na chocolate. Paano
nito nalaman na favourite niya ang kisses?
"Binili mo ang lahat ng ito para sa akin?" Hindi makapaniwalang tanong niya habang
naglalaway sa mga pinamili nito.

Binalingan siya ni Kaino. "Yeah. I know how much you love food. Saka sabi ni Ethan
panay daw ang reklamo mo dahil walang makain na sweets dito." Tiningnan nito ang
pinamili at ibinalik ang tingin sa kanya. "Sorry kung ito lang ang nabili ko.
Nagmamadali kasi akong makita

ka kaya naman-"

"Thanks you." She chirped happily. "Super thank you sa mga pinamili mo. I didn't
know na nai-kwento pala sayo ni Ethan ang mga reklamo ko. And I wasn't expecting na
bibilhan mo ako para lang may makain ako rito sa isla."

He chuckled lightly. "Gilen, alam ko naman kung gaano ka katakaw."

Nawala ang ngiti sa mga labi niya at inungusan ito. "Matakaw ka riyan. Hindi kaya."

"Yeah, and unicorns are real." Puno ng sarkasmong sabi nito.

Inirapan niya ito. "Umalis ka nga riyan." Itinulak niya ito palayo sa mga pinamili
nito at binuksan ang mocha flavored cake roll.

Inamoy niya ang cake at napaungol siya ng maamoy ang masarap na aroma niyon. Her
mouth watered for a taste. "Grabe, naglalaway na ako amoy palang." Tinakpan niyang
muli ang cake roll at hinarap si Kaino. His eyes were dilated and he had a very
unfamiliar expression on his face.

"Anong nangyari sayo?" Usisa niya.

Umiling-iling ito at parang kinapos ito nang hininga ng magsalita ito. "Next time,
huwag kang umungol ng ganyan sa harapan ko."

Kumunto ang nuo niya. "Ano? Bakit naman? It's just a moan." Hindi niya
maintindihan ang logic ng utak nito.
Pinadilatan siya nito. "It's not just a moan, Gilen! Siguro sayo, pero iba sa akin.
Lalaki ako at-"

"Oh my god!" Gilen exclaimed when she understood what he was talking about. "Y-
You..." Her eyes settled on his groin. "You-re ... h-horny?" Naiilang na tanong
niya sa binata.

"What?! No! I just have a hard on! But I'm not horny!"

"Eh bakit mo ba ako sinisigawan?"

Magkasalubong ang kilay na sabi niya. "I was just asking."

"Asking a wrong question." Kaino covered his groin when he saw her still looking at
it. "Look away. Nako-conscious ako sa tingin mo."

Napailing-iling siya. "Tumitingin lang naman ako."

Hindi makapaniwalang tinitigan siya ni Kaino. "Kanina nang sabihan kitang maganda
ka, namula ka. Ngayon naman na ang junior ko ang pinaguusapan, mukhang ayos lang
naman iyang pisngi mo." Napailing-iling ito. "Iba ka rin, Gilen."

Inirapan niya ito. "Iba naman kasi yung kanina sa ngayon."

Gilen chuckled when she remember the glint of Kaino's eyes after he heard her moan.
Natatawa siya na apektado ang binata sa simpling ungol lang.

"Nakakatawa ka, Kaino." Aniya.

Masama ang ipinukol nitong tingin sa kanya. "Hindi ako clown."

Hindi niya pinansin ang sinabi nito at ibinalik ang mga pinamili nito sa paper bag.
"Kaino?"
"Yeah?"

"Hindi mo ba napapansin?"

"Ang alin?"

"Paiba-iba ang mood mo. Kanina seryuso, tapos sweet, ngayon naman galit. Bipolar ka
ba?"

Ilang segundo ang lumipas bago ito sumagot. "You bring out all the emotions in me,
Gilen. The serious, the cheesy and the negative attitude. Ikaw lang ang may kayang
palabasin yun sa iisang araw lang."

Tumigil siya sa ginagawa at hinarap si Kaino. "Well, in my part, ikaw lang ang
nakakita sa mataray at seryusong ako, hindi ko kasi hinahayaan ang mga tao na
makita ang side ko na yun. So I think we're even." She said the last sentence with
a shrug.

Kaino nodded earnestly, and then his gazed dropped to the Hershey's kisses that he
bought for her.

"I bought you Hershey's kisses..." Kaino trailed then he walked towards her and
stopped when he's just inch away from her. He leaned in and whispered over her ear.
"Would you mind if you pay it with real kisses?"

Hindi niya napigilan ang ngiting kumawala sa mga labi niya. Here's the sweet and
naughty Kaino Garcia.

Gilen leaned in and whispered her answer over his ear. "So, fake pala ang binili
mong kisses para sa akin?" Pagkatapos ay umayos siya ng tayo, naka-plaster parin sa
labi niya ang isang malapad na ngiti. "Sorry, Kaino, wala kasi akong real Hershey's
Kisses ngayon e. Siguro pag balik ko nalang sa manila."

Gilen left Kaino on his cottage, gaping. Dala-dala ang pinamili nito sa kanya,
tinungo niya ang cottage niya kung saan balak niyang kainin ang mga pinamili nito.
=================

Chapter 10

CHAPTER 10

MAGHAPONG nagkulong si Gilen sa cottage niya, ayaw niyang makita ang pag-alis ni
Kaino. Hindi siya lumabas mula ng umuwi siya dala-dala ang pagkain na pinamili ni
Kaino para sa kanya. Hinatiran lang siya ng lunch at dinner ng mga tauhan sa isla
at hinayaan na siya ng mga ito sa cottage niya.

Nakahiga siya sa kama at kumakain ng Hershey's kisses ng may kumatok sa pintuan ng


cottage niya. Sa isiping mga tauhan iyon sa isla, walang takot na pinapasok niya
ito.

"Pasok." Aniya sa malakas na boses. "Bukas yan." Hindi pa siya nagla-lock ng pinto
dahil hindi pa naman siya matutulog.

Umupo siya sa ibabaw ng kama at hinintay na pumasok ang kumatok. Nanlaki ang mga
mata niya ng makitang si Kaino ang pumasok at hindi isang island staff.

"What are you doing here? I thought..."

"Ako muna ang magbabantay sayo." Anito sa malungkot na boses.

"Okay, but you don't have to be sad about it. Kung ayaw mo akong bantayan, marami
namang bantay dito sa isla-"

"Ethan was shot."

Umawang ang labi niya sa sobrang gulat sa sinabi nito. "A-Ano? P-Paano? Diba
nandito siya..."
Umupo si Kaino sa tabi niya at tumingala sa kisame na para bang may magandang
tanawin doon.

"Umuwi kasi Ethan dahil nasa hospital ang father niya. Na stroke daw. Bibisitahin
sana niya kaya nga binigyan ako ng pahintulot ng superior ko na bisitahin ka at
bantayan ka pansamantala habang wala pa si Ethan. Kaninang hapon, babalik na sana
ako sa manila ng makatanggap ako ng tawag. Ethan was shot in the chest at the
Hospital."

Kinagat niya ang pang-ibabang labi. Kinakain ng guilt ang

pagkatao niya. "Please, tell me na buhay si Ethan. Kasalan ko 'to-"

Hinarap siya ni Kaino. "Buhay si Ethan, Gilen. Naagapan ang sugat niya kaya nabuhay
siya."

Nakahinga siya ng maluwang sa sinabi nito. "Thanks god. Ayokong may madamay pa na
ibang tao sa problema ko."

Namayani ang katahimikan sa loob ng cottage niya. Hindi na nagsalitang muli si


Kaino at siya naman, abala sa pag-iisip kay Ethan. Nag-aalala siya para sa lalaki.
Paano kung namatay ito ng dahil sa kanya? Kahit naman hindi sinabi ni Kaino kung
sino ang bumaril kay Ethan, alam na niya kung sino iyon. Siya ang kailangan ng mga
ito, bakit iba ang sinasaktan at hindi siya?

Malamang kasi nagtatago ka, kaya yung mga tao nalang na nakaharang sa daraanan nila
ang itutumba nila. Wika ng isang parti ng isip niya. At huwag ka ng magtaka kung
ang isunod nila ay si Kaino.

Mariin niyang ipinikit ang mga mata sa isiping iyon. No! Hindi! Hindi niya hahayaan
na pati si Kaino ay madamay sa gulo ng buhay niya. He's just doing his job for god
sake.

"Anong iniisip mo?" Si Kaino ang unang bumasag sa katahimikan.

Tinitigan niya ang binata. "Natatakot ako. Paano kung ikaw ang isunod nilang
barilin? Kaino, kapag nangyari yon-"
"Hindi iyon mangyayari." Sinapo nito ang pisngi niya. "It won't happen to me."

"Pero-"

"Shh. Hindi yun mangyayari sa akin. Ako na ang magbabantay sayo. I'll be safe here
in the island so stop worrying over something that is not going to happen."

Kahit

papaano, nabawasan ang pag-aalala niya sa kaalamang ito ang magbabantay sa kanya
dito sa isla. Hindi ito babalik sa manila kung saan naroon si Jaime Ramirez. Ang
hindi niya maintindihan, bakit gusto siya nitong patayin? Nasa kanya pa ang white
book. Kailangan pa siya ng mga ito.

"Hindi ko maintindihan." Aniya sa naguguluhang boses. "Bakit ginagawa ito ni Jaime?


Nasa akin pa ang white book."

Binitawan ni Kaino ang pisngi niya at hinawakan ang kamay niya at pinisil iyon.

"Siguro naisip niya na wala namang saysay ang white book kung patay ka na." Anito.
"Walang nakakaalam kung saan mo itinago ang libro. Iniisip niya na wala kang
magagawa lalo na ngayon na nasa isla ka at nagtatago. Well, maliban nalang kung
dala-dala mo rito ang librong iyon."

Mabilis siyang umiling. "Hindi ko dala ang white book. Nasa maynila iyon at
nakatago sa-" Tumigil siya sa pagsasalita at kinagat niya ang pang-ibabang labi.
Muntik na iyon ah!

"I understand. You don't have to tell me." Nilaro-laro ni Kaino ang daliri niya.
"Yun lang ang naisip kung rason kung bakit ka niya gustong ipapatay. You're
thingking na hindi ka niya papatayin dahil sa libro, pero doon ka nagkamali.
Papatayin ka niya dahil sa librong iyon, Gilen. Ibigay mo nalang kasi sa amin ang
librong yun."

"Kaino, akin ang librong iyon at hindi ko iyon ibibigay sa kahit na sino." Aniya sa
garalgal na boses. "Pag-aari yun ng mama ko. Iyon lang ang tanging bagay na iniwan
niya sa akin ng mamatay siya.

Mahal na mahal ko ang mama ko kahit ganoon siya. Isa lang naman ang pagkakamali
niya e, iyon ay ang maghangad ng maginhawang buhasy para sa aming dalawa."
Tuluyan na siyang umiyak ng maalala ang pinagdaanan ng ina sa kamay ni Jaime
Ramirez. Hinding-hindi niya mapapatawad ang hayop na lalaking yun!

Kaino enveloped her into a warm embrace. Wala itong sinabi basta niyakap lang siya
nito at hinagod ang likod niya. Mas lalo pang lumakas ang iyak niya sa ginawa nito.
Mula ng mawala ang mama niya, walang tao na yumakap sa kanya ng ganito. She felt
secure in someone's arm for the first time after her mother's death. Nakaramdam
lang siya ng ganito sa mama niya, at ngayon kay Kaino. Hindi niya akalain na sa
bisig nito, mararamdaman niyang safe siya kahit alam niyang gagawin ang lahat ni
Jaime para mamatay siya.

She hugged him back and put her chin on his shoulder. Panay pa rin ang tulo ng luha
niya.

Kaino pulled away and dry her tears. "Stop crying. Kung ano man ang nangyari sayo
noon, hindi na muulit iyon ngayon. I'm here. Hindi ko hahayaan na mangyari yun."

Gilen force a smile.

"You don't have to smile to show me that you're okay, Gilen. Just stop crying and
drop that fake smile. Ayokong makita ang pekeng ngiti na yan."

Nawala ang pekeng ngiti sa mga labi niya at matamang tinitigan ang binata.
Sinalubong ni Kaino ang titig niya. He's looking at her like she's somewhat
important to him. At sa klase ng pagkakatingin nito sa kanya,

hindi niya napigilan ang sarili na i-kwento ang nakaraan niya rito.

"I'm scared, Kaino. I don't have a fairytale childhood, you know." Simula niya.
"Nuong bata pa ako, nakikita ko lumalabas si mama sa bahay gabi-gabi para raw may
makain ako. Naawa ako kay mama, kaya naman sa mura kung edad natuto akong magnakaw.
Nuong una, munting halaga lang ang ninanakaw ko. Naging isa akong batang
mandurukot. Alam kong masama ang ginagawa ko pero hindi naman sapat ang inuuwing
pera ni mama para sa pagkain namin sa isang araw. And then at the age of ten,
pumasok sa buhay namin si Jaime Ramirez. Hindi ko alam kung ano siya, basta
pinakilala siya sa akin ni mama at sinabing doon na raw kami titira sa mansiyon
niya."

Tumawa siya ng pagak. "Of course, I'm a kid. I was so happy kasi sa wakas may
maayos na bahay na kaming titirhan. Well, my happiness was cut off short when I saw
Jaime hit my mom. Pinilit ko si mama na umalis sa mansiyon pero hindi pumayag si
mama. Kasi kahit daw binubugbug siya ni Jaime, nakakakain naman daw kami ng tama. I
want to leave Jaime's mansion, pero ayaw ni mama at dahil doon, mas nahasa pa ang
kaalaman ko sa pagnanakaw. Nalaman ni Jaime at ang kapatid niyang si Julio na isa
akong mandurukot and they wanted to take my talent to the next level."

"Anong ginawa nila?" Sa unang pagkakataon mula ng mag-umpisa siyang magkwento,


nagsalita si Kaino.

Siya naman ang humawak sa kamay nito at nilaro-laro ang mga daliri nito.

"Ang ginawa

nila? Nuong una, ginawa nila akong drug pusher. Kapag may mga illegal silang gawain
na mas makabubuti kung bata ang gumawa para hindi mapaghinalaan, ako ang pinapagawa
nila. And then at the age of thirteen, Jaime thought me how to be a professional
grand theft auto. Alam mo bang ginawa ko ang lahat para matuto kasi sinabi sa akin
ni Jaime kapag may nanakaw akong sasakyan at walang gasgas, may parti ako kapag
nabili iyon. Gusto kong magka-pera kasi kapag marami na akong pera mapapapayag ko
na si mama na umalis sa bahay na iyon. I work hard, no scratch that, it’s more like
I stole hard. Kapag may pinapanakaw si Jaime, volunteer kaagad ako. I want money.
Tons of money. Then at the age of fifteen, isa na akong sikat na magnanakaw ng
kotse at kilala na ako sa larangang iyon. Magaling akong magnakaw, no scratch and
no defects. Ganoon ako magnakaw kaya naman gustong-gusto ni Jaime kapag ako ang
nagta-trabaho kasi walang gasgas at mahal ang bilihan sa black market. Then Jaime
started to receive orders. Hindi na kami sumali sa black market kasi by order na
kami. Different countries, different orders, different cars. Ako ang nagta-trabaho
nun. But things went out of hand when Luther Sr., caught me
stealing <em>his</em><em> </em>car. Natakot ako, kasi for the first time nadakip
ako. Hindi ko alam ang gagawin ko, I was scared shit. Pero hindi ako pinakulong ni
Luther Sr., pinabalik niya ako sa usapang ako ang magiging espiya niya kay Jaime at
Julio Ramirez. Magulo ang isip ko ng araw na iyon, hindi ko alam kung saan ako
lulugar. Kung sino ang papanigan ko. Pero kahit anong tago ang gawin ko, nalaman ni
Jaime na nadakip ako at tinakot

niya ako. Kapag daw nagsalita ako, papatayin niya ang mama ko. Siyempre hindi ako
magsasalita. That's my mother! Nanahimik ako at sinunod ang lahat ng gusto nila
pero natapos din iyon ng maabutan ko si mama sa kuwarto niya na nag-aagaw buhay,
may ibinigay siya sa aking white book, iyon daw ang magiging susi ng kalayaan ko
pagkatapos ay namatay siya habang yakap-yakap ko. Drug overdose raw ang kinamatay
niya. Doon ako sumabog. Pinuntahan ko si Luther Sr., ipinasok ako sa NBI Protection
program and the rest is history."

Ilang minutong katahimikan ang dumaan bago nagsalita si Kaino.

"I'm sorry I judge you. I'm sorry kung pinagsalitaan kita ng hindi maganda nuong
nalaman ko na magnanakaw ka. I shouldn't have said that. I'm sorry." Puno ng
pagsisisi ang mukha at boses ni Kaino habang humihingi ng tawad. "I'm really sorry,
Gilen."
"It's fine." Aniya na may genuine na ngiti sa mga labi.

Para siyang nabunutan ng tinik sa lalamunan pagkatapos niyang i-kwento kay Kaino
ang nakaraan niya. Masaya siya at humingi ito ng tawad kahit hindi naman siya
karapat-dapat sa sorry nito.

"Alam mo bang galit ako sa mga nagtitinda ng drugs?" Tinuyo ni Kaino ang ilang
butil ng luha na kumawala sa mga mata niya habang nagku-kwento siya. "There's a
part of me na galit sayo kasi kahit biktima ka rin, may nasira ka paring buhay. But
there's also a big part of me that wanted to hug you and tell you that it's okay.
That it wasn't your fault. Before I met you, gusto kong lipulin ang

mga drug dealer at drug pusher para parusahan at ikulong-"

"Kung ganoon ikulong mo ako." Sansala niya sa iba pa nitong sasabihin.

Walang buhay na tumawa ito. "Hindi ko kaya, Gilen. Nuong malaman ko na isa kang
magnanakaw, I tried to be mad at you, pero hindi ko naman nagawa. Hindi ko alam
kung ano ang mayroon sayo na kahit pinipilit ko ang sarili ko na magalit sayo at
pandirian ka, hindi ko magawa. Nuong umalis ka sa manila, sinabi ko sa sarili ko na
galit ako sayo at wala akong pakialam kung ano man ang mangyari sayo. But after a
weak, I bought you food and begged my superior to let me visit you. Gawain ba 'yon
ng galit?"

Nakakataba ng puso ang mga sinabi ni Kaino. Hindi niya napigilan ang sarili na
yakapin ito at siilin ng halik ang mga labi. Halatang nagulat ito sa ginawa niya
pero agad din naman itong nakabawi at tinugon ang halik niya.

"Paano ka natutong humalik?" Tanong ni Kaino sa kanya ng maghiwalay ang mga labi
nila.

She rolled her eyes. "When protection program released me, I went to club every
night and make out with every handsome man I see."

Nagdilim ang mukha ni Kaino na ikinatawa niya ng malakas.

"Are you jealous?" Tudyo niya sa binata.


Hindi siya nito sinagot at nanatiling madilim ang mukha nito.

"Uy, nagseselos siya." Kiniliti niya ito sa tagiliran pero wala man lang itong
reaksiyon.

Napasimangot siya. "Come on, Kaino, binibiro lang naman kita. Sa tingin mo naman
gagawin ko yun?"

Unti-unting nawala ang madilim nitong mukha. "Talaga? Hindi ka nakipaghalikan sa


kung sino-sinong lalaki?"

"Hindi po. Masaya ka na?"

Ngumiti ang binata. "Good. Kasi ako lang ang puwedeng humalik sayo."

Pagkawika nun ay sinakop nito ang mga labi niya at hinalikan siya na agad naman
niyang tinugon ng buong puso. Nag maghiwalay ang mga labi nila, matiim siya nitong
tinitigan.

"Kanino ka natutong humalik?" Tanong na naman nito madilim.

"So, nagseselos ka nga?"

"Ano naman ngayon kung nagseselos ako?"

"Ang cute mo." Nangigigil na hinalikan niya ang binata.


=================

Chapter 11

CHAPTER 11

NAGISING si Gilen ng makarinig ng katok sa pintuan ng cottage niya. Ininat niya ang
katawan at kinusot ang mata kapagkuwan ay bumangon siya at pinagbuksan ang
kumakatok. Napasimangot siya ng makita si Kaino.

"Anong ginagawa mo rito?" Tanong niya rito. "Ang aga-aga pa. Bumalik ka roon sa
cottage mo. Huwag mong isturbuhin ang tulog ko."

Akamang isasara niya ang pintuan ng cottage nang iharang nito ang paa para hindi
iyon tuluyang sumara.

Tiningnan niya ito ng masama. "Ano ba, Kaino? Inaantok pa ako kaya huwag kang
umepal kasi tatamaan ka sa akin."

Nginitian siya nito na parang hindi apektado sa iritasyon niya. "May dala akong
breakfast."

"Kainin mo yang mag-isa." Iniwan niyang nakabukas ang pinto at bumalik sa kama at
nahiga.

Narinig niyang pumasok si Kaino sa cottage niya, kapagkuwan ay umupo ito sa tabi
niya. Naramdaman niyang hinaplos nito ang pisngi niya, naiiritang tinabig niya ang
kamay nito.

"Kaino, tantanan mo ang pisngi ko." Aniya na nakapikit ang mga mata.

Hindi ito nakinig at hinaplos ulit ang pisngi niya.

"Kaino, magsabi ka lang kung bet mo ang malambot kong pisngi. Ipapakilala kita sa
dermatologist ko."
Gilen heard him chuckle.

"You're beautiful even in the morning. No messy hair and all." He said and she can
note a smile on his voice.

"Kaino, kung ayaw mong mag-fiesta ang dugo ko sa pisngi ko, tantanan mo ako sa
beautiful na yan."

"I like it when you blush. It makes you more beautiful."

Nagmulat siya ng mata at handa ng sigawan ito ng makita niyang sobrang

lapit ng mukha nito sa mukha niya. Umawang ang mga labi niya.

His gaze dropped to her lips. Nag-init ang pisngi niya sa klase ng pagkakatitig
nito sa labi niya. Ipinikit niya ang mga mata ng dahan-dahang inilapit nito ang
labi nito sa mga labi niya. Nang maramdaman niyang lumapat ang labi nito sa labi
niya, parang may nagrambulang elepante sa dibdib niya. Nagwawala rin ang mga paru-
paru sa tiyan niya.

Hindi nagtagal ang halik at inalayo kaagad ni Kaino ang labi nito sa mga labi niya.

"Para naman saan ang halik na yun?" Hindi napigilan ang sariling usisa niya.

He smiled cheekily. "It's my way of saying 'good morning'."

Pinigilan niya ang ngiti na gustong kumawala sa mga labi niya. Ayaw niyang malaman
nito na nagustuhan niya ang ginawa nito.

Inirapan niya ito. "Puwede ka namang mag good morning na walang kasamang halik."

"Alam ko." Umayos ito ng upo. "Pero gusto kitang halikan e."

Napasimangot siya. "Hindi mo man lang ako pinag-tooth brush."


Mahinang tumawa ito. "Mabango naman ang hininga mo so okay lang yun."

Pinandilatan niya ito. "Sino namang tao ang mabango ang hininga sa umaga?"

"Ikaw." Kinindatan siya nito at tumayo.

Sinundan niya ito ng tingin at nakitang lumapit ito sa pandalawang mesa na


nagsisilbing kainan niya. Maraming pagkain ang nasa mesa at lahat iyon ay katakam-
takam. Mabilis siyang bumangon at nilapitan ang pagkain.

"Saan mo nakuha ang mga ito?" Manghang tanong niya kay Kaino. "Usually, oate meal
lang ang agahan dito kaya nga panay ang reklamo ko. Ngayon naman, fried rice,
bacon, hotdog and sandwich?"

"Binili ko ang bacon at hotdog sa manila, pinaluto ko lang dito. At yung fried rice
naman at sandwich, niluto ng kitchen staff."

Humaba ang nguso niya sa narinig. "Ang unfair naman, gusto kong kumain ng friend
rice at sandwich pero wala raw. Mayroon naman pala!"

Tumawa si Kaino. "Ikaw talaga, pag pagkain nabubuhay ang lahat ng cells mo sa
katawan."

Nginisihan niya ang binata. "Inggit ka lang kasi-"

Nilagyan nito ng hotdog ang bibig niya para tumigil siya sa pagsasalita.

"Manahimik ka at kumain. Ang ingay mo." Anito.

Mabilis niyang nginuya ang hotdog at nagsalita. "Ang sama mo. Paano kung nabilaukan
ako?"

"E di ima-mouth to mouth resuscitation kita." Anito at kinindatan siya.


"Heh!" Umupo siya sa bakanteng mesa. "Nakakainis ka pero salamat sa pagkain."

"Hindi ako tumatanggap ng salamat."

Mabilis siyang nagtaas ng tingin mula sa kinakain niya. "Ano?"

"Kung magpapasalamat ka sa akin, halikan mo ako. Yun lang ang tanging paraan para
maramdaman ko na talagang nagpapasalamat ka."

Sinipa niya ang paa nito sa ilalim ng mesa. "Gago! Para namang gagawin ko yun."

"Eh di 'wag. Basta alam mong hindi ko matatanggap ang simpling thank you mo."

Hindi niya pinansin ito at nagpatuloy sa pagkain. Inubos niya ang lahat nang
pagkain na nakahain sa mesa. Pagkatapos niyang kumain, malakas siyang dumighay.

"You have no shame at all, Gilen." Wika ni Kaino habang lukot ang mukha na
nakatingin sa kanya.

"What?" Inosente niyang tanong. "Bawal na ba ang dumighay ngayon?"

"Well,

one country in Europe actually forbids burping in the table. If you burp, you'll go
to prison."

She rolled her eye at him. "Well, wala tayo sa Europe kaya naman I can burp
whenever I want, wherever I want. Pagdighay nalang, bawal pa. Anong klaseng bansa
yun?"

"Mas matatanggap pa ng bansa na yun na umutot ka sa hapagkainan, huwag lang ang


dumighay." Dagdag pa ni Kaino.
"Ay, diyan kami magi-giyera. Walang puwedeng umutot habang kumakain ako. Talagang
kakasuhan ko siya."

Napailing-iling ito. "Ewan ko sayong babae ka."

Nginitian niya ito at tumayo. "Naiirita ka sa akin? Sige, makakaalis ka na." Aniya
na itinuro ang pintuan ng cottage. "Salamat sa pagkain at sana dalhan mo ako ng
masarap na lunch mamaya."

Napatili siya ng walang sere-seremonyang pinangko siya ni Kaino at inilapag sa kama


pagkatapos ay tumabi ito ng higa sa kanya.

"Anong ginagawa mo?" She tried pushing him away but to no avail.

"Matutulog katabi ka, bakit masama ba?" Balik tanong nito.

"Masama kasi-" Naputol ang iba pa niyang sasabihin ng ipinulupot nito ang braso sa
bewang niya at hinapit siya palapit sa katawan nito. "K-Kaino, a-ano ba ang
ginagawa mo..."

"Shh. Silent. Matutulog ako." Anito at ipinikit ang mga mata.

Napatingin siya sa maamong mukha ni Kaino habang nakapikit. Ang guwapo talaga nito.
Nakakahalina tingnan ang matangos nitong ilong, ang labi nito na mamula-mula at ang
mga mapupungay nitong mga mata na palagi siyang nahihipnotismo kapag tinititigan
siya.

Inilapit niya ang mukha sa mukha ng binata at inilapat ang labi

niya sa mga labi nito. It was just a peck but it sent tingles throughout her body.

"Thank you." Gilen whispered over his lips.

A small smile appeared on Kaino's lips. "You're welcome."


MATAAS na ang sikat ng araw ng magising si Gilen. Wala na sa tabi niya si Kaino at
nakita niyang may pagkaing iniwan ito sa ibabaw ng mesa. Nang tingnan niya kung ano
yun, as if on cue, agad na kumulo ang tiyan niya.

I'm eating steak for lunch! Yehey!

Akmang kakainin niya ang steak ng mapansin ang maliit na note na nasa tabi ng
steak. Kinuha niya iyon at binasa.

Gilen,

Kapag nabasa mo 'to, I'm sure nasa manila na ako. Don't worry babalik din naman ako
kaagad. May importante lang akong bibilhin.

-Kaino.

PS: Eat well.

Napangiti siya sa sulat nito. She finds it very sweet, pero hind pa rin niya
maiwasan na mag-alala para sa binata. Nasa manila ito kung saan naroon si Jaime.
Paano kung saktan nito si Kaino? Wala siya roon para ibigay ang white book kapalit
ng-

Natigilan siya sa naiisip. Oh god. Did I just think of that? Ibibigay ang white
book?

Her gaze dropped to the steak on the plate and then her eyes move to the note in
her hand. What's happening with me? Kailan ko pa naisip na ibigay ang white book
kay Jaime para hindi saktan si Kaino? Ano ba itong iniisip ko? Ganoon na ba talaga
kalala ang tama ko sa lalaking

yun?

Huminga siya ng malalim at kinalma ang sarili. Kakainin muna niya ang steak bago
siya mag-isip. Nakaka-stress ang mag-isip mas lalo na kung ang iniisip mo ay
tungkol sa pag-ibig na hindi mo naman alam kung may katugon o wala.

IT'S ALREADY twilight when Kaino arrived in the island. Nilukob ng saya ang puso
niya ng makita ang binata sa labas ng cottage niya at may dala-dalang itong maliit
na icebox.

"How are you?" Tanong nito sabay halik sa labi niya.

"Okay lang ako." Kinuha niya ang icebox na dala nito at inilagay iyon sa ibabaw ng
mesa at binalikan ang binata para tulungan itong hubarin ang leather jacket na suot
nito.

Napatigil siya sa pagtulong na hubarin ang jacket nito ng mapansing titig na titig
sa kanya si Kaino.

"What?" Usisa niya sa binata.

Ilang minuto ang lumipas na nakatitig lang ito sa kanya saka nagsalita. "Wala
naman. May naisip lang ako."

"Oh, okay." Ipinagpatuloy na niya ang pagtanggal sa jacket nito at inilagay iyon sa
coat rack na nasa likod ng pintuan.

"Nabasa mo ba ang note ko?" Tanong nito at ipinulupot ang braso sa bewang niya.

"Oo."

"Did you eat well?"

"Oo."
"Did you like the steak?"

"Oo."

"Did you miss me?"

"Oo- Shit! No. I did not miss you at all." Mabilis na bawi niya.

Kaino chuckled. "Nope. Wala ng bawian. You miss me and that's it."

Inirapan niya

ito. "You tricked me."

"Hindi kaya. Nagtanong ako kung na-miss mo ako, sumagot ka ng oo."

Pabiro niyang sinuntok ang braso nito. "Ewan ko sayong lalaki ka."

He grinned. "Ewan na ako kung ewan pero na-miss mo talaga ako." Panunudyo nito sa
kanya.

"Heh!" Binaklas niya ang braso nito na nakapulupot sa bewang niya at naglakad
patungo sa kama. Umupo siya roon at tiningnan si Kaino. "Bakit ka ba pumunta ng
manila kanina?"

"I bought something."

"Siguraduhin mo lang na iyang binili mo e worth it para e-risk mo ang buhay mo. You
know that Jaime's men are just lurking in the corner ready to attack and-"

"Shh! Tahimik ka muna." Kinuha nito ang icebox at inabot sa kanya.


"Ano naman ang gagawin ko riyan?" Kunot ang nuong tanong niya.

"Open it."

Tinanggap niya ang icebox at sinunod ang sinabi nito. Binuksan niya ang icebox at
napamaang siya sa laman nun.

Manghang nagtaas siya ng tingin sa binata. "A parfait?"

He smiled at her. "Yeah, masarap yan. Diba sabi mo kahapon, gusto mong kumain ng
parfait? Nang malaman kung aalis ang helicopter papuntang manila at babalik din
kaagad, sumama ako para bilhan ka niyan."

Kinagat niya ang pang-ibabang labi para pigilan ang luhang gustong kumawala sa mga
mata niya. Binangit niya rito kahapon na gusto niyang kumain ng parfait pero hindi
naman niya inaasahan na bibili ito para sa kanya. Na-touch siya sa ginawa nito.
Nag-effort pa talaga ito para makakain siya ng parfait.

Napatitig siya sa parfait na nasa loob ng icebox. Halatang iningatan nito ang
pagdadala ng icebox

dahil perfect looking ang parfait na nasa loob.

Tiningnan niya si Kaino. "Thank you."

"What did I say about saying thank you?"

"Na hindi mo tatanggapin yun kapag walang kiss." Natatawang sagot niya.

"Good." Iniumang nito ang pisngi sa kanya. "Come on, kiss me. Para ma-feel ko ang
thank you mo."

Inilapag niya ang icebox at sinapo ang pisngi ni Kaino at siniil ng halik sa mga
labi ang binata. Kaino was smiling from ear to ear when she pulled away from the
kiss.
"Thank you." Aniya na nakangiti.

Kaino's eyes were twinkling in happiness. "You're very much welcome."

She chuckled and shook her head. "Isa ka talagang ewan, Kaino."

"Ewan nga ako pero diba na-miss mo ako?" Tudyo nito sa kanya.

"Yeah, na-miss kita." Pag-amin niya rito.

Halata sa mukha ni Kaino na nagulat ito sa pag-amin niya, pero agad naman itong
nakabawi at dumukwang para halikan siya sa labi.

"Salamat naman at inamin mo rin na na-miss mo ako." Anito.

She chuckled. "Na-miss naman talaga kita e."

Kinuha niya ang parfait sa loob ng icebox at isang kulay puti na disposable spoon.
She took a spoonful of parfait at kinain yon. Napapikit siya sa sobrang sarap.
Grabe, ilang linggo na ba ng huli siyang makakain nito? Gilen took another spoonful
of parfait at iniumang iyon sa bibig ni Kaino.

"Say ahh." Wika niya na nakanganga ang bibig.

He chuckled then says, "Ahh."

When Kaino's mouth opened, mabilis niyang isinubo rito ang parfait.

Gilen wiggled her eyebrows at Kaino. "Masarap diba?"

"Syempre. Ako ang bumili e."


Natawa siya sa sinabi nito. "Umandar na naman po ang kahanginan ni Kaino Garcia."

Inagaw nito ang kutsara sa kanya at sinubuan siya. "Hindi ako mahangin. Ang mga
pinsan ko lang, hindi ako kasapi sa mahangin association nila."

Natawa siya ng malakas. "Ewan ko sayo, Kaino."

"Huwag ka ngang tumawa. Kumain ka na oh." Anito sabay subo sa kanya ng parfait.

Naubos niya ang parfait sa pamamagitan ng pagsubo sa kanya ni Kaino. Hindi man lang
niya napansin na naubos na pala niya iyon. Inilagay nito ang icebox at ang wala
nang laman na parfait glass sa ibabaw ng mesa at bumalik sa pagkakaupo sa kama.

Gilen lay on the bed and patted the space beside her. "Come here, tabi tayo."

Kaino eagerly lay beside her and encircled his arms on her waist. "Matutulog tayong
magkatabi?"

"Hindi pa ako matutulog. Gusto ko lang mahiga-"

"Mahiga na katabi ako?"

Kinurot niya ang tagiliran nito. "Tahimik kung ayaw mong ihulog kita sa kama."

Ilang minutong walang imik si Kaino ng bigla itong magsalita. "Huwag mo akong
itulak, magtatanong lang ako."

"Ano naman tanong mo?"

"Mahal mo ba ako?"
Tumigil ang paghinga niya sa tanong nito. Hindi niya alam ang isasagot dito.
Actually, alam niya pero ayaw lang niyang sagutin. It's not yet time.

After a minute na hindi siya sumagot, nagsalita si Kaino.

"Don't mind my question. Mukhang napaaga yata ang pagtatanong ko." Pagkatapos niyon
ay hindi na ito nagsalita pang muli.

Siya naman ay nakatingin lang sa kisame at paulit-ulit na sinasagot ng puso niya


ang tanong nito.

Oo.

=================

Chapter 12

CHAPTER 12

NAKANGITING lumapit sa kanya si Kaino. Bakas ang kasayahan sa mukha nito.

"Masaya ka yata." Komento niya habang naka-indian sit sa buhangin at nakatingin sa


papalubog na araw.

He sits next to her. "Yep. Makakalabas na bukas si Ethan sa Hospital." Masayang


balita nito sa kanya.

Nilukob ng kasayahan ang puso niya sa narinig. At least, kahit papaano, mababawasan
ang guilt na nararamdaman niya.

"Mabuti naman kung ganoon." Aniya sa masayang boses. "Natutuwa ako na makakalabas
na siya sa Hospital."

"Yeah, ako rin." Sangayon nito at inakbayan siya. "Tayo kaya, kailan makakalabas sa
islang 'to?"
"Sana nga makabalik na tayo sa Manila. Miss ko na ang mga kaibigan ko." Aniya na
nakatingin sa malawak na karagatan.

"I know. Iyan palagi ang reklamo mo sakin." Hinapit niya nito palapit dito. "May
tanong ako, Gilen. Huwag kang magagalit ha? It just boggles my mind sometimes.
Ayokong mag-assume at naiilang ako na magtanong sayo."

"Sure. Ask away."

Ilang segundo ang lumipas bago ito nagsalita.

"I always saw you in the Bachelor's Bar, and we both know that their drinks are
expensive." Humugot ito ng isang malalim na hininga. "Saan ka kumukuha ng pera
pambayad sa mga drinks mo?"

Hindi niya inaasahan ang tanong nito sa kanya. Hindi niya maiwasang isipin kung
anong ang inisip nito bago ito magtanong sa kanya.

"Bago kita sagutin, gusto kong malaman ang nasa isip mo. I'm

sure may naisip kang sagot sa tanong mo."

Binasa nito ang mga labi at hinarap siya. "Honestly, wala akong maisip. Naaalala ko
yung sinabi mo sa akin noon na inheritance mo iyon, pero sa mga nalaman ko ngayon
tungkol sayo, alam kong hindi iyon inheritance. So..."

Ihinilig niya ang ulo sa matitipuno nitong balikat. "After the NBI Protection
program released me, Luther Sr., hired tutors to teach me. Ayaw kung mag-aral kasi
nga seventeen na ako, tapos elementary palang ako. Nakakahiya. Hindi naman ako
nahirapan sa mga tutors ko kasi mabilis naman akong matuto at may tutors din ako
nuong nasa poder pa ako ni Jaime. Kailangan kung matutong magbasa, magsulat at mag-
english dahil tumatayo rin akong sekretarya niya. I was taught how to socialize,
how to make myself look beautiful and many more. Kaya naman ng makaalis ako sa
poder ni Jaime, hindi ako nahirapan."

"And the money?"


"Totoo ang sinabi ko na inheritance yun. A year after I was release in Protection
Program, I met my father. Buhay pa pala siya, pero patay na siya ngayon. May cancer
siya at isang taon mula ng magkakilala kami, namatay siya. Actually, malaki ang
dapat kung ipagpasalamat kay Luther Sr. Dahil sa kanya nakapag-aral ako sa collage
at nakilala ko ang ama ko na MIA buong buhay ko. Nang mamatay ang ama ko, napunta
sa akin ang lahat ng assets, stocks at pera niya. Wala siyang ibang relatives
maliban sa akin. He told me that he met my mom on the bar and he didn't know that
my

mom got pregnant with his child, nalaman lang niya nuong sinabi daw ni Luther Sr.,
pero siyempre nagpa-DNA test pa rin ako para sigurado and it turns out, he really
is my father."

"Kung mayaman siya, bakit nakatira ka sa isang simpling apartment at hindi sa isang
mansiyon?"

Mapakla siyang tumawa. "Mansiyon nga pero wala naman akong kasama. Mas pinili kung
ipagbili ang mansiyon at manirahan sa isang simpling apartment kasi roon, It felt
like home. Isa lang naman ako so okay lang."

Kaino nodded earnestly. "Sorry I had to ask."

"It's fine. I don't mind."

Namayani ang katahimikan sa kanilang dalawa habang nakatingin sila sa papalubog na


araw. Kulay asul at ginto na ang dagat at napakaganda niyon tingnan. Ipinalibot
niya ang braso sa bewang ni Kaino at naramdaman niyang natigilan ito sa ginawa
niya. Kung titingnan, parang magkasintahan ang ayos nilang dalawa, pero ang totoo
wala naman silang relasyon.

Yeah, they hug, cuddle and kiss but that's it. Hindi niya alam kung anong tawag sa
kanila. Hindi niya alam kung sila ba o hindi kasi hindi naman nila napag-usapan
iyon. Siyempre siya gustong pagusapan ang bagay na iyon pero ayaw naman niyang
pangunahan ang binata.

"Halika na." Wika ni Kaino ng tuluyan ng lumubog ang araw.

"Okay." Tumayo siya mula sa pagkakaupo sa buhangin.

Hinawakan nito ang kamay niya at pinagsiklop iyon. Magkahawak kamay silang naglakad
patungo sa cottage niya.
"Sana makulong na si Jaime." Wala sa sariling sabi nito.

Hindi niya pinansin ang sinabi nito kasi alam niyang kailangan nito ang white book
niya para mapakulong si Jaime.

"Ang daming

buhay na ang nasira niya." Wika ulit ni Kaino.

"Kung kailangan mo ang white book ko, all you have to do is ask."

Mabilis na humarang ito sa dinaraanan niya, bakas sa mukha nito ang gulat.

"All I have to do is ask?" Hindi makapaniwalang sabi nito. "I know how much that
book means to you, Gilen. Kung totoo yang sinasabi mo at ibibigay mo sa akin ang
white book, mapupunta iyan sa maraming kamay, susuriin ang nakasulat doon.
Mawawalay sayo ang white book na pinakamamahal mo. Hindi mo pa nga binibigay sa
akin, nagi-guilty na ako."

Nginitian niya ito. "Ibibigay ko sayo ang white book sa kadahilanang gusto ko ng
matapos ito. Ayokong may madamay at masaktan sa mga taong mahalaga sa akin-"

"Kasama ba ako sa mga taong na mahahalaga sayo?"

Hindi niya pinansin ang sinabi nito at nagpatuloy sa pagsasalita. "Ibibigay ko sayo
ang white book sa isang kondisyon."

Kumunto ang nuo nito. "Ano naman yun?"

"Babalik ako sa manila, ako ang kukuha sa white book kung saan ko yun itinago.
Gusto kong mahawakan man lang iyon bago ko ibigay sa NBI."

"Sige, pero may isang kondisyon din ako bago pumayag diyan sa gusto mo."
"Ano?"

"Sasamahan kita sa kung saan mo man itinago yun."

"Kaino, hindi naman ako tatakbo. Ibibigay ko-"

"It's not about you running away; it's about me, worrying about you." Sansala nito
sa iba pa niyang sasabihin. "Ayokong ma heart attack sa batang edad, at iyon ang
mangyayari sa akin kapag

hindi kita sinamahan. Maha-heart attack ako sa sobrang pag-aalala sayo."

"Bakit ka naman mag-aalala?"

"Siyempre, kasi importante ka sa akin at ayokong may mangyaring masama sa'yo."

Nag-init ang pisngi niya sa sagot nito. "Ang cheesy mo."

"You bring out the cheesiness in me, Gilen." Seryusong sabi nito.

Hindi siya makatingin sa mga mata nito dahil pakiramdam niya makikita nito ang
tinatago niyang damdamin para rito. Nakatungo lang siya at nakatingin sa paa niya
na para bang naroon ang sagot sa problema niya.

"Sige, pumunta ka na sa cottage mo. Kakausapin ko ang superior ko tungkol sa sinabi


mo. Sana pumayag siya."

She rolled her eyes. "Papayag 'yon. Si Luther Sr. pa. Matagal na niyang gustong
makita ang white book."

Tumawa ng mahina si Kaino. "I'm sure kapag napasakamay iyon ni Sir Luther,
babasahin nun ang bawat page."
She frowned at his words. "Teka, ano ba sa tingin mo ang laman ng white book at
sinabi mong babasahin yun ni Luther Sr.?"

Kaino shrugged. "It could be your mother's journal or the lists of Jaime's illegal
deeds. You know ... those kinds of stuff."

She chuckled at his answer. "Kaino, the white book is not my mom's journal neither
a lists of Jaime's Illegal deeds, it's a photo album."

Umawang ang labi ng binata. "A what?"

"A photo album."

Nagsalubong ang kilay nito habang iniisip kung ano ang maitutulong niyon para
makulong si Jaime.

"A photo album?

Anong magagawa nun para makulong si Jaime?"

She grinned at his bewildered face. "Surprise. Kaya tawagan mo na si Luther Sr.,
para malaman mo kung ano ang maitutulong ng photo album ni mama."

He nodded, still confused. Kung hindi pa niya ito tinulak, hindi pa ito maglalakd
papunta sa HQ para kausapin si Luther Sr. through radio. Siya naman, pumasok sa
cottage niya para ayusin ang mga gamit niya. Alam niyang papayag si Luther Sr. sa
gusto niyang mangyari.

Sana nga lang, tama ang gagawin ko. Ang photo album na iyon ni mama ang tanging
bagay na nasa akin. Ibibigay ko yun sa NBI dahil sa mga kaibigan niya at kay Kaino.
Gusto ko nang matapos ito at ayaw kong masaktan ang mga taong mahalaga sa akin,
lalong-lalo na si Kaino.

Gilen won't deny the fact that she's doing this for Kaino. Hindi niya kakayanin
kung masaktan si Kaino ng dahil sa kanya. Hindi niya hahayaang masaktan ang mga
taong mahal niya, at mahal niya si Kaino.
Yes, mahal niya si Kaino. Kahit ayaw niyang magmahal, tumibok pa rin ang puso niya
para sa binata. Love really hit you when you least expect it and cupid hit her
hard. Sana nga lang may katugon ang nararamdaman niya. Hindi niya alam kung
assuming lang siya o nararamdaman niyang may damdamin din para sa kanya si Kaino.
Ayaw niyang mag-assume pero hindi naman niya iyon maiwasan. Babae siya at may
pakiramdam.

Pagkaayos niya ng gamit, hinintay niya si Kaino na dumating para sabihing aalis na
sila. Pagkalipas ng ilang minutong paghihintay, pumasok si Kaino sa cottage niya na
may dala-dalang backpack.

"Come

on, babalik na tayo sa manila." Anito na ikinangiti niya. "Papunta na rito ngayon
ang Helicopter as we speak."

"I told you papayag si Luther Sr."

Hinawakan niya ang handle ng traveling bag kung saan nakalagay ang mga gamit niya.
Sabay silang lumabas ng cottage ni Kaino pumunta sa clearing kung saan lalapag ang
Helicopter na sasakyan nila pabalik sa manila.

ILANG oras din silang nakasakay sa Helicopter bago ito lumapag sa rooftop ng NBI
Headquarters. Tinulungan siya ni Kaino na makababa sa Helicopter. Agad niyang
nakita si Luther Sr. na nakatayo sa elevator door ng rooftop at nakangiti sa kanila
ni Kaino.

Luther Sr. motioned them to enter the elevator. Nang makapasok sila sa loob, Luther
Sr. patted her shoulder.

"Thank you in advance, Gilen."

Tinabig niya ang kamay nito na nasa balikat niya. "I'm not doing this for NBI; I'm
doing this for my friends and..." Lihim siyang tumingin kay Kaino. "And for someone
who's important to me."

Luther Sr. smiled at her, the kind of smile that says 'I know something about you
and Kaino'. It's creepy.

"Whatever your reason is, still ibibigay mo sa amin ang white book. I can't wait to
see it. Curious talaga ako noon pa kung bakit tinawag iyon na white book. It sounds
intriguing and mysterious."

"Well, hate to burst your bubble but its called white book because it's covered
with white kartolina."

Mahinang tumawa si Kaino.

Walang emosyon tiningnan ni Luther Sr. si Kaino. "Anong nakakatawa, Agent Garcia?"

Nawala ang ngiti sa mga labi ni Kaino. "Nothing, Sir."

"Good."

Nang makarating ang elevator sa floor kung nasaan ang Office of NBI Director,
lumabas sila at naglakad patungo sa opisina ni Luther Sr.

"Nakausap mo pa ba ang anak ko? How's he?" Tanong ni Luther Sr. sa kanya. "Hindi
niya sinasagot ang mga tawag ko."

"Ayos lang naman siya last time na nagkausap kami. Still doing things you don't
want to know."

"Trust me, I know." Anito at naunang naglakad sa kanila.

"What are you two talking about?" Usisa ni Kaino sa kanya.

"Ah, yon? Kinukumusta ang anak niyang si Luther. Junior niya yun pero ayaw naman ni
Luther na maging junior ni Luther Sr. kaya naman pinatanggal niya ang JR sa
pangalan niya." Paliwanag niya. "Naging ka-klase ko si Luther nuong college ako.
Naging close friend ko siya."
"Oh." Nawalan ng buhay ang boses nito. "Naging kayo ba?"

Nanunudyong tinitigan niya si Kaino. "Ano naman kung naging kami? Selos ka?"

Umingos ito. "Nope."

"Asus, sige deny mo pa."

"Ano naman ngayon kung nagseselos ako?"

Lihim siyang napangiti. "Wala naman. I was just asking."

Tumigil ito sa paglalakad at hinarap niya. "Oo, nagseselos ako. Now could you
please tell me na hindi naging kayo para matahimik na ang kalooban ko?"

Napatanga siya sa sinabi nito. "H-Hindi naging kami..."

"Good."

Hinawakan nito ang kamay niya at hinila siya papasok sa opisina ni Luther Sr.

=================

Chapter 13

CHAPTER 13
HINDI mapakali si Gilen habang nasa sasakyan ni Kaino. Wala silang destinasyon
dahil hindi pa niya sinasabi rito ang eksaktong address kung saan niya itinago ang
white book. Parang may pumipigil sa kanya sa hindi niya malamang kadahilanan.

Binalingan niya si Kaino. "Hey, can we stop by in North Cemetery?" Tanong niya sa
binata na abala sa pagmamaneho.

Kumunot ang nuo nito. "Why?"

"Bibisitahin ko ang puntod ni mommy."

"Oh, okay." Anito at nagmaneho patungong North Cemetery.

Kailangan niyang makausap ang ina. Kahit hindi ito sumasagot sa kanya, napapanatag
ang kalooban niya kapag nagpapaalam siya rito bago gawin ang isang bagay. At iyon
ang gagawin niya. Magpapaalam siya na ibibigay niya sa NBI ang white book nito na
ibinigay nito sa kanya.

"Okay ka lang?" Usisa sa kanya ni Kaino ng iparada nito ang sasakyan. Puno ng
pagaalala ang boses nito.

She forced a smile. "Yeah, I'm fine. Puwede bang ako nalang ang pumunta sa puntod
ni mommy? I want to be alone for a while."

Halata sa mukha ni Kaino na hindi ito sang ayon sa gusto niya pero nagpapasalamat
siya ng payagan siya nito.

"Okay. Pero bilisan mo, ha? Alam mo naman na may gustong manakit sayo." Hinawakan
nito ang pisngi niya. "Hindi ko alam ang gagawin ko kapag may mangyaring masama
sayo. Kaya mag-ingat ka kung ayaw mong mabaliw ako."

Kinilig ang lahay ng cells niya sa katawan sa sinabi nito.

"Ewan ko sayo, Kaino." Iyon nalang ang nasabi niya sa sobrang kilig na
nararamdaman.
"What? Hindi ka naniniwala sa sinabi

ko?" Umayos ito ng upo at tuluyang humarap sa kanya. "Gilen, hindi ko kakayaning-"

Biglang tumunog ang cellphone niya na ibinalik sa kanya kanina ni Luther Sr.
Tiningnan niya kung sino ang tumatawag. It's Luther. Kumunot ang nuo niya.
Nagdalawang isip siya kung sasagutin ba niya ang tawag nito o hindi.

"Sino ba 'yan?" Usisa ni Kaino na nakakunot ang nuo at hindi maipinta ang mukha.

Palihim niyang iniiwas ang cell phone rito. "Wala naman. Kaibigan ko lang."

Tumaas ang isang kilay nito. "Really? Kung ganoon, bakit mo iniiwas sa akin ang
cell phone mo?" Ibinuka nito ang pala. "Give it to me. Ako ang sasagot."

Gilen rolled her eyes. "No. This is my phone, Kaino."

Nawala ang emosyon sa mukha ng binata. "Okay."

Naiinis na sinagot niya ang tawag. "Anong kailangan mo?"

"Woah." Wika ni Luther sa kabilang linya. "Rude much? You didn't even say hello."

"Hello, anong kailangan mo. Make it fast please."

Luther heave a deep sighed. "Fine. Jaime is looking for you. Alam na niyang narito
ka. It's just a matter of time at mahahanap ka niya. Kaya kung ako sayo, magtago ka
na."

"Salamat sa impormasyon, Luther. Mag-iingat ako. Don't worry."

"Oh, I'm not worried, Bye." Tinapos nito ang tawag.


Binalingan niya si Kaino na kunot na kunot ang nuo habang nakatingin sa kanya.
Napangiti siya ng mahalata niya na nagseselos ito.

"Anong nginingiti-ngiti mo riyan?" Sikmat nito sa kanya.

Mas lalo pang lumapad ang ngiti niya sa tuno ng boses nito. "Bawal bang ngumiti?"

"Stop smiling."

"Bakit nga?"

Nag-iwas ito ng tingin. "Kasi ayokong ngumingiti ka dahil sa ibang lalaki. Hindi
yun kaya ng puso ko, Gilen."

Nanlaki ang mga mata ni Gilen sa narinig. Ang bilis ng tibok ng puso niya. Hindi
niya maalis ang tingin sa binata. Hindi maiiwasan ni Gilen na umasa, umasa na sana
may katugon ang nararamdaman niya. Hindi naman nito siguro sasabihin iyon kung wala
itong nararamdaman para sa kanya.

Wala siyang maitugon sa sinabi nito kaya naman binuksan niya ang pintuan ng kotse
nito at akmang lalabas na ng pigilan siya nito sa braso.

"Samahan na kita." Anito.

"Hindi na. Gusto kung mapag-isa." Aniya at tuluyan ng lumabas sa sasakyan nito at
nagmamadaling tinungo kung saan nakalibing ang ina niya.

Pagkarating niya roon, agad na tumulo ang luha niya. Every time she visits her
mother, hindi niya maiwasang hindi umiyak. Naaalala kasi niya ang pinagdaanan nito
ng nabubuhay pa ito.

"Hello, mommy. It's been a long time since I visit you. Okay ka lang ba riyan?"
Para siyang timang na kinanakausap ang puntod ng ina. "Nandito ako kasi magpapaalam
sana ako sayo. Okay lang ba kung ibigay ko ang white book? Yun lang ang tanging
alaala ko sayo. Ayoko pero kailangan ko itong gawin para sa mga kaibigan ko. Para
kay Kaino. Speaking of which, alam niyo po bang nagmahal na rin ako sa wakas? Yes,
mahal ko si Kaino. Ang lalaking nag panggap na bouncer para lang malaman ang
sekreto ko. Nagsinungaling siya sa akin pero hindi ko napigilan ang puso ko na
mahulog sa kanya. Kagagahan ba yun, mommy?"

Tumawa siya ng mahina. "Kagagahan na kung kagagahan. Mahal ko talaga ang lalaking
yun e."

Pinahid niya ang luha na kumawala sa mga mata niya. Kinalma niya ang sarili at
tumingin sa kalangitan. Napakaaliwalas nun. Sana ganito kaaliwalas ang buhay niya
pero alam niyang hindi mangyayari yun hangga't hindi nakukulong si Jaime Ramirez.

Inayos niya ang sarili at nagpaalam na sa ina niya. Kahit walang sumagot sa kanya,
she felt good. Kung kanina parang nagdadalawang isip siya na ibigay ang white book,
ngayon buo na ang loob niya. Alam niyang tama ang gagawin niya. Kung gusto niyang
makawala sa nakaraan niya, kailangan niyang gawin iyon.

Bumalik siya sa kinaruruonan ng sasakyan ni Kaino at nakita niya ang binata na


nakasandal sa kotse nito at mukhang hinihintay siya. Halata sa mukha nito ang pag-
aalala.

Nang makita siya ni Kaino, mabilis na sinalubong siya nito at niyakap.

"Are you okay?" Kaino asked after he let go of her. "Your eyes are red. Umiyak ka
ba?"

Marahan siyang tumango. "Kinda. Don't worry. Palagi naman akong umiiyak kapag
narito ako. Hindi ko mapigilan e."

Niyakap ulit siya ni Kaino. "Don't cry. I'm here. Isipin mo lang ako at sigurado
akong mabubuhay ang mga dugo mo at hindi ka na maiiyak."

Kumawala siya sa pagkakayakap nito at napapantastikuhang tiningnan niya ito.


"Really? Mabubuhay ang dugo ko kapag isipin kita? Ano naman ang kinalaman nun sa
pag iyak ko?"

"Well..." He trailed with a cute small smile on his lips. "If you think of me, then
you'll think of my very hot body and then-"
Malakas siyang tumawa. "Oh my god, Kaino, I never

thought na komidyante ka."

Nawala ang ngiti sa mga labi nito. "Hindi ako nagpapatawa."

Napatigil siya sa pagtawa. "You weren't kidding?"

"Nope."

Napabunghalit siya sa tawa. "God...K-Kaino-akala ko... nagbibiro ka." She said


between laughs.

Hinawakan siya ni Kaino sa braso at hinila siya patungo sa kotse nito.

"Stop laughing!" Naiinis na saway nito ulit sa kanya at ipinasok siya nito sasakyan
nito na tumatawa pa rin.

Nang pumasok ito sa loob ng sasakyan, tumatawa pa rin siya. Tiningnan siya nito ng
masama.

"I said, stop laughing Gilen or I'll kiss you!"

Hindi siya tumigil sa pagtawa sa isiping nagbibiro lang ang binata kaya naman
ganoon na lamang ang gulat niya ng makitang inilapit nito ang mukha sa mukha niya
at walang sere-seremonyang sinakop ang mga labi niya.

Napaawang ang labi niya sa ginawa nito na sinamantala naman nito para palalimin ang
halik. Ipinulupot niya ang braso sa leeg nito at tinugon ang halik nito.

Pagkalipas ng ilang minuto, naghiwalay ang mga labi nila. Tinitigan niya si Kaino
at ganoon din ang ginawa ng binata. Dahan-dahang inilapit niya ang labi sa mga labi
ng binata ng biglang tawirin ni Kaino ang pagitan ng mga labi nila at mariin niyang
hinalikan. Napangiti siya sa ginawa nito.
"I'm in love with you, Gilen." Anito ng maghiwalay ang mga labi nila.

"A-Ano?" Malalaki ang mata na napanganga si Gilen sa sinabi ni Kaino. Hindi siya
makagalaw sa kinauupuan at parang

nauturete ang utak niya sa narinig.

"I said I'm in love with you. Ang lapit ko lang sayo, hindi mo narinig?" Natatawang
wika nito.

Tinampal niya ang braso nito. "Huwag ka ngang tumawa! This is not a laughing
matter, Kaino. You just said you're in love with me and I was shock and stunned! So
don't laugh!"

"Now you feel my pain. "Kaino chuckled. "Anyway, I laugh because I'm nervous. I'm a
guy, Gilen, kahit gaano pa ako ka-guwapo at ka-hot nani-nerbyos pa rin ako."

Pabiro niya itong sinampal sa pisngi. "Baliw."

"Sorry." He gave her a small smile that makes her heart beat so fast. "I'm just
nervous. Sabihin mo na kasi kung mahal mo ako o hindi, para mapanatag na ang puso
ko. Just a matter of minute at mai-stroke na ako sa sobrang bilis ng tibok ng puso
ko."

Gilen kissed Kaino. At halatang nagulat ang binata sa ginawa niya. Bago pa ito
makapa-react, she pulled away and looked deep into his eyes.

"Kaino, mah-" She was cut off when Kaino phone rang.

"Hayaan mo ang isturbong cell phone na yan. You were saying?" Kaino's eyes sparkled
in happiness and anticipation.

Tiningnan niya ang cell phone nito na nasa dash board. "Sagutin mo muna. Baka
importante yan."

Napipilitang inabot ni Kaino ang cellphone at sinagot ang tawag.


"Hello?" Anito sa kabilang linya. Kumunot ang nuo nito at nagdilim ang mukha.
"What? Okay, pupunta na kami riyan." Tinapos nito ang tawag at itinapon ang cell
phone sa dash board at mabilis na pinaharurot ang sasakyang paalis sa north
cemetery.

Napahawak siya sa gilid ng upuan. "Saan tayo pupunta?" Tanong

niya habang nakatingin sa dinadaanan nila. "Bakit ka ba nagmamadali?"

Nakatutok ang mata ni Kaino sa kalsada ng magsalita. "Saan mo itinago ang white
book?"

"Ha? Bakit?" Naguguluhang tanong niya.

"Where did you put it?! Damn it!"

Nagulat siya sa pagtataas nito ng boses. Bakit nasaktan siya sa pagsigaw nito sa
kanya. Siguro dahil hindi niya inaakala na sisigawan siya nito ng dahil sa white
book na iyon.

"Bakit gusto mong malaman?" Walang emosyong tanong niya rito.

Mukhang nahalata nito ang pag-iiba ng tuno ng boses niya dahil bahagyang tiningnan
siya nito. Walang emosyon ang mukha na sinalubong niya ang tingin ni Kaino.

Kaino sighed and park the car. He looked at her. "Anong problema mo? Akala ko ba
ibibigay mo sa amin ang book na yun. Bakit ngayon parang ayaw muna. I was asking
you where it is-"

"You're not asking." She cut him off. "You're shouting at me. At hindi ako
sumasagot sa mga tanong naninigaw sakin."

Nagpakawala ang binata ng isang malalim na buntong hininga at hinawakan ang kamay
niya na agad naman niyang binawi.
"Sorry." Hingi nito ng tawad. "I wasn't thinking. I was just worried, okay? The
person who called was Ethan. Sabi niya may informant daw na nagsabi sa kanya na
nasa kamay na ni Jaime ang white book."

Natigilan siya sa narinig. "What?" Lumalim ang gatla ng nuo niya. "P-Paanong
mangyayari iyon? The book was hidden in- shit! He figured it out." She whispered
the last part.

"What

do you mean by he figured it out? Saan mo ba iyon tinago?"

Tumingin siya sa labas ng sasakyan. "Itinago ko iyon sa isang lugar kung saan hindi
ni Jaime iisipin na doon ko itatago. Pero kung totoo ang impormasyon na sinabi ni
Ethan, mas matalino pala si Jaime higit sa inaakala ko."

Hindi makapaniwalang bumutong hininga si Kaino. "Ganoon lang yun? Wala ka man lang
gagawin? Hindi mo ibinigay ang White book na iyon sa NBI kasi pinakaiingatan mo
iyon pero ngayong nakuha na iyon ni Jaime, yun lang ang reaksiyon mo?"

Tiningnanan niya sa mga mata si Kaino. "Anong gusto mong gawin ko? Maglupasay sa
sahig kasi nakuha ang white book ko? Kaino, wala na akong magagawa kung nakuha niya
ang white book. You want it? Then go, retrieve it yourself."

Lumabas siya sa sasakyan nito at nagmamadaling naglakad palayo sa kotse ng binata.


Nakita niyang lumabas ng sasakyan si Kaino ay sinundan siya.

"Gilen? Where do you think you're going?!" Sigaw ni Kaino sa kanya habang mabilis
na naglalakad palapit sa kanya, siya naman ay mabilis na naglalakad palayo rito.

"Gilen!"

"Gilen!"

"Gilen!"

Naiinis na tumigil siya sa paglalakad at hinarap si Kaino. "What?!"


"Saan ka pupunta?" Hinawakan nito ang braso niya at pilit na hinihila siya pabalik
sa sasakyan nito.

Ipiniksi niya ang braso na hawak nito at humakbang paatras habang nakatingin kay
Kaino.

"Kaino, kung nakuha na ni Jaime ang libro, then it's the end. Ipagdasal nalang
natin na titigil na siya. Nasa kanya na ang gusto niya, sana naman hanggang doon
lang iyon, sana hindi niya ako patayin. Let's face it, Kaino, kaya lang naman ako
pino-protektahan ng NBI dahil sa white book, ngayong wala na sa akin yun, wala ng
dahilan ang NBI para protektahan ako. Wala ng dahilan para protektahan mo pa ako."

"Gilen, nasa NBI protection program ka pa rin dahil ikaw ang star witness."

Gilen took a step back. "I don't want to be a star witness at hindi niyo ako
mapipilit."

Pinara niya ang taxi na papalapit sa kanila. She smiled at Kaino. Bago siya sumakay
sa taxi, tinitigan niya si Kaino at sinagot ang tanong nito.

"And yes, Kaino, mahal kita. Mahal na mahal." Aniya at tuluyan ng pumasok sa taxi
at nagpahatid sa bahay ni Luther. May kailangan silang pagusapan.

=================

Chapter 14

CHAPTER 14

NASA mina bar ng bahay niya si Kaino at umiinom ng alak habang walang tigil ang
utak niya sa kaiisip kay Gilen. Nag-aalala siya kung nasaan na ito ngayon, nang
maghiwalay sila, hindi man lang niya ito tinanung kung saan ito pupunta. O kaya
naman, sana sinundan niya ang dalaga. Ngayon tuloy, nag-aalala siya ng sobra.

"Bakit ka naman nakatulala riyan sa hangin at parang pinagsukluban ng langit at


lupa?" Anang boses ni Ethan.

Hindi niya nilingon ang binata na walang pahintulot na pumasok sa bahay niya. Well,
sanay na siyang para itong kabute na sumusulpot nalang bigla sa bahay niya.

"I'm not in the mood, Ethan." Aniya sa walang buhay na boses.

"Bakit?" Tumabi ito sa kanya at umupo sa katabing stool. "Anong nangyari sa'yo?
Naglalasing ka ba dahil naunahan tayo ni Jaime sa white book?"

Tiningnan niya ng masama ang katabi. "Hindi ako ganoon kababaw, Ethan. Bakit naman
naisip mo na maglalasing ako dahil lang doon?"

Ethan shrugged. "Dahil ikaw ang atat na ikulong si Jaime, Kaino. Ikaw itong gagawin
ang lahat makulong lang siya. Tapos ngayon, nawala ang pinakamalakas nating
ebidensiya sana laban kay Jaime, kaya naman naisip ko iyon. At mali ako." Tiningnan
siya nito. "So... what's your problem?"

"Gilen left." Mahina niyang sabi.

"So? Ano naman ang problema roon? Umalis siya dahil wala na ang white book. Wala ng
dahilan ang NBI na protektahan siya. Wala ng dahilan para isugal natin

ang buhay natin para sa kanya."

"Bakit naman wala? Nanganganib pa rin siya at responsabilidad natin na protektahan


siya." Argumento niya. "She's still a star witness."

"Kaino, stop it. Sir Luther called, tumawag daw sa kanya si Gilen para sabihing
ayaw nitong maging star witness kaya wala ng dahilan para protektahan-"

"May dahilan ako para protektahan siya dahil mahal ko siya!"


Halatang nagulat si Ethan sa sinabi niya dahil bahagyang lumaki ang mga mata nito
habang nakatingin sa kanya.

"Sabi ko na e. May gusto ka kay Gilen." Anito habang nakatingin pa rin sa kanya.

"Hindi ko siya gusto, Ethan. Mahal ko siya. Magkaiba yun."

Nagkibit balikat lang si Ethan. "Ano ba nangyari kanina? Diba magkasama kayo nuong
tinawagan kita?"

Tumango siya at tinunga ang alak na nasa baso. "Yeah. Pupuntahan na sana namin kung
saan man niya itinago ang white book pero huli na. Nakuha na ni Jaime. Tapos bigla
niya akong iniwan sa kotse ko at sumakay ng taxi."

"Yun lang?"

Tumango ulit siya. "Yeah."

Ayaw niyang i-kuwento rito ang sinabi ni Gilen bago ito sumakay ng taxi. It was
personal. Para sa kanilang dalawa lang iyon ng dalaga.

"And yes, Kaino, mahal kita. Mahal na mahal."

Mariin siyang napapikit ng maalala ang sinabi ni Gilen sa kanya. After she said
that, he stand there like a toad idiot. Naghalo ang emosyon sa dibdib niya at hindi
siya nakagalaw. Alam niyang may nararamdaman para sa kanya si Gilen pero ng marinig
niya ang nararamdaman nito mula sa mga labi nito, hindi niya alam ang gagawin.

"So...

anong plano mo?"

Nagsalin siya ng alak sa baso at ininom iyon. "Hahanapin ko siya. Alam kung target
pa rin siya ni Jaime. Hindi ko siya hahayaang saktan ang babaeng pinakamamahal ko.
Hindi. Magkakamatayan kami kapag sinaktan niya ni dulo ng daliri ni Gilen."
Ethan chuckled. "Tough words, e hindi mo nga alam kung nasaan si Gilen. Hanapin mo
muna bago pa siya mahanap ni Jaime. Hindi mo mapo-protektahan si Gilen kung isa na
siyang malamig na bangkay. And please, protektahan mo siya ng mabuti, ayokong
pagnawala siya bigla kang ma-mental. Tayo na nga lang dalawa ang guwapong agent ng
NBI, mababawasan pa."

Napangiti siya sa huling sinabi nito. Inilapag niya ang baso na wala ng laman at
tumayo mula sa pagkakaupo sa stool.

"I'm going to look for Gilen." Aniya.

"Malaki ang manila, Kaino, you need help."

Kunot ang nuong binalingan niya ito. "Tutulungan mo ako?"

"Well, wala pa namang order si Sir Luther na wala na ang kaso. So, yeah, tutulong
ako."

He smiled at Kaino. "Great." Kinuha niya ang susi ng sasakyan sa bar counter.
"Let's go."

Hahanapin kita Gilen. Hahanapin kita kahit saan ka man magsuot.

"ANONG ginagawa mo rito sa bahay? Wala ka na bang matakbuhan?" Tanong sa kanya ni


Luther ng makita siya nitong nakaupo sa mahabang sofa sa living room ng bahay nito.

Tiningnan niya si Luther. "I need a safe place to stay for a while. Can I stay
here?"

"Of course." Lumapit ito sa kanya. "I hope you don't mind me asking but, where's
the NBI? Akala
ko ba sila ang magpo-protekta sa'yo? What happened?"

Nag-iwas siya ng tingin. "Nasa kamay na ni Jaime ang white book. Alam kung hindi si
Jaime titigil hangga't hindi ako nawawala sa mundong ito. Ayoko naming pumunta sa
mga kaibigan ko. I don't want to endanger them. Masaya na sila sa mga buhay nila,
ayokong ako pa ang sumira sa kalihayahang yun."

Tumago-tango si Luther na para bang naiintindihan nito ang sinasabi niya. "Okay.
You can stay here. No payment this time. Ayokong umasa na naman sa wala."

Napakagat labi siya. "Sorry about the car. Naabutan kasi ako ni Kaino."

"It's okay, you don't have to apologize. And speaking of which, where is he? Isn't
he suppose to guard you or something?"

Nag-iwas siya ng tingin. "Tapos na ang responsabilidad niya na protektahan ako.


Nang mapasakamay ni Jaime ang white book, alam kung wala ng rason para protektahan
pa niya ako, at saka ang mga taga NBI-"

"Stop lying to me, Gilen. Kilala kita. May binabalak kang gawin." Putol nito sa iba
pa niyang idadahilan. "Now, tell me what you're planning to do? We both know that
Jaime won't stop until he had you inside a casket. And I'm pretty sure na iniwan o
tumakas ka sa poder ni Kaino para magtago rito sa lungga ko dahil ayaw mong madamay
si Kaino sa gagawin ni Jaime sayo. Am I right, or, I am very right?"

Napailing-iling siya. "Alam mo naman pala kaya manahimik ka na riyan." Tumayo siya
mula sa pagkakaupo at naglakad patungo sa hagdan papuntang second floor. "I'm going
to rest then I'll tell

you my plan. Doon pa rin ba ang silid ko?"

"Oo naman."

Nagtuloy-tuloy siya sa second floor at tinungo ang silid niya na kaharap lang ng
silid ni Luther. May kuwarto siya sa bahay ni Luther kasi isang taon din siyang
dito tumuloy sa bahay ng binata bago siya umupa ng apartment at naging isang
independent woman.

Pagkapasok niya sa loob ng silid niya, agad siyang humiga sa kama at natulog. She
will need all the sleep she can get para magawa ang plano niya.

DALAWANG araw ng hinahanap ni Kaino si Gilen pero hindi pa rin niya ito mahanap.
Pinuntahan na niya ang lahat ng dapat puntahan ni Gilen, pero wala pa rin.
Tinawagan na niya ang mga kabigan nito pero wala daw ang dalaga roon. Nag-aalala na
siya. Hindi niya alam kung nasaan si Gilen, hindi mapigilan ng utak niya na mag-
isip ng mga negatibong bagay.

Naputol ang pag-iisip niya ng tumungo ang cell phone niya na nasa bulsa ng pantalon
niya. Nagdadalawang isip siyang sagutin ang tawag dahil hindi naka-rehistro ang
number nito sa cell phone niya.

"Hello? Who's this?" Aniya ng sagutin ang tawag.

"How are you?"

Napamulagat siya ng makilala kung sino ang nasa kabilang linya.

"Gilen! Ikaw ba yan? Okay ka lang ba? I'd been looking for you for two days, I'm so
worried-"

"Stop looking for me, Kaino. At huwag ka na ring mag-alala para sa akin. I'm fine-"

"Anong hindi mag-alala sayo?" Sikmat niya. "Alam mo bang halos mabaliw ako sa pag-
aalala sayo?!

Dalawang araw akong parang baliw na hinahanap ka, Gilen! Of course, mag-aalala ako
sayo, ikaw ang babaeng mahal-"

"Stop, Kaino." Huminga ito ng malalim. "Just stop looking for me and stop worrying
about me. Ayos lang ako rito sa kung nasaan man ako ngayon. Tumawag ako para
sabihing ayos lang ako at huwag mo na akong hanapin. It's for your own good."

Napatingin siya sa screen ng cell phone niya ng mawala ang dalaga sa kabilang
linya. Mariin niyang ipinikit ang mga mata at humugot ng isang malalim na buntong
hininga. Akamang ibabalik na niya ang cell phone sa bulsa ng pantaloon ng tumungo
ulit iyon, sa isiping si Gilen ang tumatawag, mabilis niyang sinagot ang tawag.

"Hello, Gilen?" Excited ang boses na sabi niya.

"Nope, I'm not Gilen." Ani ni Ethan mula sa kabilang linya. "But by the sound of
your voice, parang kinontak ka niya."

"Yes, she just called to tell me-"

"Stop. Mamaya na iyang love problem mo. Sir Luther called, he wanted us in HQ in an
hour. May sasabihin yata siya sa atin tungkol sa kasong hawak natin. Hope its
positive."

Bumuntong hininga siya. "Sana nga. Dahil hindi ko bibitawan ang kasong ito kahit
ano pa ang mangyari."

"Good luck to both of us."

PAGKAPASOK niya sa bahay ni Luther, sinalubong kaagad siya ng binata. Kunot na


kunot ang nuo nito habang masama ang tingin na ipinupukol sa kanya.

"Akala ko ba nagtatago ka? Bakit lumabas ka ng bahay at ang tagal mo pa?"

Alam niyang ayaw ni Luther na ipahalata na nag-aalala ito sa kanya pero halatang-
halata sa mata nito ang pag-aalala para sa kanya.

"Lumabas lang ako para sumagap ng fresh air. Anong masama roon?" Pumasok siya sa
kabahayan.

"Anong masama?" Sinundan siya ni Luther papuntang living room. "Masamang-masama.


Kasi kapag nakita ka ng mga tauhan ni Luther, tutustahin ka nila. Not that I care.
Ayoko lang ilibing ang patay mong katawan dahil hindi naman ako taga-libing ng
patay. At saka hindi mo pa nagagawa ang plano mo kaya huwag kang pakalat-kalat."
Iyon lang at iniwan siya nito sa sala.

Isinandal niya ang likod sa likuran ng sofa at ipinikit ang mga mata. Kaagad na
pumasok sa balintataw niya si Kaino. Anon a kaya ang ginagawa nito ngayon? Ano kaya
ang reaksiyon nito pagkatapos niyang tumawag? Is he still looking for her? Sana
naman hindi na. Masisira ang plano niya.

Kinuha niya ang cell phone mula sa bulsa ng denim short at itinext ang mga
kaibigan.

'Hey, I just want to say I'm fine and you don't have to worry about me. Miss you
both and I love you. Pagbalik ko ililibre niyo ako ng lahat ng restaurant na gusto
kong kainan'

After niyang isinend ang message, pinatay niya ang cell phone. Alam niyang kapag
na-receive ng mga ito ang text niya, tatawag ang mga kaibigan sa kanya at ayaw
niyang mangyari iyon.

Tatayo na sana sila mula sa pagkakaupo sa sofa ng magsalita si Luther mula sa


likuran niya.

"You want to watch a movie? Alam kong bored ka na. Showing daw ngayon ng Captain
America, the winter soldier. Tara, manuod tayo."

Nilingon niya ang binata. "Akala ko ba hindi ako puwedeng lumabas ng bahay mo?"

"Okay lang yun. Ako naman ang kasama mo. Halika na." Nauna na itong naglakad sa
kanya palabas ng bahay at wala siyang nagawa kung hindi sundan ito.

Honestly, she's bored to death at kailangan niya ng mapaglilibangan.


=================

Chapter 15

CHAPTER 15

SI LUTHER ang pumila para bumili ng ticket. Ayaw niyang makipagsiksikan at saka ito
naman ang nag-aya kaya ito ang dapat na pumila. Naka tayo lang siya sa isang tabi
at nakatingin sa mga tao na abala sa mga kani-kanilang buhay. Ang suwerte naman ng
mga taong ito.

"Hey, I got the ticket. Sana naman maganda itong movie na ito." Anang boses ni
Luther mula sa likuran niya. "We have to wait for fifteen minutes bago mag-umpisa
ang movie."

Binalingan niya si Luther na nakatayo sa tabi niya. "Okay. We'll wait."

"Sige." May kinuha itong kung ano sa bulsa. "Maiwan muna kita, bibili lang ako ng
popcorn at soda. May gusto ka bang chips?"

She shook her head. "Nope. I'm good."

"Okay. Hintayin mo ako at huwag kang gagalaw diyan sa kinatatayuan mo. I'll be back
in a minute."

Tumango lang siya at ibinalik ang tingin sa mga taong dumaraan. Ilang minuto ang
hinintay niya bago bumalik si Luther na may dala-dalang malaking lalagyan ng
popcorn. Kinuha niya iyon sa kamay nito at nag-umpisang kainin iyon.

Napailing-iling si Luther. "Hindi na ako magtaka na wala pa tayo sa movie, ubos mo


na iyan. Want some coke?" He asked with sarcasm on his voice.

Nginisihan lang niya ito. "Nagugutom lang ako, hindi nauuhaw."

Umiling-iling ito. "Kailan ka ba hindi nagutom?"


Hindi niya ito sinagot at nagpatuloy lang sa pagkain. Pagkalipas ng ilang minuto,
naglakad sila ni Luther papasok sa loob ng sinehan. Hawak-hawak

pa rin niya ang malaking lalagyan ng popcorn at panay pa rin ang kain niya.

Nang makapasok sila sa loob ng umupo sa bakanteng upuan, ipinagdasal niya na sana
nga mawala ang boredom na nararamdaman niya, at sana mawala rin si Kaino sa isip
niya.

PAGKAUWI nila ni Luther mula sa sinehan, mabilis niyang inayos ang bag na daldalhin
niya para gawin ang plano niya. Tamang-tama naman na pumasok si Luther sa silid
niya at nakita ang paghahanda niya.

"This is madness, Gilen. You're going to kill yourself." Anito.

She just smiled at him. "I know. But I have to do this. For Kaino. For everyone I
love."

Luther exhaled. "Ayoko pang mamatay pero para namang kaya kitang hayaang
magpakamatay. Sasamahan kita riyan sa kabaliwan mo."

Gilen walked to Luther and gave him a hug. "Thanks, but you don't have to do this.
You can still back out. Hindi kita pinipilit na tulungan ako, Luther."

"No, I have to do this. Konsensiya ko pa kapag namatay ka."

She chuckled. "So inamin mo rin na may konsensya ka."

Masama ang tingin na ipinukol sa kanya ni Luther. "Itikum mo yang bibig mo."

Nginisihan lang niya ang lalaki at nagpatuloy sa paghahanda ng dadalhin. Habang


naghahanda, nasa isip niya si Kaino. Sana naman maging worth it ang gagawin niya.
Gagawin niya ito hindi para sa sarili niya kung hindi para sa mga taong mahal niya.
Isinara niya ang bag at isinukbit iyon sa balikat niya. Lumabas siya ng silid at
nakita si Luther na may nakasukbit ding backpack sa balikat nito.

"Ready?" Nakangiting tanong niya rito.

Luther smirked. "I was born ready, Gilen."

Nagmamadaling tinungo nila ni Luther ang sasakyan nitong motorsiklo at sumakay


doon. Mariin niyang ipinikit ang mga mata ng maalala na naman si Kaino. Marahan
niyang ipinilig ang ulo.

This is not the time para isipin ko si Kaino. Saway niya sa sarili.

Mabilis na pinaharurot ni Luther ang motorsiklo patungo sa bahay ni Jaime Ramirez.


Babawiin niya ang white book. Siya ang may-ari nun at may karapatan siyang mamili
kung sino ang pagbibigyan niya niyon, at wala sa listahan si Jaime sa bibigyan
niya.

I'm going to get my book. Just wait, Kaino. Maibibigay ko rin sa'yo ang white book.
Kunting hintay lang.

IPINARADA ni Luther ang sasakyan hindi kalayuan sa mansiyon ni Jaime. Bumaba siya
mula sa motorsiklo nito at inihanda ang sarili.

"Are you sure na naroon ang white book sa loob ng vault na nasa kuwarto niya?"
Paninigurado ni Luther.

Tumango siya. "Oo, I'm sure. Wala siyang ibang vault sa loob ng bahay na iyan kung
hindi ang nasa kuwarto niya. Masyado kasi siyang sigurista. Naniniwala siya na
dapat nasa kuwarto niya ang lahat ng sekreto at importanting pag-aari niya. Iyon
lang din ang bahagi ng bahay na walang bantay. Hindi puwede roon ang mga bantay
dahil wala siyang tiwala sa mga ito."
Kunot ang nuong tumingin sa kanya si Luther. "At paano mo nalaman ang lahat ng
ito?"

"Tumira ako sa mansiyon ni Jaime ng maraming taon. Alam ko ang pasikot-sikot ng


bahay na iyan." Aniya

habang nakatingin sa mansiyon. "Nasa left side ng bahay ang kuwarto niya. Fourth
floor. Walang bantay o kung ano pang security devices. Ang problema lang natin ay
ang vault. May hand print scanner ang vault, at kapag binuksan mo iyon at may
kinuha ka sa loob at kapag ma-detect ng scanner na hindi ka si Jaime Ramirez,
tutunog ang alarm. And that your cue to make it fast and get out."

"Madali ngang makapasok sa kuwarto niya, mukhang mahihirapan naman akong makalabas.
If the alarm rings, then I'm toast and you know that." Komento nito.

"Kaya nga kasama mo ako. I will serve as your decoy para makalabas ka at maibigay
ang white book kay Kaino o sa tatay mo, kay Luther Sr.."

Luther grimaced. "I rather throw the book in the ocean than give it to my father."

She glared at him. "Give it to Kaino then."

"Okay, okay, I will."

"Good. Let's go."

Bago pa siya makalayo rito, pinigilan siya nito sa braso at niyakap siya ng
mahigpit.

"This is a crazy plan, Gilen. I envy Kaino, maswerte siya at may babaeng katulad mo
na nagmamahal sa kanya. Sana nga lang maging worth it ang gagawin mo."

She hugged him back. "Just do what I told you to do and it'll be worth it."

Luther sighed and let go of her. "Okay. Let's do this shit."


WALANG ingay na lumapag ang mga paa ni Gilen sa loob ng malawak na solar ng
mansiyon ni Jaime. She had to be stealthy kung hindi mapupurnada ang plano niya.
Kailangan niyang mag-ingat.

Dahan-dahan siyang naglakad papasok

sa mansiyon. Panay ang tago niya dahil napapalibutan ang bahay ng mga armadong
bantay. At alam niyang hindi ang mga ito magdadalawang isip na barilin siya.
Nagtago siya sa isang malaking halaman at nag-isip ng mabuting gawin. Hindi niya
puwedeng sugurin ang mga bantay dahil wala iyon sa plano niya, hindi siya mamamatay
tao.

Napaigtad siya ng may kumalabit sa likuran niya, at nang makitang si Luther lang
pala, parang gusto niyang bugbugin ang binata.

"Anong ginagawa mo rito?" Galit na tanong niya sa lalaki na mahinang boses.

"I can't get in without alerting the guards." He whispered back.

Gilen looked at Luther then she thought of something. "I know what I have to do."
Binuksan niya ang bag na dala at kinuha roon ang maid outfit niya.

Luther looked at her in bewilderment. "May dala kang maid outfit diyan sa bag mo?"

Nagkibit balikat siya. "It might come in handy, and yeah, it did."

Mabilis siyang nagpalit nang damit. Nakita niyang nag-iwas ng tingin si Luther para
hindi Makita ang hubad niyang katawan. She rolled her eyes and finished dressing.

Ibinigay niya backpack kay Luther. "Nasa loob niyang ang isang hacking device. Just
in case hindi gumana ang hacking device mo. Remember, hack the password vault,
open, take the white book then leave and ... make it fast. Every second count. Mag-
ingat ka."
Inayos niya ang damit at akmang lalabas na siya sa pinagtataguan niya ng pigilan
siya nito.

Nilingon niya si Luther. "Bakit?"

"Be careful, Gilen. I want to see you alive and breathing

after this shit."

Tumango siya pero alam niyang malabo nang mangyari iyon. Hindi nga niya alam kung
makakalabas pa siya ng buhay.

"I will." Aniya at lumabas sa pinagtataguan niya.

Dire-diretso siyang naglakad papasok sa loob ng mansiyon. Sobrang lakas ng tibok ng


dibdib niya pero nilakasan niya ang loob. Kailangan niyang maging matapang. Para
siyang nabunutan ng tinik sa dibdib ng lampasan niya ang mga armadong bantay na
hindi siya pinatigil. Sinapo niya ang dibdib at kinalma ang sarili.

Nagtuloy-tuloy siya sa kusina para kumuha ng props. Pagkarating doon, kumuha siya
mop at maliit na balde na may lamang tubig. Huminga siya ng malalim at naglakad
palabas ng kusina, patungo sa library ni Jaime kung saan naroon ang lahat ng record
ng mga illegal transaction ni Jaime Ramirez.

Nasa kalagitnaan na siya ng hagdan patungo sa third floor ng may magsalita sa


likuran niya.

"Saan ka pupunta? Hindi mo ba alam na bawal ang mga katulong sa third floor?" Anang
boses na kilalang-kilala niya.

Mariin niyang ipinikit ang mga mata. Bakit ba niya nakalimutan na pili lang ang mga
katulong na puwedeng umakyat sa third floor?

"O katulong nga ba kita?" Narinig niyang naglakad ito palapit sa kanya. "Humarap ka
sa akin, Gilen, ang paborito kung anak."
Nanigas siya sa kinatatayuan pero hindi siya nagpahalata na natatakot siya.
Binitawan niya ang mop at balde na dala at kinalma ang sarili saka hinarap si
Jaime, ang lalaking umampon sa kanya kaya naman

naging magka-apelyido sila. Kahit pa nakilala niya ang tunay na ama, hindi niya
ginamit ang apelyido nito. Gusto niyang kalimutan ang nakaraan niya pero gusto
niyang tumatak sa kanya ang apelyidong Ramirez. Ang apelyido ng taong pumatay sa
kanyang ina.

Parang demonyong ngumisi ito sa kanya. "Well, well, well, sinong mag-aakala na
makikita kita rito sa pamamahay ko?" Lumapit ito sa kanya at hinaplos ang pisngi
niya. "Anong ginagawa mo rito?"

Masamang tingin ang ipinukol siya sa lalaki. "Nasaan ang white book ko?" Matigas
ang boses na tanong niya.

Jaime chuckled. "It's in good hands, don't worry."

Gusto niyang sampalin ang kaharap pero pinigilan siya ang sarili. Hindi
makabubuting galitin niya si Jaime. Ipinagdarasal niya na sana nakapasok na si
Luther sa kuwarto ni Jaime at nabuksan na nito ang vault para makalabas na ito sa
mansiyon.

Hinawakan siya sa braso ni Jaime at hinila pabalik sa first floor. Malakas na


isinadlak siya nito pa-upo sa sofa at tinawagan ang mga tauhan nito.

Napakagat-labi siya ng makitang ang higit dalawampo nitong mga armadong bantay.

"Ang lakas ng loob mong pasukin ang bahay ko." Ani ni Jaime na umupo sa nasa
harapan niyang sofa. "Tingnan mo ang mga kalalakihang nasa harap mo ngayon, sa
tingin mo ba kaya mo silang talunin?"

Gilen shrugged. "Worth the try."

Tumawa ng nakaka-insulto si Jaime. "Pagsisisihan mong pumasok ka sa bahay ko.


Hahayaan nalang sana kita e, kasi wala ka namang halaga sa akin, pero ngayong

narito ka na sa harapan ko. Why not?" Kinuha nito ang baril na hawak ng lalaking
katabi nito at itinutok sa kanya.
Kalmado siyang nakipagtitigan kay Jaime. Pero ang loob niya ay parang nagtsu-
tsunami.

"May tanong ako bago mo kalabitin ang gatilyo ng baril na hawak mo."

Ibinaba nito ang hawak na baril. "Fine. Ask away."

Pinag-krus niya ang binti. "Paano mo nalaman na doon ko itinago ang white book?"

Ngumisi si Jaime. "Matalino ako e. Sa tingin mo hindi ko maiisip na roon mo itinago


ang white book sa puntod ng yumao mong ama?"

She gritted her teeth. "Paano mo nalaman ang tungkol sa ama ko?"

Jaime laughed. "Gilen, kahit naman wala ka na sa poder ko, I still know things
about you. Sa tingin mo naman hahayaan kita ng sampung taon na hindi minamatyagan
ang mga galaw mo? Hinayaan kitang mabuhay noon dahil nasa iyo pa ang white book
pero hindi na ngayon. Sana noon pa kita pinatay, wala sana akong problema ngayon."

Gilen smiled. "Nasagot din sa wakas ang katanungan ko kung bakit hindi mo ako
ginulo ng sampung taon. Pero puwede mo naman akong patayin kahit nasa akin ang
white book. Wala namang nakakaalam kung nasaan ang white book maliban sa akin."

Tumango-tango si Jaime. "Oo nga puwede ko iyong gawin, but where's the fun? Mas
Masaya kung ngayon kita papatayin kung kailan marami ang masasaktan kapag namatay
ka." Ngumisi na naman ito. "Isn't it fun?"

She glared at him. "Demonyo ka talaga."

He smirked and whispered. "Matagal na, Gilen. Matagal na."

Itinutok ulit nito ang baril sa kanya at lihim siyang napalunok. Mariin niyang

ipinikit ang mga mata at hinintay ang pag putok ng baril. Hindi man lang niya
makikita ang mukha ng lalaking mahal niya. Hindi man lang niya masasabi kay Kaino
kung gaano niya ito kamahal. Hindi man lang niya mahahawakan ang binata. Hindi man
lang niya ito mahahalikan ulit. Naramdaman niyang namasa ang mata niya.

Paalam na, mahal kong Kaino. Sana maging masaya ka kahit wala na-

Nagmulat siya ng mata ng makarinig ng malakas na tunog. Malapad na ngiti ang


kumawala sa mga labi ni Gilen. Good job, Luther. Good job.

"Anong nangyayari? Bakit tumutunog ang alarm ng vault-" nanlilisik ang matang
tiningnan siya ni Jaime. "I should have known na hindi ka papasok sa bahay ko ng
walang plano!" Binalingan nito ang mga tauhan. "Pumunta kayo sa silid ko at patayin
niyo kung sino man ang nagbukas ng vault ko!"

Tumawa si Gilen. "Too late, Jaime, too late. By now, nakalabas na si Luther at
papunta na sa NBI Headqaurters." Tumayo siya at nginisihan ito. "It's the end,
Jaime. The end."

Mabilis itong lumapit sa kanya at malakas na sinuntok siya sa tiyan ng paulit-ulit.


Nabuwal siya sa pagkakatayo at natumba. Namimilipit sa sakit na hinawakan niya ang
tiyan. Shit! Hindi pa siya nakakabawi sa sakit, sinipa siya ni Jaime at wala siyang
magawa kung hindi ipikit ang mga mata at tanggapin ang sakit na dulot ng ginagawa
nito. Ito ang plano niya.

"Pagbabayaran mo itong babae ka! Papatayin kita-"

Biglang bumukas ang malaking pintuan ng bahay at maraming kalalakihan ang pumasok.

"Freeze! This is NBI!"

Jaime smirked at her evilly. "Magkita tayo sa impyerno." Pagkasabi nun ay paulit-
ulit siya nitong binaril hanggang sa mawalan siya ng ulirat.

Ang huli niyang narinig ay isa pang putok ng baril at boses ni Kaino na pulit-ulit
na tinatawag ang pangalan niya. Anong ginagawa ni Kaino rito?
=================

Chapter 16

CHAPTER 16

"HALUGHUGIN niyo ang buong bahay! Dakpin ang lahat ng naririto!" Narinig ni Kaino
an sigaw ni Ethan. Nakita niyang pinosasan ni Ethan si Jaime na may malay pa rin
kahit binaril na niya ito sa paa.

Nanginginig ang katawan na nilapitan niya ang nakahandusay sa sahig na katawan ni


Gilen. Ipinalibot niya ang braso sa katawan ng dalaga at pinangko ito at
nagmamadaling tinungo ang sasakyan niya.

"Gilen! Buksan mo ang mga mata mo!" Mariin siyang pumikit ng maramdamang namamasa
ang mga mata niya."Shit!"

Mas binilisan pa niya ang paglalakad patungo sa sasakyan niya. "Don't leave me,
Gilen. Please, don't. Please, don't. Dadalhin kita sa hospital. Please don't. Wake
up, please, wake up. Marami pa akong sasabihin sayo. Don't leave me." Marahan
niyang niyugyug ang katawan nito. "Gumising ka, parang awa mo na. Gusto mo bang
mabaliw ako? Gusto mo ba yun?"

Napakagat labi siya ng may maramdamang mainit na likido na tumulo sa pisngi niya.
Nang makita niyang binaril ni Jaime ng maraming beses si Gilen, parang may pumira-
piraso sa puso niya. Nagdilim ang paningin niya at binaril niya si Jaime. Gusto
niyang barilin ito ng paulit-ulit. Gusto niya itong patayin pero alam niyang hindi
iyon puwede. Ang importante ngayon ay madala niya si Gilen sa hospital.

"Kaino Garcia?"

Napatigil siya sa paglalakad at tumingin sa lalaki na nakatayo sa harapan niya.


Kumunto ang nuo niya. Parang nakita na niya ito- That's it! This guy name is
Luther. Ang

anak ng superior nila.


"Anong ginagawa mo rito?" Tanong niya.

"I'll drive you to the hospital." Anito.

"No. Bakit naman ako magtitiwala sayo-"

"Dahil ako ang tumawag sayo kanina. Ako ang lalaking kausap mo sa telepono. Ako ang
humingi ng tulong sayo. Ako ang nagsabi sayo kung nasaan si Gilen. Kaya huwag kang
maarte at hayaan mo akong ihatid ko kayo sa hospital. At saka..." Tiningnan nito
ang parating na black sedan. Ang sasakyan ng superior niya. "Para may dahilan ako
na umalis."

Napailing-iling siya. "Fine. Nasaan ang sasakyan mo?"

Ngumisi ito at binuksan ang pintuan ng isang police car. "Here's my car."

"No, it's not."

"So, it doesn't matter. Emergency 'to."

Sumakay ito sa driver seat at wala siyang nagawa kung hindi sumakay sa back seat
habang karga-karga pa rin si Gilen at mabilis na pinaharurut ni Luther ang sasakyan
paalis sa mansiyon ni Jaime.

Kaino caress Gilen's cheek and whispered. "I love you. Mabubuhay ka. Mag-uusap pa
tayo. Magagalit pa ako sayo. Papakainin pa kita ng maraming chocolates." A lone
tear escape his eyes. "I'm sorry wala ako sa tabi mo para protektahan ka. Patawarin
mo ako. Kung nahanap lang sana kita kaagad e di sana hindi nangyari ito."

"Paano mo naman mahahanap ang tao na nagtatago?" Wika ni Luther na nagmamaneho.

Hindi niya pinansin ang lalaki at pinakatitigan lang ang mukha ng dalaga. Ang mukha
ng babaeng mahal niya.

He leaned in and kissed her forehead.


"I love you so much, Gilen. So darn much it hurts to see you like this!"

Mahigpit na niyakap ni Kaino ang dalaga at paulit-ulit na hinalikan ito sa mga


labi. Puno ng pagsisisi ang puso niya dahil hindi niya na-protektahan ang babaeng
pinakamamahal niya.

Nag-angat siya ng tingin ng biglang tumigil ang sasakyan.

"Bakit ka tumigil?" Tanong niya kay Luther.

May itinapon na puting bagay sa kanya si Luther at tumama iyon sa dibdib niya. Nang
tingnan niya kung ano iyon, nagulat siya sa nakita. It's the white book.

"What the-"

"Pinapabigay sayo ni Gilen." Tiningnan nito ang dalaga at ibinalik ang tingin sa
kanya. "Promise me one thing, Kaino Garcia."

"What?" Naguguluhang tanong niya.

"Promise me that you'll never hurt her. Physically and mentally, Gilen doesn't need
your protection. But her heart is another matter. Protect it and love her as much
as you can. You don't deserve her love but who am I to say that."

Lumabas ito ng sasakyan at mabilis na tinungo ang nakaparadang motorsiklo at iniwan


sila sa gitna ng daan.

"Anong-"

Naputol ang iba pa niyang sasabihin ng makarinig ng ungol. Mabilis niyang tiningnan
ang dalaga na nasa mga bisig niya. Nilukob ng kasayahan ang puso niya ng makitang
unti-unting bumubukas ang mata ni Gilen.

"Gilen?" Hinaplos niya ang pisngi ng dalaga. "Gilen, naririnig mo ba ako?"


Umungol ulit ito at sinapo ang tiyan. Hinintay niya na tuluyang magmulat ang mga
mata nito. The moment her eyes

opened, a wide smile appeared on his lips.

"Thanks god." Bulong niya at mahigpit na niyakap ang dalaga. "I love you so much,
Gilen."

"N-Na-na..."

He pulled away and looked at her expectantly. "Yes, may kailangan ka? May masakit
ba sayo? Saan?"

Sinapo nito ang tiyan. "Nagugutom ako. M-May chocolate k-ka ba r-riyan?"

Napatanga siya sa sinabi nito. "Ano?" Hindi makapaniwalang tiningnan niya ang
dalaga. "Here I am, so worried about you and you're worried about your stomach?
God, Gilen, ano bang klaseng utak mayroon ka at puro pagkain ang laman niyan?"
Naiinis na aniya.

Dahan-dahang ngumiti ito sa kanya. "Eh sa nagugutom ako e." Inabot nito ang pisngi
niya at hinaplos iyon. "Sorry kung pinag-alala kita."

"Your sorry is not enough." Aniya na naiinis pa rin. "I can't believe you risk your
life for that book! Baliw ka na talaga. Alam mo ba kung gaano ka delikado ang
ginawa mo, paano kung namatay-"

"I'm alive. I'm wearing a vest, Kaino."

Tiningnan niya ito ng masama. "Paano kung sa ulo ka niya binaril, paano-"

"But he didn't. Sorry nag pass out ako. Nawalanan ako ng malay dahil sa impact ng
bala." Ipinalibot nito ang braso sa leeg niya at inilapit ang mukha niya sa mukha
nito. "Sorry." Anito at inilapat nito ang labi sa labi niya.
He instantly melted. Nawala ang inis na nararamdaman niya at tinugon niya ang halik
nito. Mas hinapit pa niya palapit sa kanya ang dalaga at pinalalim ang halik. When
they pulled away, they are both huffing and catching for breath.

Kaino smiled and put his head over her heart and whispered a promise to Gilen's
heart.

Heart, I promise to protect you with my heart. To nurture you with my love. Just
please, tell your owner to love me as much as I love her.

"I love you, Gilen."

Gilen chuckled lightly. "I love you too, Mr. security guard, slash Mr. NBI Agent,
slash Mr. Bouncer. Slash, Mr. Kaino Garcia. Slash Mr. Republic act."

Kaino chuckled. "Pakiramdam ko may karugtong pa ang slash Mr. na iyan."

Mahinang tumawa si Gilen. "Malay mo... slash Mr. Husband na kita."

He grinned from ear to ear and looked at the woman who captured her heart and
imprisoned it. "Well, do you want to be my wife?"

Nginisihan siya ng dalaga. "Asa ka naman na o-oo ako. Ang lame ng proposal mo. Mag-
isip ka ng unique. Baliw!"

Napatawa siya ng malakas sa sagot nito. Bakit ba hindi na siya nagulat na hindi ito
umo-o. It's just so Gilen. The woman that he loves so much.

=================
Chapter 17 - END

CHAPTER 17 (END)

NAKASIMANGOT si Gilen habang naglalakad palapit sa bahay ni Kaino. Ang lalaking


iyon talaga, tulog mantika! Nangako pa naman ito sa kanya na gigising ng maaga
dahil pupunta ito sa bahay niya at sabay silang magja-jogging. Pero heto, alas
nuwebe na ng umaga, tulog pa rin ang gago na yun. Ang sarap pisunin.

Kinuha niya mula sa bulsa ng denim short niya ang susi sa bahay ni Kaino bara
buksan ang naka-lock nitong pintuan. Ibinigay nito iyon sa kanya ng binata ng
sagutin niya ito, tatlong buwan na ang nakakaraan. Halos magtatalon ito sa tuwa ng
umo-o siya. Siya naman, chill lang habang naka-upo pero sa loob naman ay parang
nagtsu-tsunami. Mahal na mahal niya ang kasintahan kahit tulog mantika pa ito.

She's so happy right now. After that night, hindi niya akalain na makakasama pa
niya ang mga taong mahal niya. Buti nalang at naisipan niyang magsuot ng vest. She
can't express how much thankful she is to god for saving her. Kung noon hindi siya
sumisimba, ngayon, palaging siyang nasa simbahan tuwing linggo. Marami siyang dapat
na ipagpasalamat sa panginoon. Her life couldn't get any better. Nakakulong na si
Jaime Ramirez at ang mga tauhan nito. Walang piyansa ang kaso ni Jaime at dalawang
buwan mula ng makulong ito, nahatulan ito ng guilty at habang buhay na pagka-
kulong. He deserves it! Talagang nakatulong sa pagpapakulong kay Jaime ang white
book.

Iyon ang nagsilbing ebidinsiya nila sa korte. Hindi lang pala drugs at pagnanakaw
ng sasakyan ang illegal na Gawain ni Jaime. Marami pa itong illegal na aktibidad na
ginagawa at lahat ng iyon ay nasa

white book. Siya na yata ang pinakamasaya ng mahatulan ng guilty si Jaime. Wala ng
mananakit sa mga taong mahal niya. Mapapanatag na ang kalooban niya. Nagpapasalamat
siya kay Luther, dahil kung hindi nito tinawagan si Kaino para humingi ng tulong,
baka namatay na siya. Thanks to that i-don't-care-guy-Luther, she's still alive and
breathing.

Huminga siya ng malalim at tinawag ang pangalan ng kasintahan.

"Kaino! Kaino! Wake up!" She's free to shout as loud as she can can. Sila lang
naman ang tao rito sa bahay. Umuuwi ang mga katulong ni Kaino tuwing weekends.
Parang day-off na rin nila. And it's Saturday.

"Kaino! Come on. Wake up!" Sigaw niya habang umaakyat patungo sa second floor kung
saan naroon ang silid ng kasintahan.
Napasimangot siya ng binuksan niya ang kuwarto ng binata at wala ito roon.

"Saan naman kaya nagsusuot ang lalaking yun?" Tanong niya sa sarili at isinara ang
pintuan ng silid ni Kaino.

Naglakad siya patungo sa kusina. Nauuhaw na siya. Iinom muna siya ng tubig bago
niya hanapin si Kaino. Medyo may kalakihan din ang bahay na ito. Ayaw niyang ma-
dehydrate sa kasisigaw ng pangalan ng baliw niyang kasintahan.

Papasok palang siya sa kusina, agad na naamoy niya ang mabangong aroma ng pagkain.
Mabilis siyang pumasok at nakita niya si Kaino na hubad-baro at nagluluto.
Napanganga siya sa kakisigan nito mula sa likuran. Tanging faded jeans lang ang
suot nito at wala itong sapin sa paa. Mula sa likuran, para itong model ng jeans.

Yum! Ang matso-matso talaga ng boyfriend ko. Puwede ng gawing agahan!

Lihim siyang napalunok at nag-iwas ng tingin. Tamang-tama naman nilingon siya ni


Kaino.

"Hey, chocolate." Nakangiting bati nito sa kanya at nilapitan siya para halikan sa
pisngi. "Good morning. How's your day?"

Hindi siya nagpa-apekto sa napaka-yummy nitong abs at magandang ngiti. Inirapan


siya ito.

"How's my day? Terrible!" Pinandilatan niya ito. "You promise na gigising ka ng


maaga at pupuntahan mo ako sa bahay para sabay tayong mag-jogging. I waited for an
hour pero walang dumating kahit na anino mo."

Kaino smiled at her na parang hindi ito apektado sa pagkainis niya. "Sorry,
chocolate." Dumukwang ito para halikan siya sa mga labi pero umiwas siya.

"No kiss. You broke your promise, Kaino."

"What? Why?" Kaino pouted. "This is the first time I broke my promise. Puwede bang
warning lang muna ngayon, saka na ang punishment? I haven't seen you for eight
hours! Come on, Chocolate. Cut me some slack."
Itinirik niya ang mga mata. "Kaino, huwag kang OA. It's just eight hours."

Naglalambing na niyapos siya ng kasintahan. "Yun na nga e. Eight hours without you
is like a day without water. Nanghihina ako."

Tinampal niya ito sa dibdib. "Tama na iyang ka-cheesihan mo. Baka langgamin ka na."

He grimaced. "Hindi ito ka-cheesihan. I'm just being sweet." Niyakap siya nito.

Mabilis niya itong tinulak ng maramdaman niya ang matitigas nitong abs. parang may
nagrambulang Jurassic sa loob ng puso. Pasimpli niyang pinahid ang malamig na pawis
sa noo niya.

Kumunot ang nuo ni Kaino at

pinahid nito ang pawis sa noo niya gamit ang palad nito. "Bakit ka pinagpapawisan?
Ang aga-aga, pinagpapawisan ka na."

Nag-baba siya ng tingin at napakagat-labi siya ng makita ang bas nito. Diyos ko
naman! Maghunusdili kayo! Ayokong magkasala! Inosente pa po ako.

Nagtaas siya ng tingin at natama ang mata nila ni Kaino. Pinapahid pa rin nito ang
pawis niya. Kahit anong pigil niya sa mata niya na hindi tumingin sa abs ng
kasintahan, hindi talaga niya mapigilan. Panay ang sulyap niya sa abs nito at sa
pagkainis. Mabilis na kinuha niya ang apron at isinuot iyon sa kasintahan.

"Hayan. All covered." Aniya na nakangiti.

Kaino chuckled. "Ahh. Kaya pala hindi ka mapakali dahil sa matitigas kong abs. I'm
so flattered, Gilen."

Pinukol siya ito ng masamang tingin. "Huwag ka ngang mahangin!"

Tumawa ng mahina ang kasintahan. "Bakit ba nagagalit ka? Hindi ka pa nasanay


sa'kin." He gave her a sly smile. "You know, I can take off my jeans too. Just say
the magic word and I'll-"

"Heh!" Mainit ang pisngi na tumakbo siya palabas ng bahay ni Kaino. Narinig niya
ang malakas ng tawa nito mula sa kusina.

Naiinis siya! Mula ng malaman nito na virgin siya, he keeps on teasing her.
Kasalanan ba niya kung wala pa siyang karanasan sa bagay na iyon? Hmp! Masunog sana
siya sa kusina!

Binuksan niya ang pintuan ng bahay ni Kaino at lumabas. Handa na siyang tumakbo
patungo sa kotse niya ng mapatigil siya sa paglalakad. Natusok siya sa kinatatayuan
habang nakatingin sa bagay na nasa

harapan niya. What the heck...

Dahan-dahan niyang nilapitan ang life-size chocolate cake na nasa labas ng pintuan
ng bahay ni Kaino. Nakaawang ang labi niya habang nilalapitan ang chocolate cake.
Nagumpisa ng manubig ang bibig niya sa nakikita.

"Like it?"

Mabilis siyang napalingon kay Kaino na nagsalita sa likuran niya.

"Yeah. Sa'yo 'to?"

Napailing ito. "Sa tingin mo naman kaya kung umobos ng ganyang kalaking cake? Hindi
ako ikaw no." Inakbayan siya nito at tinitigan ang cake. "I ordered Shay to make a
life-size chocolate cake. Kailangan ko pang magsilbing waiter doon sa café niya
para lang gawan niya ako."

Naguguluhang tinitigan niya si Kaino. "Bakit ka naman magpapagawa ng ganitong


kalaki na cake. Kaino, alam kong matakaw ako pero hindi ko naman kayang umubos ng
ganitong kalaki na cake."

Kaino chuckled. "Akala ko kaya mo."


Kinurot niya ito sa tagiliran. "Ano naman ang tingin mo sa akin? Halimaw?"

"Well..." He trailed then looked at her.

She glared at Kaino. "Ano?"

Kaino chuckled again. "Nothing."

Kinurot niya ulit ito at napasimangot. "Kaino naman e!" Pagmamaktol niya. "Hindi
ako halimaw. Tao ako! Ako ang pinakmamahal mong girlfriend! Ako ang-"

"Ikaw ang babaeng mahal ko." Putol nito sa iba pa niyang sasabihin at walang sere-
seremonyang sinakop ang labi niya.

Gilen automatically opened her mouth to accept the kiss. Ipinulupot niya ang braso
sa leeg ni Kaino at hinapit palapit ang binata sa katawan niya. Nasa gitna sila ng
mainit na paghahalikan ng may tumikhim.

Naghiwalay ang mga labi nila ni Kaino. Napatawa siya ng Makita ang hindi maipintang
mukha ng kasintahan habang nakatingin kay Alexus, ang asawa ng kaibigan niyang si
Clover.

"Hello! Stop kissing!" Tiningnan nito si Kaino. "Just do whatever you have to do
para makakain na kami."

Kunot ang nuong tiningnan niya si Alexus. Mas lalong lumalim ang gatla sa nuo niya
ng Makita ang asawa nito, ang kaibigan niyang si Marj at ang asawa nitong si Marlon
Aiken. Ang kambal na si Ramm at Rann na nakilala niya ng maging magkasintahan sila
ni Kaino. Kasama ng mga ito ang kanya-kanyang asawa at mga anak. Nasa tabi naman ni
Ramm ang kapatid nitong si Eizel at ang asawa nitong si Lancelott. Bakit nandito
ang mga ito?

"Come on, Kaino. Just do it already." Wika ni Marlon Aiken.

"Do it." Segunda ni Ramm. "Stop being so coward."

Tumango-tango si Rann. "Go for it, cousin. Kaya mo yan. It's time for all of us to
be officially taken."

"Ano bang sinasabi ninyo?" Naguguluhang tanong niya sa mga ito na may mga ngiti sa
mga labi habang nakatingin sa kanila ni Kaino. Binalingan niya si Marj. "What is
this all about?"

Marj smiled. "It's not for me to tell."

Marlon Aiken grinned at her then looked at Kaino. "Do it, cousin."

Kaino nodded and looked at her. Humugot ito ng isang malalim na hininga at
hinawakan ang kamay niya. Naramdaman niyang nanlalamig ang kamay nito at
pinagpapawisan. Bago pa niya matanung si Kaino kung ano ang nangyayari, nauna na
itong magsalita sa kanya.

"Gilen, you know that I love you right?" Nanginginig ang kamay nito.

"And, I know... that, ahm, you love me too. I ahm- just want to say that... I ahm,
I love you so much... and I... I ... I- love you. I-"

Ipiniksi niya ang kamay niya na hawak ng kasintahan at tinitigan si Kaino. "What is
your problem? Bakit ba para kang ewan na nauutal. This is not you, Kaino. May
nagawa ka ba? Kung may sasabihin ka sa akin, just tell me straight. At bakit ba
tinatanong mo kung mahal kita? Oo naman, mahal na mahal kita. Bakit ba?
Makikipaghiwalay ka ba sa akin? Iiwan mo ba ako? Magsabi ka lang kasi-"

Bigla nitong hinawakan ang kamay niya at lumuhod sa harapan niya. "Will you marry
me?"

Napatanga siya sa sinabi ni Kaino. Hindi siya nakagalaw sa kinatatayuan niya.


Nakatingin lang siya kay Kaino na nakatingin din sa kanya. Puno ng pagmamahal ang
mga mata nito habang nakatingin sa kanya.

"Kaino..."

Tumayo ito mula sa pagkakaluhod at sinapo ang pisngi niya. "When I saw you on the
photo that Sir Luther showed me, nagandahan na ako sayo. Hindi ko akalain na
mahuhulog ang loob ko sayo. Nang makilala kita, nagustuhan kaagad kita. Hindi naman
kasi mhirap na magustuhan ka. You're so different. Good different. Nuong nagpanggap
ako na bouncer, masyado akong nagi-guilty. Alam ko kasing nagsisinungaling ako
sayo. Pero sa lahat ng pagsisinungaling ko, I never lied about my feelings for you.
In-denial lang ako, but I know, I can feel it. I'm falling in love with you. In the
island, it was the best time of my life, being with you was amazing. Doon lubusang
nahulog ang puso ko sayo. I never thought that by protecting you, my heart will be
endangered. Endangered of falling in love with

you."

Kaino gave her a small smile that makes her heart beat erratically. "Gilen, I know
I'm not worthy of you. Up until now, naiisip ko pa rin ang ginawa mo para lang
makuha ang white book na yun. It angered me that I wasn't there to protect you.
Then I realized, you don't need my protection at all. Kayang-kaya mo kasi ang
sarili mo. You can take care of yourself. Pakiramdam ko napakawala kung kwenta. But
then I realize, may gamit ako. I love you and that's enough. Maybe you don't need
me to protect you, but I will protect you. I will protect your heart. I will love
you as much as I can. I hope you accept the protection my heart is offering."

"Gilen, I love you." Hinawakan siya nito at iginiya palapit sa malaking cake.

Gilen gasped when she see what's on the middle of the cake. It's a diamond ring.
And it's so beautiful. Natutop niya ang bibig para pigilan ang sarili na humikbi.
Naiiyak siya sa sobrang kaligayahan.

"Oh, Kaino..."

Niyakap siya ni Kaino mula sa likuran. "Will you please, marry me, Gilen Ramirez?
Will you please be my wife?"

Hinarap niya si Kaino at sinakop ang labi nito. "Yes! Yes! I want to be your wife.
I want to be Mrs. Gilen Garcia!"

Kaino grinned. "Good."

Kinuha nito ang singsing na nasa cake at napatawa siya ng makitang may icing na
nakadikit doon.

"Baka langgamin ako." Aniya na natatawa.


Kaino chuckled and put the ring on her finger. "Gusto kong isuot sa daliri mo ang
singsing na pinili ko para sayo, ants be dammed. Hugasan mo nalang mamaya, pero
ngayon, suot mo muna."

Tumawa siya ng malakas

sa sinabi nito. "Ewan ko talaga sayo, Kaino. Baliw ka na."

"Mapapangasawa mo ang baliw na ito."

"I can still back out." Nagbibiro niyang sabi.

Nawala ang ngiti sa mga labi nito at nagdilim ang mukha. "I won't let you."

Napailing-iling siya at hinalikan ang binata sa tungki ng ilong nito. "Kaino, kahit
pa siguro mapunta ka pa sa mental, sasama pa rin ako sayo. Ganoon kita kamahal.
Mild palang naman itong kabaliwan mo, kasi sa akin ka lang naman baliw."

A smile broke into Kaino's face. "Sino ngayon ang mahangin?"

Inirapan niya ito at ipinalibot ang braso sa leeg nito. "Nahawa na ako sa
kahanginan mo." Inilapit niya ang labi sa labi nito. "I love you Kaino Garcia, my
very own Mr. Bouncer. Ang hot mo kaya nuong bouncer ka kasi yung suot mong t-shirt
ay talagang bakat na bakat, lahat ng muscles at abs mo, nakikita."

Ngumisi ito. "Sabi ko na nga ba, pinagnanasaan mo ang abs ko."

Gilen smiled. "Oo naman saka magiging asawa mo na ako, kaya may karapatan akong
pagnasaan iyang abs mo."

Kaino laughed and captured her lips. "I love you so much, Gilen."

"I love you too, Kaino-"

"That's enough!" Pinaghiwalay sila ni Alexus. "Kumain na tayo." Binalingan nito si


Kaino. "May niluto ka na bang pagkain? Hindi pa ako nag-aagahan. Ang laki ng cake
na pinadala mo. Napakabigat!" Reklamo nito.

Binatukan ito ni Clover. "Hoy, Alexus. Huwag ka ngang epal, hindi lang ikaw ang
nagbuhat ng cake na iyan. Tumulong din kami."

Mabilis na niyapos ni Alexus ang asawa. "Flower naman, mahal naman kita e. Come on,
gave me a kiss." Inginuso nito ang labi na tinampal naman ni Clover.

"Ang halay mo!"

Hindi makapaniwalang napanganga si Alexus. "What? Halik lang mahalay na agad?"


Tinuro sila ni Alexus. "Mas mahalay sila kasi kanina pa sila naghahalikan. Tapos
ako itong pinag-iinitan mo."

Binatukan na naman ito ulit ni Clover. "Exempted sila."

Inungusan sila ni Alexus at pinangko nito si Clover na panay ang tili. "Ikaw nalang
ang kakainin ko. Huwag niyo kaming isturbuhin, gagawa kami ng little Alexus and
cutie Cinnamon Clover."

"Don't call me Cinnamon you dimwit!"

Tawa lang ang isinagot ni Alexus sa galit na boses ni Clover. Napailing-iling


nalang siya. Mula ngayon, ang mga baliw na ito na ang pamilya niya. Masaya siya at
kasama pa rin niya ang mga kaibigan niya.

Niyakap siya ni Kaino mula sa likuran. "Want to make little Kaino and cutie Gilen?"

She chuckled and leaned on his chest. "Hmm... why not?"

Kaino put his mouth over her ear and whispered. "Let's go to my room. I'll put my
bouncer t-shirt. Diba gusto mo yun?"

Natatawang hinarap niya si Kaino ang pinisil ang ilong nito. "You are so kinky."
"What? Don't you like it. Well, we can do the normal position-"

"How about I'll take off your bouncer t-shirt and then I'll lick your abs? Like
it?"

Kaino's eyes were delated as he looked deep into her eyes. "Yeah, I will
definitely, absolutely like it."

I hope you enjoy reading Gilen and Kaino's love story. Thank you and god bless -
C.C.

S-ar putea să vă placă și