Sunteți pe pagina 1din 1

Nitong nakaraan na state of the nation address ng kasalukuyang pangulo na si Duterte, hindi

naiwasan at natalakay na rin ang relihiyon.ibinahagi ng pangulo sa kung sya’y isang mananalig
ng Diyos o hindi. “I am a believer of a universal mind there” sagot ng pangulo. “but a God so
perfect would create hell for his creation. What kind of God is he?” dag dag nya.

Sa aking palagay ang mensaheng iniwan ng pangulo ay parehas na tama at mali. Bakit nga ba
magagawa ng ating Poong MayKapal na gumawa ng kasamaan kung siya mismo ay naguutos sa
atin na iwasan ito? Bakit nya ginawa ang kasakiman sa mundong ginagalawan natin ng walang
dahilan? at bakit natin nararanasan ang poot,galit at kasakiman sa mundo dahil sa kasamaang
naibunyag satin.

Pero sino ako na pagtakahan ang sariling kong Diyos ? Ang sariling lumikha sa akin at
tinaguriang perpekto sa kahit anumang paraan. Binigyan tayo ng buhay upang gamitin ito ng
makabubuti sa buong sandaigdigan. Bumabangon araw araw para sa isa nanamang
pagkakataon na magbigay inspirasyon hindi lamang sa atin, kundi na rin sa ating kapwa. At
bumangon sa kasakiman na nadulot ng ating sarili. Sa harapin ito at paglingkuran ang mga utos
na binibigay ng ating tagapagligtas, ang ating Diyos