Sunteți pe pagina 1din 4

 

UNCORRECTED PROOF

KABANATA 8
MAGANDANG PASKO!1
 
            Nang imulat ni Huli ang namumugtong mata ay nakitang
madilim pa ang bahay.  Nagtitilaok ang mga manok.  Ang unang
pumasok sa kanyang kalooban ay ang sapantahang marahil ay gumawa
ng isang himala ang Birhen at ang araw ay hindi sisilang kahit na
iniimbitahan pa ng mga manok.

            Nagbangon siya, nag-antanda, taimtim na dinasal ang kanyang


mga dalangin sa umaga at lumabas sa batalan, na pinag-iingatang
huwag may kumalatis sa kanyang paglakad.2

            Walang himala; ang araw ay sumisikat na, ang umaga’y


magiging maliwanag, ang simoy ay  may dalang lamig, ang mga bituin sa
silanganan ay lumalamlam at ang mga manok ay tumindi sa kanilang
pagtitilaok.  Ang gayo’y malabis na paghingi; madali pang magawa ng
Birhen ang magpadala ng dalawang daa’t limampung piso!   Ano na
lamang sa Kanya, Siya na Ina ng Diyos, ang magbigay noon?  Nguni’t
sa ilalim ng larawan ay walang natagpuan kundi ang sulat ng kanyang
ama na humihingi ng limang daang pisong pantubos… Wala nang daan
kundi ang lumakad.3  Nang makitang ang kanyang lelong ay hindi
kumikilos ay inakalang natutulog, at nagluto na siya ng salabat na
pang-agahan.  Kataka-taka!  Sila’y panatag at waring ibig pang matawa. 
Ano kaya ang dinamdam niya’t naghinagpis nang katakut-takot nang
gabing iyon?  Hindi naman siya malalayo, maaaring dalawin sa tuwing
makalawa ang bahay, makikita siya ng kanyang lelong,4 at tungkol
1
MGA PALIWANAG:
Kapansin-pansin na ang pasko bilang panahunan ay ginamit ni Rizal sa Noli at
Fili. Sa Noli ay inilarawan ni Rizal ang pinakamalagim na kabanata sa Noche
Buena ng Kapaskuhan kung saan ginawa niyang sinawi ang dalawang di-
malilimutang tauhan niya: Ang kamatayan ni Sisa at ni Elias sa matandang
libingan ng mga Ibarra sa San Diego.
Sa nobelang ito na ating pinag-aaralan ay ipapakita ni Rizal na ang
pinaniniwalaang ngmarami na araw ng kapanganakan ng manunubos ay
itinaon niya sa araw ng pagka-alipin ng isang sawing tauhan sa nobela na si
Juli.
2
Pansinin na hindi ipinalimot ni Rizal sa pagsasalaysay na ito ang pagtugon ng
isang dalagang bagong gising na tumugon sa tawag ng pangangailangan.
3

Binigo ni Rizal ang pananalig ni Juli sa milagro.


4

Tayong mga Pilipino ay nakakakita ng pampalubag loob sa lahat ng


dumadating na kabiguan sa ating mga buhay.
naman kay Basilio ay malaon nang alam nito ang masamang lakad ng
kaso ng kanyang ama, kaya’t madalas sabihin sa kanya na:

            “Pag ako’y naging mediko at nakasal na tayo ay hindi na


kakailanganin ng ama mo ang kanyang mga lupain.”       
           
“Malaking kahangalan ang nagawa kong panggigipuspos!” anya sa
sarili samantalang inaayos ang kanyang tampipi.

            At sa dahilang nasagi ng kanyang mga daliri ang agnos ay


inilapit sa kanyang labi, hinagkan, nguni’t kinuskos kaagad ang bibig
dahil sa takot na mahawa; ang agnos na iyon na may brilyante at
esmeralda ay galing sa isang ketongin… Ah!5  Kung magkagayon, kung
siya’y magkaroon ng gayong sakit ay hindi na siya mag-aasawa.

            Sa dahilang nagliliwanag na at nakita ang kanyang lelong na


nakaupo sa isang sulok, na sinusundan ng tingin ang lahat ng kanyang
kilos, ay kinuha ang kanyang tampipi ng damit at nakangiting lumapit
upang humalik ng kamay.  Binendisyunan siya ng matanda na walang
kaimik-imik.  Nagbiro pa siya.
           
“Pagdating ni Tatay ay sabihin ninyong napasok din ako sa
kolehiyo:  ang panginoon ko’y marunong ng Kastila.  Ito ang mura sa
lahat ng kolehiyong makikita.”6
           
At nang makitang napupuno ng luha ang mga mata ng matanda
ay sinunong ang tampipi at matuling pumanaog sa hagdanan. 7  Ang
kanyang tsinelas ay masayang tumutunog sa mga baitang na kahoy.

            Nguni’t nang lumingon upang tumanaw pang muli sa kanyang


bahay, ang bahay na kinapawian ng kanyang kabataan at kinasilangan
ng kanyang mga unang pangarap sa pagkadalaga, nang makita niyang
malungkot, nag-iisa, walang tao, sa mga bintanang nakasara nang
kaunti ay walang nakadungaw at madilim na gaya ng mga mata ng isang
bangkay, nang madinig ang mahinang kaluskos ng kawayanan at
nakitang nangagduduyan dahil sa simoy sa umaga na waring nagsasabi
5
Ang agnos na ito ay pag-aari ni Maria Clara na ipinagkaloob sa isang
namamalimos na ketungin sa dapithapon ng kapistahan ng San Diego.
Lumilitaw sa bahaging ito na ang ketungin ay nagging pasyente at nagawang
pagalingin ni Basilio sa nakakarimarim na karamdaman.
Mabuting sundan at pagtularin ang kinasapitan ng dalawang dalaga na
nagmay-ari ng nasabing agnos.
6
Ang pagpapatawa ay isang paraan ng pagtatago ng mga sama ng loob.
7
Ayaw natin na makita ang kalungkutan n gating mga mahal sa buhay.
sa kanyang “paalam” ay nawala ang kanyang maliksing kilos, napahinto
siya, ang kanyang mga mata’y napuno ng luha at matapos magpatiupo
sa isang sanga ng kahoy na nasa tabing-daan ay umiyak nang kahapis-
hapis.
           
Malaon nang nakaalis si Huli at mataas nang lubha ang araw.  Si
Tandang Selo ay nakadungaw at tinatanaw ang mga nakagayak na taong
patungo sa bayan upang magsimba sa misa  mayor.  Halos lahat ay may
dala o kaya’y kilik na batang lalake o batang babae na nabibihisang na
tila patungo sa isang kapistahan.
           

Ang kaarawan ng Pasko sa Pilipinas, ayon sa matatanda, ay pista
ng mga bata; marahil ay hindi kasang-ayon sa gayong paniniwala ang
mga bata, at mahihinalang kanila pang kinatatakutan ang araw na
iyon.  At gayon nga marahil, sapagka’t ginigising silang maaga, nililinis,
binibihisan at isinusuot sa kanila ang lahat ng kasuotang bago, mahal at
mainam na mayroon sila, mga sapatos na sutla, malalaki’t malalapad na
sumbrero, damit na lana, sutla o tersiyopelo, kasama ang apat o limang
maliliit na kalmen na may dalang ebanghelyo ni San Juan, at matapos
na mataglay ang lahat ng iyon ay dinadala sila sa misa mayor na kulang-
kulang sa isang oras ang haba, pinagtitiis sila ng init at singaw ng
maraming taong nagkakasiksikan at nagpapawis, at kung hindi man sila
pinagdadasal ng rosaryo ay kailangan naman nila ang huwag maglilikot,
mayamot o makatulog.  Sa bawa’t kagaslawang makapagpapadumi sa
damit ay isang kurot o isang galit ang katugon; kaya’t hindi man sila
tumatawa ni nagagalak at nababasa sa kanilang mga mata ang pag-
aalaala sa lumang kamisola na pang araw-araw at ang pagtutol sa
tungkol may burda.  Matapos iyon ay dinadala sila sa mga bahay-bahay
ng mga kamag-anakan upang humalik ng kamay; doon ay kailangan nila
ang magsayaw, umawit at sabihin ang lahat ng ikatutuwang nalalaman,
sa ibig man o sa ayaw, suot o hindi man ang kanilang masisikip na
bihis, na kasama rin ang kurot at galit pag sumuway o gumawa ng
bagay na di iniuutos sa kanila.  Binibigyan sila ng kuwalta ng mga
kamag-anak, nguni’t karaniwang hindi man nila masilip pagkatapos,
sapagka’t kinukuha ng kanilang mga magulang.  Ang tanging bagay na
kanilang napapala sa mga kapistahang iyon ay ang mga bakas ng kurot
na tinuran, ang mga kasikipan at madalas pa’y isang pagkasira ng
sikmura dahil sa pagkabundat sa matamis o biskotso sa bahay ng mga
kamag-anak.  Datapwa’t iyon ang kaugalian at ang mga bata’y
pumapasok sa kabuhayan sa gayong paraan, na sa isang dako’y siyang
hindi pinakamalungkot, ang lalong hindi pinakamahirap sa kabuhayan
ng mga taong iyon.


 Sa bahaging ito ay makikita ang talas ng isipan at panulat ni Rizal upang
himayin ang isang matandang paniniwala upang tingnan ito sa panibagong
kritikal na pananaw.
            Ang mga taong may kagulangan na, may sarili nang
pamumuhay, ay nakakalahok din sa kapistahang ito.  Dumadalaw sa
kanilang mga magulang at mga amain at ale, luluhod nang isang paa at
babati ng magandang pasko; ang kanilang aginaldo ay isang matamis,
isang bungang-kahoy, isang basong tubig o isang munting handog na
walang halaga.

            Napagmamasdan ni Tandang Selo ang pagdaraan ng kanyang


mga kaibigan, at malungkot na iniisip na wala siyang maibibigay na
aginaldo sa kangino man sa taong iyon, at ang kanyang apo ay umalis
na walang taglay na aginaldo at hindi man lamang siya nabati ng
magandang pasko.  Isa kayang kahinhinan iyon ni Huli o isang
pagkalimot lamang?

            Nang salubungin ni Tandang Selo ang mga kamag-anakang


dumating na dala ang kani-kanilang mga anak ay hindi makabigkas ng
anumang salita, kaya’t sa sarili niya’y namangha; walang nangyari sa
pagpupumilit, hindi nakabanggit ng isa mang sabi.  Pinigilan ang
kanyang lalamunan, pinailing ang ulo, hindi rin maaari!  Nagnasang
tumawa at ang kanyang mga labi ay kumimbot lamang!  Ang tanging
napalabas sa kanyang bibig ay isang iipt na tunog na kagaya ng sa
hungkoy.  Gulilat na nangagkatinginan ang mga babae.

            “Pipi, pipi!” ang sigawang balot ng sindak at nangagkagulo.


 

S-ar putea să vă placă și