Documente Academic
Documente Profesional
Documente Cultură
It’s been a while and I pray that your family is safe and healthy!
It has always been our mission at St. Paul University Philippines to provide our students with
quality Catholic Paulinian education. In this time of pandemic, we will continue to do so- but
now in a different way- as we transition into the new normal.
For the fourth quarter of School Year 2019-2020, we will take a systematic path and employ a
very manageable approach in administering class instruction. Over the past few weeks, teachers
have been working diligently on their Dynamic Instructional Plans (DIPs) which will be
delivered to all the learners to ensure continuity of learning.
On the succeeding pages, you will find the fourth quarter learning targets of Filipino 8. All
learning tasks of the subject are anchored on the learning competencies your child needs to
master. Since these tasks are to be done at home, I ask that you take time to assist/guide your
child to assure his/her success of education.
Please do also take note that all accomplished tasks may be send through email, messenger, other
social media platform, or be brought to the designated drop boxes strategically situated at the
university’s pedestrian gate.
I am fully aware that these difficult times are having a significant impact on you, your family,
and the school and so we will remain in constant communication with you and will be available
for questions during this transition. We are confident we can move into this new normal together.
Thank you and looking forward to seeing the accomplishment your child will create. I fervently
pray that we will all be blessed and that we will overcome all the difficulties during this time of
uncertainty. Let us continuously pray and work together, all for the greater glory of God!
INTRODUCTION (Panimula)
Tatalakayin sa buong kabanatang ito ang isa sa mga klasikong panitikang
Pilipino- ang awit na Florante at Laura. Bagama’t hindi sa Pilipinas ang tagpuan nito,
madaling magustuhan ang panitikang ito sapagkat sinasalamin nito ang maraming
aspekto ng ating buhay, kultura at tradisyon ng mga Pilipino. Binuhay ng awit na
Florante at Laura ang mga tauhang nagtataglay ng mga katangiang kumakatawan sa isang
karaniwang Pilipino, ang mga taong nakadarama ng labis na pag-ibig, nagsasakripisyo
para sa pamilya at minamahal, tumutulong sa kapwa kahit hindi karelihiyon, nagbubuwis
ng buhay para sa minamahal, palakaibigan, magiting at matapang. Mula rito’y inaasahang
malilinang at mapahahalagahan ng mga mag-aaral ang katuparan o kasagutan sa apat na
himagsik na tinukoy ni Lope K. Santos na masasalamin sa obra maestro ni Francisco
“Balagtas” Baltazar; ang himagsik laban sa malupit na pamahalaan, ang himagsik laban
sa hidwaang pananampalataya, himagsik laban sa mga maling kaugalian, at himagsik
laban sa mababang uri ng panitikan.
Samantala, mababasa sa mga saknong sa araling ito ang iba’t ibang uri ng
pagsubok na kinaharap ng mga tauhan, mula kay Balagtas na nagsaad ng kabiguan sa
pag-ibig kay Selya, Kay Florante na bigong nakagapos sa puno ng higera dahil sa
kagagawan ng taksil na si Adolfo, at kay Aladin na piniling maglagalag nang agawin ng
ama ang kanyang pinakamamahal.
OBJECTIVES (Layunin)
Sa modyul na ito, inaasahang ikaw ay:
1. nakasusuri ng mga pangunahing kaisipan sa kabanatang binasa
2. nakapagsisikap nang higit na pag-unawa sa aral o mensahe ng bawat kabanata
3. nakasusulat ng isang monologo tungkol sa pagkapoot, pagkatakot at iba pang damdaming
namayani sa kabanatang binasa
Panuto: Suriin kung ang mahalagang pangyayari o pangunahing kaisipang nakalahad sa ibaba
ay taglay ng mga bahagi na iyong binasa. Lagyan ng tsek (√) ang kahon kung ang kaisipan ay
bahagi ng ating binasa at ng ekis (x) kung hindi. Isulat ang sagot sa isang buong papel o iprint
ito.
√ Ang pagluha ni Aladin dahil sa masaklap na sinapit ng kanyang pag-ibig kay Flerida
x Ang pag-alaala sa amang umagaw sa kanyang kasintahan at naging sanhi ng mapait niyang
kabiguan.
x Ang paghahanda para sa isang pagganti sa taong naging dahilan ng kanyang kabiguan
St. Paul University Philippines
Tuguegarao City, Cagayan 3500
INTRODUCTION (Panimula)
Sa awiting “Pananagutan,” sinasabing “Walang sinuman ang nabubuhay para sa sarili
lamang. Tayong lahat ay may pananagutan sa isa’t-isa.” Gayunpaman, madalas, ang pagtulong
natin ay laan lamang para sa kapamilya o mga taong malapit sa atin. Ikaw, nasubukan mo na
bang tumulong sa ibang tao lalo na sa mga hindi mo naman kakilala o kaano-ano? Ano ang
naramdaman mo pagkatapos mong tumulong? Ang pagtulong sa isang kaibigan o mahal sa
buhay ay kapuri-puri, subalit maituturing na higit na kadakilaan ang pagtulong sa isang
nangangailangang hindi kaano-ano o kakilala lalo na para sa isang kaaway tulad ng
matutunghayan ninyo sa mga kabanatang mababasa ninyo sa araling ito.
OBJECTIVES (Layunin)
Sa modyul na ito, inaasahang ikaw ay:
1. nakasusuri ng mga katangian ng karakter batay sa binasang mga bahagi
2. nakapagsisikap nang higit na pag-unawa sa aral o mensahe ng bawat kabanata
3. nakasusulat ng isang makabuluhang talata na may kaugnayan sa mensahe/impormasyon
mula sa kabanata
Mayroong dalawang mabangis na leon ang lumapit kay Florante. Sa hitsura ng mga ito ay
talaga namang hindi palalampasin si Florante na hindi makagalaw noon dahil ito ay nakagapos
pa. Marahan ang paglapit ng mga leon kay Florante. Batid na ni Florante na ito na ang kaniyang
katapusan. Kaya naman habang nakagapos ay nagpaalam na si Florante sa mahahalagang bagay
at tao sa kaniyang buhay, kabilang ang dinadakilang kaharian ng Albanya. Namaalam na rin siya
sa kaniyang kasinatahan na si Laura. Nanlulumo si Florante na ang dating magiting na tulad niya
ay mawawakasan lamang ang buhay nang hindi man lamang nakalalaban at dalawa lamang leon
ang kikitil sa kaniya. Nawalan siya ng malay.
Natunton ni Aladin si Florante. Ginamit niya ang kaniyang espada upang mabilis na
makapunta kay Florante. Pinutol niya ang mga nakaharang na sanga at halaman sa kagubatan.
Nagmamadali si Aladin dahil palubog na ang araw. Nakita niya ang kinaroroonan ni Florante
ngunit hindi siya agad nakalapit dahil naroon ang dalawang leon na lalong naging mabangis nang
makita si Aladin. Itinaas ng leon ang buntot at inilabas ang mga pangil. Dadakmain sana ng mga
leon si Aladin ngunit nakaiwas ito. Nahirapan man, ngunit bandang huli ay nakitil pa rin ni
Florante ang dalawang leon gamit ang sibat ang kalasag. Pinawalan niya rin si Florante at pinutol
ang taling nakapulupot sa katawan nito. Ngunit wala pa ring malay si Florante.
___________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________
Ang mga kabanatang binasa ay umikot sa pagtulong sa kapwa. Mahalaga ang kusang-loob
na pagtulong sa kapwa nang walang hinihintay na kapalit dahil ang pagtulong ay dapat bukal sa
loob, hindi ito dapat ginagawa dahil may inaasahan kang kapalit ng iyong tulong o may
inaasahan kang kabayaran. Mas mabuti ang nagbibigay dahil mas ginagantimpalaan ang mga
taong mabubuti ang puso.
Pamantayan Puntos
INTRODUCTION (Panimula)
Ang buhay ng tao ay maihahalintulad sa panahon. Bagama’t paiba-iba ay mayroon
tayong napupulot na aral sa bawat panahon. Ang mahalaga ay magamit natin nang maayos ang
bawat aral na makukuha natin dito. Sa araling ito ay matutunghayan mo ang naging buhay ni
Florante. Magbabalik-tanaw siya sa kanyang makulay na nakaraan. Babalikan niya ang kanyang
buhay mula nang siya ay isilang hanggang sa nasadlak sa kaawa-awang kalagayan. Isinalaysay
niya ang mahahalagang pangyayari sa kanyang buhay at kung paano siya hinubog ng kanyang
magulang na pawing mga paghahanda sa buhay na susuungin niya.
OBJECTIVES (Layunin)
Sa modyul na ito, inaasahang ikaw ay:
1. nakapagbibigay ng reaksyon at sariling pananaw hinggil sa mga isyung nakapaloob sa
binasang kabanata
2. nakapagsisikap nang higit na pag-unawa sa aral o mensahe ng bawat kabanata
3. nakapagtatala ng mga paraan ayon sa paksang ibinigay
KAMUSMUSAN
Labing-isang taong gulang si Florante nang ipadala sa Atenas upang mag-aral. Ang
naging guro niya rito ay si Antenor. Isa sa mga estudyante rito ay ang kababayang si Adolfo,
na nang una ay nadama na si Florante na tila pakunwari lamang ang kabaitan ni Adolfo.
Anim na taon sa Atenas si Florante. Sa loob ng panahong ito, natuto siya ng pilosopiya,
astrolohiya at matematika. Nanguna si Florante sa katalinuhan at dinaig niya maging si Adolfo.
Napabalita ang una sa buong Atenas. Dito na lumabas ang tunay na pagkatao ni Adolfo. Sa isang
dulang ginampanan nina kapwa ni Florante, pinagtangkaan nitong patayin ang huli. Salamat at
nailigtas siya ng kaibigang si Menandro. Kinabukasan din, umuwi sa Albanya si Adolfo.
Naiwan sa Atenas si Florante at nagtagal doon nang isang taon pa. isang araw,
tumanggap ng liham si Florante mula sa ama. Sinasabi sa sulat na namatay ang kanyang ina.
Nawalan ng malay si Florante sa tindi ng kalungkutan. Hindi nakabawas sa kanyang kalungkutan
ang tapat na pakikiramay ng guro at mga kamag-aral. Pagkaraan ng dalawang buwan ng
matinding kalungkutan para kay Florante dumating ang ikalawang sulat ng kanyang ama,
kasama ang sasakyang sumundo sa kanya. Bago umalis pinagbilinan si Florante ng gurong si
Antenor na pakaingatan ng una si Adolfo sapagkat tiyak itong maghihiganti. Idinagdag pang
huwag padadala si Florante sa magiliw na pakikiharap. Pinayuhan siyang lihim na maghanda
nang hindi nagpapahalata. Pinayagan ni Antenor si Menandro na sumama kay Florante. Ang
magkaibigan ay inihatid ng kanilang mga kamag-aral hanggang sa daungan.
Nakilala ni Florante ang anak ng hari na si Laura, isang dalagang kaagaw ni Venus sa
kagandahan, isang kagandahang mahirap isiping makapagtataksil. Sa harap ng kagandahan ni
Laura, laging nagkakamali ng sasabihin si Florante sapagkat natatakot siyang baka di maging
marapat sa dalaga. Tatlong araw ang piging ng hari para kay Florante. Sa loob ng panahong ito
ay di man lamang nakausap ni Florante nang sarilinan si Laura. Sa kabutihang-palad, isang araw
bago umalis sina Florante upang makidigma, nakausap nito ang dalaga at pinagtapatan ng pag-
ibig. Hindi sumagot ng ‘oo” ang dalaga ngunit lumuha siya nang umalis si Florante patungong
digmaan.
1.Read: Hindi dapat palakihin sa layaw ang isang bata sapagkat sa mundong ito ay higit
na hirap ang mararanasan kaysa sa sarap.
React:
2. Read: Ang batang hindi sanay sa hirap ay madaling lumuha at hindi nakatatagal sa
hirap.
React:
3.Read: Kadalasan ay sinasanay ang anak ng kanyang magulang na gawin ang mga
bagay-bagay upang lumaking matatag at kayang tumayong mag-isa.
React:
4.Read: Sa paaralan, nagpapagalingan ang mga estudyante. Sa halip na gayahin ang mga
nakakakuha ng mataas na marka at gawing inspirasyon ang kanilang kahusayan,
pinipiling siraan pa ang mga ito ng mga kapwang mag-aaral dahil sa sobrang inggit.
React:
5.Read: Ang kasakiman ang siyang nagtutulak sa mga tao upang maging makasalanan.
React:
SUMMATIVE ASSESSMENT (Sumatibong Pagtataya)
Ilan sa mga patok na social media na ginagamit ng mga kabataang tulad mo ay ang twitter at
facebook. Layunin ng mga ito na magsilbi para sa pampublikong usapan.
Panuto: Upang makitang lubos mong naunawaan at naiugnay sa tunay na buhay ang
nilalaman ng modyul na ito, gamit ang Twitter Slip, ipahayag ang iyong
damdamin/pananaw sa paksang “Paraan upang Mapagtagumpayan ang Trahedya sa
Buhay” mula sa mga kabanatang binasa. Gawing simple at diretso ang paglalahad.
Isulat ang sagot sa isang buong papel o maaaring iprint ito.
Pananaw:
Panuto: Gamit ang Facebook status template sa ibaba, ibahagi ang iyong opinyon sa paksang
“Hindi nakabubuting palakihin ang isang bata sa layaw” na mula pa rin sa mga kabanatang
binasa.
Kasagutan:
INTRODUCTION (Panimula)
Naramdaman sa kabuuan ng obra ang apat na himagsik na naghari sa puso at isipan ni
Balagtas. Kitang-kita rin sa kabuuan ng binasa mong awit kung paanong umiral ang tema ng
PAG-IBIG. Mula sa isang berso sa Bibliya, sinasabing “⁴ Ang pag-ibig ay matiyaga at
magandang-loob, hindi mainggitin, hindi mayabang ni mapagmataas man, ⁵hindi magaspang ang
pag-uugali, hindi makasarili, hindi magagalitin, o mapagtanim sa kapwa. ⁶Hindi niya ikinatutuwa
ang gawaing masama, ngunit ikinagagalak ang katotohanan. ⁷Ang pag-ibig ay mapagpatawad,
mapagtiwala, puno ng pag-asa, at mapagtiis hanggang wakas.”
Paano kaya magwawakas ang Obra? Ano kaya ang kahihinatnan ni Adolfo? Nina
Florante at Aladin? Ni Laura at Flerida? Ano pa ang hinihintay mo? Umpisahan mo nang muli
ang pagbabasa.
OBJECTIVES (Layunin)
Mula una hanggang sa ikaapat na modyul na ito, ay inaasahang ikaw ay babasa ng iba’t ibang
bahagi ng Florante at Laura na maaaring humasa sa iyo upang maging isang mahusay ring
manunulat o makata. Ngayon ay umpisahan mo na ang mga pinakahuling kabanata ng obra.
Mangyaring basahin ang bawat kabanata sa inyong e-book o kaya nama’y sa aklat na
PINAGYAMANG PLUMA 8 pahina 622-633. Nakapaloob din sa modyul na ito ang buod
ng bawat kabanata ng obra.
BUOD NG KABANATA 13- ANG PAGPAPARAYA NI ALADIN
Nang matapos magsalaysay si Florante, nagpakilala ang Moro. Siya si Aladin mula sa
Persiya na anak ni Sultan Ali- Adab. Sinabi ni Aladin na yamang kapwa sila sawi ni Florante,
mamuhay na silang magkasama sa gubat. Noon isinalaysay ni Aladin ang kanyang
pinagdaanang buhay. Ikinuwento niya ang pakana ng sarili niyang ama upang maagaw sa
kanya si Flerida. Ipinapakulong siya nito sa bintang na iniwan niya ang hukbo sa Albanya
kahit wala pang utos ng sultan. At nang mabawi ni Florante ang Albanya, hinatulang pugutan
ng ulosi Aladin. Pinatawad siya sa kondisyong aalis siya sa Persiya noon din. Bagama’t
nakaligtas sa kamatayan, higit pang ibig ni Aladin na mamatay kaysa maagaw ng iba ang
pagmamahal ni Flerida.
Natigil sa pag-uusap ang dalawa nang marinig ang dalawang babaing nag-uusap. Ayon sa
isa, nang malaman niyang papupugutan ng ulo ang kanyang minamahal, nagmakaawa siya sa
sultan. Pumayag ang sultan na patawarin ang nobyo ng babae, kung papayag itong pakasal sa
sultan. Walang nagawa ang babae kundi ang sumang- ayon. Ngunit nakaalis ang kanyang
nobyo nang di sila nagkausap. Nang gayak na ang kanilang kasal tumakas ang babae na
nakadamit-gerero. Ilang taon siyang naglagalag sa mga bundok at gubat hanggang sa
mailigtas niya ang kausap. Noon biglang sumulpot sina Florante at Aladin. Si Laura naman
ang nagsalaysay. Ayon sa kanya, napapaniwala ni Adolfo na gugutumin ng hari ang taong-
bayan kaya’t nagkagulo ang mga ito. Kasunod ng pagkakagulo, ipinapatay ni Adolfo ang hari
at ang matatapat na alagad nito. Inagaw ni Adolfo ang pagkahari at pinilit si Laurang pakasal
sa kanya. Hindi nagpapahalata ng tunay na niloloob, pumayag si Laura ngunit humingi ng
limang buwang palugit upang magkapanahong mapauwi si Florante. Sa kasamaang-palad,
nahulog si Florante sa pakana ni Adolfo at naipatapon. Handa nang magpakamatay si Laura
nang dumating si Menandro na siyang nakatanggap ng sulat ni Laura kay Florante. Tumakas
si Adolfo, tangay si Laura na pinagtangkaang abusuhin sa gubat na iyon. Siya namang
pagdating ni Flerida. Pinana nito si Adolfo na namatay noon din.
Panuto: Ilahad o ipahayag ang iyong sariling paniniwala at pagpapahalaga sa mga kaisipang
hango sa binasa. Isulat ang iyong sagot sa linya. (4 puntos bawat bilang)
1.Naging mabuting magkaibigan at nagsama nang matagal sa kagubatan ang isang Moro
at Kristiyano na kabilang sa magkaibang lahi.
________________________________________________________________________
________________________________________________________________________
________________________________________________________________________
________________________________________________________________________
4.Bumalik lamang sa Persiya sina Aladin at Flerida nang mabalitaan nilang patay na ang
ama ni Aladin na si Sultan Ali-Adab.
________________________________________________________________________
________________________________________________________________________
5.Sumama sina Aladin at Flerida kina Florante pabalik ng Albanya at ang dalawa ay
pumayag na maging Kristiyano.
________________________________________________________________________
________________________________________________________________________
Sa modyul na ito, ang mga kabanata ay umikot sa PAG-IBIG. Katulad ng sikat na linya sa
awit na Florante at Laura, "O Pag-ibig na makapangyarihan, 'pag pumasok sa puso nino man,
hahamakin ang lahat masunod ka lamang,” bawat isa sa atin ay nakagagawa ng imposible
dahil sa pag-ibig/pagmamahal.
Panuto: Bilang mag-aaral sa ikawalong baitang, maipapakita/maipapadama mo ang pag-ibig sa
kasalukuyan na tayo ay nakikibaka sa isang malawakang epidemya sa pamamagitan ng pagbuo
ng Ten Word Slogan. Isang slogan na ginagamitan lamang ng sampung salita at ilagay ito sa
malinis na papel o bond paper. Maaaring lagyan ng angkop na disenyo ang iyong awtput. Ang
gawain ay dapat makasunod sa pamantayang nasa ibaba.
Pamantayan Puntos