Sunteți pe pagina 1din 20

Government Property

NOT FOR SALE

NOT
9
Filipino 11
Ikalawang Markahan - Modyul 1
Tono ng Pagbigkas ng Tanka at Haiku

Department of Education ● Republic of the Philippines


Filipino- Grade 9
Alternative Delivery Mode
Quarter 2,Wk.1 - Module 1: Tono ng Pagbigkas ng Tanka at Haiku

First Edition, 2020

Republic Act 8293, section 176 states that: No copyright shall subsist in any
work of the Government of the Philippines. However, prior approval of the
government agency or office wherein the work is created shall be necessary for
exploitation of such work for profit. Such agency or office may, among other things,
impose as a condition the payment of royalty.
Borrowed materials (i.e., songs, stories, poems, pictures, photos, brand
names, trademarks, etc.) included in this book are owned by their respective
copyright holders. Every effort has been exerted to locate and seek permission to
use these materials from their respective copyright owners. The publisher and
authors do not represent nor claim ownership over them.

Published by the Department of Education – Division of Cagayan de Oro


Schools Division Superintendent: Roy Angelo L. Gazo, PhD.,CESO V
Development Team of the Module
Author: Ellen E. Gedaro
Reviewers/Evaluators/Editors: April L. Echiverri, Angelina M. Pacquiao
Illustrator and Layout Artist: (________________________)
Management Team
Chairperson: Roy Angelo E. Gazo, PhD, CESO V
Schools Division Superintendent

Co-Chairpersons: Nimfa R. Lago, PhD, CESE


Assistant Schools Division Superintendent

Members: Henry B. Abueva, OIC-CID Chief


Levi M. Coronel, PhD., EPS-Filipino
Sherlita L. Daguisonan, EPS-LRMS
Meriam S. Otarra, PDO II
Charlotte D. Quidlat, Librarian II
Printed in the Philippines by
Department of Education – Division of Iligan City
Office Address: General Aguinaldo, St., Iligan City
Telefax: (063)221-6069
E-mail Address: iligan.city@deped.gov.ph

ii
9
Filipino
Ikalawang Markahan- Modyul 1
Tono ng Pagbigkas ng Tanka at Haiku

This instructional material was collaboratively developed and reviewed


by select teachers, school heads, Education Program Supervisor in Filipino of
the Department of Education - Division of Iligan City. We encourage teachers
and other education stakeholders to email their feedback, comments, and
recommendations to the Department of Education-Iligan City Division at
iligan.city@deped.gov.ph or Telefax: (063)221-6069.

We value your feedback and recommendations.

Department of Education ● Republic of the Philippines

iii
Talaan ng Nilalaman

Mga Pahina

Pangkalahatang Ideya ……………………………… 1


Nilalaman ng Modyul ……………………………… 1
Alamin ……………………………… 1
Pangkalahatang Panuto ……………………………… 1
Subukin ……………………………… 4
Aralin 1 ……………………………… 6
Balikan ……………………………… 6
Tuklasin ……………………………… 6
Suriin ……………………………… 8
Pagyamanin ……………………………… 9
Isaisip ……………………………… 10
Isagawa ……………………………… 11
Buod ……………………………… 11
Karagdagan Gawain…………………………… 12
Tayahin ……………………………… 13
Susi ng Pagwawasto ……………………………… 14
Sanggunian ……………………………… 15

iv
Modyul 1
Tono ng Pagbigkas ng Tanka at Haiku

Pangkalahatang Ideya
Ang Japan ay isa sa mga kilala at nagunguna sa larangan ng ekonomiya at
teknolohiya hindi lamang sa Asya kundi maging sa buong daigdig. Bagama’t
makabago na ang paraan ng pamumuhay ng mga tao roon, napananatili pa rin nila
ang kanilang sinaunang kultura at pagpapahalaga sa panitikan patuloy nila itong
ginagamit at pinagyayaman tulad na lamang ng tanka at haiku.
Sa pagtatapos ng modyul na ito, ikaw ay inaasahang makapagsuri ng tono ng
pagbibigkas ayon sa napakinggang tanka at haiku.

Nilalaman ng Modyul
Ang modyul na ito ay nakapokus sa pagsusuri ng tono sa napakinggang
tanka at haiku. Binigyan ng sapat na paliwanag at mga halimbawa ang ponemang
suprasegmental. Nagkaroon ng pagtalakay sa tono o intonasyon ng mga salita at
pahayag na nagtataglay ng higit sa isang kahulugan upang maging malinaw at
matukoy ang intension ng nagsasalita.
May mga inihanda ring mga gawain at pagsasanay para makamit ang
kasanayang pokus ng modyul na ito.

Alamin
Sa pag-aaral ng nilalaman ng modyul na ito, inaasahan na ikaw ay:
1. Nasusuri ang tono ng pagbigkas ng napakinggang tanka at haiku
(F9PN-IIa-b-45).
2. Matutukoy ang kahulugan ng ponemang suprasegmental.
3. Magagamit ang tamang tono o intonasyon ayon sa layunin o
mensaheng nais ipaabot.
4. Matutukoy ang angkop na tono ng salita ayon sa kahulugan nito.

Pangkalahatang Panuto
Upang makamit ang inaasahan, gawin mo ang mga sumusunod:
 Basahin at unawaing mabuti kung ano ang mga mahahalagang
kaisipan at kaalaman kung paano susuriin ang tono ng pagbigkas ng
napakinggang tanka at haiku.
 Sagutin ang mga gawain at pagsasanay na nihanda na nasa modyul
na ito.

1
Icons na Ginagamit sa Modyul
Alamin Ito ay ang bahaging naglalahad ng mga layunin o
mithiing dapat matamo sa pag-aaral mo sa
modyul na ito.

Subukin Ito ay pagtatasa sa antas ng iyong kaalaman sa


tatalakaying aralin. Sa pamamagitan nito
masususuri kung ano na ang iyong natutunan
kaugnay sa bagong tatalakaying aralin.

Balikan Ito ay ang pagtatatag ng ugnayan sa


pamamagitan ng pagtatalakay sa mga
mahahalaga mong natutunan sa nagdaang aralin
na may koneksiyon sa tatalakaying bagong aralin.

Tuklasin Ito ay paglalahad sa bagong aralin sa


pamamagitan ng iba’t ibang gawain

Suriin Ito ay ang pagtatalakay sa mga mahahalaga at


nararapat mong matutunan upang malinang ang
pokus na kompetensi.

Pagyamanin Ito ay ang mga gawain na magpapalawak sa


iyong natutunan at magbibigay pagkakataong
mahasa ang kasanayang nililinang.

Isaisip Ito ay mga gawaing magpoproseso sa iyong


mahahalagang natutunan sa aralin.

Isagawa Ito ay ang mga gawain na gagawin mo upang


mailapat ang iyong mahahalagang natutunan sa
mga pangyayari o sitwasyon sa totoong buhay.

Tayahin Ito ay pagtatasa sa antas ng iyong natutunan


ayon sa pokus na kasanayan sa modyul na ito.

2
Susi ng Ito ang bahagi ng modyul na matatagpuan ang
Pagwawasto mga sagot sa mga gawain at pagsasanay na
inihanda.

3
Subukin

Panuto: Piliin at isulat sa sagutang papel ang titik ng inyong napiling sagot.
1. Nabibigay ito ng kahulugan na ang nagsasalita ay nagsasabing siya si Ariel na
napagkamalan lamang na si Jason.
a. Hindi/ ako si Ariel. b. Hindi ako/ si Ariel.
c. Hindi ako si Ariel. d. Hindi ako, si Ariel.
2. Matamis kainin ang tubo . Paano binibigkas ang salitang may salungguhit?
a. /tu.boh/ b. /tu.bo?/
c. /TU.bo/ d. /tu.BO/
3. Anong bilang ng intonasyon na nangangahulugang pag-alinlangan?
a. 231 b. 213
c.123 d. 312
4. Ano sa tingin mong mangyayari, kung hindi nabigyan ng saglit na pagtigil sa
pagsasalita ang isang tao?
a. Mas maganda ang pagsasalita
b. Magiging mas malinaw ang pagsasalita
c. Hindi magiging malinaw ang mensaheng nais ipahiwatig
d. Walang ideya
5. Ito ang lakas, bigat, o bahagyang pagtaas ng tinig sa pagbigkas ng isang pantig
sa
salita.
a. Tono b. Diin
c. Antala d. Hinto
6. Ito ang kadalasang matatagpuan sa dulo ng isa sa huling tatlong parirala ng
bawat
berso.
a. Kireji b. Sesura
c. Kiru d. Cutting
7. Ito ang pagtaas at pagbaba ng tinig upang higit na mabisa ang pagkikipag-usap
sa
kapwa.
a. Tono b. Diin
c. Antala d. Hinto
8. Ito ay tumutukoy sa lakas ng pagbigkas sa isang pantig ng salitang binibigkas.
a. Punto b. Hinto
c. Diin d. Intonasyon
9. Isang ponemikong karakter na ang ibig sabihin ay “hiram na pangalan”.
a. Kana b. Antolohiya
c. Aristocrats d. Manyusho
10. Ito ay tumutukoy sa hinto, diin, at tono o intonasyon sa pagbigkas ng mga tunog,
salita o pahayag.
a. Ponemang segmental b. Denotatibong kahulugan
b. Konotatibong kahulugan d. Ponemang suprasegmental
4
11. Sa anong lebel ng intonasyon karaniwang nagsisimula ang pangungusap?
a. 1 b. 3
b. 2 d. 4
12. Ano ang tawag sa lebel 3 sa makabuluhang pattern sa pagsasalita?
a. mataas b. mababa
c. katamtaman d. karaniwan
13. Anong bilang ng intonasyon na nangangahulugang pagpapahayag?
a. 312 b. 231
c. 213 d. 123
14. Anong damdamin ang namayani sa pangungusap na ito: Totoo! Ang laki ng
ahas!
a. pagsasalaysay b. pag-aalinlangan
c. pagtatanong d. matinding emosyon
15. Anong bantas ang ginagamit sa pangungusap na nagsasalaysay ?
a. tuldok b. patanong
c. tuldok kuwit d. matinding emosyon

5
Pagsusuri ng Tono ng Pagbigkas
Aralin
ng Napakinggang Tanka at Haiku

1
Balikan

Isiping mabuti:
1. Ano ang ibig sabihin ng ponemang suprasegmental?
2. Anu-ano ang tatlong saklaw sa ponemang suprasegmental?

Ang ponemang suprasegmental ay makabuluhang tunog. Sa paggamit


ng suprasegmental, malinaw na naipahahayag ang damdamin, saloobin, at
kaisipang nais ipahayag ng nagsasalita. Sa pakikipagtalastasan, matutukoy
natin ang kahulugan, layunin o intensyon ng pahayag o ng nagsasalita sa
pamamagitan ng diin, tono o intonasyon, at antala o hinto sa pagbibigkas, at
pagsasalita.

Basahin ang pangungusap ayon sa hinihinging damdamin:

1. Pupunta ka sa silid-aralan.
2. Pupunta ka sa silid-aralan?
3. Pupunta ka sa silid-aralan!

Tuklasin

Tono o Intonasyon
Ang tono o intonasyon ay ang taas-baba na iniukol sa pantig ng isang
salita o pangungusap upang higit na maging malinaw ang pakikipag-usap.
Bawat tao’y may kani-kaniyang paraan ng pagbigkas upang higit na
maiparating ang mensahe.

6
Intonasyon at Makabuluhang Pattern sa Pagsasalita

mataas

normal
mababa

Karaniwang nagsisimula sa lebel 2 ang intonasyon ng mga


pangungusap, aabot ito sa lebel 3 kapag ang pahayag ay nagtatanong at
lebel 1 kapag karaniwang nagpapahayag
Halimbawa:
gu
3
Nagpapaliwanag ang
ro
2
1
Patanong:
na?
3
ka
2
ni

Pakiusap: ka

3
kumain
yo
2
1

Basahin nang wasto ang mga salita at pahayag batay sa bantas na ginamit.
A.1. Totoo? Maganda siya?
Totoo! Maganda siya.
2. Magagaling? Sila?
Magagaling sila.

B.1. May bisita tayo bukas?


May bisita tayo bukas.
2.Ikaw ang may-sala sa nangyari?
7
Ikaw ang may-sala sa nangyari.

Sagutin:
1. Ano ang pagkakatulad ng mga pahayag sa A1 at A2? Ng mga pahayag sa B1 at
B2?
2. Paano naman nagkakaiba ang mga pahayag sa A1 at A2? Ng mga B1 at B2?

Suriin

Tono / Intonasyon - Ang pagtaas at pagbaba ng tinig na maaaring


makapagpasigla, makapagpahayag ng iba’t ibang damdamin,
makapagbigay kahulugan, at makapagpahina ng usapan upang higit
na maging mabisa ang ating pakikipag-usap sa kapuwa.
Nagpalilinaw ito ng mensahe o intensyong nais ipabatid sa kausap
tulad ng pag-awit. Sa pagsasalita ay may mababa, katamtaman, at
mataas na tono. Maaaring gamitin ang bilang 1 sa mababa, bilang 2
sa katamtaman, at bilang 3 sa mataas.

Mga halimbawa:
a) kahapon = 213, pag-aalinlangan,
b) kahapon = 231, pagpapatibay, pagpapahayag
c) talaga = 213, pag-aalinlangan
d) talaga = 231, pagpapatibay, pagpapahayag

      Ayon kay Resuma (2002) ang intonasyon ay ang pagtaas at pagbaba ng tinig
sa pagsasalita, maaaring maghudyat ng kahulugan ng pahayag.
       Ayon naman kina Otanes at Shachter (1972), ang bawat pitch points ay may
tatlong natatanging pitch levels: ang mataas (3), katamtaman (2), at mababa (1)
tulad ng makikita sa halimbawa sa ibaba.
a)  Nandito siya kanina?
b)  Nandito siya kanina.
         Mapapansin ang dalawang pangungusap o pahayag ay naglalaman ng
magkatulad na sangkap maliban na lamang sa paraan ng pagpapahayag o sa
pagtaas at pagbaba ng tinig ng pagsasalita. Kapansin – pansin na ang pahayag a
mawawari natin na ang ispiker ay nagtataka o di kaya’y humingi ng pagtitiyak o
kumpirmasyon sa isang mensaheng natanggap. Samantalang kung ang pahayag b
naman ang bibigkasin, mawawaring ang ispiker ay nagsasalaysay ng isang
katatapos na pangyayari.
           Bukod dito, nag – iiba – iba ang intonasyon ng ispiker o tagapagsalita kapag
nagpapahayag. Ito ay sapagkat ang intonasyong ginagamit niya ay naaayon sa
kanyang layunin at damdamin. Tingnan natin ang sumusunod na halimbawa:
Pagsasalaysay o paglalarawan:                     Dumating sila kanina.
8
Pagpapahayag ng matinding emosyon:        Naku, may sunog!
Pagbati:                                                             Magandang umaga po.

Pagyamanin

Pagsasanay 1
Panuto: Tukuyin ang wastong tono ng bawat pahayag batay sa layunin nito.
Maaaring gamitin ang bilang 1 sa mababa, bilang 2 sa katamtaman, at bilang 3 sa
mataas.
1. kanina = ___________ , pag-aalinlangan
kanina = ____________, pagpapatibay, pagpapahayag
2. mayaman = ____________ , pagtatanong
mayaman = _____________, pagpapahayag
3. magaling = _____________, pagpupuri
magaling = _____________, pag-aalinlangan
4. kumusta = _____________, pagtatanong na masaya
kumusta = _____________, pag-aala
5. ayaw mo = _____________, paghamon
ayaw mo = _____________, pagtatanong

Pagsasanay 2
Panuto: Basahin nang may intonasyon. Isulat muli ang pahayag at lagyan ng bantas
upang mabuo ang tono.
1. Maganda talaga si Rona = pagsasalaysay
____________________________________
2. Totoo = masasagot ng Oo o Hindi
____________________________________
3. Hoy Alis dyan = pagpapahayag ng matinding
damdamin__________________________________
4. Kumusta ka = pagbati
____________________________________
5. Oo aalis na ako = pagsagot sa tanong
____________________________________

Isaisip

9
Gawain 1. Pakinggan Mo Ako
Panuto: Babasahin ng guro ang halimbawa ng tanka at haiku. Isulat sa
sagutang papel ang salitang binibigyang diin ng guro at isulat ang tono o
intonasyon sa binanggit na salita.

Tanka Haiku
Ang kabataan Ang kagubatan
Ay pag-asa ng bayan Dapat ay protektahan
Dapat ingatan Dapat ingatan
Di binabalewala
Upang may mapapala

Gawain 2. Masining na Pagbigkas

Magkakaroon kayo pagdiriwang sa “buwan ng wika”. Magsagawa


ng paligsahan sa pagtatanghal tungkol sa pagbigkas ng tanka at
haiku. Ang paksa ay tungkol sa pag-ibig. Sa iyong pagtatanghal,
tiyaking masusunod mo ang mga pamantayan:
A. Wastong bigkas ........................................................... 40%
B. Malinaw na pagbasa at interpretasyon ....................... 40%
C. May damdamin ............................................................ 20%
Kabuuan ……......................................................................100%

Isagawa

10
Panuto: Maghanap ng mga babasahin na may tanka at haiku. Suriin ang tono ng
pagbigkas ng salitang ginamit at ang kahulugan nito sa aktwal na gamit sa akda.
Mahalagang makatala ng 3 hanggang 5 salita sa bawat akda.

A. Tanka
Pamagat: ___ ____________________________
Pinagkunan/ Referens: _____________________

Salita Tono / Intonasyon Kahulugan


(1-mababa, 2-
katamtaman, 3-mataas)
Hal. talaga 213 pag-aalinlangan

B. Haiku
Pamagat: ___ ____________________________
Pinagkunan/ Referens: _____________________

Salita Tono / Intonasyon Kahulugan


(1-mababa, 2-
katamtaman, 3-mataas)

Buod
Ang modyul na ito ay nakapokus lamang sa pagsusuri ng tono sa pagbigkas
ng napakinggang tanka at haiku. Ang tono ay ang pagtaas at pagbaba ng tinig na
maaaring makapagpasigla, makapagpahayag ng iba’t ibang damdamin,
makapagbigay kahulugan, at makapagpahina ng usapan upang higit na maging
mabisa ang ating pakikipag-usap sa kapuwa. Karaniwang pattern sa tono ng
pagsasalita ang mababa , karaniwan o katamtaman at mataas.

Tayahin

Panuto: Piliin at isulat sa sagutang papel ang titik ng inyong napiling sagot.
1. Nabibigay ito ng kahulugan na ang nagsasalita ay nagsasabing siya si Ariel na
napagkamalan lamang na si Jason.
a. Hindi/ ako si Ariel.
11
b. Hindi ako/ si Ariel.
c. Hindi ako si Ariel.
d. Hindi ako, si Ariel.
2. Matamis kainin ang tubo . Paano binibigkas ang salitang may salungguhit?
a. /tu.boh/ b. /tu.bo?/
c. /TU.bo/ d. /tu.BO/
3. Anong bilang ng intonasyon na nangangahulugang pag-alinlangan.
a. 231 b. 213
c.123 d. 312
4. Ano sa tingin mong mangyayari, kung hindi nabigyan ng saglit na pagtigil sa
pagsasalita ang isang tao?
a. Mas maganda ang pagsasalita
b. Magiging mas malinaw ang pagsasalita
c. Hindi magiging malinaw ang mensaheng nais ipahiwatig
d. Walang ideya
5.Ito ang lakas, bigat, o bahagyang pagtaas ng tinig sa pagbigkas ng isang pantig sa
salita.
a. Tono b. Diin
c. Antala d. Hinto
6.Ito ang kadalasang matatagpuan sa dulo ng isa sa huling tatlong parirala ng bawat
berso.
a. Kireji b. Sesura
c. Kiru d. Cutting
7.Ito ang pagtaas at pagbaba ng tinig upang higit na mabisa ang pagkikipag-usap sa
kapwa.
a. Tono b. Diin
c. Antala d. Hinto
8. Ito ay tumutukoy sa lakas ng pagbigkas sa isang pantig ng salitang binibigkas.
a. Punto b. Hinto
c. Diin d. Intonasyon
9. Isang ponemikong karakter na ang ibig sabihin ay “hiram na pangalan”.
a. Kana b. Antolohiya
c. Aristocrats d. Manyusho
10. Ito ay tumutukoy sa hinto, diin, at tono o intonasyon sa pagbigkas ng mga tunog ,
salita o pahayag.
a. Ponemang segmental
b. Denotatibong kahulugan
c. Konotatibong kahulugan
d. Ponemang suprasegmental
11. Sa anong lebel ng intonasyon karaniwang nagsisimula ang pangungusap?
a. 1 b. 3
c. 2 d. 4
12. Ano ang tawag sa lebel 3 sa makabuluhang pattern sa pagsasalita?
c. mataas b. mababa
c. katamtaman d. karaniwan
13. Anong bilang ng intonasyon na nangangahulugang pagpapahayag?

12
a. 312 b. 231
c. 213 d. 123
14. Anong damdamin ang namayani sa pangungusap na ito; Totoo! Ang laki ng
ahas!
a. pagsasalaysay b. pag-aalinlangan
c. pagtatanong d. matinding emosyon
15. Anong bantas ang ginagamit sa pangungusap na nagsasalaysay ?
a. tuldok b. patanong
c. tuldok kuwit d. matinding emosyon

Karagdagang Gawain
Gawain 1: Gawa Ko, Suri Ko
Panuto: Sumulat ng isang tanka at isang haiku.

Tanka Haiku

Sagutin:
1. Tungkol saan ang paksa sa ginawang tanka at haiku?
2. Bigyan ng paliwanag kung paano bibigkasin ang bawat taludtod nito ayon
sa layunin o mensahe nito.
3. Ilista ang mga salitang binigyan mo ng diin.

Susi ng Pagwawasto

Subukin
1. a. 6. a. 11. c.
2. d. 7. a. 12. a.
3. b. 8. c. 13. b.
13
4. c. 9. a. 14. d
5. b. 10. d. 15. a

Pagyamanin
Pagsasanay 1
1. 213, 231
2. 213, 231
3. 123, 213
4. 123, 132
5. 123, 213
Pagsasanay 2
 Nasa guro ang pagpasya kung ano ang tamang sagot

Isaisip
Gawain 1 at 2
 Nasa guro ang pagpasya kung ano ang tamang sagot

Isagawa
 Nasa guro ang pagpasya kung ano ang tamang sagot

Tahayin
1. a. 6. a. 11. c.
2. d. 7. a. 12. a.
3. b. 8. c. 13. b.
4. c. 9. a. 14. d
5. b. 10. d. 15. a

Karagdagan Gawain
 Nasa guro ang pagpasya kung ano ang tamang sagot

Sanggunian

Peralta, Romulo N., et.al. Panitikang Asyano Kagamitan ng Mag – aaral sa Filipino
9. Department of Education- nstructional Materials Council Secretariat, Pasig City:
Vibal Group Inc., 2013.

Internet:
Brainly.ph/question
14
Siningfilipino.blogspot.com/2012/09/mga ponemang suprasegmental

www.rexinteractive.com. Filipino Baitang 9, ikalawang markahan. Supplemental


lessons

www.slideshare.net

15
For inquiries and feedback, please write or call:
DepEd Division of Iligan City
Office Address:General Aguinaldo, St., Iligan City
Telefax:(063)221-6069
E-mail Address:iligan.city@deped.gov.ph

16

S-ar putea să vă placă și