Sunteți pe pagina 1din 11

Amaya School of Home Industries

Sahud-Ulan, Tanza, Cavite

PAGPAPLANO NG PAMILYA

Isinumite ni:
Sherna Lou B. Sanchez IV- Sampaguita

Isinumite kay:
Bb. Joanne A. Talactac Guro, Filipino IV

T.P. 2011 2012

PAUNANG SALITA
May paniniwala ang mga Pilipino na ang pagkakaroon ng mga anak ay isang kayamanan ng isang pamilya. Para sa mag-asawang may ganitong paniniwala ang pagkakaroon ng supling ay kanilang itinuturing na isang biyaya ng Diyos. Ang mabilis na paglaki ng populasyon ng bansa ay isang malaking suliranin ng ating bansa sa pag-unlad ng kabuhayan ng mag-anak. Dahil dito, mahalagang sugpuin ang dami ng tao sa pamamagitan ng pagplanong pamilya. Layunin ng sulating ito na mas maging epektibo ang mga paraan ng pagplano ng pamilya sa pamamagitan ng tamang paraan. Ilan sa mga layunin nito ay ang mga sumusunod:  Matukoy ang patlang sa panganganak at bilang ng anak na nais ng mag-asawa.  Maiwasto at mapabuti ang uri ng pamumuhay ng pamlya.  Mabigyan ng mabuting kalusugan at wastong edukasyon ang mga anak sa isang pamilya.  Mabigyan ang mga anak ng katatagan sa buhay.  Makilala ng mga anak ang pagmamahal ng kanilang mga magulang.

Saklaw ng sulating ito ang paglaki ng pamilya, masamang bunga ng pagkakaroon ng malaking pamila at ang epekto nito.

ii

PASASALAMAT

Una sa lahat, aking pinasasalamatan ang ating Poong Maykapal sa kadahilanang niloob niyang matapos ko itong sulating pananaliksik. Sa aking guro sa Filipino IV na si Bb. Joanne A. Talactac na nagpakita ng kabutihan at walang sawang nagturo sa amin sa kabila ng aming kakulitan at kaingayan. Gayundin, sa aking mga kaibigan na walang sawang tumulong sa akin upang magawa ko ang sulating pananaliksik na ito. Nagpapasalamat din ako sa kanilang pagsuporta lalo na sa oras ng aking pangangailangan. Gayundin, sa panahong ginugol nila sa akin para maghanap ng mga impormasyon tungkol sa paksa na aking tatalakayin. Taos puso rin akong nagpapasalamat sa aking mga kapatid na tumulong rin sa akin sa paghahanap ng mga datos. Sa aking inspirasyon na nagiging dahilan kung bakit nais kong gawin ang bagay nai ito. Higit sa lahat, lubos akong nagpapasalamat sa aking mga magulang na walang sawang sumusuporta sa aking pangangailangang pinansyal at sa tulong na kanilang ibinigay upang matapos ko ang sulating pananaliksik na ito. Maraming salamat po.

iii

TALAAN NG NILALAMAN
Paunang Salita . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . ii

Pasasalamat . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . iii

Katawan ng Sulating Pananaliksik

I. II.

Kahulugan ng mga Termino . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . 1 Pinagmulan ng Pagpaplano ng Pamilya . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . 2 A. Mga Artikulo sa Pagpaplano ng Pamilya

III.

Paglalahad ng Datos . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . 4 B. Bahagdan ng Populasyon ng Pilipinas C. Bilang ng Mag-asawa na Nagpaplano ng Pamilya

IV. V.

Analisis at Interpretasyon . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . 5 Konklusyon at Rekomendasyon . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . 6

Bibliyograpi . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . iv

Kahulugan ng Mga Termino


Pagpaplano ng Pamilya ito ay ang pagbibigay ng patlang sa pagkakaroon ng anak.

Artipisyal na Paraan tumutukoy sa paggamit ng ilang mga bagay na makakapigil sa obulasyon ng babae o makakapigil sa pagdaloy ng similya ng lalaki patungo sa matris ng babae.

Natural na Paraan tumukoy sa pagpigil ng mag-asawa sa pagtatalik sa panahongang babae ay maaaring magkaroon ng anak.

Pinagmulan ng Pagpaplano ng Pamilya


Ang pagpaplano ng pamilya ay pinapayo sa mga nagpaplanong magsipag-asawa. Ito ay bahagi ng mapanagutang magulang na nangangahulugan ng paglalaan ng tamang pangangalaga para sa mga anak. Mahalaga ang pagpaplano ng pamilya sa pagkakaroon ng maayos na pamumuhay, mabuting edukasyon, malinis at maayos na kapaligiran. Ito ay malaking tulong sa isang bansa upang makamtan ang layunin nitong mapaunlad ang isang bansa.

Maraming dahilan ang maaring magbunsod sa isang mag-asawa upang mapag-pasyahan ang pagitan ng pagsilang ng mga anak tungo sa pagkakaroon ng maliit na pamilya. Sa mga bagong kasal, maaaring hindi muna nila nais magka-anak upang matustusan ang isang pamilya at maibigay ang lahat ng pangangailangan ng isang anak.

Bagamat pang-kalupaan at pang-mundo ang konsepto ng pagpaplano ng pamilya, hindi ito iginigiit sa isang indibidwal. Ito ay isang bagay na ang mag-asawa lamang ang dapat magpasya para sa ikauunlad ng sariling pamilya, pamayanan at bansa.

y MGA ARTIKULO SA PAGPAPLANO NG PAMILYA


ARTIKULO XV, SEKSYON 1 Ito ay nangangalaga sa karapatan ng mag-asawa na magtatag o magbuo ng pamilya alinsunod sa kanilang paniniwalang panrelihiyon.

ARTIKULO XV, SEKSYON 2 Kinikilala ng Estados Unidos ang pamilyang Pilipino bilang pundasyon ng bansa.

ARTIKULO XV, SEKSYON 3,4 Dito pinagsasangalang estado ang karapatan ng mga pamilya at ang mga sosasyon nito na lumahok sa pagpaplano at pagpapatupad ng mga patakaran at mga programang nakakaapekto sa kanila.

ARTIKULO II, SEKSYON 12 Kinikilala ng estado ang kabanalan ng buhay ng isang pamilya kung kaya nakahanda itong pangalagaan at patatagin ang pamilya bilang sandigan at

malayang institusyon.

PAGLALAHAD NG DATOS
Ang mga datos na narito ay nagsasaad ng ilang talaan ng bahagdan ng may pamilyang gumagamit ng mga paraan ukol sa pagpaplano ng pamilya. Ang mga bahagdan na nakasaad dito ay hinango lamang sa talaan ng mga opisyales na magsaliksik batay sa pagpaplano ng pamilya.

Bahagdan ng Populasyon ng Pilipinas

TAON

BILANG

BAHAGDAN

2001

38 620 000

33%

2003

48 098 460

65%

BILANG NG MAG-ASAWA NA NAGPAPLANO NG PAMILYA

TAON

BILANG

BAHAGDAN

1991-2001

99 965

32%

2002-2003

399 576

45%

ANALISIS AT INTERPRETASYON
Batay sa datos na nakalap, napag-alaman o nakita ang bilang ng populasyon ditto sa ating bansa. Dahil dito tunay na masasabing mabilis ang paglaki ng populasyon dito sa ating bansa. Ang mabilis na paglaki ng populasyon ng ating bansa ay nakakapinsala sa kabuhayan at panlipunang pag-unlad nito. Ito ang magiging hadlang sa mga balak na maisakatuparan ang mga palatuntunang magbibigay ng kaginhawaan at kaunlaran sa mga mamamayan. Tunay na tunay na ang labis na pagdami ng sangkatauhan ay nagbibigay ng malubhang suliranin sa mga namumuno ng bansa.

Sa taong 2001, ang bilang ng populasyon sa bansang Pilipinas ay umabot na sa bilang na 38 620 000 at ito y may katumbas na 60%. Sa taong 2003 naman, ang bilang ng populasyon ay umabot na sa 48 098 460 na may katumbas na 65%. Makikitang halos kaunti lang ang nagiging deperensya ng bilang sa mga nasabing taon. Ngunit ito y patunay na mabilis talaga ang paglaki ng populasyon sa ating bansa.

Nakasaad din sa ginawang datos ang bilang ng mga mag-asawang nagplano ng pamilya o gumagamit ng mga paraan ukol sa pagpigil ng paglaki ng pamilya. Sa taong 1999-2001, ang bilang ng mga mag-asawang nagpaplano ng pamilya ay halos umabot na sa bilang na 99 965 o may 32%; ang bilang naman sa taong 2002-2003 ay may bilang na 399 576 o katumbas na 45%. Dito isinasaad lamang na naging epektibo ang pagpaplano ng pamilya sa kabila ng patuloy na paglaki ng populasyon sa ating bansa.

KONKLUSYON AT REKOMENDASYON
Ang kawalan ng sapat na kaalaman upang maiwasan ang mabilis na pagdami ng tao ay isa sa dahilan kung bakit nadaragdagan ang mga suliranin sa pagkain, hanapbuhay, kalusugan, pabahay at iba pang pangangailangan ng mga anak. Dahil dito, an gating pamahalaan ay dapat magtatag ng mga patakarang pang-populasyon para sa ating bansa.

Bawat isa y nararapat lamang na malaman ang kahalagahan ng pagpaplano ng pamilya upang maunawaan nila ng lubos ang tunay na kahulugan ng pagpaplano nito. May tamang pamamaraan na makakapigil sa madalas na pag-aanak na dapat matutunan ng isang mag-asawa.

BIBLIYOGRAPI
Anderson O. L. Health Principle and Practices 6th Edition, St. Louis the C.V. Mosby Company, 1970 Palatuntunan ng Edukasyon Pang-populasyon 1977 Transisyon Damagrapika at iba pang mga Paksang Pang-Populasyon Sangguniang Aklat Para sa Mataas na Paaralan, Manila Kagawaran ng Edukasyon at Kultura Tagle, Ramon Jr. Towards Responsible Parenthood and Family Life Philippines Social Communication Center, 1974

iv

S-ar putea să vă placă și